elijae
elijae
Elijah Blogs
1 post
STEM Student of XI- St. Chrysostom
Don't wanna be here? Send us removal request.
elijae · 5 years ago
Text
“Paano ko hinarap ang mga pagsubok sa kabila ng pandemya ngayon”
Sa panahon ngayon marami na tayong mga paghihigpit na binigay sa atin. Dahil sa pandemya, lahat ng ating ginagawa sa labas noon ay ginagawa nalang natin saloob. Sa unang tingin, isa itong magandang ideya. Hindi na tayo lalabas sa ating bahay upang pumunta sa paaralan. Pwede na tayo gumawa ng mga projekto at mga gawain sa anumang oras na gusto natin. Maganda diba? Ngunit ang hindi natin mabatid ay ang mga epekto sa pagiging "quarantined" sa loob ng mahabang panahon sa katagalan.
Kapag mananatili tayo sa loob lamang ng ating mga bahay, hinahadlangan tayo sa pakikihalubilo sa iba. Maapektuhan ang ating mental health, at kung na apektuhan ito, maapektuhan din ang ating kagawaan sa pag-aaral. Sa ganitong paraan, mayroong itong domino effect. Kapag ang isa ay hindi gumagama, lahat din hindi gagana. Nasasabi ko ito dahil naranasan ko din ito ngayon. Ngunit, mayroon din akong ginawa upang matagumpayan ko itong pagsubok. Dahil mahal ko kayong mga mambabasa, maglalahad ako ng ilan sa mga ginawa ko sa inyo.
1. Magnilay  
Tumblr media
Magnilay ka muna paminsan-minsan. Maghanap ng lugar na tahimik at mapayapa. Tapos mag 'breathe in, breathe out' ka diyan. Iwasan ang sobraang pag-iisip. linisin at ipagpahinga mo muna ang iyong utak. Gawin ito sa loob ng 3-5 na minuto hanggang gumaan na ang pakiramdam ng iyong buong katawan. Maganda itong gawin dahil maiilabas mo ang lahat ng stress na iyong nararamdaman.
2. Pangasiwaan mo maigi ang iyong oras
Tumblr media
Kung marami ang mga ipinagagawa sa iyo, tulad ng mga gawain sa bahay at sa paraalan, dapat mong planuhin ng maayos ang mga gagawin mo sa isang araw. Gumawa ka ng isang “check-list” at isulat mo ang iyong mga gawain at kung anong oras gusto mo ito gustong gawin. I-maximize ang iyong oras, gawin lang sa isang tiyak na oras ang isang gawain. Kapag gumawa ka nito, hindi masasayang oras mo. 
3. Pahinga ka muna 
Tumblr media
Magpahinga ka muna Kung ikaw ay pagod, ipagpahinga mo muna ang iyong sarili. Huwag pilitin ang iyong sarili na gumawa ng anumang gawain kapag pagod ka na. Ang pagpapahinga ay makakatulong sa iyo na mabawi ang lahat ng lakas na nawala sa buong araw. Tandaan na huwag magpuyat dahil maaari itong makasira sa iyong iskedyul ng pagtulog at marahil maging sa iyong kalusugan. Kapag nakapagpahinga kana ng maayos, maaari mong ulit gawin ang anumang gawain na nais mong gawin.
4. Kausapin ang mga taong malapit sayo
Tumblr media
Kausapin ang mga kaibigan o minamahal sa buhay. Ibahagi sa kanila ang lahat ng mga bagay na nararamdaman mo. Ang pakikipag-usap sa kanila ay makakatulong na pakawalan ang lahat ng mga pasanin at alalahanin na nararamdaman mo sa buong panahon ng pandemya. Buksan ang inyong sarili sa kanila at ipakita na kailangan mo ang kanilang mga saloobin at tulong. Maaari ka nilang bigyan ng isang bagay na nakapagpapasigla upang magpatuloy kang maging masigla.
5. Gawin ang mga libangan na nais mong gawin 
Tumblr media
Mayroon ka bang mga libangan? Kung mayroon man, gawin ito! Ang pagtangkilik sa mga libangan na mayroon ka ay ay makagambala sa iyong isip sa lahat ng mga bagay na nangyayari. Kung wala, ito ang oras mo para makahanap ng isa. Dahil mayroon kang maraming oras, tuklasin kung ano ang gusto mo. Sumubok ng isang bagay na hindi mo akalain na gagawin mo. Sulitin ang iyong oras!
6. Makinig ka ng mga musika 
Tumblr media
Maaaring hindi mo ito alam, ngunit ang musika ay nakakaapekto sa ating mga damdamin. Subukang muling makinig sa musikang nagustuhan mo dati. Maaari mo ring gamitin ang oras na ito upang makatuklas ng bagong musika ng bagong mga artist mula sa iba't ibang parte ng mundo. Walang katapusan ang mga posibilidad para sa mga mahilig sa musika 
Iyon ang ilan sa mga paraan na ginawa ko upang makaya ko ang buong pandemiya. Sana binigyan ko kayo ng sapat na mga ideya para makayanan mo rin ito. Palaging tandaan na manatiling ligtas at manatiling malusog. Maraming salamat sa pagbabasa. : D 
1 note · View note