Text
ONE OF MY TREASURE MOMENTS
Ang bilis ng mga pangyayari parang kailan lng nangangarap lng ako na maging part ng programa na ito at ngayon tapos na ang apat na sabado na session sobrang nakakaamaze lng kasi ang akala kung panaginip na lng ay pwede palang magkatotoo. May mga bagay talaga sa buhay natin na hindi naipapaliwanag sa sobrang saya di na maikubli ang nadarama salamat at nabigyan ako ng pagkakataon para mahanap ko ang talento ko sa programa na ito at masubukan ko ang mga dating napapakinggan at nakikita ko lng sa television at sa ibang lugar. Tinuruan kami ng paggawa ng Resume patungkol sa aming pagboboses at tamang pagkolekta ng aming mga likha upang kapag nagkaroon ng mga kliyente ayun ang aming ipapakita sa kanila at ang mga kolekyon mo na ito ay magagamit mo sa larangan ng pagboboses dahil makikita mo ang paglago mo. Tinuruan din kami kung papaano makipag negotiate o magpresyo ng aming boses kung ito man ay gagamitin, kailangan tamag presyo at makatarungan at ang mga bagay na ito ay kinakailangan na may legal na process at transparency sa pamamagitan ng paggawa ng contract at terms and conditions upang ang lahat ng usapan ay nakasaad sa mga papeles na ito ng sa gayun ay maayos ang transaction. Use our voice wisely and the voice of truth.
0 notes
Text
3RD SESSION OF MY UNFORGETTABLE JOURNEY IN CVAP
Sa pangatlong pagkakataon na muling natapos ang session sa CVAP, unti-unti ko ng naiintindihan kung bakit ako narito sa industriya na ito,di man ganun kadetalye ang sagot kung bakit naging parte ako nito at parang nasa isang byahe parin ako na di ko alam kung saan ang eksaktong destinasyon pero magtitiwala ako dahil nasimulan ko na ito.
Lahat tayo ay takot sa '"REJECTION" isang bagay na kinatatakutan ko din dahil alam kung bago pa lng ako sa industriya na ito at maraming mas magagaling saakin, kung maririning nyo lang ang mga boses at makikita ang talento ng aking mga kasama tiyak masasabi niyong "MARAMI KA PANG DAPAT MATUTUNAN" pero sabi nga sa lesson REJECTION IS A REFLECTION" kapag dumating sa punto na you feel rejected well it’s time to reflect and it's time to be better version of yourself.
Kapag ikaw ay nasa industriya na ito masasabi kung marami ka pang kinakailangan na pageensayo at pagaalaga na rin ang kaakibat lalo na sa iyong boses dahil ito ang iyong puhunan sa industriya na ito. Tinalakay ng isa sa pinakamagaling pagdating sa larangan ng pagboboses at ito ay si Ma'am Onie Zamora Villamor. Nagbigay sya ng mga tips kung papaano ka magiging isang magaling na Voice Artist at kinakailangan mong isaalang-alang kung papaano mo babangitin ang bawat letra na ibabato mo upang mas maunawaan ng mga nakikinig ang tunay na mensahe. Ang tono ay isa rin sa dapat ay isaalang alang mo maging ang iyong emosyon damhin at banggitin ng wasto upang mas maramdaman ng mga makikinig sayo, kayat kinakailangan mong alagaan ang iyong boses sa pamamagitan ng tamang pagpapahinga,pagkain ng prutas at gulay a sa tamang paggamit ng iyong boses sa araw-araw. Sumunod naman ay tinalakay din ng isa sa pinakamagaling sa industriya ng pagdudubbing at ito ay si Ma'am Donnah Vee Abuyuan. Nakakamangha pala ang pagdudubbing at hindi sya madali kinakailangan mong makinig at magobserba sa bawat karakter na iyong idudub. Kailangan sakto at swak sa bawat kilos,galaw at eksena sa pagbabato ng bawat linya upang mas magkaroon ng buhay ang karakter na iyong gagampanan at sa mundo ng pagdudubbing at sa paggawa ng script ito ay hinahati-hati bawat minuto,segundo sa isang palabas o anime at nilalagyan ng mga palatandaan kung saan ka titigil,magsisimula,tatas ang boses o baba man at kailangan damang-dama ng mga nakikinig at nanonood na hindi mo lng basta binabasa ang script kundi kailangan mo itong lagyan ng buhay at emosyong base sa iyong karakter na ginagampanan.
Sobrang siksik,liglig at umaapaw nanaman ang aming nabaon sa pangatlong session sa CVAP na maari naming magamit para sa mga susunod na hakbang kung ako man ay palarin sa industriya na ito. Keep on Going lahat ay may karapatng magstep-out or maging isang star kahit ano man ang iyong lahi at kulay, kasarian at estado sa buhay, ano man ang iyong edad , itsura at pananaw sa buhay balang araw lahat tayo ay makakamit ang ating mga minimithi let the world hear your Voice.
0 notes
Text
2nd time of Exploring Myself Here
Habang tumatagal ay mas lalo akong napapatanong SA sarili ko Kung para saakin BA itong programa Ng CVAP? Halos lahat Ng mga kasama KO ay napakanatural Ng talento sa larangan Ng pagboboses sa iba't-ibang karakter,pagaanunsyo sa iba't-ibang produkto at maging sa stasyon ng Radyo at habang ako Ito napakasimple ng boses at kinakailangang Lagyan ng buhay upang magkaroon ng kabuluhan ang aking tinig.
Ng simulang talakayin ang kagamitan SA pagvovoice-over ay mas lalo akong kinabahan Kasi SA totoo lng Hindi Ako matechnical na Tao pero gaya nga ng palaging sinasabi wala namang nagsisimula na magaling na agad dahil lahat ay magsisimula muna sa wala. Napakaganda Ng studio talagang nakadisensyo upang mailabas ang natatagong talento SA pagboboses at maihayag ang sarili mo Ng totoo at Malaya. Pinasubok din saamin ang pagvovoice-over SA iba't-ibang larangan mga produkto,komersyal, radio drama at iba't-ibang emosyon. Ilang beses akong sumubok upang mas mapagtanto Ko Kung ano BA talaga Yung role KO bilang ako SA CVAP o kung nararapat ba na nandito pa ako?
.Napakahusay Ng mga Nagsalita talaga namang nahubog Ng isang may mabuting Puso at tunay Ngang napakahusay SA larangan Ng pagboboses at walang iba kundi si Mr. Pocholo DeLeon Gonzales tunay ngang nahahasa SA kanyang Kamay ang Taong dumaraan SA kanya at tunay ngang hinubog nya Ito para SA tunay na laban na meron sa industriya Ng pagboboses. Isa sa mga bunga nito sina Mr. Harlem Jude Ferolino at si Mr. Bryan Dave Perez ang dalawang matitinik ang teknik at tunay ngang napakaangas SA husay pagdating SA larangan Ng pagboboses tunay ngang nakakamangha sila.
0 notes
Text
THE FIRST DOOR OF JOURNEY
Ano Kaya ang aking natutuhan ? SA sobrang siksik Ng impormasyon ay tila ba napunan ang espasyo na matagal ko Ng ninanais na malagyan at malamang dito na magsisimulang maabot ang mga tala na dati KO lamang tinatanaw. Ano toh? Ano Yan ? Ano Yun? Bakit ? Para Saan? Para Saan Toh? Para Saan Yan ? Anong nangyayari? Anong meron Mga tanong mula SA aking isipan Kung bakit ako naging bahagi Ng programa na Ito , Kung panaginip man Ito ay ayoko Ng magising at hanggang Ngayon tanging sambit lng ng aking mga labi Salamat SA Diyos at sa programa na Ito na nagbukas Ng pintuan para ako ay makapasok at simulan ang isang simpleng pangarap na matagal KO Ng inaasam. Bago magsinula ang lahat at bago ako makapunta SA programa na Ito, may mga ginamit ang Diyos na instrumento upang simulan Kung tahakin ang landas na Ito. Sa Mundo na Kung Saan handa mong paglaruan ang iyong tinig at palawakin ang imahinasyon upang bigyang buhay ang mga karakter na kinagigiliwan Ng Tao at mapapaisip sila sino ang NASA likod Ng lahat ng ito. Nung binanggit saakin ang programa na Ito ay may patimpalak ay agad Kung sinubukan, alam Kung mahirap dahil sugal ang pangarap pero paano mo malalaman kung di mo susubukan diba ? Wag nating pangunahan ang magaganap hayaan mong SA lahat Ng iyong ginagawa ang Diyos ang syang maging Sentro Ng lahat at hayaan mong sya ang kumontrol Ng mga Ito. Ang patimpalak na Ito ay iaanunsyo pa sa aking Mismong kaarawan nagantay ako hanggang SA araw Ng bukas Sabi KO SA Lord "Regalo na lng po Sana saakin" at bigla na lamang akong nagulat sapagkat ako ay napili maging iskolar Ng programa na Ito. Ang pagkakataon na Ito ang syang nagpamulat sakin na walang impossible Kung SA Diyos Ka magtitiwala at SA kanya ang lahat ay ipapaubaya. Unang Gabi, Setyembre Anim Taong kasalukuyan, magsisimula ang isang oportunidad na dati KO pang hinahanap, isang pintuan na nagbukas upang ako ay mahubog at lumago at ang lahat ng ito Diyos lng ang syang tanging dahilan. Nung Gabi na iyon ako ay Di hamak na simpleng Kabataan na nakikinig SA mga kikalang tao SA industriya na Ito at nagulat na lamang ako dahil nabigyan ako Ng pagkakataon na magsalita at ipakilala ang sarili KO SA lahat. Higit pa SA higit ang naganap dahil Yung Gabi na Yun sobra Kung pinagpalasalamat Yun. Kinabukasan Unang araw at ang panimula Ng kabanata SA aklat na Ito , marami na agad naganap at natutunan. Umaga pa lamang punong-puno Ng galak at ngiti SA aming mga labi at bago magsinula ang lahat tinalakay muna ang regulasyon at pamantayan bago magsimula ang programa. SA pangunguna ni Mr. Navi Garcia sya ay nagbahagi Ng kanyang karanasan at mga bagay na makapag papataas Ng aming kumpyansa SA sarili. Nilatag na nya ang iba't ibang talakayin SA araw na Ito Una na rito ang isang POCHOLOGY na nagsasabi na "SOMEONE OUT THERE NEEDS TO HEAR YOUR VOICE" ang kataga na Ito ay Di lamang tumutukoy sa iyong galing SA larangan na Ito pero Ito Rin ay tumutukoy SA mga boses Ng katarungan at wag mong ikahiyang magsalita Kung alam mong ikaw ay nasa Tama Kung baga " Use our voice to encourage one another" because our story will be a testimony to others use our voice to give some good message for those persons who feel hopeless. Ang sumunod ay iniisa ISA ang mga "Busting popular Myths" like if you have a good voice you are able to qualify as an voice actor but sometimes we need to submissive and fashionate SA Kung ano man ang iyong ginagawa it doesn't matter Kung magaling because the most important thing here is you are willing and the next one you need to good at imitating voices but in this field we need to be flexible yes it is a bonus if magaling Kang manggaya Ng boses ngunit mas maganda if you have your own style to express your voice and being a voice artist have no age limit as long as you want to be a voice artist and at the same time you are willing then do it and last one In this field you are not only read the script just to earn money we need to have heart and the most important that this is your fashion at masaya Ka SA ginagawa mo without any return.
0 notes
Text
MOTIVATIONAL SPEECH
Kinakaya, Kinaya,Kakayanin
Nadapa KA Man ngunit muling titindig Nanghina Ka man pero muling magpapalakas Natalo Ka man pero muling lalaban para manalo Nasaktan Ka man pero unti-unting naghihilom ang mga sugat Nagkasala , nagkakasala man Tayo pero unti-unting tutulungan ang sarili para magbago.
Alam Kung alam mo na mahalaga Ka Alam Kung alam mo na higit Ka pa SA ginto at kayamanan Alam Kung alam mo na Kaya mo at kakayanin mo basta SA Diyos ka lng kakapit at mananalig.
Tulad Ng isang alitaptap na nagnining SA gitna Ng dilim Ay syang mahihahalintulad SA iyong sarili na Kaya mong mangibabaw at palaging may bukas pagtatapos Ng gabi para malagpasan ang mga pagsubok.
Tulad Ng isang boses Kung minsan ma'y mahina or Ito man ay matinis o malakas lagi Mong panghahawakan na dapat SA lahat Ng pagkakataon ay palagi Kang matatag na ipaglaban ang Tama at nararapat.
Tulad Ng mga tala at bituin SA kalangitan na palagi nating tinitingala malayo man Ito pero balang araw maabot mo na ang mga tala na dati mo lamang tinatanaw.
Tulad Ng mga agos na walang Tigil na humahampas SA dalampasigan , Tulad Ng MGA agos nito na kailanma'y Di tumahimik ay ihalintulad mo sa pagabot ng iyong mga pangarap na magpatuloy Ka lng at wag hlhihinto ituloy mo ang takbo.
Kung nadapa man ay babangon muli Titindig at mananalig Kung nagkasala man ay itatama ang Mali. Kung naliligaw man ay muling hahanapin ang daan tungo SA katotohanan. Kung tumalikod man ay muling haharap.
1 note
·
View note