Tumgik
fuentescl-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
Magsimula tayo.
Magsimula tayo sa aking salaysay
na marahil ay sing-haba lamang ng sampung Segundo.
Ngunit ako’y iyong sasamahan sa kanyang pagbagal;
At ang bawat tibok ay ating dadamhin kahit panandalian.
 Hawakan mo ang aking mga kamay.
Higpitan mo ang kapit at huwag na huwag kang bibitaw.
Ilapat mo ng maigi ang iyong mga daliri sa pagitan ng akin,
Damhin mo ang init
at bigat ng bawat damdamin.
Sumunod ka sa aking mga yapak.
Makinig ka sa aking tinig.
Hayaan mong tangayin ang iyong katawan
ng iyong bawat pagnanais.
 Tumingin ka sa aking mga mata
at intindihin ang mga bagay na hindi mailalahad ng kahit anong salita.
Ibinubunyag ko sa iyo ang lahat ng aking nararamdaman.
Sa pamamagitan ng mga bagay na,
Nais kong iyong obserbahan.
 Pagmasdan mo ang marahan na hampas ng hangin sa aking buhok,
Ramdam niyan’ kung gaanong ang pagsinta ay totoo.
Kabisaduhin mo ang paraan ng aking pag-ngiti,
Gaya ng kung paano ko kinabisado
Ang napaka-habang linya ng pag-ibig.
Pag-ibig na sa ‘twing bibigkasin ko’y pangalan mo.
 Maghanda ka sa mga susunod nating hakbang,
Sukatin mong mabuti ang pagitan ng aking mga yapak,
Maliit man o malaking pag-usad ay hindi basehan
Ang mga putik at tinik ay huwag mong agapan,
Dahil sa’yo sinta’y may nais akong ipakita.
Sa lugar kung saan may mga ulap,
Iyon ay sigurado, dahil kasama kita.
Kailangan lang magmadali dahil ito ay panandalian.
Sapagka’t kung may ulap maaaring may ulan.
At sa katotohanang hindi pa natin kaibigan ang kapalaran.
Kaya’t magpatuloy ka na ng hakbang,
Dahil narito na tayo sa ating patutunguhan.
Sa dulo, sa kasinungalingan at sa katotohanan
Itong daan ay mayron’ ring hangganan.
 Naka-kapit ka pa ba sa aking kamay?
Dahil ang aking paglingon ay huli na
Parating narin ang umaga
Sa aking pagpikit at ika’y aking nakita
Salamat sa iyong pagsama.
 Hanggang dito nalang at hihiling parin sa ibang oras
Ngunit sino nga bang nakakasigurado ng bukas?
Kahit segundong puno ng saya ay nagwakas
Kaya’t tatanggapin nalang ang mundong may pagka-marahas.
Ang mga salitang nabigkas ay sapat na sa bilang.
Umaasa, naniniwala
Itong kamay ay maaari mo ng bitawan.
Ang huling tingin ay aking pamamaalam.
0 notes
fuentescl-blog · 6 years
Text
nightmares in May
...sa bilis ng mga segundo ay hindi na nya nagawa pang bawiin ang kanyang sarili bago pa man ang tatlong magkakasunod na putok mula sa baril ng kanyang mga kaaway. Umiinit, umiikot ang paligid... maingay at malabo ang sitwasyon, unti-unti nyang nararamdaman ang pagkawala ng kanyang hininga. Dahan-dahang bumabagsak sa lupa ang kanyang katawan, ngunit napigilan ito ng isang pamilyar na presensya. Hindi man nya maaninag ang itsura nito ngunit alam nya, sa banda ng kanyang puso ay naramdaman niyang siya'y ligtas. Hinawakan nito ang kanyang mukha, "Rana! Rana! naririnig mo bako???!" "Andito nako! Poprotektahan kita. Rana!" sigaw ng binatang bakas ang pag-aalala sa kanya. Sa gitna ng komplikadong sitwasyon at mga salitang hindi pa nya maintindihan ng husto bigla na lamang nagbago ang paligid na animo'y pumasok sya sa isang panaginip. "Rana, andito lang ako" "Hindi kita pababayaan" "Rana tumakbo kana!" "Patawarin mo ko, pero hindi ko kayang pati ikaw mawala. Tumakas kana Rana" mga bigkas mula sa boses na matagal na niyang hinihiling na marinig muli. Mula sa mukha ng lalaking iyon ay nag-ibang muli ang paligid niya. Nanginig ang kanyang katawan, isang senaryong itinuturing niyang bangungot, isang senaryong hindi niya kayang makitang muli. "Tsk! tsk! ayoko sanang gawin to' kasi... alam kong para akong kontrabida sa isang love story! HAHAHA!" pang-uuyam ng lalaking kinamumuyian niya. Sa kanyang harapan ay ang nakaluhod na imahe ng kanyang kasintahan, nakatali at naliligo sa kanyang sariling dugo. "Pano? magpaalam kana!" hinudyatan niyon ang kanyang tauhan upang tuluyang pugutin ang ulo ng binata... "Waaaaag!!!" sigaw niya habang nagpupumiglas sa dalawang lalaking nakahawak sa kanya. "HUWAG!!!!!!!!!!" katahimikan ang sumunod, at ang tunog na paggulong na bahagi ng katawan ng binata. Sa parteng iyon, nawalan siya ng hininga, nawalan siya ng kontrol sa kanyang pag-iisip, nawalan siya ng lakas. Gumuho ang kanyang mundo at hindi niya lubos makayanan ang sakit ng mga patalamin sa kanyang puso... naibulong na lamang niya ang pangalan nito, "Drake". "Rana!!! Rana!!!!" bumalik na lamang siya sa ulirat ng marinig ang sigaw ng binatang sumasagip sakanya. Bigla niyang naramdaman ang sakit ng mga balang kanina pa nakabaon sa kanyang katawan kasabay ng kanyang tuluyang pagbagsak. Sa kanyang pag-aagaw buhay ay muli siyang tumingin sa binatang may hawak sa kanya... sa kanyang isipan ay naibulong niya, "i was shot because i want to kill your brother, but you are here saving me... you choose the wrong person"... "Rana! wag kang pumikit! Rana!!!" unti unting dumidilim ang kanyang paligid, "i will never let you disappear again..." sabay ang pagpikit ng kanyang mata at pagkawalan ng hininga. "Rana! Rana!!!!!!"
0 notes
fuentescl-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
hello fish, i love you, hope u have a good 2018
51K notes · View notes
fuentescl-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
   Isang dapit-hapon sa huling araw ng linggo, ang paligid ay kagaya lang ng dati  ngunit ang pakiramdam ay ibang-iba. Sa ilalim ng silong ng mga puno, sa ilalim ng sinag ng papalubog na araw. Saksi lamang ang malamig na simoy ng hangin at mahinang usapan ng mangilan-ngilang tao sa unibersidad. Ang mga katanungan at alinlangan ay natatabunan ng mapanlinlang na mga halakhak, animo’y hindi alintana ang mga huling araw nilang dalawa.
   Hinawakan ni Koli ang kanyang tiyan habang hindi mapigilang humalakhak, si Julia naman ay mangiyak-ngiyak ding tumatawa habang nakatingin sa binata. Mga ilang minuto ‘rin silang napahinto sa paglalakad bago nagpatuloy. Ang kanina lang na halakhakan ay napalitan ng pagka-seryoso ng paligid...
“Sa ganitong paraan ba tayo magtatapos?” biglang tanong ni Julia
tumingin si Koli sa mga puno habang ang naglalakad at ang dalawang kamay niya ay nakapaloob sa kanyang bulsa...
“Siguro...” mahinahong sagot nito.
“Hindi ba dapat mag-away muna tayo? Para... madaling kalimutan ang isa’t-isa” seryosong tanong ni Julia habang pasulyap-sulyap sa binatang nakatingala parin sa mga puno.
“Hindi naman kita gustong kalimutan” sagot ng binata.
Hindi na muling nagtanong si Julia at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Katahimikan ang nangibabaw sa kanilang dalawa.
“Julia... hanggat hindi pa tayo nakakauwi, pwede bang magpanggap na hindi pa tayo maghihiwalay?” 
sa puntong iyon ay napatingin si Julia sa daan at parte ng kanyang puso ang humihiling na sana wala ng dulo ang kalsadang nilalakaran nilang dalawa, kumirot ang kanyang puso sa naisip niya na sa dulo ng daan ay doon na magtatapos ang lahat. 
Hinawakan niya ang kamay ni Koli at ningitian ito,
“Sure, then let’s take the longest road...“
0 notes