eleazarsayon-blog
eleazarsayon-blog
Eleazar Sayon
3 posts
Ambot
Don't wanna be here? Send us removal request.
eleazarsayon-blog · 8 years ago
Video
tumblr
Kamo na lang bahala mag-intyende ah.
0 notes
eleazarsayon-blog · 8 years ago
Text
ESPORTSPES
Nung intrams ang una kung sinalihan ay basketball ngunit hindi ako pinalad na mapasama sa mga magagaling dahil kapag nasama pa ako sa laro ay bako malampaso ko pa yung mga kalaban ng walang awa. Kusang umalis nalang ako dahil ang skills ko raw ay higit na sa standards na hinihigi ng laro at pang NBA na daw ako. Kaya nagdesisyon nalang akong sumali nang table tennis (>implying meron). Kaso nakita ko na ang mga kalaban ay parang mga mangangain ng bola kaya umalis na lang ako. Sumali nalang ako ng cheerdance. Sumali ako dahil ako ang magiging alas sa pagkakapanalo ng aming strand. Ang aking ginawa ay ang magbuhat ng props, at naniniwala ako na dahil sa kamangha-mangha kong kontribusyon sa cheerdance, ay nanalo kami. Nagpapasalamat ako dahil natanggap namin ang kampeonato. Kinabukasan, maaga pa ako nun dumating. Dahil wala pang tao sa room namin, nagpasya akong maglinis at incidentally, napansin kung dumaan yung Disciplinary Officer na may ngiti sa kanyang mga mukha. At dahil dun, natanggap ng section namin yung Ananian Spirit Award dahil taglay ko ang mga values ng isang Ananian: Christ-centered, Honest, Excellent, Disciplined, Patriot, Steward, Socially Aware at nalimutan ko yung isa.. Sa ikatlong araw, (nalimutan ko ang araw na yun at ang petsa basta Biyernes yun), may sinalihan ako upang maipakita ang inner potential within me as stated by Aristotle in his philosophy (Ang lalim nun ha?): sumali ako sa DODGEBALL. Habang naglalaro, ako ang lagi nilang pinupuntirya, bagama’t alam nila siguro na ako ang pinakamagaling umiwas. Ngunit ang kanilang pag-release ng projectile motion ay hindi umubra sa’king mga skills na umiwas sa bola. Possesed ko yung Holy Spirit plus yung mindset ko na locked sa Theory ni Einstien about Special Relativity na nagsasaad tungkol sa light speed. At... nakakapagod na magtype kaya paalam.
0 notes
eleazarsayon-blog · 8 years ago
Text
"Sa Bongbong's, Tanan Manamit"
Nang nagfieldtrip kami, ang una naming pinuntahan ay ang La Consolacion College kasama ng ibang strand ng Senior High School. Marami kaming natutunan sa kanila tungkol sa kung papaano magpalakad at maghanap ng trabaho sa isang bansa ang mga estudyante nila doon. Pagkatapos nun ay pinasyal kami sa kanilang mga pasilidad. Pagkatapos naming pumunta ng LCC ay pumunta kami sa Nena’s Rose Kainan upang kumain dahil gutom na gutom na kami kaya’t ng dumating na kami dun ay kumain na kami kaagad. Nabusog kami dahil sa rami ng unli rice na naubos namin. Pumunta naman kami pagkatapos sa Bongbong’s at nung nandoon na kami ay gumawa kami ng piaya. Marami kaming nagawa na piyaya dun at nag-enjoy talaga kami dun. Pagkatapos naming gumawa ng piaya ay binigyan kami ng talk tungkol sa kung saan nagsimula ang naturang kompanya at kung sino ang nagtatag nito (obviously, si Bongbong yun, otherwise why would they name it after that name?). Dahil basta sa Bongbong’s, TANAN MANAMIT!! Pagkatapos naming dumaan sa Bongbong’s, napapunta naman kami sa Panasiatic Solutions. Doon namin nakita kung ano kaganda at kaayos. Ipinasyal kami ng mga tauhan nila (na puro disiplinado at English-speaking) at ipinakita sa amin kung ano kaayos ang mga rooms doon. Sa panghuli, pinayagan kaming gumala sa SM para kumain, maglaro, at mamasyal. Ang saya namin dun. Kami ay akyat-panaog, paikot-ikot, at pagala-gala kaya pag-uwi namin ay sobra kaming pagod. Marami akong natutunan sa mga pinuntahan namin at ang saya namin dun. At diyan nagtatapos ang aking salaysay... (Na hindi man lang umabot ng 300 salita)... Dundundundun
0 notes