Tumgik
elysiiiii-blog · 7 years
Text
Comearines Sur
Isa lang naman ito sa aking mga lugar na napuntahan sa ating bansa.Napakaganda ng mga tanawin dito,hindi lang tanawin ang maganda dito kundi pati ang mga kaugalian ng mga mamamayan dito .Napakaraming makikitang nakakaginhawa sa mata katulad ng mga palayan nila na napakalaki at linis,at ang mumura pa ng mga bilihin sa kanila katulad ng mga damit,tinapay,daing,fried siopao,atbp.
At ang pinaka masaya kong napuntahan dun ay ang isang isla na kung saan napaka linaw ng tubig at mababaw pa at napakaputi pa ng buhangin. At katamtaman lng ang lamig ng tubig.Maraming ring lugar kung saan maganda ang mga shots o kuha sa camera.
At eto pinaka natuwa ako kse nakapunta na ako sa Bulkang Mayon na kung saan pinagmamalaki ng ating bansa sa kanyang taglay na kaperpektuhan sa hugis.Nadarama ko ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata sapagkat napuntahan ko na ang pinakaperpektong bulkan na pinagmamalaki ng ating bansang Pilipinas. 
1 note · View note
elysiiiii-blog · 7 years
Text
Ano nga ba ang inaasahan ng mga tao na katangian ng isang Pangulo?
IAno nga ba dapat ang inaasahan ng mamamayan na katangian ng ating Pangulo? Ano nga ba ang dapat katangian nito(Pangulo)?Sabagay mahilig lang talaga ako umasa . Papaano nga ba maniniwala ang mga mamamayan dito? Meron nga bang paasa sa bayang ito? Kung meron sino?
Inaasahan ng ating mamamayan sa bansang Pilipinas ang pagiging mabuti mg isang Pilipino . Sapagkat,makabubuti ito sa kapakanan ng bansa,inaaasahan din na maging pasensyoso ito,nakakapapangit kasi sa isang namumuno ang masyadong mapusok at hindi padalos-dalos sa kanyang mga nagigimg desisyon,sa kadahilanang naaapektuhan ang ating bansa at ng mga mamamayan dito sa Pilipinas.Inaasahan din na maging mapagmatyag sya sa lahat.Inaasahan din na maging patas ito sa mga taong nakapaligid ata nanganagailangan sa kanya,may iba kasi na mga kakilala at mga nakatataas lang ang nagkakamit ng hustisya,papaano naman yung iba?
Dapat din na maging tagapakinig ito (ang Pangulo) at bukas ang isipan sa mga bagay-bagay na gustong ipahatid nga sambayanang Pilipino.Dapat di na napagtutuunan niya ng pansin ang mga problema ng bayan,hindi puro usapang pag-ibig ang pinag-iiisip.
Maniniwala ang mamamayan sa Pangulo kung tutuparin niya ang kanyang mga pangako niya sa sambayanang Pilipino,hindi katulad ng iba diyan na papanga-pangako lagi namang napapako.Maniniwala rin ang mga Pilipino kung gagawin o mapapanindigan niya ang kanyang plataporma,dapat naman talaga sa lahat ng bagay na napag desisyunan mong gawin kailangan mo itong mapanindigan .
Sa gayon wala namang paasa sa bansang ito(maliban sa kanya na pinaasa lang ako) kung tutuparin at gagampanan nya ang dapat niyang gampanan bilang Pinuno ng isang bayan.
Sana nga lang huwag matanim sa lupa ang pangako niya na nais nating makamit.
Ang nilalaman ng lahat ng ito ay pawang aking opinyon lamang,saloobin bilang isang estudyante.Spagkat,kahit papaano ay may karapatan pa rin naman ang mga estudyante na ipahayag o ilabas ang kanilang mga hinaing o mga saloobin sa buhay at sa mga nangyayari sa paligid.Ayun lamang at Maraming Salamat.
1 note · View note