friebaarriba
friebaarriba
For a Healthier Me
3 posts
Through this blog, nais kong idokumento at ibahagi ang aking journey towards better self-care ngayong 2023. Rewiring myself after years of bad habits is no easy task and I'm up for the challenge
Don't wanna be here? Send us removal request.
friebaarriba · 2 years ago
Text
For A Healthier 2023 Entry 3
Kapag naiistress ako, lagi kong sinasabi ang salitang "nauupos". Kapag nagdesisyon akong maglibang, lagi kong sinasabing "magrefill ng sanity".
Sa usapin ng mental health, gumagamit ako ng imahe ng isang baso ng tubig:
Ubos na ang sanity ko
Kaunting-kaunti na lang ang sanity ko
Kailangan kong irefill ang sanity ko
Random lamang ito para sukatin ang aking mentalidad subalit hindi ko alam na nakakatulong pala ito. Nakatutulong pala kung lalagyan ng imahe ang isang suliranin na hindi nakikita o nahahawakawan. Mas madali kong naunawaan ang limit ko. Mas madedetect ko kung kailan kung kailan ako dapat maglibang.
Kayo, paano niyo sinusukat ang estado ng inyong mental health?
#babysteps #healthier2023
0 notes
friebaarriba · 2 years ago
Text
For A Healthier 2023 Entry 2
Maraming idinulot ang pandemiya. Napabayaan ko ang sarili ko sa mesa dahil sa istres sng thesis. Nakahanap ng comfort sa piling ng mga pagkaing hindi kaaya-aya. Samakatwid, lumalala ang mga bad habits na mayroon na ako.
Subalit, mayroon din itong idinulot sa mabuti. Marami akong naunawaan sa aking sarili, lalo na sa usapin ng mental health. Natutunan kong yakapin ang mga salitang "let go", "pahinga", "hinga", "tiwala" at "its okay". Marahil ito ang pinakamalaking achievement ko noong pandemiya.
Hindi naging maganda ang presentasyon ng proposal? Let go.
Hindi mo nagawang masunod ang iyong health plans? Let go.
Nalulunod ka na sa stress? Pahinga.
Nagpapanic ka kung aabot ka sa deadline? Tiwala lang.
Siyempre, ibubuhos mo ang 100% best mo pero sadyang may mga pagkakataong hindi aayon ang tadhana.
Relax.
Let Go.
Hinga.
Regroup.
Move forward.
Lalong luminaw sa akin ang sinasabi nilang ang buhay ay isang siklo. Sa usapin ng mentalidad, may mga pagkakataon talagang nasa itaas ka-- masaya, optimistic at positibo. Subalit, normal ang mga panahong nasa ibaba ka -- malungkot, nagpapanic, puno ng pagdududa. Akala ko dati ay may problema ako pero hindi pala. Normal pala ang siklo.
Bilang pagtatapos, gusto kong i-cite ang mga linyang ito sa awitin ni Taylor Swift na Innocent
"Time turns flames to embers You'll have new Septembers Everyone of us has messed up Minds change like the weather I hope you remember Today is never too late to be brand new"
#babysteps #healthier2023
0 notes
friebaarriba · 2 years ago
Text
For A Healthier 2023 Entry 1
Mula pa noong nakaraang taon, ipinangako ko na sa sarili ko na ang taong 2023 ay para sa sarili ko. Pagbubuhusan ng panahon ang sariling kapakanan - mapa-mental, sosyal o pisikal man.
Kahapon, nagsimula muli ako sa aking face care. Relaxing talaga ang face care, lalo na kapag maramdaman mo ang moisture sa mukha mo na halos hindi mawala. Madaling lagyan ng make-up ang moisturize na mukha. Gayundin, nakakatanggal ng stress kapag makita mong wala gaanong blackheads and white heads sa ilong. Tunay na magastos pero para sa peace of mind, magandang gawin.
Ilang araw na rin akong umiinom ng vitamins. Hindi na ako bumabata at madalas ay kulang ang aking nutrisyon sa katawan. Malaking tulong ang bitamina.
Sinisikap ko nang baguhin ang aking eating habits at choices. Bagaman malaking improvement talaga para sa akin na marunong na akong kumain ng gulay at ilang seafoods, malaking challenge pa rin ang iwasan ang fast food, chchirya, chocolate at kape. Para sa isang stress eater, may persepsyon akong mawawala ang aking stress kapag kinain ko ito. Years of bad habit na ito, at mahirap talagang hubarin. Kailangan ng ibayong rewiring ng utak para rito.
Bagaman kumain ako ng junkfood at matatamis, okay lang ang magfall back. Isa itong proseso.
Siguro, i-challenge ko na lang aking sarili simula bukas: walang junkfood for one week (Tuesday hanggang Monday next week). Ibig sabihin, walang chihicrya, chocolate at candies -- liban lamang sa milo na talaga namang comfort drink ko ngayong thesis revision.
#babysteps
#healthier2023
1 note · View note