faustmail
faustmail
faustales
1 post
fst-piece
Don't wanna be here? Send us removal request.
faustmail · 1 year ago
Text
Para sa ating dalawa, litrato ng isa't-isa
Tumblr media
1... 2... 3... smile! hindi ko na rin mabilang kung ilang litrato na ang nakuhanan ko sa mga araw na lumipas. meron akong koleksyon ng litrato sa eskwelahan, kasama ang tropahan, mga pusa sa daan, mga pagkain at mga bagay na sobrang random lang. pero ang album na puno ng litrato mo ang lagi kong binabalik-balikan.
palagi ko ngang naaalala ang mga detalye ng mga pangyayari sa tuwing nakikita ko ang litrato nating dalawa. madalas nga ay mga kuha ito tuwing lumalabas tayo at gumagala kung saan man mapunta. ang bilis lang din pala? dahil ang una kong nakitang litrato na meron ako ay ang kuha ko na nakatalikod ka. pagkuha ko ng litratong iyon ay walang pahintulot, tulad kung paano sa iyo ay nahulog.
tunay na ‘kay sarap-sarap balikan ng ala-ala, lalo na at lagi tayong magkasama. maaaring tunog liriko ng isang kanta ngunit iyon ang aking nadarama. patuloy sana tayong makakuha ng mga litratong kahit hindi nakangiti ay alam nating masaya tayo tuwing kasama ang isa’t-isa.
1 note · View note