Tumgik
Text
Ha!!
getting jealous over someone who isn’t even yours
47K notes · View notes
Photo
Tumblr media
5K notes · View notes
Text
Console me, if you can.
0 notes
Text
One
Nakakainis how people you know change over night, well hindi ko naman talaga sya kilala. kasi higher year sya, pero hello, ini-stalk ko kaya lagi yung facebook nya at halos araw-araw ko syang nakikita sa hallway, sa library, sa labas ng building, sa pavillion …
Minsan nga, hinahanap hanap ko pa sya, yung tipong hindi nabubuo yung araw ko ng hindi ko sya nakikita.
Oo aaminin ko na, gusto ko sya.
Hindi naman ako yung tipo ng babae na basta bastang nagkakagusto sa kung sinu-sino pero kasi iba sya e. Iba yung tama ko sa kanya.
First year palang ako gusto ko na sya pero lumala lang nung… ewan ko ba, hindi ko na matandaan.
——*———*——* First impression ko sa kanya? Um… Play boy…
That’s when I started knowing him, stalking him actually, hindi naman yung tipong kinakausap ko sya or may communication kami sa isa’t isa. Hindi ko din sya friend sa facebook.
Hard to admit pero hanggang tingin lang talaga ako sa kanya(tbc…)
———*——*—- in denial pa ako (hanggang ngayon) ayoko kasing inaasar ako ng mga kaibigan ko, kasi naman e lagi kaming nagkikita, ang nasa isip ko, “mas maayos na siguro kung walang nakakaalam kundi ako”, ayoko lang ng awkwardness. Tsaka muka syang masyadong mabait (na playboy) baka i-take nya ko for granted.
At ayoko nun, gusto ko, kung may magkakagusto man sakin, yung kilala nya ako bilang ako.
Sa twing may pagkakataon ako na kamustahin sya sa mga nakakakilala sa kanya, lagi kong dinadivert yung feelings ko, yung tipong tinuturo ko yung mga dating may gusto sa kanya para pilitin yung kakilala nya na magsalita tungkol sa kanya, aamin ko, hindi ko gusto yung ginagawa ko, masakit, pero hindi ko kayang itigil e.
——-*——*—- (C…) Sya yung tipo ng lalaki na gusto sa mga normal na babae, yung tipikal, yung parang mahinhin, maganda at talented.
Ako? Ako yung tipo ng babae na KINAKAIBIGAN LANG ng mga lalaki. Kasi ako yung tipo na maingay, palatawa, baliw, at ang istura? Matangkad na mataba na maitim na puro pimples at walang talent.
Sa tana ng buhay ko ni minsan hindi pa ako nag ka boyfriend, wala ding nanliligaw sakin, ang saklap diba?
——*—-*— Pero hindi yun yung istorya…
Ang storya ay …
Prince charming ang itsura nya, perfect nga yung tingin ko sa kanya. Literally. Pefect sya. (For me) …
Pero hindi ko alam kung anong nangyari sa mundo, hindi ko na sya makilala-hindi ko na sya makilala kahit hindi ko naman talaga sya kilala hypothetically.
Muka na syang badboy.
Buhok nya may kulay at medyo mahaba. Yung tenga nya may hikaw na itim.
—-*——*—- Hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin. Pero kahit na hindi na sya yung tipo kong lalaki, gusto ko parin sya, gustong gusto ko parin sya.
Ano bang ginawa nya sakin?
0 notes