Tumgik
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
Photo Essay
Tumblr media Tumblr media
Rixielie Potot Neuron
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
Photo Essay
Tumblr media Tumblr media
Erika Margareth Lim Neuron
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
Photo Essay: Gandang Hindi Inakala
Isang araw, may isang lalaking na may pupuntahan. Papasok na sana siya sa kanyang sasakyan ngunit napansin niya na may kakaiba sa mga gulong niya. Tila ito ay tumirik at nakulangan sa hangin. Nagdadalawang-isip tuloy siya na pabayaan nalang at maglakad. Pero sa huli ay iniayos niya ito sapagkat hindi naman gaanong importante ang pupuntahan niya. Ang mga gulong na tumirik ay pinalitan ng bago. Inilagay niya ang mga nasirang gulong sa kanyang bakura. Bumisita ang isang kaibigan ng lalaki sa bahay niya. Habang naglilibot, napansin niya ang mga gulong. Tanong niya, “ Anong gagawin mo sa mga gulong na ito ?.�� Sagot ng lalaki, “Hindi ko na iyan gagamitin, itatapon ko nalang siguro.” Sabi ng kaibigan, “Sayang naman kung hindi na gagamitin. Paano kung gumawa tayo ng kakaiba sa mga gulong na ito para naman mapakinabangan.” Sumang-ayon naman ang lalaki. Pumunta ang magkakaibigan sa isang espasyo sa hindi kalayuan. Inilagay nila ang mga gulong sa gilid. Sinimulan na nila ang paggawa. Una nilang nilikha ay lalagyan ng mga halaman. Iniba nila ang mga disenyo at estruktura ng gulong. Isinabit ito sa puno at kinulayan para magkaroon ng buhay. Ang sumunod naman ay ipinapatong-patong nila ang mga gulong. Isang kahoy ang ipinatong sa ibabaw ng gulong. Para itong isang lamesa na ginawa galing sa mga gulong. Ang magkakaibigan ay nasiyahan at nagtagumpay sa kanilang ginawa. Tila naipakita ang pagkamalikhain ng magkakaibigan. Ang huli nilang ginawa ay ang isang orasan. Ito ay nagsisimbolo na sa paglipas ng bawat Segundo, hindi mawawala ang pagkamalikhain ng isang tao kapag bukas ang isipan sa maraming mga ideya. Naalala niya din ang sinabi ng kaniyang kaibigan “May ganda ring tinatago ang mga bagay na di-kaakit akit sa unang paningin.” -Jan Elise Amores & Aubrey Telmo
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
Bionote: Frederick Tampus, M.D.
Si Dr. Fredrick Tampus ay ipinanganak noong Disyembre 16, 1983 sa Victorias City, Negros Occidental, at pangalawa siyang ipianganak sa kanilang magkakapatid. Kasalukuyan siyang naninirahan sa Mabolo, Cebu City. Nakapagtapos siya ng elementarya at sekundarya sa University of St. La Salle sa Bacolod. Sa pangarap na maging isang doctor, kinuha niya ang kursong medikal sa Cebu Velez College para sa kanyang Pre-Med. Nakapagtapos siya bilang isang Psychiatrist sa Cebu Institute of Medicine kung saan nakuha niya ang kanyang Medical Degree sa Psychiatry sa taong 2003. Kasaulukayan nagtatrabaho siya bilang isang Psychiatrist sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Sambag II, Cebu City. Ayon kay Dr. Tampus, “We psychiatrists helps patients by evaluating medical and psychosocial conditions, developing and implementing treatment plans, including prescription of medications; monitoring and evaluating treatment results.” Makikita dito ang kanyang pasyon at dedikasyon sa kanyang trabaho. Hindi naging madali ang kanyang pagtatrabaho bilang isang psychiatrist ngunit, nasisiyahan siya kapag nakatulong siya sa mga taong nangangailangan ng tulong bawat araw gamit ang kanyang kakayahan at kaalaman.
- Jan Elise Amores
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
Abstrak
Ang mga mananaliksik ay gumawa ng isang Interconnected Paging System na magkalat ng napapanahong impromasyon at mga anunsyo. Ang pag-aaral na ito ay isang applied research, kaya inaasahang may isang produkto na malikha. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng makabagong amplifier na makasuporta sa wattage ng mga speakers, tatlong instrumental speaker na nakalakip sa isang kahon na gawa sa plywood, 30 metro ng #16 speaker wire upang pagdugtungin ang speakers sa amplifier, electrical tape na magsisilbing takip ng mga nakalantad na mga wires at staple wires upang maligpit ang mga nakabitin na wire. Sa paggamit ng mga materyales na ito, makagawa ng isang epektibong paraan sa pagkalat ng impormasyon at mga anunsyo sa lahat ng mag-aaral ng Senior High School. Ang layunin ng proyektong ito ay makatulong sa pagkalat ng impormasyon at mga anunsyo na naging napapanahon at upang ito ay maging mas mainam na paraan sa pagkalat ng impormasyong at anunsyo. Kaya, ang proyekto na ito ay gumamit ng mga teknolohikal na produkto upang malutas ang isa sa mga problema sa paaralan. Ang mga mananaliksik ay sumasagawa sa pag-aaral at nakita nila na ang paging system ay maaaring ipatupad sa paaralan. Sa pagtupad ng paging system, hindi na kailangan ang pagkalat ng impormasyon at anunsyo sa bawat silid-aralan. Ang paggamit nito sa paaralan ay nakakatulong sa pagkalat ng impormasyon at mga anunsyo na napapanahon. - Jan Elise Amores
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
Abstrak
Ang mga mananaliksik ay gumawa ng isang Interconnected Paging System na magkalat ng napapanahong impromasyon at mga anunsyo. Ang pag-aaral na ito ay isang applied research, kaya inaasahang may isang produkto na malikha. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng makabagong amplifier na makasuporta sa wattage ng mga speakers, tatlong instrumental speaker na nakalakip sa isang kahon na gawa sa plywood, 30 metro ng #16 speaker wire upang pagdugtungin ang speakers sa amplifier, electrical tape na magsisilbing takip ng mga nakalantad na mga wires at staple wires upang maligpit ang mga nakabitin na wire. Sa paggamit ng mga materyales na ito, makagawa ng isang epektibong paraan sa pagkalat ng impormasyon at mga anunsyo sa lahat ng mag-aaral ng Senior High School. Ang layunin ng proyektong ito ay makatulong sa pagkalat ng impormasyon at mga anunsyo na naging napapanahon at upang ito ay maging mas mainam na paraan sa pagkalat ng impormasyong at anunsyo. Kaya, ang proyekto na ito ay gumamit ng mga teknolohikal na produkto upang malutas ang isa sa mga problema sa paaralan. Ang mga mananaliksik ay sumasagawa sa pag-aaral at nakita nila na ang paging system ay maaaring ipatupad sa paaralan. Sa pagtupad ng paging system, hindi na kailangan ang pagkalat ng impormasyon at anunsyo sa bawat silid-aralan. Ang paggamit nito sa paaralan ay nakakatulong sa pagkalat ng impormasyon at mga anunsyo na napapanahon. - Jan Elise Amores
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
Abstrak
Ang mga mananaliksik ay gumawa ng isang Interconnected Paging System na magkalat ng napapanahong impromasyon at mga anunsyo. Ang pag-aaral na ito ay isang applied research, kaya inaasahang may isang produkto na malikha. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng makabagong amplifier na makasuporta sa wattage ng mga speakers, tatlong instrumental speaker na nakalakip sa isang kahon na gawa sa plywood, 30 metro ng #16 speaker wire upang pagdugtungin ang speakers sa amplifier, electrical tape na magsisilbing takip ng mga nakalantad na mga wires at staple wires upang maligpit ang mga nakabitin na wire. Sa paggamit ng mga materyales na ito, makagawa ng isang epektibong paraan sa pagkalat ng impormasyon at mga anunsyo sa lahat ng mag-aaral ng Senior High School. Ang layunin ng proyektong ito ay makatulong sa pagkalat ng impormasyon at mga anunsyo na naging napapanahon at upang ito ay maging mas mainam na paraan sa pagkalat ng impormasyong at anunsyo. Kaya, ang proyekto na ito ay gumamit ng mga teknolohikal na produkto upang malutas ang isa sa mga problema sa paaralan. Ang mga mananaliksik ay sumasagawa sa pag-aaral at nakita nila na ang paging system ay maaaring ipatupad sa paaralan. Sa pagtupad ng paging system, hindi na kailangan ang pagkalat ng impormasyon at anunsyo sa bawat silid-aralan. Ang paggamit nito sa paaralan ay nakakatulong sa pagkalat ng impormasyon at mga anunsyo na napapanahon. - Jan Elise Amores
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
Replektibong Sanaysay
Iba’t-ibang kaalaman, kaugalian, at pinagdaanan ang bawat isa. Lahat ng tao ay nakararanas ng pagkabata sa maikling panahon ng buhay. Ito ay maaaring masaya, malungkot at nakakatakot na karanasan. Mga bagay-bagay na itinuturing mahalaga sa ala-ala ng isang indibidwal, samantalang may iba na ninanais itong makakalimutan.
Sa bidyung ipinakita na namamagat “The heart and the bottle”, ay may mensaheng nais iparating sa bawat manonood. Mensahe na nagbibigay ng iba’t-ibang interpretasyon na nakadepende sa pananaw ng estudyante. Base sa ipinakita, may batang babaeng napakasaya, napakamalikhain, at punong-puno ng mausisang kaisipan. Ang bata ay may maraming libangan tulad ng pagkukulay, pagguhit ng mga larawan, at iba na madalas gawin ng isang bata at ipinakita ang halat ng bagay na minamahal ng puso. Hindi ito nagtatagal at nakapagdesisyon ang bata na ilagay ang puso sa isang bagay na siguradong hinding-hindi ito masasaktan.
Para sa akin, ang bote ay nagsisimbolo ng maturidad, ang pagdating ng edad na nababawasan ang ugaling nakakabata at ang simula ng pagiging dalaga. Pagdating sa panahon ng pagbibinata o pag dadalaga, dapat malalaman kung anong bagay ang uunahin at bigyang kahalagahan. Ito ay kasali sa paglalakbay patungo sa daan ng pagiging matanda.  Masasabi ko kapag ang tao ay nasa sapat na edad, sila ay nagtutuon ng pansin sa trabaho at ibang mas makabuluhang gawain at sa gayon ay unti-uting nawawala ang ugaling nakakabata. Nag-iiba ang pag-iisip at marunong na makipagdesisyon kung ano ang mga pagppiilian sa buhay.
Nakapagbigay ito ng replekasyon sa buhay ko bilang isang estudyante. Lumalaki ako sa piling ng aking itay. Paglipas ng ilan taon, si itay ay nawala na sa mundo at naiwan akong mag-isa. Doon nagsisimula ang pagbabago sa sarili ko. Na-isip na panahon na para isagilid ang mga bagay naghadlang sa kinabukasan ko. Nag-aaral ng mabuti at walang ibang iniisip kundi magsikap sa aking pag-aaral. Mag-iisa na ako sa buhay, sinusuportaan ako ng magulang ko, at pagkatapos doon, ako ay maglalakad patungo sa ibang daan ng mag-isa at maghahanda sa sarili sa bagong buhay na mararanasan.
Sa bidyu, habang patungo ang babae sa daan ng pagsisikap. Unti-unting nakakalimutan ang daan patungo sa daan ng pagkabata. Habang tayo ay tumatanda ay natatanto natin na, “eto na, nandito na ang lahat na nais kong marating, at ano na pagkatapos? Hanggang dito lang ako? Ito lang ang ulit-ulit kong gawin habang buhay?” Dito munting bumabalik ang pasyon ng tao na tinalikuran noon at ulit babalik sa panahon ng kanyang pagkabata.
font-�M�k��
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
Bionote
Si Frederick Tampus, kilala din bilang Fred, ay estudyanteng nakatapos sa paaralang University of St. Lasalle Pre Med: Cebu Velez College bilang isang saykayatrista. Si Fred ay isinilang sa Victorias City, Negros Occidental, Philippines noong Disyembre 16, 1983. Buong puso at kagustohan ng doktor na tutulungan ang mga pasyente sa pamamagitan ng pagsusuri ng medikal at psychosocial na kondisyon. Pagbubuo at pagtutupad ng mga plano sa paggamot, kabilang ang mga reseta ng mga gamut, pagsubaybay at pagsusuri ng mga resulta ng paggamot.
              Pagkatapos mag-aral, nagpapakasal si Fred sa kanyang kasintahan at sila ay magkasama ngayon ng tatlong panahon. Hanggang ngayon si Fred ay wala pang anak, siya lamang at ang kanyang asawa ang pamilya niya ngayon. Natutupad ni Fred ang pangarap sa pagiging saykayatrista at handang tumulong sa taong nangangailang ng medikal atensyon. Ang isang saykayatrista ay medikal na doktor na dalubhasa sa kalusugan ng isip, kasama na ang mga sakit sa paggamit ng sangkap. Ito ay kwalipikado upang masuri ang parehong mental at pisikal na aspeto ng mga sikolohikal na problema. Ang mga tao ay naghahanap ng psychiatric help sa maraming dahilan.
                            Anumang oras o panahon, si Fred ay nagbibigay oras upang tumulong sa mga pasyente. Mahahanap si Fred sa kanyang personal blogsite, The Filipino Doctor kapag mayroong magtatakda ng appointment sa kanya. Maaaring kontakin siya base sa numerong ibinigay sa blog site at pwede rin mag-email.
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
Abstrak
Ang pilipinas ay isang tropikal na kapuluan. mayroon lamang itong dalawang panahonf ang tag-init at tag-ulan. Naoobserbahan na ang kahalumigmig ng bansa, lalo na sa Cebu ay kadalasang malubha na napipilitan ang mga lokal at turista na maghanap ng mga paraan upang magpalamig na maaaring maging mabigat sa bulsa. Ang mga residente ng Barangay Pajo, District 2 ay tinanong tungkol sa karaniwang problema na kanilang hinaharap sa komyunidad. Nagging pangunahin ang mainit na panahon. Ang mga mananaliksik ay nakaisip sa Frosty Air Prototype, isang improbisado at magaan sa bulsan na air cooler upang masolusyunan ang problema. Ang prototype ay binuo mula sa iba't-ibang materyales na binili mula sa mga hardware at junk shops.  Ang pananaliksik na ito ay isang kwantitatibong disenyo at kwantitatibo tungkol sa pagkamabisa ng gamit ng iminumunkahing prototype sa takda ng pagkamatibay, konsumo ng kuryente, at pagpapalamig. Ang mga resulta at datos ay pinagtibay ng mga enhinyerosa gamit ng SPSS. Sa resulta ng Frosty Air Prototype ay nagpapakita ito ng kaparehong kakayahan sa mga komersyal na uri.
ikling 0Mܝ�
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
Ang Gulong ng Buhay
Ang tumatawid at kaagapay ng bawat tao upang marating ang kanilang patutunguhan. Ang sumasagupa sa bawat unos at init ng panahon, at hindi tumitigil hangga’t makarating sa tinutunguhan. Iyan ang gulong.
Bilog at goma, ang gulong ay ang isa sa pinakaunang imbensiyon ng tao upang mapadali ang kanilang mga naturang buhay. Ang kahalagahan ng gulong ay di masusukat sapagkat ito ang bumago sa sistema ng buhay ng tao tungo sa modernisasyon. Ngunit di lamang sa transportasyon nakikita ang kagamitan ng gulong. Maari din iong gamitin sa ibang bagay. Halimbawa ay ang paggamit nito bilang lugar upang taniman at paggamit nito bilang dekorasyon. Bukod sa nabibighaning gaara na nabibigay ng gulong, makikita na ito ay ginagamit bilang alternatibo para sa iba’t-ibang bagay. Datapwat, makikita ang karamihan ng gamit nito para sa mga tao at maging sa kalikasan. Sa patuloy na paglipas ng panahon, ang kahalagahan ng gulong sa buhay ng mga tao ay mas lumalalim sapagkat ito ang nagsisilbing tulay tungo sa ating mga pinupuntahan at higit sa lahat, ang patunay ng ating malikhaing imahinasyon -Mhaya Cajes
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
PHOTO ESSAY: Huling Hantungan
    Naaalala ko noong bata pa ako, makikita ko ang aking mga kaklase na naglalaro - tumatawa, nagdudungisan at nagkakatuwaan. Ang saya, ang saya-saya nila tingnan at sa aking pagsali sa kanila, iba ang aking nadarama...
   Sa pagdaan ng mga panahon, hindi ko maikubli na ang aking inaasahang makulay na mundo ay may halo palang dilim at kapahamakan sa akin.
   Subalit naramdaman ko na wala akong importansya kung napagdesisyonan kong magrebelde upang hanapin ang aking sarili. Lumayo ako sa bahay, dala ang poot at hinanakit, ako ay nagliliwaliw sa daan.
   Hindi ko alam kung saan ako patungo. Hindi ko alam kung saang daan ito. Maiingay na pagbubusina, nasisilawan na ako sa mga ilaw ng mga sasakyan. Hindi ko na maintindihan ang mundo, ang aking sarili! Nakita ko na may papalapit na sasakyan, tamang tama nasa gitna na ako ng daan. Humakbang ako ng dalawang beses at ako’y huminto na.
   Sa lahat ng aking naranasan, ngayon ko lang napagtanto na hindi lahat ng bagay ay makukulay at puro saya, may itinatago rin itong dilim at kalungkutan na ako’y mag-isa lamang. Hindi ako maintindihan ng mga tao, na hindi nila ako gustong kaibiganin. Nilamon na ako ng depresyon. Ngunit, naramdaman ko ngayon na ako’y masaya na dito sa aking huling hantungan.
-Danica Amora & Jaira Loi Marimon 
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1. Ako noong nasa paaralan at ang mga kaklase kong nagkuwentuhan.
2. Inaasahan kong makulay ang buhay ngunit ako ay nagkamali.
3. Ano noong nagsimulang magrebelde.
4. Mabilis ang pagtakbo ng sasakyan at ako’y nasa gitna ng daan.
5. At sa lahat ng aking nakaraan, ako’y namamahinga na.
PHOTO ESSAY: Huling Hantungan
-Danica Amora & Jaira Loi Marimon
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
BIONOTE: Frederick Tampus, M.D.
          Si Dr. Frederick Tampus ay kasalukuyang isang Psychiatrist sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Sambag II, Cebu City. Si Dr. Frederick Tampus ay nagtatrabaho na sa mga ospital ng maraming taon.
             Nagtapos siya sa University of St. La Salle sa Bacolod para sa kanyang elementarya at sekundarya. Kinuha niya ang kursong medical sa Cebu Velez College na matatagpuan sa F. Ramos Street, Cebu City para sa kanyang Pre-Med o undergraduate major. Itinuloy niya ang kanyang pag-aaral upang maging isang ganap na doktor sa Cebu Institute of Medicine sa F. Ramos Street, Cebu City.
             Nagkaroon siya ng maraming mga parangal at pumupuno lamang ito sa kanyang credibilidad bilang isang ganap na mahusay na doktor. Ayon kay Dr. Tampus, “ We psychiatrist helps patients by evaluating medical and psychosocial conditions, developing and implementing treatment plans, including prescription of medications; monitoring and evaluating treatment results.” Ipinapakita dito ang pagiging pasyonable ni Dr. Frederick Tampus sa kanyang propesyon. Ibinahagi din ni Dr. Tampus ang kanyang karanasan at sakripisyo bilang isang doktor. “In this field, be careful. The life line of a person is in your hands.” Sa kanyang propesyon, hindi naging madali ang kanyang pagtatrabaho. Ipinapakita lamang dito na tayo ay dapat maging alerto at mapagmahal sa ating propesyon. 
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
ABSTRAK: The LGBT: Perceived Causes and Effects of Discrimination
         Nagdaan ang mga taon at marami ang naganap na kung saan binuksan nito ang pananaw ng mga tao tungo sa bagay na hindi pangkaraniwan. Isa na dito ang pag-usbong ng Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender (LGBT) sa komunidad. Kadalasan sa mga tao ay tinatanggap sila ng taos-puso subalit marami pa rin ang nagagalit sa kanilang presensya. Kasama sa rasong ito, hindi na nakapagtataka ang pagkakaroon ng diskriminasyon, lalong lalo na ang diskriminasyo ay walang pinipiling antas o lebel sa lipunan. Hindi kaaya-ayang epekto ang dala nito sa mga miyembro ng LGBT na apektado ng diskriminasyon.
             Ayon sa U.S. Department of Health and Human Services (1989), ang mga bakla at tomboy ay dalawa o anim na beses na higit na magtatangkang magpapakamatay kaysa sa mga heterosexuals. Bukod dito, tinatantiya na ang 30% ng mga bakla at tomboy ay may malaking problema sa alak pati na rin ang paggamit ng droga. Ang estadong ito ay nakakaalarma sapagkat ito ay maaaring nagbunga sa diskriminasyon na kanilang nararanasan sa paligid. Ang alak at pag-aabusong gamit ng droga, nagpapakita lamang ito bilang tamang kanlungan ng mga LGBT na galing sa mapaghusgang mundo na kanilang kinatatayuan, lalo na kung ang mga indibiduwal na ito ay nakatanggap lamang ng kulang na suporta at pagmamahal na galing sa sariling pamilya. Isiniwalat rin ng dalawang magkaibang tagapagpananaliksik, Remafedic (1987) at Eversole, na isa sa mga karaniwang dahilan na ang mga bakla at tomboy, lalo na ang mga kabataan ay dinidistantiya ang kanilang sarili mula sa mga diskriminasyon dahil sa pagkabalisa.
             Ano ba talaga ang pananaw ng mga indibidwal sa LGBT ukol sa diskriminasyong kinahaharap nila? Maliban sa mga halimbawang binigay, may mga hindi masabing pakiramdam ang dapat isaboses upang mabatid ito sa ibang tao. Ang mga mananaliksik, bilang mga kabataan na nabubuhay sa mundong puno ng paghuhusga, gusting iparating ang kamalayan at kaalaman sa lahat tungkol sa panganib ng kada salita na kanilang binibitaw at ang mga kilos na ipinapakita.
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
Ang Bionote ni Dr. Frederick Tampus
Dr. Frederick Tampus ay nakatira sa Mabolo Cebu City na ipinanganak noon Disyembre 16, 1983 sa Victorias City, Negros Occidental, ikalawa sa magkakapatid nanagtapos sa kursong medisina, na ngayo’y isang Pychiatrist sa Vicente Sotto Hospital sa Cebu City.
Nagsimula ang kanyang pagkahilig sa pagiging doctor noong siya ay bata pa lamang, na kanyang ipinangarap na siya ay maging isang doctor at sa kanyang pagsisikap sa kanyang pag-aaral ay nagging isa sa mga sangunianna kanyang makamit ang kanyang pangarap. Siya ay nag aral sa University of St. Lasalle noong siya ay nasa elementarya palamang at hanggang siya ay nag high school, palagi siyang isa sa top sa kanilang klase. Nang siya ay nag kolehiyo siya ay nag aral sa Cebu Velez College at diyan rin siya kumuha ng kanyang Pre Med sa pa giging Pychiatrist. Hindi rin nagpatalo ang kanyang kapatid na nakapasa sa Physician Licensure sa taong 2017 lamang. Si Dr. Frederick Tampus ay tatlong taong kasal na ngunit di parin nag-kakaanak.
Ang kanyang trabaho ngayon ay isang Psyhciatrist na tumutlong sa mga pasyente sa pamamaraan ng pag evaluate sa mga medical at psychosocial na mga kondisyon, nagpapalaganap at nag papadebelop ng mga treatment plans, kasale narin ang pag bibigay ng mga karapat dapat na medikasyon sa mga pasyente; Nagmomonitor rin sa mga treatment result. Bilang isang doctor ay napakalaking bagay dahil maraming tao ang natutulungan nila araw-araw sa kanialng mga clinic or hospital na siyang nagbibigay loahat ng kanilang mga makakaya at kaalaman upang ang mga tao ay gumaling lamang. -Mhaya Cajes
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
Terminalia Catappa Leaves Extract as Green Corrosion Inhibitor for Aluminum in Hydrochloric Acid Solutions
ABSTRAK
Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na malaman ang pagka-epektibo ng dahon ng Terminalia catappa bilang isang inhibitor sa kaagnasan ng aluminyo sa hydrochloric acid solution.
Isinasagawa namin ang eksperimento sa dalawang magkaibang set-up, set-up na A at B. Ang mga set-up na A ay isinagawa upang masubukan ang pagiging epektibo ng katas ng mga dahon ng T. catappa bilang inhibitor sa kaagnasan ng aluminyo sa hydrochloric solution. Sa ilalim nito, ang set-up 1 ay inilapat sa katas ng  T. catappa ng tatlong iba't ibang mga trials na may iba't ibang mga konsentrasyon habang ang set-up 2 naman ay walang katas na nilagyan. Pinag-aralan namin ang epektibo ng pag-inhibita sa pamamagitan ng pagbawas ng timbang ng aluminyo, pagsukat ng corroded na bahagi ng aluminyo at sa pamamagitan ng pisikal na obserbasyon.
Ang mga set-up B ay ginanap upang matukoy kung anong partikular na temperatura ng aluminyo na may katas ang pinaka-epektibo. Sa ilalim nito, ang set-up 1 ay may mataas na temperatura at ang set-up 2 ay may mababang temperatura. Ito ay upang subukan kung ang katas ng T. catappa ay talagang epektibo bilang pantigil sa kaagnasan ng aluminyo at kung gayon, upang malaman kung ano ang temperatura ang pinakaangkop.
Ipinapakita sa resulta na ang mga dahon ng T. catappa ay talagang epektibong pagtigil ng kaagnasan ng aluminyo sa hydrochloric solution. Tumataas ang inhibition efficiency ng extract kapag tataas ang temperatura.
Samakatuwid, ang pagkuha ng T. catappa ay isang mahusay na adsorption inhibitor para sa kaagnasan ng aluminyo sa HCl solution at maaaring magamit bilang natural na inhibitor sa kaagnasan ng aluminyo.
-Jaira M.
0 notes