Text
TOP 10 TIPS PARA SA MGA ANTUKIN SA KLASE
Alam ko naman mga classmates eh, at naiintindihan ko kayo. Iba talaga kapag gabi, mas maraming nagagawa tulad ng pag lilibot sa facebook,twitter at kung ano ano pang sites o app (lalo na sa mga kalalakihan ng klase) kung kaya naman mga classmates, sa oras na tumuntong ka sa classroom mas tulog kapa sa mantika mahirap mag aral ng inaantok, oo totoo yun, pero wala ka namang natutunan kasi tulog ka. Very good ka classmate kung kaya naman eto ang sampung payo na ihahandog ko sa iyo para naman gumaan ang buhay mo at magkabati na kayo ng tulog mo para di kana awayin at mapuyat.
1. Work Work Work - Subukan mo pagudin sarili mo classmate, tipong pag bigay ng assignment ni prof gawin mo na agad habang tumatakbo sa buong campus niyo, tipong pag papawisan kahit singit ng singit mo. Aba ewan ko lang kung di ka mapagod, bukod sa tapos mo ang assignment mo ahead pag uwi mo tumba ka kaagad. Ewan ko lang kung makapag facebook kapa.
2. Hugot - hindi ito hugot na corny ah, ibig kong sabihin dito hugutin mo wifi niyo! Para di ka makapag internet kasi syempre pag may internet naka sungalngal yung gadgets mo sa mukha mo pano ka makakatulog.
3. Nanay rap - ito proven and tested to, uwi ka ng gabi tapos pag pasok mo ng pinto makikita mo nanay mo sabihin mo "ma, wag ngayon" pag narinig ng nanay mo yan mas lalo ka niyang tatalakan tapos lakad ka dahan dahan sa kwarto mo susunod yang mama mo tapos tatalakan kana niyan. Hayy, napaka sarap ng tunog sarap matulog.
4. BASAgin ko mukha mo - mag basa ka ng libro, kakaantok kaya. Ito ang recommended kong book : bagong notebook. Basahin mo yan wala yang laman ewan ko lang kung di bumigat yang mata mo pero mukha kang tanga but atleast nakatulog ka diba. Basagin ko mukha mo eh.
5. Holy SHEEP! - sabi nila helpful daw to ehh, mag bilang ka daw ng tupa sa isip mo, eh kaso di ka marunong mag bilang so ang ginawa mo inisip mo hinahampas mo yung tupa pano ka makakatulog?
6. Mariang palad - (WARNING BOYS CONTENT ONLY) Okay binalaan kita pero binasa mo padin bala ka jan. So boys, helpful din si mariang palad kaka ubos ng energy, manginginig ka at titirik mata mo. Matik lupaypay si manoy pati ikaw, diretso tulog ka niyan wala nang punas punas. Pero siguraduhin mo walang makakakita kasi pag nakita ka ng nanay mo tatalakan ka nun. Teka... edi makakatulog ka din! Ahh bahala ka basta helpful yan si mariang palad.
7. Gooooliiii - goli goli din, masarap matulog ng bagong ligo clasmate, lamig sa feeling. Tipong amoy safeguard kang pinang hugas ng pwet tapos yung buhok mo amoy palmolive pa tapos bago kang toothbrush heplful din yun para pag gising mo mabango panis na laway mo dilaan mo ulit sayang eh.
8. Air-con ebs - may digmaan sa iyong tyan, gamitin mo bilang advantage yan! Itae mo yung pang all outan. Dapat yung ire mo para wala nang bukas tapos syempre mahapdi sa pwet gamitin mo safeguard niyo para may pambawi ka kasi naligo ka ng safeguard tae scent. After mo tumae sa kwartong may air-con ka matulog napaka saraaaap! Walang kupas!! Shit natatae ako teka lang brb.
9. Skin pajamas - sa mainit na panahon at nag titipid si inay walang air-con. May substitute tayo jan, hubarin mo lahat pati brief o panti mo tapos lay back and relax sa lamig wow swabe ang dating. Pero make sure wala kang katabi kasi baka masundot mo ng bolo pag dating ng umaga syempre kasabay ng pag gising mo mauuna si manoy. Sa mga babae naman syempre mahirap na pag may katabi baka isipin throw pillow ang dyogabells.
10. Pitch black - PATAYIN MO ILAW, PIKIT KA TAPOS WAG KANA UMIMIK! WAG MO NA I-CHECK KUNG I-CCHAT KA NI CRUSH MO, WALA KANG PAG-ASA DUN AT YUNG NAG TEXT SAYO SCAMMER LANG YAN WAG MO NA REPLYAN! MINSAN KAILANGAN MO LANG MATULOG PARA MAKATULOG KA EH.
At ayun po clasmates and sampung payo sa mga antukin, kung di talaga kayo makatulog pukpok niyo na ulo niyo sa pader hirap niyo patulugin. Matulog kana may pasok kapa bukas kaya di mo alam kung sino si Shen wong quesh ehh! Search mo kung sino yun para tumalino ka. Mga classmates wag tayo tulog ng tulog sa klase kasi delikado ka sa mga prof mo, mas okay nang nag aacting kang nakikinig para plus points wag lang tulog ng tulog, sige na matutulog na ako kasi madaling araw na ehh. Matutulog pa ako sa classroom mamaya paalam!
0 notes
Text
WALA NANG INTRO INTRO!!
Whoooo BAGSAK!! Pero "Okay lang, may next sem pa naman" napakaganda ng moto na yan, kundi dahil sa moto na yan pasado sana ako pero "Okay lang, may next sem pa naman". Pag yan lagi mo iniisip babagsak ka talaga pero atleast masasabi mo yung moto mo diba? Di ko nga alam bat ako nag susulat ng blog eh, may klase ako ngayon pero di ako nakikinig kasi syempre "may next sem pa naman". Apir sa mga motivation ang deadline, pag bukas na ang pasahan tapos ang anim na gawain, parati namang may bukas ehhh. MAAAAAY BUKASS PAAAAA!! Asahan niyong puro kalokohan ang laman netong blog na to may mga tula din na wala namang kwenta at dahil mga classmates naman tayo at batikan ako sa pag "Procrastinate" may top 10 tips din tayo kung paano classmates, kung paano ka makakasurvive this sem!! Unahin mo na jan ang bonus tip na gawing moto ang "MAY NEXT SEM PA NAMAN" at "MAY BUKAS PA" ililigtas ka niyan sa pag kakaroon ng pasadong grado agad agad pero swak lang!! "M A Y N E X T S E M P A N A M A N" so pano? Recess na namin kakain muna ako, kakain ako ng libro pampatalino!
0 notes
Text
"A single sheet of paper doesn't define my future, but, it defines my grade"
— Estujuante
0 notes