Tumgik
fictionalizedhuman · 1 year
Text
Hello!
Ayan pati sa FEU nagstop na rin. Sobrang pasaway kasi Marielle pero tama na kakasisi sa sarili. Nangyari na ang nangyari. We could not turn back time.
Sa loob ng maraming taon, I was way too selfish only thinking about myself. Hindi ko naiisip sakripisyo ng parents ko for me kasi nakasentro lang sa buhay ko ‘yung thoughts ko. For the past 3 years, pare-pareho kaming nahihirapan dala ng mdd ko na nag upgrade na sa bpd 1. Tas sa finances pa. Grabe ‘yung ginawa kong kalokohan last year sobrang lala. Ang roller coaster ride ng 2022. Year siya na minahal ko sarili ko pero year din siya na ang daming maling desisyon.
Hindi ko alam paano ipapaliwanag. Nasa pagitan ako ng pagsuko at paglaban. Nasa season na naman ako ng paghihintay at sobrang bagal ng oras at araw. ‘Yung naiwang gamit ko sa hq ‘di ko alam kung paano ko kukunin. ‘Di ko rin alam kung paano ako magpapaalam. Miss ko na mga tao ‘dun pero sabi nga, ‘di lahat ng masayang kasama ay tamang kasama.
Mahal ko sila pero ‘di na pwede. Gusto ko pa nga ring mag-aral ‘dun. Siguro kung ‘di lang ako pasaway ‘di mangyayari lahat ‘to. ‘Yaan mo na, nangyari na e.
Nga pala. Sobrang proud ako sa self ko kasi naovercome ko na ‘yung fear of failing ko. ‘Yun nga lang ‘di ko na alam mga susunod ko pang desisyon sa buhay. Ipapaubaya ko na sa Diyos. Lord, ikaw na bahala. Ayoko na maggaling-galingan, puro palpak plano ko sa buhay. Pero pag ikaw, Kaya mo na ‘yan.
Basta thank you Lord kasi nahanap ko na purpose ko. Pag-aaral ko na lang talaga problema ko. Sayang nga e, graduating na rin sana ako. ‘Di ko alam dahilan bakit ako delayed pero sabi ng may rason lahat. Baka hindi pa talaga siguro tamang oras kasi priniprepare pa ako sa bagay-bagay. Bahala na. Lord, salamat. Love you!
2 notes · View notes
fictionalizedhuman · 1 year
Text
Ignorance is bliss. ‘Di ko alam. ‘Di ako natutuwa na ganito ‘yung sistema ng mundo at naiinis ako kasi ganito siya. Na ‘yung matagal kong kwestyon nabibigyan ng sagot sa paraang ‘di ko gusto. Pero as a pessimist, ‘di naman na bago ‘yon. Nahihirapan lang ako. Ewan. Ahhhhh. Hays.
0 notes
fictionalizedhuman · 3 years
Text
word vomit
kahit ano mangyari sige lang. ipasa mo nang ipasa mga kailangan gawin. pilitin mo kasi kaya mo naman. di mo pa nasasagad sarili mo. ayan ka na naman sa hindi mo pa na naman nasusubukan, inaayawan mo na. maging matapang kang harapin ang mga bagay. kung puro takot paiiralin mo, hindi ka uusad. walang mangyayari sa’yo. mag-aral ka lang. sige lang. huwag kang hihinto. matatapos ka rin. babalikan mo rin ang araw na to at tatawanan na lang lahat. tiwala lang marielle. makakaalpas ka rin. 
0 notes
fictionalizedhuman · 3 years
Text
Ano?
I feel so lost. Sobrang takot din ako sa mga pwedeng mangyari. Kaso gano’n na lang ba parati? Palagi na lang ba akong magpapadala sa takot ko? Hindi ko kasi alam paano haharapin mga bagay-bagay. Hindi ko alam paano ang gagawin. Hindi ko alam paano uusad. Hindi ko alam. 
Ang hirap na nagpapatuloy ako pero hindi ko alam kung saan ako papunta. Hindi ko alam kung tama ba yung mga ginagawa ko o ano. As of now, puro takot na naman bumabalot sa akin. Yawa, ang duwag-duwag ko naman. Hindi ko na mababalikan ang UP at PLM. Wala na. Umalis na ako. Sinukuan ko na. Pati ba naman FEU, aayawan mo rin, Maging mabait ka kasi sa sarili mo. Hayaan mo lang mangyari ang mga bagay na mangyayari. Huwag mong pangunahan. Magaling ka mag-isip ng ganyan pero pag mag-isa ka na kung anu-ano na naman tumatakbo sa isip mo.’
Sabi nga ‘nung isang araw ‘di ba, sabihin mo sa sarili mo na kaya mo. May grade ka na ngang D+ ano pa kinakatakot mo. Maaalpasan mo rin mga yan. Kalmahan mo lang. Tapusin mo lang ‘tong sem na ‘to. Gawin mo lang mga requirements at ipasa mo lang mga dapat ipasa. Kung anong naintindihan mo edi ‘yon. Huwag mo na masyado i-pressure ‘yung sarili mo. Study smart not study hard. Aralin mo ‘yung mga bagay na siguradong makakatulong sa’yo in the future. ‘Yang stats, aralin mo ‘yan kasi importante ‘yan. 
Marielle, ang masasabi ko lang, kahit gaano pa kabato ang daan, kahit gumagapang ka pa, ayos lang basta umuusad ka. Kesa naman nakahinto ka lang at walang ginagawa. Hayaan mo lang ‘yung sarili mong maging malaya at maging masaya. Huwag ka masyado magpadala sa dikta ng society. Kung hindi mo man ma-meet standards ng professors, so what. Ayun nga ang alam mo. Ayun nga ang kaya mo. Stop berating yourself. Stop forcing yourself na maging on top kasi as of now, you’re far from that. Kahit nga pag-usad di ka sigurado.
Sobrang natatakot ako kasi di ko alam kung kaya ko bang tapusin ang college. Pero alam kong kaya ni Lord. Let your faith be bigger than your fear sabi nga. Huwag mo na muna isipin yung grade mo. Basta magpasa ka. Kung ano kalalabasan edi bahala na. 
0 notes
fictionalizedhuman · 4 years
Text
Hi, old self.
For the past years, this has been my hiding place. Dito ko binuhos frustrations and such ko. I guess 2019 & 2020 were the most devastating points of my life. It had been really hard since then and until now, I’m still suffering. I thought before that once I graduated high school, I can start a new life wherein I’ll be free and happy. But I guess life really isn’t all about rainbows and unicorns. It’s about going through a typhoon with the desire to give up but you can’t. I’ve been a prisoner of my own mind for the last 2 years and until now, I’m still having a hard time in overcoming my drowning thoughts. Just like before, the thought of wanting to die never left my mind. I guess death is the only thing that II can think of as an escape because happenings in my life really pained me a lot. I can’t escape my own mind and I just wanna cry and give up. I don’t wanna continue anymore. It feels like everything is in chaos. Ang bigat-bigat ng puso ko. Hindi ko pa rin maiwasang magtanong kung kailan ba ako makalalaya sa pagsisising dulot ng kahapon at sa takot na dulot ng bukas. Kailan ba ako mamumuhay ng payapa sa kasalukuyan? Ang bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko na lang takasan lahat. Gusto ko nang mamatay. Ang lungkot-lungkot. Lalo na rin yung takot kong bumagsak dahil sa pressure sa ceiling grade. Hindi ko ma-imagine kung tama pa ba ‘yung pinasok ko. Pakiramdam ko kahit anong pinto ‘yung pasukan ko, sa maling desisyon ako nag-eend up. Ang hirap-hirap ng buhay. Ayoko na magpatuloy. Gusto ko na lang magpakamatay. I wish wala na lang akong pakialam sa mga bagay. Lalo na sa putanginang grade na yan. I want to be freed from the shackles of pressure and anxiety. Putangina sagad. Magbebente na ako tapos sobrang incapable ko pa rin. Nakaasa pa rin ako kay Mama at Papa. Tapangan mo naman, Marielle. Sabi nga ng muni, matatapos din ang bagyo. Darating ang araw na kakalimutan din natin ang lahat, tatawanan din natin ang lahat. Kapit ka lang. Malalampasan mo rin yan. Ang dami mo nang pinagdaanan, ngayon ka pa ba susuko? Babalikan mo na lang ang araw na ito balang araw. Padayon. 
0 notes
fictionalizedhuman · 5 years
Text
Pasasalamat, Pamamaalam at Pagpapalaya
Hello. I’m writing this letter to sincerely apologize and thank you for everything. I just want to say sorry kung ayaw kong makipagkita sa personal. I'm sorry if I can't give you the kind of closure you're asking for. I'm not sure if I can handle talking to you face to face since hindi naman talaga ako sanay makipag-usap sa'yo nang harapan. Magiging awkward lang ang sitwasyon and I might say things impulsively na makakasakit sa'ting dalawa. To be honest, I'm not really comfortable talking about my feelings--especially about this. But napagisip-isip ko, with the help of my friends, na we both deserve peace. Salamat sa lahat. All your efforts are appreciated even though hindi ko naipakita. Masakit para sa akin na ma-invalidate 'yung feelings ko. I admit hindi ako expressive sa nararamdaman ko noon. And I am sorry kung naiparamdam ko sa'yo na everything was one-sided. But it wasn't. Hindi ko man masabing minahal kita, because i'm too young to understand kung ano ang ibig sabihin ng L word noon, pero I know sa sarili ko na I cared for you. You were important to me. Gusto ko lang rin linawin na I never put the blame on you. Yes, I admit nasaktan ako pero it was my choice. Masakit ang maiwan lalo ng taong pinapahalagahan mo. Pero hindi ibig sabihin na hindi kita pinigilan eh wala na akong pakialam. I don't want to be a hindrance sa paglago mo, especially sa pangarap mo. Alam kong malawak ang mundo at hindi tamang ikulong at pigilan ka dahil lang sa ayaw kong maiwan. Isa rin sa dahilan kung bakit ko sinusulat 'to ay ang kagustuhan kong lumaya. Kasi hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Na ako ang dahilan kung bakit ka nasaktan o nasasaktan. Ang bigat sa pakiramdam. Ayaw kong makasakit... hindi ko naman sinasadya. Kung nasaktan o nasasaktan pa rin kita, patawad. Paumanhin sa lahat. Patawad din kung napagod ako. Sinubukan ko namang lumaban pero hindi kinaya eh. Siguro sa ngayon, mahapdi pa rin ang mga sugat pero darating ang araw na tuluyan silang maghihilom. Kasabay nang pagpapalaya ko sa sarili ko, sana palayain mo na rin ang sarili mo. Walang taong deserve ang masaktan. Lahat tayo deserve sumaya. Huwag mo sanang ikulong ang sarili mo sa nakaraan at piliin mong maging masaya sa kasalukuyan... dahil ang pagiging masaya ay isang desisyon, pinipili, at pinagpapasiyahan. Hindi lahat nabibigyan ng ikalawang pagkakataon. Nasa realidad tayo. Hindi lahat may happy ending. May mga tao talaga na nakatadhana lang dumating sa buhay natin para maging aral, hindi para manatili. Hanggang sa muli. Ito na ang wakas. Salamat, patawad at paalam.
0 notes
fictionalizedhuman · 6 years
Text
Please, hold on
January 13, 2018 So... this is my first entry of thoughts this year. And this is for myself. Wala akong masabi bigla. Parang kanina lang ang dami kong gustong sabihin pero biglang nawala lahat. Gusto ko lang sabihin sa sarili ko na you need to loosen up. Hindi naman parati na nasa ganiyan kang kalagayan. Nung nakaraang limang buwan, ganiyan din ang pakiramdam mo pero tignan mo, nalamapasan mo din yun. Ganun din ang mangyayari sa mga susunod pang buwan. Alam kong gustong-gusto mo nang matapos ang paghihirap na pinagdadaanan mo. Gusto mo nang bumitaw, gusto mo nang sumuko. Pero diba nga, anong sabi ni Lord sa'yo kanina? Hindi naman puwedeng puro na lang kasiyahan ang dadanasin mo sa buhay diba? Kasi madalas, pag maayos 'yong sitwasyon mo, hindi ka lumalapit sa Kaniya. Hindi naman gusto ng Diyos na makita kang nahihirapan eh. Ang gusto Niya, sa tuwing nahihirapan ka, lumapit ka sa Kaniya. Magtiwala ka at higit sa lahat, manampalataya kang may ginagawa Siya. Yel, wala ka pa sa kalingkingan ng paghihirap na dadanasin mo pa. Magtiwala ka lang sa Panginoon. Huwag kang magpadala sa mga kaisipang pilit na ipinapasok sa'yo ng kaaway. Tandaan mong lahat ng nangyayari sa'yo ay may rason. Alam kong hanggang ngayon, pinagsisisihan mo pa rin 'yong paglipat mo ng school. Siguro habang buhay mo nang pagsisisihan 'yon na nilisan mo ang BN dahil lang sa kagustuhan mo na lumayo. Pero wala namang idinulot na maganda pagdating sa pag-aaral mo. Pero tandaan mong kahit sa ganoong paaralan ka napunta, isa na rin siguro yun sa rason ni Lord para makapagbigay ka ng higit na oras sa Kaniya. Nakapaglingkod ka at mas madami kang bagay na nagawa para sa Panginoon. Nagmamakaaawa ako sa'yo. Tama na ang pag-aalala mo masiyado pagdating sa grades mo. Don't stress yourself too much. Oo, maraming expectations ang mga tao sa paligid mo na dapat ganyan, dapat ganito. Pero mas mahalaga pa ba yung sasabihin nila? Don't make yourself suffer. Kung may mas mataas sa'yo, o kung may makalampas sa'yo sa ranking, be good enough to acceot the result. Don't ever hold grudges or even hatred just because you don't get on top. Nagpalamon ka na sa sistema ng mundo. Sinasabi mo na naiinis ka, na ayaw mo yet hindi mo naman magawang pabayaan ang grades mo. Gusto mo lagi na dapat mataas na para bang ikamamatay mo kung mababa. I tell you, everything here on earth is useless. Fave book mo nga sa Bible ang Ecclesiastes di ba? Alam mo na napakatalino nung philosopher doon pero anong sabi niya? Magsaya ka kasi lahat ng nandito sa mundo, temporary lang. Don't be too hard on yourself. Matatapos din lahat ng paghihirap mo. Mamaya hindi mo mamamalayan March na pala. Tsaka yun nga din, matatapos din lahat. Tiyagaan mo lang. Tiwala lang kay Lord. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Basta ang sinasabi ko sa'yo, ngayong taon, huwag na huwag mo na ulit ipagpapalit si Lord sa kahit ano ha? Tandaan mong walang sayang pagdating sa Kaniya. Yung mga bagay na ginagawa mo para sa kaniya ay hindi mapupunta sa wala. Gusto mo nang mamatay? Gusto mo nang sumuko? Gusto mo nang bumitaw? Sa tingin mo pag ginawa mo ang mga yan, may patutunguhan ka ba? Matatakasan mo ba yung mga problema mo? Mas maraming tao ang mas mahirap ang dinaranas kaysa sa'yo. Napakapalad mo nga dahil kaagapay mo ang Panginoon. Tandaan mong ang goal mo ngayong taon ay ang maka-akay ng mga kalukuwang para sa Panginoon. Hey, tama na ang pagiging selfish. Alam kong mahirap i-let go yung feeling at emotions na nasa mind set mo na dapat lagi kang on top pagdating sa klase. Na dapat ganito, ganiyan. Hindi naman lahat ng bagay, maaayon sa gusto mo. Ito na yung panahon para kalimutan na yung sarili mo. Si Lord dapat ang priority diba? Hindi ang pag-aaral, hindi ang sarili. Alam kong marami kang pangarap na gusto mong matupad at hindi iyon masama. Pero tulad nga ng sabi ni Pastor John, may pangarap din ang Panginoon para sa'yo at mas maganda kung iyon ang pangarap na matutupad mo. Yel, alam kong mahirap. Alam kong gusto mo nang ibaon yung mga teacher mo pero hindi yan ang kaisipan na gusto ng Diyos. Imbis na mainis ka, bakit hindi mo na lang sila ipanalangin na sana maging mabuti sila? Sabi nga kagabi, walang matigas na puso sa panalangin. Tiyagaan mo lang. Kayang-kaya yan ni Lord. Ipaubaya mo na lahat sa Kaniya. Siya na ang bahala. Maniwala kang may gagawin Siya. May magandang plano ang Diyos para sa'yo. Nagmamahal, Marielle
0 notes
fictionalizedhuman · 6 years
Text
Heeeheee
The sea is so calm that makes me really jealous to the I want to jump and cast way all my fears. I want to be happy for awhile without my thoughts drowning me. I want to stop thinking because I am dragging myself into the deepest depths of my wicked mind. I don't want to be there. It's so dark and even silence calm my nerves, it is so defeaning. I heard a soft whisper that says, "Dive deep. You can see and learn more about what's on the inside. Don't hesitate and just follow and listen to what I say." The water is so clear and as I look through it, it reflects the fascination within my eyes that even though I don't tell, I really wanna know what's something inside. The mystery of what's deep within caused an unexplainable feeling that even I can't comprehend. The fear of drowning if I jump disappeared and the sudden excitement run deep through my spine. As I watch the boats passing through each other, the unmovable islands and the crashing waves, without realizing, I'm drowning in my own thoughts. Tangled thoughts that causes heavy breathing and sudden sweating of my palms. I count one to three to calm myself As I stare into the deep waters, the sudden urge to jump comes within me. The crashing waves are captivating. It feels like they are calling me to be one with them. I don't know but everytime I come closer to the sea, I will be lost in my own thoughts. My mind will be like the sea, deep and dark.
0 notes
fictionalizedhuman · 6 years
Text
Lol
December 27, 2017 Today is the first entry of my so-called goal notes with the last five days of 2017. At hindi ko man lang ito naumpisah o natapos lol. December 28, 2017 Shet kinakabahan ako alam mo ba 'yon? WALA KASI AKONG GINAGAWA AT ANG DAMING GAWAIN SA SCHOOL! Huhu. Puwede ba huwag na ako pumasok? Heto nanaman eh. Ang bigat nanaman ng pakiramdam ko. Ewan ko pero napakalaking burden na ng school sa akin. Hindi na ako natutuwa. I don't even know how did I manage to survived the last four years of my JHS without feeling so frustrated and stressed like what I'm feeling right now. Siguro nga dahil hindi ako natutuwa sa school na pinasukan ko and damn it! Hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko pa rin ang paglipat ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. Gusto ko na lang mawala bigla mga tipong ganoon. Hindi ako makalma. Nasa araw pa ako ng December ngayon pero yung utak ko lumilipad na sa kung anong magiging ganap sa 2018. Naiinis ako sa sarili ko. Gustong-gusto ko nang kalasin ang utak ko. Kung bakit ba kasi ganito ako mag-isip. Ako mismo ang pumapatay sa sarili ko. Nasasaktan ako sa hindi ko malamang kadahilanan at ang alam ko lang ay pagod na pagod na ako. Ayoko na mag-aral pero wala naman akong mararating kung hindi ako mag-aaral. Naiintindihan ko na si Kuya Arem kung bakit ayaw niya pumasok. But hell! Ayokong madismaya ang mga magulang ko na kahit ako man lang ay hindi makapag-uwi ng diploma. Damn the system. Bakit ba kasi grades matter? O sa akin lang? Puwede bang huwag akong mag-alala sa grades ko even just for once? Kasi pagod na pagod na akong mag-alala. Ayoko na. Hindi naman ako dadalhin ng mataas na grades ko sa langit. Nakakainis at nakakapagod na ang expectations. Ayoko na. Puwede bang mamatay na? Lol. My life is just so fcked up and this day is counted to all the days I just want to end everything. But damn it. Aaaahhhh yoq na huhuhuhu I'm too tired to deal with life at ang sakit sakit na ng puso koooo ayokoooo na pumasok. Damn the teachers, damn the school, damn the grades, damn the freaking system and damn the society. Damn y'all!!! Lol. December 29, 2017 This day is actually fun. Got to open some treasure box lol. It's some kind of a weird connection with .g cousin. But then I don't want to expect too much. It's just maybe, no one's here to talk to him and he got no othef choice but to be with my company. It's fun yet tiring. And hey, I'm nervous for tomorrow and I'm not acutually good but yea, I badly need to pray jard even though I'm so sleepy. Thank you Lord for this fun and wonderful day. This vacation is one of the best!
0 notes
fictionalizedhuman · 7 years
Link
if i were a boy, i'm surely great!!! Hohoho
0 notes
fictionalizedhuman · 7 years
Link
0 notes
fictionalizedhuman · 7 years
Text
Blog#21
September 24, 2017 Shet. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko mawari kung ano ba talaga itong gumugulo sa akin. Pakiramdam ko, ako mismo yung unti-unting pumapatay sa sarili kong pagkatao. Napakagulo ng utak ko. Kung anu-anong kaisipan ang gumugulo. Kung puwede lang kalasin ang utak. Hindi ko maintindihan kung bakit ba kasi masiyado akong nag-aalala para sa mga bagay sa hinaharap. Natatakot ako na baka hindi ko mapagtagumpayan at natatakot ako na baka maging isang failure ako. Alam ko namang hindi ako susuko at hindi ako titigil kahit gusto ko na pero gusto ko lang talagang mapayapa yung kaisipan ko. Pagod na pagod na akong makipagtalo at labanan yung mga ideyang pilit na pumapasok sa isipan ko. Na siyang nagiging dahilan kung bakit unti-unting gumuguho yung pag-iisip ko. Nahihirapan akong labanan. Kailangan ko ng tulong. Alam kong nandiyan Siya. Kailangan kong mas manalig. Mas manampalataya at huwag hayaang makapasok sa isip ko yung mga bagay na pilit pumapatay sa akin. Napakabata ko pa. Labing-anim na taong gulang pa lang ako. Ayokong sukuan ang buhay dahil alam kong yung mga problemang kinakaharap ko sa edad ko ngayon ay wala pa sa kalingkingan ng mga pagdadaanan ko pa. Gusto ko nang sumuko. Gusto ko nang bumitaw. Pero alam kong hindi puwede. Gusto ko na pero ayaw ko. Kailangan kong magtagumpay. Yel, huwag ka masiyadong mag-isip. Huwag ka ring masiyadong mag-alala. Huwag kang magpapadala sa sinasabi at sasabihin pa ng mga tao na nasa paligid mo. Sa Diyos ka lang tumingin. Sa Kaniya ka lang kumapit. Kaya mo yan. Nilagay ka ni Lord diyan dahil may gagawin Siya. Alam Niyang kaya mo. Huwag ka na rin maging makasarili. Mahalin mo ang kapwa mo. Magbago ka na. Balang araw, pasasalamatan mo ang sarili mo dahil hindi ka sumuko. Mapagtatagumpayan mo din lahat ng yan. Tiyaga at tiis-tiis lang muna dahil walang magandang hinaharap na hindi pinaghihirapan. Tiyagaan mo lang. Matatapos mo din ang school year na ito. Hopefully next year walang nakakastress na teacher. Laban lang, ha? Huwag kang susuko! Kasama mo ang Diyos. Once na matupad mo na ang pangarap mo bilang isang dalubhasang doktor/abogado/guro/manunulat, mapaglilingkuran mo ang bayan. Makatutulong ka sa pamilya mo. Hindi na mahihirapan si mama mo at papa mo. At higit sa lahat, sa pamamagitan nang pagtulong mo sa mga kapatiran ay masusunod mo ang kalooban ng Diyos. Lumaban ka lang. Hindi ka puwedeng sumuko. Alam kong kaya mo yan. Idaan mo lang ang lahat sa panalangin. At sa tuwing nararamdaman mong dina-down ka ng kaaway, tumingin ka lang sa taas at ia-uplift na ni Lord ang pakiramdam mo. Huwag kang padadaig, huwag kang palilinlang. Maging tapat ka. Kaya mo yan, self! Balang araw, magkakaroon din ng DR. ATTY. at MD sa pangalan mo pero higit sa lahat, maipapahayag mo gamit ang mga yan ang pangalan ni LORD. Siya ang itataas at pupurihin mo dahil Siya ang gagawa upang magkaroon ang lahat ng iyan ng katuparan. LAAAABAAAAN!
0 notes
fictionalizedhuman · 7 years
Text
Blog#20
September 7, 2017 Helloooooo! Hahaha. Ang tagal ko nang hindi nagsulat dito. Last May pa yung huli kong entry. So kumusta na ba? Lol. I'm happy with my life. Obvious ba? Char. So yun, medyo nakakapag-adjust naman na sa bagong environment. Bagong mga tao sa paligid. And for these past few months sobrang daming nangyari sa akin. Kailangan ko pa bang isa-isahin? Naaah. I guess not. Pero yun nga, it has been an ultimate roller coaster ride for this year. And this year changed me a lot. It made me a better person (I hope so) and it also drew me closer to our Lord God Almighty. Ang dami kong realizations sa buhay. Yung tipong akala ko dati, mature na ako (oo na, maraming namamatay sa maling akala) pero hindi pa pala talaga. Napakarami pa talagang bagay ang dapat kung matutunan. Like duh, siksteen pa lang ako, asa naman na alam ko na lahat diba. So ayun nga. God finally opened my eyes to see the people who really matter most in my life. First is my family, especially my parents. I admit I've been distant to them since the day that I had reached the age of thirteen. Akala ko kaya ko na. Na sapat na yung I know in my self na mahal ko sila. Na I'm so eager to leave the house and be independent for the reason that I want to explore the world alone. Na sa mga plano ko, hindi ko sila sinasama. Na okay lang yung treatment ko sa kanila. Pag-uwi ko ng bahay, kain tulog. Hindi ako madalas makipag-usap. Yes, kasama nila ako sa iisang bubong pero hindi ako lumalabas sa kwarto. Then pinarealize sa akin ni Lord na sobrang blessed ako to have my mom who's always willing to support me ano man yung gawin ko. Ganun din si papa na kahit ayaw niya yung gusto ko, sige lang (kasi alam niya na magka-ugali kami lol) para maipakita niya na sinusuportahan niya ako. But not to the extent naman na tino-tolerate na nila yung mga mali ko. Sobrang na-appreciate ko sila nung first days ko sa pagpasok sa malayong lugar. Tho nag-uuwian naman ako at nakikita ko sila, para bang oras-oras ko silang namimiss. At doon ko lang talaga nakita na sa mga panahong walang-wala na akong makakapitan, si mama at si papa yung mga tao na kahit kailan hindi ako susukuan. First week ko sa school nag-aalala sila pero hindi nila yun pinakita sa akin. They just keep on cheering me up na kaya ko. Tho pansin talaga nila na hindi ko kayang makipag-usap kasi pagkauwi ko wala akong ginawa kundi umiyak. Then the Lord made me see the love of my parents for me. At naging clingy na ako lalo kay Mama. Na natuto na akong magpakita mg care, makipagkuwentuhan ganun at nakokonsensya na ako na tatamad-tamad. Lol. Hahaha. Ma, Pa, I'm sorry po kasi hindi ko naipaparamda sa inyo na sobrang mahal ko kayo. Sorry po sa pagiging batugan niyong anak. Sa pagiging pasaway na kung ano yung gusto dapat yun. Salamat po sa lahat ng sakripisyo niyo para sa amin ni Kuya. Sa pag-intindi niyo sa akin at sa pagsuporta niyo sa kung ano man po yung gusto ko. Basta yun po, maraming-maraming salamat. I am so happy that the Lord has given me parents like you. Hays drama ko na hahahahaha. Then yun. Naranasan kong makapasok sa ICU at umiyak sa jeep. At una't huling beses na inalagaan ko si Nanay mula nung naospital siya. Hay. Ano ba yan sabi ko hindi ako iiyak lol pero yun. Nay, miss na namin kayo ni mama. Sa tuwing naiiyak si mama naiiyak na rin ako. Masasaol ki met, tinumbok yon tampol si tatay. Agkilabat angibaga ya naksawan kila tan naiilew yu laran maong. Ang sakit lang talaga sa puso na mawalan ng kapamilya. Ng mahal sa buhay. At ang dami kong regrets kasi nung mga panahon na buhay pa si nanay at tatay ay napakadalang kong pumasyal sa kanila. Kung bakit ba naging aloof ako sa mga tao na mas ginusto kong maging mag-isa parati. Grabe ang sakit sa puso na hindi ko na sila makikita at makakasama. Wala nang magbibigay sa akin ng chocolate. At si mama, hays miss na miss na niya si nanay. Sana hinalikan ko ng hinalikan si Nanay at niyakap ng niyakap. Sana naiparamdam ko na mahal ko sila. Ha, ang drama ko. Umiiyak ako hahahaha ano ba plano ko magkwento hindi umiyak hays. Pero yun, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil he's always there masaya o malungkot man yung sitwasyon. Wala siyang katulad. Napakabuti niya. Hindi ko maexplain yung pagiging thankful ko kay Lord kasi hindi ko na kinakaya ang life. Hindi ko masu-survive ang bawat araw kung hindi dahil sa kaniya. Kay Lord lang talaga ako kumukuha ng lakas para magpatuloy at nagpapasalamat ako kasi hindi niya ako iniiwan. Yun ang haba na hahaha at narealize ko lang ngayon na sa loob pala ng dalawang taon, parang sa isang tao lang umikot yung mundo ko. Ebidensya itong tumblr na ito dahil puro siya ang laman. Hahaha. Hindi ko na siya kinakausap. Wala naman akong galit pero mas pinili ko na lang na huwag nang magparamdam. Hindi naman sa sinasabi kong panggulo siya sa buhay ko (charot) pero mas okay na rin yung ganito. Kasi alam ko namang nag-aaksaya lang ako ng oras. Paulit-ulit ko lang nasasaktan yung sarili ko. And wala akong pinagsisisihan sa lahat. He has been a part of my life sa apat na taon at hindi naman ganoon kadaling kalimutan yun. Pero sana makalimutan ko na kung ano man yung nararamdaman ko sa kaniya. Hindi naman ako galit, gusto ko lang makalimot. Masakit maiwan, masakit umasa at syempre masakit masaktan. Hindi ko masabi na minahal ko siya pero masasabi ko na pinahalagahan ko siya (anong pinagkaiba lol) At siguro okay na rin 'to na wag na kaming mag-usap kasi yun nga, wala din lang. Ulit-ulit na hahaha. Sana maging masaya siya at kung ano yung plano ng Diyos sa buhay niya at sa buhay ko, sana mafulfill namin yun. And someday, I'm hoping na we can still be friends naman or not hahaha kasi I want naman na can talk to him and be with him na wala ng awkwardness. Yung tipong barkada, tropa at syempre kapatid. O kaya puwede rin na huwag na kami magkita lol wag ganun hahaha. So ayun, dahil ber na, Merry Christmas!!! Hahahaha. At gusto ko talagang maging abogado. Gusto kong mag-aral ng political science. Pero hindi ko alam kung kakayanin ko. Pero kahit yun ang gusto ko, hindi ko alam kung yun ba yung mahal ko. Kasi nasa puso ko din na magiging isa akong magaling na doktor. Kung saan marami akong matutulungan at mapapagaling syempre sa tulong ni Lord. I'm still praying and hoping na makapasa ako sa UPCAT, USTET, DLSUCET, ACET and many moreeee pero yun nga, ang pinakadesire ng puso ko sa ngayon ay masunod yung kung ano yung kalooban ni Lord. I know my purpose at yun ay ang mafulfill kung ano yung pangarap ni Lord for me. Masiyado na itong mahaba. And wait there's moreeee! May baby na kami whoot whooot! Shout out nga pala kay Raiden Josiah (oha ako pumili niyang josiah char) Iloveyou!! Aalagaan ka ni TitaNinang. Hahahaha matagal kitang hinintay yeah boy!!! On hype ako hahahaha! And waiit!!! May crush ako!!!!!! (Landeh) College siya!!! Hindi ko alam ano course!!! Matangkad!!! Long hair!!! So pogi!!! Huhuhu at bihira ko lang siyang makita. Inspirasyoooon! Waaaaah. Charot hahahahahaha. So ayun. Daldal ko na. Kailan ba hindi no? Hahahaha bye na, labyu! --M. F.
0 notes
fictionalizedhuman · 7 years
Text
Walang kwento/a
Hindi maintindihan kung ano ba talaga itong nararamdaman Kung hindi ito pag-ibig... bakit nasasaktan? Siguro dahil nga meron nang nararamdaman Pero para matawag itong pagmamahal ay walang sapat na batayan Kaya ito ay pilit na itinatanggi at pinagtatakpan Dahil ang nabuong ugnayan ay naputol sa isang malabong usapan Hindi pa man nag-uumpisa ay nagwakas na ang kuwento Na kailanman ay hindi masisilayang nakalimbag sa isang libro Dahil wala pa mang letrang naisulat o nabuong pangungusap ay tuldok na ang sumalubong at mga pahina'y pinalipad na sa alapaap
0 notes
fictionalizedhuman · 7 years
Text
Blog#19
May 28, 2017
The day before he left.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Ewan ko kung pang-ilang sulat ko na ‘to para sa kaniya. Na wala namang nakababasa kundi ako din lang. Wala. I just want to let out this bottled up feelings inside me. I just want to have the guts to finally let go. Wow. Ang galing naman. So, kaisa na ako sa mga taong “walang kami pero magmo-move on” ganern? Kung nasasaktan man ako ngayon, at sasabihin kong isang malaking oo dahil nasasaktan talaga ako, walang dapat sisihin kundi ako. Alam ko namang simula pa lang, sana hindi ko na lang siya hinayaan na pasukin yung mundo ko. Ewan pero why do I have this feeling  na nagsisisi ako?
Siguro ganoon talaga pag nasasaktan. Well, hindi naman totally sa nagsisisi. Pero may part sa akin. Na sana pala umiwas na lang ako. Tutal umpisa pa lang alam kong sa wala din naman mauuwi ang lahat. Pero anong ginawa ko?
Gusto kong mag-rant. Gusto kong magkuwento sa mga tao sa paligid ko. But I guess, they’ll not understand. O baka sakaling maintindihan naman nila pero sadyang ayaw ko lang talagang ipaalam. Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya but then, alam ko namang wala namang magagawa ‘yon. baka masaktan nanaman ako sa replies niya so I guess dito na lang. 
So ano? Umpishan ko na itong open letter. Sana pagkatapos nito, matapos na rin yung feelings ko. Yung sakit na nararamdaman ko. Ayaw ko nang magpahalaga ng mga taong sa una lang ako pinapahalagahan. Masiyado na akong nagiging emosyonal. Yan nanaman. Tsk. Simulan na nang matapos na.
An open letter for J.
 Hi. This is awkward. Well, di ko naman ipapabasa sa’yo ‘to so I guess no reason to pretend. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Naiinis lang talaga ako dahil kung kailan naman pinipilit na kitang kalimutan, tsaka naman yung mga bagay sa paligid ko ikaw yung pinapaalala.  Sobrang madrama to at alam kong ayaw mo ng ganun but I'm really sorry. I just can't help it. Sasabihan mo lang ako ng "dami mong alam" at "diwow" o di kaya ay "oo nalang" kaya mabuti na rin na di ko ipabasa sa'yo. Kasi pag tama ako na yan ang isasagot mo, isa nanamang saksak yun. Pero huwag kang mag-alala, hindi yun gaking sa'yo. Galing yun sa akin dahil ako mismo ang sumasaksak at nananakit sa sarili ko. I just want to let you know that I'm blessed because I've met someone like you. And here's the thing I've been longing to say to you personally... I'm sorry. Alam kong walang magagawa ang sorry ko. Kahit ilang daang beses pa akong mag-sorry, hindi mababawi lahat nang nagawa kong kasalanan sa'yo. Sorry for being complicated. I know it sucks dealing with me dahil if I were you, I can't deal with my self either. I'm sorry for being a coward. I was too afraid to take the risk. I'm sorry kasi lagi akong nangungulit, kung minsan nasusungitan kita. Sorry kung wala akong kwentang kausap. Sorry dahil lagi kitang inaabala. Sorry kung madalas nagtatampo ako dahil tinutulugan mo ako. Sorry dahil nitong mga nakaraang araw, umiiwas na ako sa'yo. Sorry kung ayaw na kita halos kulitin at kausapin. Sorry dahil naaksaya ko yung mga oras mo na sana ay inilaan mo na lang sa mas makabuluhan at importanteng bagay. Sorry kung nasasaktan ako kahit wala naman akong karapatan. Sorry kasi natatakot akong masaktan. Sorry kasi natatakot akong maiwan. Sorry, sorry, sorry. Basta sa lahat ng nagawa ko, I'm really really really sorry.
0 notes
fictionalizedhuman · 7 years
Text
Blog#18
April 20, 2017 I'm fucked up okay? I'm kinda miserable right now and I hate myself for letting the pain get through me. The blame is on me. I'm the reason why I'm hurt. And maybe I deserve this. Tinanong naman kita kung may problema ba sabi mo ewan. Hindi kota maintindihan. Pinaalala ko din sa'yo na sana magsabi ka kung pagod ka na. Kasi gusto ko malinaw. Ang labo na eh. Sabi mo huwag ako masiyado mag-isip. Sabi mo tuloy ang laban. Pero bakit parang hindi naman? Siguro matatanggap ko pa kung tuluyan ka nalang magpaalam. Hindi yung ganito. Parang unti-unti mo akong pinapatay. Pero joke lang. Ako ang pumapatay sa sarili ko. Bakit ko ba kasi inaabala ang sarili ko sa pag-iisip sa'yo eh ni hindi ko naman alam kung minsan ba sumagi ako sa isip mo. Nakakatanga talaga. Ayokong magsabi kahit kanino kasi ayaw ko. Nasubukan ko nang magbigay ng advice at masakit dahil hindi ko iyon mai-apply sa sarili ko. Masiyado akong takot magsabi sa iba kasi sasabihan lang nila akong madrama. Na masyado lang akong nag-ooverthink pero masakit kasi. Alam ko naman na may sarili kang mundo. Hindi lang umiikot sa akin ang mundo mo at siguro nga na for the past two years, nagising ka na. Nagising ka na sa katotohanang hindi naman dapat ako pinag-aaksayahan ng oras. Pero ang akin lang tanginang isip kasi 'to. Sabihin na nating nago-overthink ako pero pakshet kasi. Hahahaha bakit nagkaganito na ang lahat? Gusto kong sampal-sampalin at sabunutan ang sarili ko kasi ang tanga-tanga ko. Kausapin mo lang ako parang walang nangyari. Pero pakshet, kung alam ko lang na magiging ganito ito kasakit hindi na sana kita hinayaan. Ang sakit sakit hahahaha tangina. Nasasaktan ako dito tapos ikaw walang kaalam-alam kasi naglalaro ka panigurado. Punyetang pag-iisip yel!!! Wala akong galit sa'yo. Kasi alam ko naman na wala kang kasalanan. Kasalanan ko lahat una palang. Kasi hinayaan kita. Tapos ngayong napapagod ka na, nahulog na ata ako hahaha pakshet. Ang sakit hahahahahaha parang tanga talaga bwisit. Ako ba ito? Leche. Munggago. Puno na ng mura halaaaa. Hays. Kung ganoon lang sana kadali lumimot. Hindi na. Hinding-hindi ko na susubukan ulit kasi ang sakit sakit. Mamahalin ko nalang yung sarili ko. Tanga ko. Kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan at tanga-tanga ko talaga.
0 notes
fictionalizedhuman · 7 years
Text
Blog#17
April 27, 2017
Ayokong ma-stuck. Kailangan ko nalang talagang tanggapin ang katotohanang wala na. Para din akong tanga minsan eh. Rephrase. Tanga ko talaga madalas. Kasi diba yun nga, sa chat lang kami nag-uusap. Hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ng lahat. Wala. Parang wala na din naman. Hahaha. Nasasaktan? Oo naman. Medyo parati nga eh. Siguro nga ganun talaga. Unfair ko din, kasi parang humihingi ako ng effort sa kaniya pero hindi ko din naman maibigay. Kaso wala eh, hindi ko na alam ang kahihinatnan. Anuna? Haha. Hindi ko alam. Aalis nadin naman na siya at feeling ko din naman wala na siyang pakialam. Ayos lang ako? Malamang hindi. Sino ba namang magiging ayos diba? Pero wala, ganun naman talaga. Masyado padin naman kasing bata. Handa ba akong makita siyang may kasamang iba? Oo naman. Siguro? Hahaha. I mean, oo. Pero pakshet, iniisip ko palang nasasaktan na ako pero wala. Okay lang hahaha. Yun ay kung makikita ko pa siya, aalis naman ako. Oo pangako, aalis ako. Hays. Kaya ko naman siguro? Nasanay naman na ako. Ewan nga, feeling ko ako nalang yung nakakapit. Hindi ko alam sa kaniya. Sa loob ng dalawang taon, parang wala namang nangyari hahaha hindi ko alam. Yun nga, nasasaktan ako dahil sa kaniya pero nasasaktan ko din siya, madalas? Ewan ko hahaha. Yun nga, I don’t have anything in mind. Basta masaya siya okay na ako dun. At kung sakaling hindi na ako kasama dun sa kasiyahan na yun, that’ll be fine. I just want to thank him. Na nagkathrill ang aking buhay dahil sa kaniya. Lol. Salamat sa lahat. Sa pagti-tiyaga sa ugali kong komplikado. Salamat sa pag-intindi. Thank you for caring (noon) basta yun thank you sa lahat. For the all smiles, laughter and pain, maraming salamat. I don’t regret anything. Wala naman kung sakaling meron, yun ay yung masyado akong nagpaovercome sa takot at hiya ko kaya hindi kita nakausap. I had miss the chance of getting to know you more. Pasensya ka na kung pinaghintay kita at hindi ko naibigay yung hinihintay mong sagot (I don’t think you still want it tho). Pero swear, hindi kita pinaasa. Dahil you won, nakuha mo ang loob ko. The walls around me fell down and yea, I’ve open my heart to you pero sobrang takot pa ako na ipaubaya sayo. Yun nga kasi we know nothing sa mga ganitong lagay. And see? Nawawalan na tayo ng communication ganito palang, paano pa kaya pag malayo na tayo sa isa’t isa. Matagal tayong hindi magkikita for sure. Siguro there’s still a part of me na umaasa na kaya pa, na sana tayo ang end game. Pero wala, tingin ko hindi talaga so yun. Thank you for everything. Sorry din sa lahat ng nagawa ko sa'yo. Sorry for being coward. And yun, I’m thankful that I met someone like you. Pakibawasan kalandian. Dejoke hahaha. Basta yun bro, thankyou and I hope you’ll find your happiness at ganun din sana ako.
Paalam :) I will always be your kulit (sana) and you’ll always be my ugip. Labyu!
0 notes