ebangmakata
ebangmakata
Tumblr ni Eba. :*
149 posts
Ako si EBANG MAKATA. :) Ang Kalog at Prangkadoraa ng Planetang Ewan. Masayahin, palangiti, magaling kumanta?! Echosera ko! HAHA ;D Seniors|16|Catholic|Singer in the restroom|Fun to be with|I trust GOD. Ang blog na ito ay Taglish. Bongga diba?Hahaha :D PUSONGPINOY!
Don't wanna be here? Send us removal request.
ebangmakata · 11 years ago
Text
Diary ni Eba.
Pag-ibig ♥ Ang biyahe ng buhay natin ay maraming kalakip na kasiyahan at kalungkutan. Parang sa pagsakay mo ng dyip o jeepney hindi mo alam na ang katabi mo na pala ang matagal mo ng hinahanap na magpaparamdam sayo na espesyal ka sa kanya. Mayroon din namang mga taong may mabigat palang dinadala, may ibang kuntento na, at may patuloy na lumalaban. Sa dyip mo makikita ang iba't - ibang klase ng tao. Hindi mo nga sila kilala pero lahat kayo pare-parehas na may pinaglalaban, at pinagdadaanan. Parang sa pag-ibig, nandiyan na ang tamang tao nakatabi mo na pero sa maling tao ka parin napunta. Bakit? Dahil sa hindi mo masasabi kung kailan mo siya makikita walang saktong oras, at araw. Kung kayo talaga sa isa't - isa tadhana na mismo ang hahanap ng panahon at paraan para magsalubong kayo. Maaaring hindi mo agad siya makita at imbes mapunta sa maling tao, huwag kang mag-alala dahil hindi lahat ng napupunta sa maling tao ay mali ng ibigin siya dahil una sa lahat pinili at ginusto mo rin yan. Dahil ang puso ay hindi nadidiktahan kundi marunong matuto. :'')
1 note · View note
ebangmakata · 12 years ago
Text
Diary ni Eba.
Assume ng assume, Ano napala mo ngayon?
Alam kong ang salitang "ASSUME" "ASSUMING" ay ang matunog na salita na madalas mabanggit ng mga kapwa ko kabataan. "Wag ka kasing mag-assume agad na may gusto siya sayo porke sweet siya" yung mga ganyang linya ang madalas sambitin ng kabataan. Totoo nga naman wag kang mag-assume na may gusto na sayo ang isang tao porke matamis ang pinapakita niya sayo. Malay natin ganun pala talaga siya sweet sa kahit sinong tao maski kauri niya pa yan, di kaya naman kasama yun sa madilim niyang plano. Madilim na plano? Alam mo na.. yung sasaktan ka lang at paaasahin, mga taong paasa. Kaya ang pinakamagandang gawin ay iwasang mag-assume o kung maaari wag na wag mag-assume. 
1 note · View note
ebangmakata · 12 years ago
Text
Diary ni Eba.
We used to be BEST FRIENDS. 
Kay hirap isipin na parang kahapon lang, nagtatawanan kayo. Masayang nag-aasaran, at nag-chichikahan ngunit ngayon biglang nagbago ang lahat. Nawala ang lahat ng mga magagandang pinagsamahan sa isang iglap, dahil sa isang maliit na kasalanan. Minsan kapag nasira na o may crack na ang friendship, wala ng pag-asa pang maibalik ito sa dati. Ang pinaka-mahirap sa ganitong sitwasyon ay ang hindi mo na nakakausap ang mga taong madalas mong makausap sa masasaya at malulungkot na araw ng buhay mo noon. 
--
TUNAY NA KAIBIGAN ~
1 note · View note
ebangmakata · 12 years ago
Text
Diary ni Eba.
Manhid ka, Manhid siya. Teka! Sino ba talaga? Patayan na oh.
Tumblr media
0 notes
ebangmakata · 12 years ago
Text
Diary ni Eba.
Firstration Day. Frustration lang naman inabot ko nung first day. Hihi! Asa tricycle nako papuntang school at may sumakay sabi ba naman sakin, "Ate, freshmen ka?" Opo. "Ah.. pagkakaalam ko "Wash Day" ngayon. Huwaaaat? Halaaaa, Pano to? "Kung gusto mo umuwi ka na lang at magpalit?" Taguig pa ko. Hanggang sa yun na nga bad trip ang first day. Buraot! Ang hirap pang sumakay sa mga "tricycle na lowered." May takong pa sapatos mo, nagkapaltos na nga paa ko. O diba. Happy! Haha :D Ang masaklap pa ako lang naka-uniform sa babae, meron din atang lalaki. Dalawa ata kami, Kahiya. Pagtitinginan ka na may libre pang instant sikat ka na. Ako naaaa! Ka-Frustate ang Firstration day of College Life ko. Memorable, Pre. ;) Moral lesson: "Huwag ma-excite ng sobra-sobra at magsuot ng uniform sa first day kung wash day minsan tanong tanong at kinig kinig din sa orientation pag may time."
0 notes
ebangmakata · 12 years ago
Text
Diary ni Eba.
Buhay Kolehiyana. College nako, at sa wakas eto na ang last stage ko sa pag-aaral. Masaya kung iisipin, kasi gusto ko ng magtrabaho. In short magka-pera HAHA! :D Pero sympre kung may ginhawa, may hirap muna. Parang pag-aaral kung may pangarap, mag-aral maigi.
0 notes
ebangmakata · 12 years ago
Text
Diary ni Eba.
Hello sa magaganda at gwapong magbabasa po nito.
"Ball Pen" 
May kwento ako, meron akong kwento.. meron akong kwento. Ngayong May 17, 2013 ang araw ng pagkuha ko ng result sa RTU ng aking x-ray. Waha! Edi maaga akong gumora, nagtiis sa napakahabang pila. Pero bago ako pumila akalain mong may naglakas loob na isang lalaki na manghiram ng ballpen sa akin. Hindi ko naman sinasabing bawal, pero kasi diba. Ngunit wala na akong nagawa kundi magpahiram. Ano pa?! Pangit naman kung irapan mo at isipin ano ba to mag-aaral walang ballpen, o kaya naman dedmahin ko. Ambad naman, atsaka baka bumalik pa sayo ito "Karmahin." Binigay ko yung ballpen sabay ngiti. :) Pumasok nako at pumila. Habang nasa loob ako iniisip ko siguro hindi na ibabalik ng lalaking iyon yung ballpen ko. Akalain mo binalik niya pagpasok niya hinahanap niya yung babaeng napakabait at saksakan ng bait na nagpahiram ng ballpen niya. Una, hindi ako nagpapahalata na tinitingnan ko siya kung ibabalik niya ba ang aking "BALL PEN"  at yun nga bigla ba namang "Miss, yung ball pen mo." Samantalang ako smile lang, pero totoong smile naman yun hindi plastik. Walang halong ka-plastikan, na-amaze rin naman ako. Bihira yung mga ganun, yung mga taong nagbabalik talaga ng ball pen na hindi sa kanila. Tapos ko ng kunin ang result ng aking x-ray, akalain mo nga naman. May nanghiram uli sakin ng ball pen, nanaman. :') Nakapila nako para sa dental check-up at may kailangang i-fill out sabay kumukuha palang ako ng ball pen hindi ko pa nagagamit as in kukunin palang yung katabi ko na isa paring lalaki na tamad magdala ng ball pen o walang pambili nginitian niya na ako at sabi ko "Bakit?" "Pwede mahiram ball pen mo wala kasi akong ballpen" Sabi ko "Osige pero gagamitin ko muna, nagkamali kasi ako" sabay ngiti. Ang weird niya naka-iphone, pero walang ball pen. Kapag may Iphone, dapat wala ng ball pen. Yung totoo? Naka-bili nga ng Iphone. Big time eh, bili bili rin pag may time ha. Wihi Peace Yow! :''> 
0 notes
ebangmakata · 12 years ago
Text
Diary ni Eba.
Yung lalaking makapal ang kilay. Like! :)
0 notes
ebangmakata · 13 years ago
Text
Diary ni Eba.
Hangga't maaga, Mag-isip! Sundin ang nararapat. :')
Kailangan pigilan mo ang feelings na nararamdaman mo para sa kanya. Mahirap mag-assume, kaya habang maaga pa kalma lang. Kung sa tingin mo mas maganda kung kaibigan ang turing niyo sa isa't-isa edi Go! :D 
0 notes
ebangmakata · 13 years ago
Text
Diary ni Eba.
Yung feeling na gulong-gulo utak mo. 
0 notes
ebangmakata · 13 years ago
Text
Diary ni Eba.
WOOHOOO! Magandang Gabi Pilipinas. :'*
0 notes
ebangmakata · 13 years ago
Text
Diary ni Eba.
Hindi masamang mangarap ng sandamakmak. 
0 notes
ebangmakata · 13 years ago
Text
Diary ni Eba.
Bagong Taon, Bagong Buhay! 
0 notes
ebangmakata · 13 years ago
Text
Diary ni Eba.
May mga bagay talaga na kailangan mong tanggapin kahit mahirap. Sa huli matututunan mo rin itong tanggapin. :']
0 notes
ebangmakata · 13 years ago
Text
Diary ni Eba.
 Hindi masamang maging "Walang Hiya" paminsan-minsan. 
1 note · View note
ebangmakata · 13 years ago
Text
Diary ni Eba.
May mga araw talaga na nasa lugar ang boses mo. Yun bang, feeling mo singer ka na. 
0 notes
ebangmakata · 13 years ago
Text
Diary ni Eba.
Bati na kami, kanina lang.  
     Masaya lang kasi bati na kami, na kung tutuusin mahigit isang buwan kaming hindi nagpapansinan. Nagalit ako dahil sa sinabi niyang salita na "Bahala nga kayo." Teacher's day kasi nun i-susurprise namin dati naming adviser. Gutom na ako kaya kumain muna ko. Tapos lumapit siya sabi niya "Francia, halika na punta na tayo kay ma'am." Sagot ko naman "Wait lang ubusin ko muna tong kinakain ko, wait niyo lang ako. Gutom na kasi ako." Okay umalis muna siya habang ako tinatapos kong ubusin yung pagkain ko. Maya-mayang konti bumalik nanaman siya inulit nanaman yung sinabi niya, nainis na ako dahil nga sa nagsabi naman ako na "Wait lang." Pagtalikod niya sabi niya "Bahala nga kayo." Kayo, ibigsabihin kasama ako. Kaya nagalit nako at hindi na siya pinansin. Sige na sabihin niyo na ambabaw. Nung araw ding yun nag-sorry siya, pero ako naman dedma ng todo. Oo! Ma-pride ako. Alam ko naman, hindi nga siya tumitigil na humingi ng sorry. Hanggang sa dumating na namimiss ko na din siya kaso nga lang nahihiya nako na lumapit sa kanya. Eto na nga dumating ang moment, pinag-partner partner kami para sa hair styling nagkataon siya pa ka-partner ko. Nung una sabi ko sa sarili ko "Hala, Bat siya pa? Eh mag-kaaway nga kami." Yun na nga naging awkward nung umpisa kinakausap niya ako pero hindi ako makapag-salita. Siya kumakausap sakin kaya hindi ko na napigilang magsalita. Inayusan niya ako ng buhok at yun na nga ang sign na "Bati na kami" kinakausap ko na siya kapag may sinasabi siya. Hanggang sa hindi na awkward balik na uli sa dati.  May nakakita na pinansin ko siya, sabay nagtinginan sila sakin. Sabi ko "Bati na kami, kanina lang."  :') 
0 notes