Tumgik
ericterrific-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
SAKSAK PATALIKOD
Dati bago pa man ako pumasok ng SHS, masaya ang pakikitungo ko sa mga kaklase ko. Kumbaga mailalarawan ko ito bilang isang “solid” na section dahil hindi lang kaibigan turing ko sa kanila bagkus isang ikalawang pamilya. 
Nang tumungtong ako ng SHS, nanibago ako. Hindi ako sanay. Para bang sinasakal ako araw-araw. Ang hirap. Iba ang pakikitungo nila sa akin. Hindi ko alam siguro marahil ako ay naninibago. 
Makalipas ang ilang mga buwan, nakasundo ko naman sila ngunit hindi na tulad ng dati. Iba ang nararamdaman ko. Para bang sinasaksak ako nila sa likod o sinisiraan ako nang hindi ko alam.
Ngayon, nagpapasalamat ako na nakaalpas na ako sa panahong iyon. Napakabuti Niya sapagkat may mga kamag-aral ako ngayon na tanggap ako kung sino ako ngayon. 
0 notes
ericterrific-blog · 5 years
Text
Disciplina Amigo, Disciplina
Tumblr media
Have you ever wondered how countries like Japan and Singapore make them so popular and considered as a bucket list of every person they want to go to? Or why does Spartans astonishingly endure hunger, practice obedience, strength and patriotic efficiency? For me, it's discipline.
We Filipinos are known for many distinct positive characteristics, however, the most notable negative traits of us is 'lack of discipline'. Crescencio Doma Jr., a sociologist of University of Santo Tomas explained why Filipinos have this rotten trait:
“Impatience is basically a reaction to a dysfunction in a given [social] system. People become impatient only when their needs are not satisfied at a given time. At the same time, it can be traced to the absence of clear policies and implementing rules that would ensure a positive response from people towards law”
Basically, the absence of discipline is result in individual actions. In addition, rules, systems and planning are too vague or not clearly stated and there's a lot of loopholes in implementations of related laws.
To address this problem, knowledge about the problem itself would be a good approach. Start with the education system that promotes discipline in the primary up to tertiary level. Just like Japan, schools teach children about norms and values rather than basic subjects for they do believed that attitude and moral is important. In the Philippines, the Positive and Non-Violent Discipline Law was vetoed by the president. It promotes positive discipline rather than corporal punishment. It is a melancholic disapproval of the president because this will may help the schools specially modern parents to properly discipline their child.
On the other hand, secondary and tertiary level must undergo CAT and enhancement of ROTC. In the article written by Preciosa Soliven in PhilStar, she said, "The enormous reasoning power of the six- to 12-year-old children cannot be confined merely within the four walls of the classroom. It is vitally important to satisfy the enormous reasoning power and sensitive moral judgment of this period of human construction." Promoting such programs is not just boosting our national defence but it also promotes discipline in every Filipino. If Filipinos are capable to learn discipline, obedience will follow.
Addressing this kind of problem is very important to the development of our country. Discipline in manner of persuation and not in terms of compulsion and corporal punishment. Incorporating discipline in  education might seem trivial but in the future it may cause momentous effects. Just like the butterfly effect, it stated that a small change can make much bigger changes happen.
0 notes
ericterrific-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
Ismol Bat Teribol
Naranasan mo na bang magbayad sa Jeep na kulang ng isa, dalawa o tatlong piso? Minsan uutang ka pa sa kasabay mo para makumpleto ang pamasahe mo?
Eh 'yung pakiramdam na isang puntos na lang bagsak ka na sa exam o isang puntos na lang ang lamang matatalo pa kayo sa pustahan ninyo ng basketball?
Ang lahat ng ito ay mayroong kinalaman sa kahalagahan ng mga malilit na bagay. Makikita natin na kung hindi dahil sa piso, 'di ka makakauwi ng bahay ninyo. Kung hindi sa isang puntos, 74 ka na sa exam o talo na naman kayo sa pustahan. Minsan ang mga bagay na sa sobrang liit ay naiwawaglit natin sa ating isipan na may mahalaga palang tungkulin ang mga ito sa ating pang araw araw na buhay. Sabi nga nila, walang maliit na hindi nakapupuwing.
Natatandaan mo pa ang kauna unahang tao na nakapaglakad sa buwan? Noong ika-20 ng Hunyo, 1969, lumapag ang Apollo 11 sa buwan at ang unang taong nakapaglakad dito ay si Neil Armstrong. Matatandaang sinabi niya, "That's one small step for a man, one giant leap for mankind" at para sa'kin ito ay isang magandang hamon para sa lahat na sa pamamagitan ng pagpunta niya sa buwan, masasalamin na mula sa maliit niyang nagawa para sa sangkatauhan ay maging isang instrumento ito para matamo natin ang kadakilaan. Hindi na nakagugulat na maraming mga pag-aaral ang sinasagawa ngayon tungkol sa paglalayag sa outer space tulad na lamang ng sikat na Mars One.
Sa kabilang banda, pagdating naman sa pagkamit ng isang kasaysayang walang kiling sa mga banyaga, nilikha ni Rene Constantino ang kauna unahang akda na nagtangka na gumawa ng pagtitipon ng isang pangkalahatang kasaysayan ng Pilipinas na pinamagatang "A Past Revisited". Mula sa kanyang maliit na pagtatangka, naisawalat niya ang opresyon at inilarawan ang mga paghihirap na dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol at Amerikano. Kaya ang kanyang likha ay naging daan para imulat ang kaisipan ng bawat Pilipino at tanggalin ang kaisipang kolonyal. Naging daan din ito sa paghubog ng kasaysayang maka Pilipino at taliwas sa makadayuhang prinsipyo. Kung tutuusin, ang tanging layunin lamang ni Rene ay magbigay ng kaalaman sa mga kapwa niya Pilipino ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, naging isang magandang instrumento ito sa pagtatag ng kasaysayan ng Pilipinas. Tila isang maliit na hakbang sa paggawa ng isang libro ngunit hindi lamang kalaaman ang naibahagi bagkus nagising din ang natutulog nating pag-ibig para sa bayan.
Bilang isang mag aaral, ako ay  nagsimula sa pinakailalim at nangangarap na abutin ang pinakamataas kong mithiin. Ang mga bagay na ginagawa ko ngayon, kahit gaano man ito kaliit, alam kong balang araw ito ay magbubunga. Alam kong wala pa akong magagawa bilang isang estudyante kundi mag aral nang mabuti pero sisiguraduhin ko na ang maliliit kong ginagawa at magagawa ngayon ay magreresulta ng magandang epekto hindi lamang para sa akin, sa aking pamilya kundi pati rin sa aking Inang bansa sa hinaharap.
"It's the little details that are vital. Little things make BIG THINGS HAPPEN."  -John Wooden 
Photo credits: https://www.tofugu.com/japanese/chotto/
0 notes
ericterrific-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
Duwag ako sa sarili kong kahinaan.
"Ang laging kalaban ng sarili ay ang karuwagan. Magkaiba ang karuwagan sa takot. Natural lamang ang matakot."
Kalungkutan. Pagtanggi. Pagkakamali. Ito ang mga bagay na ilan sa mga kinakatakutan ko na mangyari sa akin. Bagamat natural na mekanismo ang takot, nagdudulot ito ng mga hindi magagandang alaala na mahirap limutin. Minsan naiisip ko na hindi takot ang aking nararamdaman kundi karuwagan. Sinasarado ko ang aking isip sa mga tawag ng halaga. Wala akong tiwala sa aking sarili. Lumalaban ako ng mag-isa. Isa akong duwag. Duwag ako sa sarili kong kahinaan.
Tulad ng nakararami, marami akong kahinaan--mga bagay na pilit akong hinihila pababa, pailalim at hinahadlagan ang pagiging ganap kong ako. Sa una, mahirap gamutin ang ganitong sakit na tila ba bawat sandali ay gusto mo nang sumuko. Para bang gusto mong umidlip ng napakahabang panahon upang maibsan ang sakit na dulot ng karuwagan. Ngunit sabi nga nila, paano magagamot ang sakit kung ang may sakit ay natatakot sa lunas? Nasa kamay ko ang desisyon. Nasa akin ang solusyon. Walang mangyayari sa'kin kung patuloy akong magpapabiktima sa takot.
Walang tao sa mundo ang nabubuhay nang mag isa at dapat tayo ay nagtutulungan. Ang konsepto nito ay hindi ko sinusunod dati sapagkat iniisip ko na dagdag trabaho lamang ako o marami silang ginagawa kung hihingi pa ako ng tulong. Kaya, natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa at harapin ang mga problema ng mag isa. Naniniwala ako na kaya kong harapin lahat ngunit nagkamali ako. Buti na lamang may mga kaibigan at pamilya akong masasandalan at napagsasabihan ng mga problema. Hindi pala masamang humingi ng tulong sa iba. Katunayan, sila pa ang nag aalok ng tulong at sabi nila na walang masama roon sapagkat tao lamang tayo na nangangailangan ng kalinga.
Aminin ang takot at kumilos ng angkop. Ito ay isang magandang paraan para malaman mo kung saan ka talaga natatakot o sadyang ayaw mo lang gawin ang isang bagay. Nilista ko ang lahat ng mga kinakatakutan ko at nag isip ng mga kaugnay na solusyon para rito. Mahirap sa una dahil kailangan mo ng tapang ng loob at mahabang oras dahil paulit ulit kang magkakamali. Ngunit sa kabilang banda nito, binubuo mo na ang iyong sarili laban sa mga kinakatakutan mo. Magiging matatag ka at dudunong ka sa paghawak ng iyong takot.
Para sa huli, gawing oportunidad ang takot. Ibig sabihin, kung ikaw ay natatakot at mayroong karuwagan sa sarili, may mga bagay pa na kailangan mong pagbutihin. Maaring natatakot ka magsalita sa harap ng maraming tao, gawin mo itong pagkakataon upang paunlarin ang sarili. Huwag tayo magpakulong sa karuwagan na iniisip lamang kung ano ang wala sa sarili bagkus isipin natin ang liwanag sa sarili nating  kahinaan.
Mabuti ang takot sapagkat tinuturan tayo nito na maging isang matatag na indibidwal. Natatakot tayo dahil may mga bagay pa tayong dapat ipagbuti at paunlarin ang sarili. Lagi akong natatakot, naduduwag at nakararamdam ng karuwagan ngunit dumating ang panahon na ako ay napagod. Pinili kong lumaban kaysa sa tumakbo at takasan ang lahat ng ito dahil nagising ako sa katotohanang hindi pala ako duwag sa sarili kong kahinaan.
Photo credit: http://vitalestudio.com/move-fear-hope-pt-1/
1 note · View note