four13pm
four13pm
6 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
four13pm · 11 years ago
Text
I think...I like you more and more each day :)
now playing: My Precious - Jang Geun Seuk
0 notes
four13pm · 11 years ago
Text
Outdoor Quiz Game in English
Tumblr media
TGIF! Thank God It's Friday! 
English time na. Hala. Magqu-quiz kame. Baka bigla akong ma-mental block sa kalagitnaan ng quiz tapos mauwi pa sa zero lahat ng pinaghirapan kong imemorize. Pero biglang nagka-good news. By group daw yung quiz! And outdoor pa! Mukhang mag-eenjoy kame neto. Ang bad news nga lang eh, kung ano yung nakuhang grade ng group niyo, yun yung magiging grade mo sa quiz. Kaya kung mapapabilang ka sa grupo ng mga batang hindi nagrereview, patay tayo diyan. Dahil yung quiz game ay parang "pass the message". Nagbilang kami ng 1 to 6 kaya syempre, madidivide sa 6 groups yung class namin. Ang nakakalungkot nga lang eh, hindi ko makakagroup yung mga ka-close ko dahil magkakatabi kaming nakaupo. Hay. Akala ko pa naman kame mismo mamimili ng kagrupo. Huhu sayang naman! Todo review pamo kame. Then after nagbilangan, pinatayo ni ma'am yung mga magkakagrupo. Syempre mauuna yung mga number 1 tapos tuloy-tuloy na. (Eh number 5 pa lang ako kaya medyo matagal pa.) Biglang gulat ko nang pagkatayo ko eh, tumayo din yung crush ko! *WAHHHHH!-XJFCHRGSDHF-SYET-SYET-WHALESCREAM-MEDYO-KABADO-AT-TULIRO-HAHAHADJKFCENYFW* Diko alam kung anong gagawin ko. Di man lang ako makatingin sa kanya ng diretcho dahil hanggang nakaw-tingin lang ako. Haha. Akala ko di ko siya ka-group! Kase kanina ko pa binibilang yung nasa harap (eh dun siya nakupo, bandang third row pa kame eh) akala ko pang-four siya. Yun pala, magkasama kame sa iisang group! Wahhh! Ano ba! Nakakamuret! Haha. Buti na lang, ka-group ko din yung isang matalinong bata sa room namin, si Jairo. Hahaha. Syempre, parang advantage na din yun diba. Pero........magkagroup ba talaga kame ni crush?! Nakoo. Nakakatuliro. Haha. Ilang weeks na din kase kameng hindi nag-uusap eh. Since first day of school pa. Eh ano na ngayon, June 20 na. Haha. Then last ko siyang nakatext nung May 14, and wala na talagang pansinan since then. Teka, opportunity ba'to?! Hahahaha. Afterwards, lumabas din kami ng room after magbilangan. Dun na diniscuss ni ma'am yung iba pang mechanics ng quiz game. Eh syempre bago pa yun, maghahanapan muna kameng magkakagrupo. Kagroup ko din pala si Zeddy! Buti na lang palagay na ulit yung loob ko sa kanya. Date kase, takot ako sa kanya eh. Tomboy kase. Haha. Hindi na ngayon. Sanay na eh. Then nung pinapagfall-in-line na kame ni ma'am, (6 straight vertical lines all in all) nakita ko na din yung iba kong kagroup. Sina Adrian, Gio, Jairo, Eugene, Mark Martin, (sino pa kase? Teka...) basta sila. Tsaka yung crush ko, si Gerwin. Hahahaha.
May isang taong tagabasa & at the same time, tagasagot din nung question sa laptop ni ma'am na nakapwesto sa pinakaharap ng line. Siya lang yung nakaharap kay ma'am, and then the rest, nakatalikod na. Siguro yung distance namen mula kay ma'am eh mga 3 meters. Kaya after makita nung taga-basa/taga-sagot yung question ni ma'am, tatakbo siya sa kagroup niya tsaka niya ito kakalbitin at ibubulong yung sagot then pass the message hanggang makarating dun sa pinakahuling member na siya na ring magsusulat nung sagot. Itatakbo niya yung sagot papunta kay ma'am kaso kelangan nilang magline sa harap ni ma'am para malaman kung anong group yung unang nakasagot ng tanong dahil may plus points yun. Kapag naman hindi alam nung tagabasa yung sagot, pwede niyang ipasa yung question para masagot ng ibang members yung tanong. Medyo exciting diba?! Haha. Oo, excited na nga ako kahit di pa nagsisimula eh. Pinag-usapan namin kung sino yung unang sasagot and sino yung magsusulat. Si Jairo yung unang sasagot then...sinong magsusulat?! Biglang tinuro ng kagroup namen si Gerwin. Nabigla pamo siya eh. Sabi niya sabay tawa, "Mabilis akong magsulat kaso MA-SURA." Haha! Ang panget pamo nung pagkabigkas niya dun sa last word kaya tawa kame ng tawa. Naisipan pang mag-Kapampangan accent eh no. Mga ilang minutes lang, nag-start na yung game. Medyo serious na. Inayos na namin yung line namin. Then buti na lang, maganda yung flow ng pagpapasa ng sagot sa first question hangga dun sa last member. Sigaw pamo kame ng sigaw habang sinusulat ni Gerwin yung sagot kase ambagal niyang magsulat! Siya yung pinakalast na nakarating kay ma'am. Tapos tawa kame ng tawa kase nung binasa ni ma'am, hindi daw niya maintindihan yung handwriting. Hahaha. Pero buti na lang, tama yung sagot namin! Woooo! Lalo pa kameng nagtawanan nung nalaman nameng yung nakasulat na sagot nung Group 6 eh,......."SIOMAI". HAHAHAHAHA! Buset! Sumakit tiyan namen sa kakatawa! Halos di na kame makahinga! Kulang na nga lang eh maghampasan kame sa sobrang tuwa! Haha. Grabe lang talaga. Nagtataka lang kame, bakit "SIOMAI" yung nakasulat sa papel nila eh yung sagot na pinagpapasa nila eh "Communication" Haha di talaga namin mapigilan hindi mapahalakhak. Halatang gutom na yung ibang members nung Group 6, pagkain yung nasa isip eh. Haha Then nagtuloy-tuloy na. Ang ingay-ingay namin habang pinagchi-cheer yung nagsusulat sa likod at lalong-lalo na kapag tama yung sagot namen, napapatalon pa kame habang nag-woo-"woohoo!" haha tapos lage pang nag-aaway yung Group 5 & 6 sa tuwing makakascore yung isa and yung isa hinde. Yung parang "Ahhh! Nasagot namen! Kayo hindeee!" sabay tawanan. Sakto, sa Group 6 yung isa kong ka-close na si Camille, kaya nakakaaway ko din siya pero lokohan lang yung away namin, parang katuwaan lang. Yung naghahampasan kame ng kamay tsaka panyo. Haha. Kaya among the 6 groups, kameng 2 groups yung pinakamaingay. (Halatang nag-eenjoy eh) Dumating pa sa punto na, na-penalty yung group namen kase nag-skip kame. Yung agad naming pinasa yung sagot sa pinakalikod na dapat dun sa next member muna then to the next one hanggang makarating sa dulo. Bat kase nahule pa kame nung nagbabantay eh! Sayang yung points! Haha. May times din na nakukuha namin yung tamang sagot pero minsan hinde. And syempre, nagtatanungan kame kung "Ano ba yung tanong?", "Ano ba yung naiisip niyong sagot?", "Tama ba yung sagot naten?!" kaya nagkakausap kameng lahat sa group. Wahhh! Diko mapigilang hindi ma-cute-an kay crush! Pano naman kase tumatawa pa with matching eye-smile. Syet. Hahahaha. Parang medyo nabawasan yung awkwardness namen sa isa't-isa kase nagkausap na kame kahit sa ganong way lang. Parang nakakagaan lang ng loob. Haha. Then nung mga 5 questions na lang bago matapos yung game, pahirap na ng pahirap yung mga tanong kaya matagal bago maprocess ng isip namin yung sagot. Mabuti na lang, medyo may nakukuha pa kaming points. Then napasakto pa yung pinakalast na question sakin. Yung question eh, "Anong tawag sa theory na (e.g) pinapaalis ng isang lalaki yung bear." (English question yung nasa laptop ni ma'am, tinagalog ko na lang para easy-ing maintindihan. Haha) Hindi ko talaga magets yung question sa laptop ni ma'am kaya tumakbo nako papunta sa group ko tsaka ko na lang pinasa yung question. Pati yung ibang group, nahihirapan sa pagsagot dun. Ineexplain ko naman dun sa kasunod ko sa line kaso hindi rin niya alam yung answer kaya tinawanan na niya lang ako. Linakasan ko na lang yung boses ko para marinig ng iba kong kagroup na malapit saken at para masagutan na din nila yung question. Kaso wala talagang masagap na answer eh. After few seconds, wala pa rin progress yung group namin. Nakasagot na yung ibang group, kame hindi pa! Hay! Nakakapressure! Tapos bigla akong tinanong ni Gerwin kung ano yung tanong, nandun pa lang siya sa bandang gitna ng line (tas kung ako nasa front, siya bandang fourth) kaya linapitan ko. Sabi ko, "Anong tawag dun sa theory na for example, yung isang boy, pinapalayo yung isang bear, yung parang pinapaalis, ganun." Eh sakto, may bigla silang naisip na sagot kaya ayon, agad-agad nilang sinulat sa papel then itinakbo kay ma'am. Habang chine-check ni ma'am yung mga answer, medyo umaasa kameng tama yung samen, kaso mali pala! Hahaha! Tinanong ko yung groupmates ko kung ano yung binigay nilang sagot, sabi nila, "Yo-he-ho" eh yung correct answer pala eh, "Bow-wow". Nagtaka naman kame bakit ganun, eh mali pala yung pagkadinig ni Gerwin dun sa sinabi ko. (Haha!) Pagkadinig daw niya, "Yung pinapalayo nung boy yung isang girl, anong theory ang tawag dun" Nashock kame bakit "girl" yung narinig niya, eh "bear" yun! Hahahaha! Ayun, nagtawanan kame kahit mali yung answer namin. Haha. After nung game, bumalik na kami sa loob nung room para idiscuss yung mga correct answer sa quiz namen and para marecord na din yung grade namin. Grabe. Most unforgettable day ever! Ang saya-saya koooo! Sa wakas! Nakausap ko si crush! At 'di lang yon, ang cute nyang tumawa! Tawanan moments. Hahaha. Thank you Ma'am English for giving me the opportunity to have fun with my classmates! :)
Date written: June 20, 2014
(Ngayon ko ang napost kase nung tinype ko to to last time, wala pan wifi dito sa apartment. :{D)
0 notes
four13pm · 11 years ago
Text
TAE! BAT DI NASAVE YUNG TINYPE KONG MALA-NOBELANG POST KANINA! BAKIT!!! HALOS MALIGO AKO NG PAWIS SA KAKATYPE MATAPOS LANG YUN HUHU SAKLAP MAMENNN
0 notes
four13pm · 11 years ago
Text
Lucky Hanky
Second day of school...Maagang nagising pero late nakarating sa school. Lagi naman eh! Bat kasi ambagal kong kumilos. Hay. 30 minutes yung concert ko sa banyo tapos 30 minutes ko ding kaharap yung salamin. Hahahaha. Bat kasi nakakaenjoy magpose-pose sa harap ng salamin?!
Pagdating ko sa school, nag-uumpisa na yung class namin. Nasa loob na nung room lahat nung classmates ko pati yung prof. Huhuhuhu. Bat kasi ang kupad kong kumilos?! Pano ako papasok sa room neto?! Baka pag pumasok ako bigla-bigla eh, mapatalsik ako kagad. Tapos bigla kung nakita yung classmate ng cousin ko sa hallway, edi syempre, automatic "Hi" with matching smile. Then, nagstay na muna ako dun sa tabi niya, walang kasama eh. Tapos tinext ko yung friends ko, tinanong ko kung pwede pang humabol sa class, tapos ang tagal magreply, kaya cinall ko na lang. Kaso, di naman sinasagot yung call! Ayun. Tumayo na muna ako dun sa hallway katapat nung classroom. Nakakahiya talaga kasing pumasok kase wala akong makakasabay na mapapahiya kung sakale. (Haha!) Edi ayun, tumayo ako dun for....mga 7 minutes siguro, hintay-hintay ng signal. Buti na lang, may nagtext! Nagreply na sa wakas yung friend ko. Sabi niya, pwede pang pumasok. Kaso nakakahiya talaga eh. *Inhale-Exhale* Bigla ko namang nakasalubong yung isang teacher na taga-samin, kaya ayun, nagmano ako then tinanong nya ko, "Dito ka pala nag-aaral?!" "Opo." Hahahaha. Malamang no. Tagal na nating nagkikita sa school, ngayon mo pa lang narealize? Nako.
After nyan, dumaretcho nako kagad sa room, nakayukong papasok tapos tiningnan ko si sir sabay tawa. "Late! Late!" bulyaw ng mga iba kong kaklase. Tinawanan ko na lang. Buti na lang, nakasmile si sir (which means okay lang siguro sa kanya) kaya agad-agad akong naglakad papunta sa likod para umupo. Hooo. Sa wakas, kala ko maabsent na naman ako sa klase ko eh. Tapos ayun, nakitawa na rin ako sa discussion ni sir, nagpapatawa kasi eh. Nung bigla akong napalingon, may nakita ako!! Nakita ko yung crush ko sa labas!! EMEGHED! (Teka, ibang crush pa yan ha. Yan si Kuya Kepap. Wag kang magpalito. Hahaha) Ang cool niya! Ang porma pa ng hairstyle niya! Huhu. Bakeeeet! Agad kong inalis yung tingin ko sa kanya, baka mahuli ako. Haha! Kaya nakinig na muna ako kay sir. Syet. Medyo kilig-kilig. After few minutes, dinismiss din kami ni sir tapos yinaya kong kumain mga friends ko, gorang-gora naman! After nun, bumalik kami ulit sa room, may pinapagawa palang class card si sir samin. Pagpasok ko sa room, andun siya! Bigla akong nahiya! Napatingin pamo siya samin kase bagong dating kami dun sa room, e dun ata yung next class nila kaya napasaktong nasa isang classroom lang kame. Wahhh! Hahahah. Eto na naman ako, patagong kinikilig. Dun kami sa likod umupo, andun sila sa harap baka manigas ako dun kung malapit siya. Haha. To be continued.....(pauwi na si mama, di pwedeng mahuli nya kong naglalaptop! Lagot ako!)
0 notes
four13pm · 11 years ago
Text
Doomsday: June 9, 2014
Huhuhuhuhu. Baket!!! Ayoko pang mag-aral!!! Pasukan na naman?!!
"First day of school as a 2nd-year college student"
Nakakatamad talagang mag-aral. Nakaka-stress ang buhay college! Lalo na yung ultra mega super duper hot weather sa school namin, pagpasok mo pa lang, pawisan kana. Yung tipong humahagulgol yung kili-kili mo. Masaklap yun, kakaligo mo pa lang, ganon na? Hala. Kumbaga siguro sa cancer, stage 4 na yung sa kili-kili ko.  Pero medyo happy naman, kase magkikita na kami nung.............................................baon ko!!! Wooo! Long time no see! Alam mo bang namiss kita ng sobra?! Sana this school year, matuto nakong magtipid para makapag-ipon nako. Bat kasi ang hilig mang-akit ng mga pagkain dyan sa tabi-tabi eh, yan tuloy pati yung perang pamasahe ko kadalasan, nawawaldas. At buti na lang, may nakasabay akong pumasok sa school! (dahil 'pag wala, siguradong magmumukha kang loner dun ng 'di oras) Sina Cams & Denise!! Wooohooo! So happy to see them again!! Hahahaha. Pagdating namin sa school, blockbuster! Andaming tao. Tapos, may mahaba pang pila ng mga taong nagpapa-enroll. Malala talaga sa school namen. First two weeks of school, for sure, irregular yan. O baka umabot pa ng three weeks yan ah, edi masaya! Sasabog na eskwela sa dami ng students.
Tapos nung nakita na namin yung isa naming kabarkada, si Fulgoso, (ay male!) si Marimar, (yung pinakamaganda sa'ming apat =)) nagplano kami na magpanggap na di namin siya napansin or nakita. Tas ayun, edi dinaanan namin siya, eh nakita niya kame, tas tuloy-tuloy lang kame sa paglalakad tapos bigla niya kaming hinabol sabay sabing ,"Mga walangya talaga kayo!" at saka kami nagtawanan na parang baliw. Haha. Pagkatapos niyan................nakita ko yung crush ko!!!! Wahhh!!! Wahhh!! *WHALESCREAM* Oops, sarrey. Hahahaha. Gravity! Ang gwapo niyaaaa! Bagay niya pa yung suot niya!! Black na long sleeve shirt na may white horizontal lines! Syet syet ( * u * ) Pero, ang hirap kumilig ng patago. Yung sa kaloob-looban mo lang ka sumisigaw?! (Anu daw?!) Hahahaha. Bakit ba kase ampugi mu, dudung. Nakakainis ka, dudung. Hahaha! Kamusta naman ako?! Eto, naging dark chocolate dahil sa summer. Buti pa siya, medyo pumuti. Igadgad ko kaya tong balat ko sa hollow blocks ng medyo pumuti rin? Hay. Masakit ata yun, wag na lang. Ipanliligo ko na lang yung Zonrox Bleach ni Mama plus Datu Puti suka nang magka-pag-asa pakong pumuti. Odiba?! Optimistic na, resourceful pa! Haha. Pero alam mo yung mas masakit? Yun yung hanggang nakaw tingin ka na lang kay crush tapos, di mo man lang siya makausap kahit na kaklase mo siya. Hu-hu-hu. Ititigil ko na nga tong kadramahan na'to! Ang mabute pa, i-stalk ko na lang yung timeline niya. Ay. De joke lang! Cyber-bullying yun, dudung! Mag-i-install na lang ako ng surveillance camera sa banyo at kwarto niya. HAHAHAHA! JOOOKE! UYYY HA!! ANONG INIISIP MO?! DI AKO GANONG TAO! HAHA!
Ang panget sa school namen, ka-1st day 1st day, wala kaming prof at lalong wala kaming classroom! Hayy. Pero masaya kase nagkwentuhan at kumain lang kame during class vacant hours. Tapos pagdating din ng 1PM, umuwi nadin kami. Ay hindi pala, gumala-gala muna sa mall. Ayan ang tunay na estudyante! Masipag pagdating sa galaan, pero tamad pagdating sa pag-aaral. Haha. Teka, hindi lang pala kami gumala, may pinabili palang tela si Mama dun sa palengke, buti na lang sinamahan ako ni Denise. Naks! Next time, sasamahan din kita. Haha. That ends my first day of school as a second-year college student. :)
0 notes
four13pm · 11 years ago
Text
Hi, Hello! :D
0 notes