emotionjohnchristian
emotionjohnchristian
Untitled
17 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
Patay naloko na, wala na syang paramdam.
Bakit ganun, harap harapan nya akong ginagago
napaka unfair nya
sabi nya kagabi kung di daw sya nawalan ng work di daw sya kokontak sakin
sabi nya kung di sya nawalan ng work magsasama sila ni Fadz
Putang ina, bakit pumapayag akong gawin akong panakip butas
Tapos nag leave sya sa convo namin, di sya nagmemessage
0 notes
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
Nung nakita kita ang tanga tanga ko, bakit mahal pa kita, kahit alam kong niloloko mo ako, kahit alam kong masasaktan lang ulit ako, kahit na alam kong mukha akong tangang naghahabol sayo. Bakit gusto pa rin kita. Bakit gusto ko pa ring makipag balikan sayo, bakit. Bakit mahal pa rin kita. Bakit handa akong kalimutan ang lahat, bakit handa akong mag simula ulit, bakit handa akong lunukin lahat ng pride ko. Bakit handa akong kalimutan lahat ng ginawa at nangyari satin. Bakit handa akong magpakatanga, bakit handa akong lunukin ang dignidad at pride ko.
Bakit kahit pauli ulit mong sinabi kagabi na gusto mona sya, bakit kahit pinaramdam mo sakin na mas may paki alam kana sa kanya, bakit kahit sinabi monang masaya kana sa kanya. Bakit wala akong paki alam sa mga yun.
Tang ina - pinipilit kong kalimutan ka. Pero bakit diko magawa, bakit gusto pa rin kitang ipaglaban. Bakit gusto pa rin kitang mahalin, alagaan, tulungan at intindihin. Bakit gusto pa rin kita.
Bakit, bakit - please sabihin mo sa mukha kong dimo na talaga ako gusto at wala na tayong chance talaga. Please gisingin mo ako sa aking kahangalan at katangahan. Sabihin mo sakin na dimo na talaga ako gusto. Please sabihin mo sakin na hanggang dito na lang talaga tayo. Gusto kong maramdaman ang sakit.
Please - sabihin mong dimo na ako gusto, na wala na kahit katiting. Please ipamukha mona sakin na dimo na talaga ako gusto at dimo na ako mamahalin.
0 notes
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
Maikling Tula
Pilitin mong maging positibo sa lahat ng bagay. Pilitin mong maging masaya kahit sa totoo'y nahihirapan ka. Pilitin mong maging malakas kahit na sa kalooban mo'y sumusuko ka. Pilitin mong buuin ang sarili mo kahit durog na durog kana.. Pwedeng mapagod pero hindi susuko. Pwedeng umiyak pero hindi magugupo. Pwedeng magpahinga pero hindi hihinto. Ngumiti kalang,pasasaan ba't matatapos rin Manalig ka, magpakatatag ka, manghawak sa magagawa Nya Matapang ka,maniwala ka...
0 notes
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
Revenge
May taong nagtanong sakin, kung may balak daw akong gumanti sayo!
Saglit akong napa isip. Naisip ko, tama ang daming rason para gantihan ko sya, ang dami nyang ginawa sakin na hindi nice para gantihan ko sya, simula kay Al, Oli, Niel, Al, Fadz, sa pang gagamit nya sa emosyon ko, sa pagbilog sa ulo ko, etc etc.
Napakarami ring way para gantihan ko sya, sabihin sa amo ko na okay I’m finally choosing myself, go and call his employer, or pwede ko sya isumbong sa nanay nya, or pwede ko sya isumbong sa church nila or pwede sya mawalan ng trabaho.
Pero anong mapapala ko? Peace of mind, nope. Happiness, nope, Babalik ba sya, nope? 
Napakaraming rason para diko na sya guluhin at tumahimik na lang. Napakaraming rason para isantabi ang galit at hayaang Dyos na ang gumanti sa lahat ng masamang nagawa satin ng tao. 
Di rin naman kasi ako perpekto, nagkamali rin ako. Pero pinili kong humingi ng tawad at tuluyang magbago.
Ewan ko kung tanga ako or sadyang minahal lang kita, kasi hanggang ngayon umaasa akong hihingi ka ng tawad sakin at marirealize mong nagkamali ka.
Pero malabo pa sa sabaw ng pusit na mangyari yun. Bilang na ang oras ko sa Dubai, hindi ko kayang ibigay ang hinihingi ng amo ko. See you sa Pinas then, sana sa susunod na magkita tayo single ka. Para naman maaya kitang magkape. Afterall sabi mo nga interesado ka lang sa tao kapag interesado sya sayo. In my case I’m always interested sayo. A dios amigo.
Pakilista na lang ng lahat ng gamit na gusto mong kunin sakin. Ipapadala ko sayo.
0 notes
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
Response
You chose how you will define yourself Your action and attitude define how other people will look and see you as a person
No one is ruining your name, no one is discrediting you. Its only you, just yourself doing it to your self.
- [ ] Regarding the guitar. Its an accident because I put it in the bed near beside me. Nahulog, in a bad way. Hindi nafall, na fall out at nabasag
- [ ] Kung hindi naman pala si Fadz ang reason kung bakit tayo biglang dina nag usap, nagkita at hindi na naging okay sa mga plano natin. So bakit nung dumating lang sya sa buhay mo nung sure mona na gusto ka nya saka ka lang bumitaw ng tuluyan sakin?
- [ ] Nung panahon na ayaw mona pala dapat pinag usapan natin, dapat nag come up tayo sa mutual decision, dapat naging honest ka. Dapat binitiwan moko ng tuluyan nung kahit wala pa si Fadz sa buhay mo. So atleast naging fair ka sa sarili mo at sa akin. Sorry because of your sole action nagmukhang pinagpalit mo ako sa iba, kasi nakikita ng mga tao na okay pa tayo miski ako naniwala na okay pa tayo. Nagbago lang ang lahat nung pumasok na sya sa eksena.
- [ ] Sige given na yung fact na dimo na ako mahal pero dapat naging honest ka sakin at nag usap tayo, inayos kung may dapat pang ayusin, pero hindi yun ang nangyari, nag feeling safe ka, hindi moko binitawan totally hanggang dika sure na may bago ka. Sige hindi si Fadz ang reason, pero anong tawag mo sa ginawa mo? Para sakin nang gamit ka. Naging self centered ka. Hindi mo binitawan ang tao hanggang dika sure na okay ka. Hindi naman daw masama maging selfish pero masama ang maging self centered. 
-[ ] Binigyan mo ba tayo ng pagkakataon na magkaron ng grown up conversation, binigyan mo ba tayo ng pagkakataon na makapag usap? Diba hindi, you just burn and break the bridge between the two of us.
- [ ] And to whom I’m discrediting you? Kanino ko sinasabi na pinagpalit moko. Sinong tao ang kinausap ko? Sinarili ko Amiel ang lahat. On the contrary ikaw ang gumawa ng mga bagay na ganun, sa bibig mo mismo nang galing para isipin ng mga tao yun. Ikaw ang gumawa nun sa sarili mo.
- [ ] Kelan lang ba tayo nag usap na hindi na talaga tayo. Kelan moba sinabi sakin na wala na talaga tayong chance diba nung nakilala mo lang sya. Naghiwalay tayo with finality June 1. Nagsama kayo sa bahay ni Fadz June 4. Binigyan mo ba ako ng respeto dun, binigyan mo ba ng respeto ang taong tumulong sayo, taong tumulong sayo nung mga pahanong nahihirapan ka, binigyan moba ng respeto ang sarili mo dun.
- [ ] Ganun ba talaga ang gusto mo, dika nawawalan. Hihiwalay ka lang saisa kapag meron na ulit na kasunod at may kapalit na?
- [ ] Ikaw ang gumawa ng sarili mong imahe. Ikaw ang bumuo sa pagkatao mo. Ikaw ang nagpakita ng mga bagay kung paano ka titingnan ng mga tao. Hindi ako, hindi kahit sino. Ikaw lang. So stop blaming me on how other people see you as a person.
- [ ] Anong sabi mo sakin, guilty ka dahil kay Fadz. Anong sinabi ko sayo maghiwalay muna tayo ng walang ibang taong involve para maging okay tayo as a friend, anong sabi mo magiging friend mo lang ako kung isusupport kita kay Fadz. Naririnig mo kaya sarili mo that time?
- [ ] Anong sinabi mo sakin nung sinabi kong ayusin natin ang problema, ang sabi mo “you already  see the potential of happiness with him” ganun ka ba talaga na dun ka lang sa madali dun sa walang hirap, na ultimo pinagsamahan natin binalewala mo agad agad, Ni hindi mo na inisip mga panahong sinusubok tayo pero inaayos natin kasi nagtitiwala tayo sa isat isa.
- [ ] Anong sinabi mo nung sabi ko wag na lang si Fadz para naman may respeto pa rin tayo sa isa’t isa kahit papano, anong sabi mo “masaya kasi ako, ayaw moba ako sumaya”
- [ ] See ikaw ang nagsabi at gumawa ng mga bagay para isipin sayo ng tao yun, ngayon mo sabihin sakin na walang kinalaman talaga si Fadz. Ang hirap kasi sayo, wala kang nakikitang mali sa sarili mo. Tingin mo siguro sa sarili mo hanggang sa ngayon ay malinis at mabuti kang tao. Na wala kang naapakan at nasaktan na tao. Na ikaw ang dapat na galit. Ikaw Amiel ang taong di marunong makuntento. I did everything sayo para sa kapakanan at future mo, pero walang halaga lahat sayo yun, Kasi in the end sarili mo lang iisipin mo kahit makasakit ka.
-[ ] Sana kasing lakas mo ako. Sana sarili ko na lang din pinili ko, sana di na kita inisip, dapat hinayaan na lang kita.
-[ ] Ni simpleng sorry or paghingi ng tawad, wala kang ibinigay. Dimo kayang ibigay.
0 notes
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
Bakit ka okay?
Isang araw may nagtanong sakin, bakit parang okay kana?
Sabi ko lang, wala namang magagawa kelangan maging okay.
Biglang tanong, masaya kaba dahil nakaganti kana?
Ako ay napabuntong hininga? Anong pinagsasa sabi ng taong to, anong tingin mo sakin, di makaka ngiti kung walang nasasaktan. 
Napakaraming paraan para saktan ko sya, napakaraming paraan para ipahamak ko sya, napakadaming paraan para ipahiya ko sya, Napakaraming rason para gawin ko ang mga bagay na makakapag pahamak sa kanya.
Pero para saan? Anong mapapala ko? Anong mapapakinabang ko? Tunay ba akong magiging masaya kapag ginawa ko yun?
Naisip ko na lang, napakaraming rason para manatili akong mabuting tao sa kabila ng sakit at sama na ginawa sakin. Mas maraming rason para mamuhay akong payapa na walang ginagawang masama.
0 notes
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
17 June 2020
Okay naba talaga ako?
Or pinipilit ko lang maging okay at ayos.
Oo ayos na ata ako, ayos na akong wala kana. Pinipilit ipagpatuloy ang buhay ng hindi ka kasama, Pinipilit gumising, pinipilit maging masaya, pinipilit makipamuhay sa mundong dika na kasama.
Nagpapati-anod na lang sa agos ng buhay, nakikisabay sa bawat daloy, nakikisabay sa bawat hakbang, nakikisabay sa pakikipamuhay.
Malungkot, hindi masaya. Siguro hindi pa lang masaya sa ngayon. Umaasa na darating ang araw na makakalimutan lahat ng sakit, lahat ng malungkot na ala-ala. Umaasa na isang araw babangon na akong tunay na masaya. 
0 notes
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
Thoughtsss 15 June 2020
Masaya kana marahil sa mga oras na ito, siguro sa mga sandaling ito ay kitang kita ang mga ngiti sa labi mo
Samantalang ako eto, hindi alam  kung paano ba magsisimula.  Paano magsisimulang mag umpisa muli. Paano magsisimulang magtiwala muli.
Paano magsisimulang kalimutan ang lahat satin
Paano magsisimulang muli kung sa bawat hakbang koy ikaw ang nakikita
Kung gaano kadali sayong kalimutan lahat ganun naman kahirap para saken, mahirap mabuhay - nagpapati anod na lamang sa bawat araw na dumadating saking buhay
Panghihinayangan at sakit na naiwan sa ‘king dibdib nawa ay biglang mawala at maglaho
Hindi ko alam kung susuko o lalaban Ayokong sumuko pero wala namang dahilan pa para lumaban.
Alam kong sumuko kana at dina ako piniling ipaglaban, mahirap pero kelangan tanggapin, ikaw ay wala na sakin.
Sana minsan kahit papaano maalala mo ako, na minsang nagmahal ng tapat sayo
0 notes
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
Crush
Crush (18 July 2019)
Sinta kong kaibig ibig Kay sarap mag alay ng tula para sayo
Magsusulat hanggang maubusan ng mga salitang bagay sayo
Papel at lapis ay gagamitin, maipahatid lang pagmamahal sayo
Gagawa ng mga tugma, hanggang mag tugma ang ikaw at ako
2 notes · View notes
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
Di matapos tapos na tula
Simulan natin ang kwento ng ikaw at ako
Kung paano tayo pinagtagpo
Buwan ng Pebrero ng ikaw ay unang nasilayan ko
Concealer sa mukha moy pumukaw ng atensyon ko (just kidding)
  Husgahan man tayo ng sanlibutan
Wala akong paki alam basta tayoy nagmamahalan
0 notes
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
18 Sept 2019
Dear AC,
 I don’t know how to start, but I just want you to know that I will be forever grateful na nakilala kita. I will never forget all the memories that we shared together. I know the good memories is not as many compare to bad memories, but I will still value even the smallest thing that we shared together. I hope na sana kahit papano may baunin kapa ring magandang alaala sa mga nangyari satin sa loob ng 17 months natin together.
I know that our journey is hindi naging madali, lot of struggles, dramas at kung ano ano pa. Pero I hope it make us better and stronger person.
I am sorry for loving you too much. Love that makes your life a bit different from normal, merong action, drama, romance, SPG at meron din namang comedy. Haisst sarap balikan ng magagandang alaala. Tama nga siguro yung napanuod ko, break up hurts but the memories crashes the soul.
 Sana mag enjoy ka sa bakasyon mo, you deserved all the happiness in this world and all the love specially from your family. I will be forever thankful that I met and shared my life with you kahit sa maiksing panahon. I will miss your sweetest smiles, your tantalizing eyes, your seductive lips, your yumminess and your maamong mukha. Lalong higit kong maalala ang mga sweet gestures and efforts mo at sa mga panahong inaalagan at iniintindi moko.
 Maybe pagbalik mo we will not the same anymore. I respect that. I will respect your decision on how we will treat each other. The decision you want for yourself is one of the bravest and important decision sa buhay na ito.
 Kung dumating man talaga tayo sa point na we have to act as stranger and civil and be just workmate – you are still welcome on my mother’s life and my other friend’s life (Zy, Berns, Jannyl – kahit dimo sila masyado feel). You can still message or call them whenever or for whatever reason – wag ka mahiya. Still consider them as a person na matatakbuhan mo during problems, ang nangyari satin ay satin lang – hindi sila damay dun.
 And ofcourse you still had my back, I will be just waiting for you to approach me, and I am always willing to help you if dumating sa time na kelanganin mo sakali ng tulong ko. Afterall may maganda rin naman tayong pinagsamahan kahit papano.
 I’m sorry sa lahat ng pagkukulang ko as a tao, as a partner, as a friend. Patawad at di agad ako nagbago, patawad na di agad ako umunawa, patawad na kelangan pa natin magkasakitan ng ganito bago ko marealize at makita ang mga pagkakamali ko.
 Sa kabila ng lahat lahat ng nangyari satin, sa kabila ng lahat ng sakit, poot, pagkasuklam gusto ko lang malaman mo na mahalaga kapa rin sakin at may malasakit pa rin ako sayo. Minahal kita ng tunay (napasobra nga lang kaya naging masama ang impact sa buhay natin) at patuloy akong magmamahal sa paraang nararapat.  Hindi ako umaasa sa kahit ano – payapa na lang akong maghihintay at tatanggapin kung ano pa ang mga kapalaran na mangyayari satin.
 Ingat ka sa Pinas, enjoy! Saka don’t forget my pasalubong. Haha. Kung nais mong sunduin kita pagbalik mo message mo lang ako.
  Lovingly yours,
 John Christian 2.0
0 notes
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
17 Sept 2019
17 Sept 2019
 Dear Amiel,
My dearest Amiel -  I don’t know what to say other than that I am very sorry, I’m regretful and speechless.
I cannot stop thinking about all the pain that I have caused you throughout our relationship. I am not owning any pain, I don’t want to be righteous person, I don’t want to be self-centered. I know I made a lot of big mistakes in our relationship, I know I caused you lot of pain. You deserved lot of happiness in this world, but I failed to fulfill my promises that I will make you happy. I treated you the way you don’t deserved, and I know I’m so foolish by doing those thing. I took out all of my anger, frustration and hate on you and on our failed relationship – and I will hate myself forever for the way I treated and disrespected you.
I’m sorry for the depression and all of the pain that I caused you. I’m sorry if you felt that I had no care on your feelings and not trying to understand you. I’m sorry for every time my pride got in the way, for all the hurtful and rude words I’ve said, and for all the abusive words I said just to cover my own personal issues.
I am so terribly sorry for everything. I am so stupid for letting my attitude pushed you away to the point that you had to leave me. I know our relationship is not a kind of fairy tale stories that everyone live happily ever after. I cannot blame you if there was a time you might feel that what happened to us was a regretful memories. I am so stupid for letting this happen – and I will regret that every day for the rest of my life.
Maybe you won’t feel the same way, but I want you to know that you are one of the good memories I had in my life – I consider you as my friend, my brother, my buddy and my partner. Thanks to universe that once in my life I met you Amiel.
I hope that someday you will be healed from all the pain and frustration I caused you. I hope one day you will be able to forgive me for everything. I will be patiently waiting for God’s perfect time for you to forgive me. I hope somehow someday, if not too much to ask for, I hope we can share again laughter, joy, memories and friendship. I hope dipa natatapos ang lahat satin.
 Lovingly yours,
John Christian
1 note · View note
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
One Last Time
Nasaktan kita, nasaktan mo ako
Nabastos kita, nabastos mo ako
May pagkukulang ka, for sure may pagkukulang din ako
Napagod ako, napagod ka
Minahal kita, minahal mo ako
Pinatawad na kita, patawarin mo na rin sana ako
Mahal na mahal pa rin kita, sana mahalin mo ulit ako
Isang pagkakataon pa para itama ang lahat 
Isang pagkakataon pa, isang sugal pa, one last time and I will make it right.
0 notes
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
Bawat araw na dumadaan akala ko ay tuluyan kong makakalimutan ang lahat ng sakit at ala ala, pero bakit ganun sa paglipas ng mga araw mas lalo ko pang naalala ang mga sakit na nagdaan.
Bawat araw na lumilipas ay dagdag araw ng kompirmasyon na wala na, na hindi na talaga sya babalik sakin. 
Bawat araw na hindi kame nag uusap, ay dagdag patunay na ako ay kanyang tuluyang kinalimutan
Nawa sa bawat araw na daraan tuluyan kong makalimutan ang iyong imahe saking isipan, tuluyang mawala ang nararamdam sakit sa dibdib at tuluyang mawala ang aking pagmamahal. 
0 notes
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
If only you still love me. All the problems and arguments will vanished.
0 notes
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
Regrets
Ang bigat bigat sa dibdib kapag ang dami mong gustong sabihin at ipa intindi pero sarado na aNg puso at isip nya. Wala na syang gustong pakinggan at intindihin sa mga sinasabi mo. Tila naging bingi at bulag na sa mga paliwanag mo.
Ang sakit at hirap sa pakiramdam na yung dating tao na nagpapahalaga sayo ay may iba nang gusto.
Masarap ang sex life nilang dalawa Masaya na sila sa isat isa
Bakit ganun - bakit ang daya ng universe. Bakit ang unfair ng buhay.
Bakit yung taong minahal mo at pinahalagahan mo ng totoo eh babalewalain ka lang rin sa huli. Bakit ganun nya lang ako iniwan at binitawan.
Paano ba makalimot. Ang hirap mamuhay sa sakit, inggit at poot
Ang hirap sa pakiramdam na iniwanan at binitawan, Di piniling ipaglaban pero piniling kalimutan.
Parang tila naging isa bula sa’yong paningin na biglang naglaho
#pain#hatred#rejection#betrayal
0 notes
emotionjohnchristian · 5 years ago
Text
Seeing him sitting and lying in your bed, near beside you, makes me sad and jealous. That is supposed to be the bed for us.
It should be my bed as well, I am the who supposed to be lying and sitting beside you. It should be me hugging and caressing you.
Only if you chose to choose me.
1 note · View note