Tumgik
frncscvlla-blog · 6 years
Text
Tumblr media
Ito ang passenger ferry na bumangga noong December 20, 1987, sa oil tanker na MT Vector sa Dumali Point ng Tablas Strait na malapit sa Marinduque province.
Ang MV Doña Paz tragedy ang isa sa mga itinuturing na deadliest peacetime maritime disasters sa kasaysayan, dahil 4,386 na tao ang nasawi dala ng paglubog ng ferry na ito. Overcapacity noon ang MV Doña Paz at wala sa manifesto ang karamihan sa pangalan ng mga pasahero. Ito ang isa sa inspirasyon ni Direk Yam sa horror movie na Aurora, na pinagbibidahan ng Kapamilya actress na si Anne Curtis. Noong August 2009, naglabas ang National Geographic Channel ng documentary tungkol sa MV Doña Paz—ang itinuturing na counterpart sa Asia ng RMS Titanic, ang barkong bumangga sa iceberg at lumubog sa North Atlantic Ocean noong April 15, 1912.
Hindi hamak na mas matindi ang nangyari sa MV Doña Paz dahil 4,386 ang nasawi kung ikukumpara sa 1,503 casualties ng RMS Titanic.
2 notes · View notes