Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
MOUNTAIN VIEW NATURE'S PARK
BUSAY, CEBU CITY


Bilang isang Kabataan nais kong pumunta o dumayo sa iba't ibang Lugar na may magagandang tanawin ng kalikasan at dumayo sa sa mugae na, hindi pa kailanmay napuntahan.

Noong nakaraang buwan ay pumunta kami sa MOUNTAIN VIEW NATURE'S PARK RESORT na matatagpuan sa BUSAY CEBU CITY na ilang kilometro lang ang layo galing sa among Lungsod. Galak at Saya ang mararamdaman papunta sa nasabing lugar dahil sa kapal ng ulap o foggy place sa nasabing lugar at Makikita dito , ang mga infinity pool na naging kalakaran sa panahong ito. Ang Queen City of the South ay totoong mayaman sa magagandang tanawin ng kalikasan; samakatuwid, ang karamihan sa mga resort sa bundok ngayon - kung matatagpuan man sa hilaga o timog - ay may isang infinity pool na ipinapakita ang nakakaakit na natural na kagandahan ng Cebu.


Isa sa pinakasikat na resort ng Busay, sa wakas ay na dito na ang Mountain View Nature's Park karaniwang sigaw ng mga tao upang maranasan ang ganda ng mga infinity pool na magkakasya sa badyet at higit sa lahat ang kasiyahang at kagalakan na mararanasan at higit sa lahat ang tuwang Makikita sa ating mga labi kasama ang ating mga kaibigan, barkada o pamilya.

Ang naging realisasyon ko sa aking paglalakbay na ito ay huwag mong kakalimutan ang mga lugar na talaga namang dapat mong ipagmalaki na sa inyo lang matatagpuan. Dahil ang mga lugar na ito ang nagpapatunay na masagana ang bansa niyo sa likas na yaman at dapat nating bigyang pansin at alagaan upang naisakatuparan ang ninanais nating kaunlaran sa ating Bayan.
1 note
·
View note