Tumgik
forondanichole · 6 years
Text
PAGKALINGA SA KALIKASAN
Tumblr media Tumblr media
Sa lahat ng mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos, ang kalikasan ang isa sa mga pinakanatatanging biyaya na makikita natin sa ating mundo. Dahil ito ay pisikal nating nakikita, mas nagiging mulat ang ating kaalaman hinggil sa mga benepisyong taglay ng ating kalikasan. Mas napahahalagahan natin ang taglay nitong ganda at yaman na dito lamang natin natatamasa. Ngunit dahil sa paghahandog nito ng mga benepisyong ating pinakikinabangan, inaabuso na ito ng karamihan. Dahil sa patuloy na pag-aabuso at pagpapabaya ng mga tao sa kalikasan, bakit tila ang dating mapagbigay ay ngayo’y nagiging madamot na?
           Sa pagdaan ng panahon, palaki ng palaki ang populasyon ng ating mundo. Dahil dito, maraming tao na rin ang nangangailangan ng mga esensyal sa kanilang buhay, kung kaya’t tumataas ang demand sa paggamit ng ating kalikasan. Dito natin kinukuha ang ating mga pangunahing pangangailangan kagaya na lamang ng mga pagkain, tirahan at marami pang iba. Isang halimbawa ay ang puno. Sa isang puno, marami na tayong maaaring mapakinabangan dito. Maari nating pitasin ang mga bunga nito upang kainin, putulin ang mga tangkay nito upang gamitin sa konstruksiyon ng isang bahay, silungan tuwing panahon ng tag-init, at hangin. Sa proseso ng photosynthesis, inaabsorba nito ang carbon dioxide na ating binubuga at bilang kapalit, nagbibigay naman ito ng oxygen na siyang ating kailangan upang makahinga at upang mabuhay. Dahil sa dami ng mga benepisyong maaaring ihandog ng isang puno, nagiging makasarili ang ibang mga tao at nagiging ganid sa pag-angkin ng mga benepisyong ito. Kung patuloy na ipa-iiral ang ganitong kaugalian ay mas magiging abusado ang isang tao sa paggamit ng kalikasan. Maaring iniisip ng taong ito na marami pa namang maibubuga o mai-babahagi ang ating kalikasan kaya ayos lamang na abusuhin ang paggamit nito. Hindi dapat natin hinahayaan ang pag-iral ng ganitong klaseng kaisipan. Lahat tayo ay kumukuha ng benepisyo sa ating kalikasan, at maging ang ating kalikasan ay umaasa sa atin. Sa madaling salita, kailangan ng balanse sa pag-aaruga ng ating kalikasan. Hindi pwedeng ang kalikasan lamang ang nagbibigay at nagbabahagi. Hindi pwedeng ang mga tao lamang ang nakikinabang. Dapat ay balanse ito upang matamo ang maayos na relasyon ng mga mamamayan sa kalikasan. Matuto dapat tayong maging bukas sa mga oportunidad na inihahandog sa atin ng pagkakataon. Itigil dapat natin ang mentalidad ng pagiging makasarili dahil dapat iniisip din natin ang kapakanan ng ibang tao. Ibinigay sa atin ng Diyos ang kalikasan upang pakinabangan sa magandang paraan. Matuto tayong maging mapag-aruga hindi lamang sa ating sarili kung hindi pati sa mga tao at bagay na nakapaligid sa atin. Dahil pare-parehas naman tayong naka-depende sa isa’t isa – ang mga tao at kalikasan – mas maiging itanim sa isipan na huwag nang abusuhin ang kalikasan. Ngayon na unti-unti na nating nararamdaman ang bagsik nito, hihintayin pa ba nating magtampo ito ng tuluyan?
           Sa kabuuan, dapat tayo ay magkaisa sa pagkalinga sa ating kalikasan. Sa ganitong pamamaraan ay babalik sa atin ang kabutihang ating ginawa at mas magiging mapagbigay ang kalikasan natin. Dahil kahit ano man ang ating gawin, babalik sa atin ang ating mga gawaing pinaghirapan. Pare-parehas tayong makikinabang sa ganitong tipo ng aksiyon at hindi na mangyayari pa ang kinatatakutan nating bagsik ng kalikasan. Alagaan natin ang kalikasan upang alagaan din tayo nito. Sa ganitong simpleng pamamaraan, maipapakita natin sa Diyos ang pagpapahalaga natin sa biyayang inihandog Niya sa ating lahat.
0 notes
forondanichole · 6 years
Text
Pagkalinga sa Kalikasan
Tumblr media
          Sa lahat ng mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos, ang kalikasan ang isa sa mga pinakanatatanging biyaya na makikita natin sa ating mundo. Dahil ito ay pisikal nating nakikita, mas nagiging mulat ang ating kaalaman hinggil sa mga benepisyong taglay ng ating kalikasan. Mas napahahalagahan natin ang taglay nitong ganda at yaman na dito lamang natin natatamasa. Ngunit dahil sa paghahandog nito ng mga benepisyong ating pinakikinabangan, inaabuso na ito ng karamihan. Dahil sa patuloy na pag-aabuso at pagpapabaya ng mga tao sa kalikasan, bakit tila ang dating mapagbigay ay ngayo’y nagiging madamot na?
         Sa pagdaan ng panahon, palaki ng palaki ang populasyon ng ating mundo. Dahil dito, maraming tao na rin ang nangangailangan ng mga esensyal sa kanilang buhay, kung kaya’t tumataas ang demand sa paggamit ng ating kalikasan. Dito natin kinukuha ang ating mga pangunahing pangangailangan kagaya na lamang ng mga pagkain, tirahan at marami pang iba. Isang halimbawa ay ang puno. Sa isang puno, marami na tayong maaaring mapakinabangan dito. Maari nating pitasin ang mga bunga nito upang kainin, putulin ang mga tangkay nito upang gamitin sa konstruksiyon ng isang bahay, silungan tuwing panahon ng tag-init, at hangin. Sa proseso ng Photosynthesis, inaabsorba nito ang carbon dioxide na ating binubuga at bilang kapalit, nagbibigay naman ito ng oxygen na siyang ating kailangan upang makahinga at upang mabuhay. Dahil sa dami ng mga benepisyong maaaring ihandog ng isang puno, nagiging makasarili ang ibang mga tao at nagiging ganid sa pag-angkin ng mga benepisyong ito. Kung patuloy na ipa-iiral ang ganitong kaugalian ay mas magiging abusado ang isang tao sa paggamit ng kalikasan. Maaring iniisip ng taong ito na marami pa namang maibubuga o mai-babahagi ang ating kalikasan kaya ayos lamang na abusuhin ang paggamit nito. Hindi dapat natin hinahayaan ang pag-iral ng ganitong klaseng kaisipan. Lahat tayo ay kumukuha ng benepisyo sa ating kalikasan, at maging ang ating kalikasan ay umaasa sa atin. Sa madaling salita, kailangan ng balanse sa pag-aaruga ng ating kalikasan. Hindi pwedeng ang kalikasan lamang ang nagbibigay at nagbabahagi. Hindi pwedeng ang mga tao lamang ang nakikinabang. Dapat ay balanse ito upang matamo ang maayos na relasyon ng mga mamamayan sa kalikasan. Matuto dapat tayong maging bukas sa mga oportunidad na inihahandog sa atin ng pagkakataon. Itigil dapat natin ang mentalidad ng pagiging makasarili dahil dapat iniisip din natin ang kapakanan ng ibang tao. Ibinigay sa atin ng Diyos ang kalikasan upang pakinabangan sa magandang paraan. Matuto tayong maging mapag-aruga hindi lamang sa ating sarili kung hindi pati sa mga tao at bagay na nakapaligid sa atin. Dahil pare-parehas naman tayong naka-depende sa isa’t isa – ang mga tao at kalikasan – mas maiging itanim sa isipan na huwag nang abusuhin ang kalikasan. Ngayon na unti-unti na nating nararamdaman ang bagsik nito, hihintayin pa ba nating magtampo ito ng tuluyan?
         Sa kabuuan, dapat tayo ay magkaisa sa pagkalinga sa ating kalikasan. Sa ganitong pamamaraan ay babalik sa atin ang kabutihang ating ginawa at mas magiging mapagbigay ang kalikasan natin. Dahil kahit ano man ang ating gawin, babalik sa atin an gating mga gawaing pinaghirapan. Pare-parehas tayong makikinabang sa ganitong tipo ng aksiyon at hindi na mangyayari pa ang kinatatakutan nating bagsik ng kalikasan. Alagaan natin ang kalikasan upang alagaan din tayo nito. Sa ganitong simpleng pamamaraan, maipapakita natin sa Diyos ang pagpapahalaga natin sa biyayang inihandog Niya sa ating lahat.
0 notes