filigroupfive-blog
filigroupfive-blog
Gusto kong magbasa ng..... Mga Words
14 posts
Marisigan, Montalvo, Natividad, Olivar, Po
Don't wanna be here? Send us removal request.
filigroupfive-blog · 6 years ago
Text
10.11.19
           Sa pag-usbong ng teknolohiya sa ating panahon, nakatutuwang isipin na atin pa ring dala-dala ang mga uri ng panitikan na ipinamana sa atin. Subalit, hindi maikakaila na iba ang mga paksang tinatalakay ng mga akda noon kumpara ngayon. Karaniwang tinatalakay ng sinaunang panitikan ay ang mga pinagmulan ng mga bagay-bagay. Sapagkat karamihan ng mga nagmistulang misteryo sa ating mga ninuno ay naipapaliwanag na ng agham, nalipat ang interes ng tao mula kalikasan tungo sa kanyang kalikasan bilang tao.
            Ang karaniwang tema na nagbubuklod sa mga akda na rito ay pag-ibig. Pag-ibig ang karaniwang paksa ng karamihan sa mga likhang sining sa ating bansa, dahil maraming nakahahanap ng inspirasyon sa iba’t ibang uri ng pag-ibig na kanilang nasasaksihan sa kanilang buhay–ang dalisay na pag-ibig ay hindi limitado sa pag-ibig sa pagitan ng magkasintahan. Ang pag-ibig ay maaring para sa bayan, sa kapwa, sa pamilya, sa sarili, o sa Diyos.
            Ang Kalyeserye ng AlDub ay epiko sapagkat tinatalakay nito ang kabayanihan ni Alden. Taliwas sa nakasanayan ng nakararami ukol sa konsepto ng epiko, dahil moderno na ang mundo, hindi lamang limitado sa kalikasan at tao ang kalaban ng bayani. Ang kalaban ni Alden ay ang mapanirang konsepto ng minamadaling pag-ibig na taliwas sa dalisay na pag-ibig. May paralelismo ding matatagpuan dito – ang paulit-ulit na paglalaro ng tadhana na dahilan upang hindi sila magtagpo agad.
            Ang Christmas In Our Hearts ni Jose Mari Chan ay tumatalakay sa pag-ibig na mas malawak at inklusibo kesa romantiko: pag-ibig sa kapwa at Diyos. Itinuring itong awiting bayan sapagkat tila na nating abangan si Jose Mari Chan tuwing Setyembre upang awitin ito. Kumpara noong unang panahon kung saan tungkol sa hanapbuhay ng tao ang mga awitin, ang kanta ay sumasalamin naman sa isa sa pinakamatandang tradisyon ng mga Pilipino - ang Pasko.
Ang Stupid is Forever ni Miriam Defensor Santiago ay lipon ng makabagong bugtong at salawikain. Maitutumbas ang pick-up line sa bugtong sapagkat may iisang sagot ito gaya ng bugtong, at hugot line sa salawikain ngayon sapagkat nagbibigay ito ng aral sa mambabasa tulad ng salawikain. Nagkaiba lamang ang pick-up line sa bugtong sapagkat layunin nitong pakiligin ang nililigawan. 
Ang Daig Kayo ng Lola Ko: Osang Tsismosa ay kuwentong-bayan sapagkat ipinapakita nito dapat ikilos ng tao. Ikinikintal nito sa manunuod na mali ang pagkakalat ng tsismis sa kapwa.  
Ang Anino ng Pag-ibig ay mito sapagkat tinatalakay nito ang pinagmulan ng araw at buwan. May mga diyos at diyosa na nabanggit sa akdang ito; sina Artemis at Apollo. 
Ang Alamat ng Bakit at Kasi ay alamat sapagkat tinatalakay nito ang pinagmulan ng gamit ng bakit at kasi. Tinatalakay nito ang pag-iibigan ng magkaibigan at romantikong pag-ibig. Iwinawangis ang paghihiwalay ng magkaibigan sa paghihiwalay ng magkasintahan; nang mawala si Kasi, panandaliang pinalitan siya nina Baka at Siguro. Sa konteksto ng magkasintahan, ang naiwan ay maaaring magtanong ng, “Bakit kaya ako iniwan?” ngunit dahil wala na ang Kasi ng kaniyang buhay na sasagot dito, sasagutin niya ang sarili ng iba-ibang dahilan na nagsisimula sa “baka” o “siguro”. 
0 notes
filigroupfive-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Kalyeserye (Epiko)
Ang Kalyeserye (kalye + teleserye) ay istorya ng pag-ibig sa pagitan ni Alden at Yaya Dub, na binabantayan ng striktang Lola Nidora. Binibigyang-diin dito ang pagpapanatili ng tradisyon ng panliligaw, at ang trope sa mga Pilipinong istoryang romantiko ng pagsubok at tadhana.
0 notes
filigroupfive-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Anino ng Pag-ibig (Mito)
Ang Anino ng Pag-ibig ay isang akda na inilimbag sa Wattpad, isang social media platform kung saan maaaring magbasa ang isang tao ng iba-ibang akda nang libre. Ito ay tumatalakay sa tatlong magkakaibigang sina Alyona, Lahyr, at Archeleos. Tinatalakay nito ang dahilan bakit may araw at may gabi.
0 notes
filigroupfive-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Ang Alamat ng Bakit at Kasi (Alamat)
Ang Alamat ng Bakit at Kasi ay isang panoorin sa Youtube na gawa ng Vincentiments. Naitatalakay dito ang kuwento sa likod ng dalawang bantas na nagmamahalan, ngunit sa kasamaang-palad ay naghiwalay. Isa itong uri ng alamat sapagkat naisasalayay dito ang pinagmulan ng Bakit at Kasi.
0 notes
filigroupfive-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Stupid is Forever (Salawikain)
Tumatak si Miriam Defensor-Santiago bilang lingkod-bayan dahil sa kanyang talas ng isip at talim ng dila, higit pa siyang nakilala dahil sa kanyang aklat na Stupid is Forever. Ang aklat na ito ay koleksiyon ng mga biro, pick-up at hugot line na kinatha o ‘di kaya’y inipon ng dating senadora.
0 notes
filigroupfive-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Stupid is Forever (Bugtong)
Tumatak si Miriam Defensor-Santiago bilang lingkod-bayan dahil sa kanyang talas ng isip at talim ng dila, higit pa siyang nakilala dahil sa kanyang aklat na Stupid is Forever. Ang aklat na ito ay koleksiyon ng mga biro, pick-up at hugot line na kinatha o ‘di kaya’y inipon ng dating senadora.
0 notes
filigroupfive-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Christmas in Our Hearts (Awiting Bayan)
Pagsapit ng unang araw ng ‘ika nga’y ber months maririnig na ang awiting Christmas In Our Hearts ni Jose Mari Chan. Bukod sa pagiging salaysay ng tipikal na paggunita ng Pasko sa Pilipinas, isa rin itong panawagan ng kapayapaan at pagkaka-isa sa diwa ng Pasko at pag-ibig sa Diyos.
0 notes
filigroupfive-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Daig Kayo ng Lola Ko (Kwentong Bayan)
Ang Daig Kayo ng Lola Ko ay antolohiya ng mga kwentong drama at pantasya na umiikot sa magkapatid na Alice at Elvis, at kanilang Lola Goreng na diumano’y mayroong taglay na kapangyarihang mistikal. Ang isang segment nito (Osang Tsismosa) kung saan gumanap si Maine Mendoza ay isang halimbawa ng kuwentong-bayan.
0 notes
filigroupfive-blog · 6 years ago
Text
09.12.2019
Noong ika-20 dantaong Pilipinas, ang panitikan ay mas nakatuon sa suliraning pulitikal at panlipunan. Sapagkat ang mga ideolohiya ng nasyonalismo at liberalismo ay nanatili hanggang sa Panahon ng Kolonyalismong Amerikano, ang pananatili ng mga ito ay marahil bunga ng kalayaang hindi tunay na natamo ng mga Pilipino mula sa mga banyaga. Mas dumali ang pagpapalaganap ng mga ideyang ito dahil sa pagluwag ng mga regulasyon ng pamahalaan sa paglilimbag ng dyaryo kumpara sa pamahalaang Kastila. Sa kasalukuyan, nananatili pa rin ang diwang makabayan ng mga mamamayan ngunit hindi na umaabot sa punto ng pagrerebelde sa pamahalaan; bagkus iminumungkahi ng mga makabagong aktibista na maaaring mahalin ang bansa nang hindi minamahal ang pamahalaan. Ang kaisipang ito ay matutunghayan sa akdang "Pearl". Isinasalamin nito ang reyalidad na marami ang nakakakita ng kawalan ng hustisya ngunit hindi umaaksyon laban dito - ang mulat ay tikom dahil sa takot. Isang kontemporaryong isyu na ipinapakita ng akdang ito ay ang isyu sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Ang panooring "Kung Pwede Lang" ay mas tiyak na halimbawa ng karanasang "mulat ngunit tikom," sa konteksto ng relasyong guro-estudyante sa makabagong panahon. Ang Twitterserye ay maaaring akalain na isang bagong anyo ng panitikan dahil sa paggamit nito ng SMS, tweets, at memes. Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang ganitong uri ng panitikan ay umusbong noong panahon pa ng Kastila bilang isang nobelang epistolaryo. Kaugnay nito, ipinapakita ng isang hayag sa ADMU Freedom Wall na ang isang akda ay maaaring maipamahagi nang dagli sa publiko; hindi katulad ng simula ng ika-20 dantaon kung saan kinakailangan pang humingi ng pahintulot sa pamahalaan upang mailimbag ang isang akda. Ang daloy ng impormasyon ay hindi lamang galing sa iisang tao, bagkus nagkakaroon ng palitan ng kuro-kuro at diskurso sa pamamagitan ng pagbigay ng komento, pag-like, at pag-share. Ang dagli naman na "Ang Akda, May-akda, at ang Mambabasa" ay nagpapakita ng pagiging malikhain ng panitikan sa kasalukuyang panahon. Hindi ito nakakulong sa isang lupon ng alituntunin na dapat sundin sa paglikha ng akda sapagkat nakaayon sa may-akda at mambabasa kung ano ang maaaring ituring na panitikan. Sa kasalukuyang panahon na mabilis ang pagtakbo ng lahat ng bagay at pinaliligiran ng mga taong limitado na ang atensyon, nakakatuwang isipin na patuloy pa ring tinatangkilik ang literatura. Naipapakita nito na hindi limitado ang panitikan base sa mga pahina ng libro o mga minuto sa isang dula, ngunit ang makapagsasabi lamang ng limitasyon nito ang imahinasyon mismo ng tao. Hangga’t mayroong lugar kung saan dumadaloy ang imahinasyon ng tao, palaging makakahanap ng paraan ang panitikan upang umangkop at dumaan sa panibago nitong dadaluyan.
1 note · View note
filigroupfive-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
filigroupfive-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
0 notes
filigroupfive-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
filigroupfive-blog · 6 years ago
Link
Tumblr media
0 notes
filigroupfive-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note