Tumgik
ga-goyong · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
S A L A M A T
64 notes · View notes
ga-goyong · 8 years
Conversation
Baby Antonio Luna: P... P-
Laureana Luna: Kaya mo yan, "papa". Sige lang, anak, "p-papa".
Luna: P-P-PUNYETA
175 notes · View notes
ga-goyong · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
To celebrate the Philippines’ Buwan ng Wikang Pambansa (National Language Month) this August, with this year’s theme “Filipino: Wika ng Karunungan” (Filipino: Language of Wisdom), here are my top picks of untranslatable Filipino words.
5K notes · View notes
ga-goyong · 8 years
Note
Hello po gusto ko lang itanong, ano pong maisa-suggest niyo na favorite niyong history books para sa mga interesadong ukilkilin ang kasaysayan? Salamat po!
Napapanahon ang tanong dahil ang Agosto ay Buwan ng Kasaysayan! Ito ang aking munting listahan. Sana ay makatulong! :)
Tumblr media
Kung ikaw ay baguhan sa kasaysayan ng Pilipinas, iminumungkahi ko ang The History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo. Mababasa mo sa iisang librong ito ang kabuuang buod ng kasaysayan ng bansa pati na rin ang naratibong nagbibigay saysay sa mga pangyayari sa bawat yugto ng ating pagkabansa. Marami nga lang na mga historyador ang nagsasabing “outdated” na ang aklat na ito (sumasang ayon ako sa kanila), dahil marami na ring nagsilabasang mga librong sinama na ang mga kasalukuyang pag aaral. Ngunit ang akdang ito’y nananatiling “classic” sa kasaysayan dahil na rin siguro sa dali nitong basahin. Di ka magkakamali kay Agoncillo, na tinaguriang National Scientist at “pioneer” sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, kasama nina Nicolas Zafra, Encarnacion Alzona, Horacio de la Costa, at Gregorio Zaide. Ang aklat ring ito ay mabibili sa mga lokal na bookstores sa bansa.
Tumblr media
Mayroon din namang mas maikling aklat na sumasaklaw sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Para sa inip at nagmamadali, ang pocket book na A History of the Philippines ni Samuel K. Tan, dating tagapangulo ng National Historical Commission of the Philippines, ay para sa kanila.
Makakatulong rin ang Readings in Philippine History ni Horacio de la Costa. Tinipon ni de la Costa ang ilang mga saligang babasahin, mga primaryang batis (primary sources) na galing mismo sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas, kasama ang kanyang sariling analysis at komentaryo. Ang mga komentaryo niya ay sumasalamin rin sa kanyang pananaw bilang isang Heswita, isa sa mga pananaw na bagamat hindi ako lubos na sang-ayon ay nagbibigay rin ng ibang anggulo sa pagtingin sa mga kaganapan ng nakaraan.
Tumblr media
Para sa mas masinsing pag-aaral ng kasaysayan, ang 10-volume Kasaysayan: History of the Filipino People ay ang kaisa-isang “historical encyclopedia” tungkol sa Pilipinas. Ito’y inilathala ng Reader’s Digest sa pamamagitan ng Asia Publishing Company Ltd., at binubuo ng mga sanaysay at artikulo mula sa iba’t ibang mga kilala at mapagkakatiwalaang historyador sa bansa. Kasama na rin rito ang listahan ng mga pangkat etniko at iba’t ibang wika ng bansa. Dati, ito’y nagkakahalagang PhP 10,000.00 ngunit kamakailan, nagkaroon ng sale ang Fully Booked at mabibili na lamang ang buong bookset ng mga PhP 1,898.00 na lamang. Iyon nga lamang ay nagtatapos ang seryeng ito sa taong 1998, kung kailan ito ipinrinta at inilabas, sa sentenaryo ng proklamasyon ng kalayaan.
Tumblr media
Sa mga talambuhay (biography) inirerekomenda ko ng walang humpay ang The First Filipino ni Leon Ma. Guerrero, isang kilalang embahador. Ika nga ni Guerrero, kung gusto mong malaman paano nagsimula ang pagkakakilanlan ng Pilipino, magsimula ka sa buhay ni Rizal, na siyang unang tumawag sa kanyang mga kababayan bilang “Filipino.” Groundbreaking rin ang akdang ito dahil si Guerrero ang tanging sumulat na si Rizal ang unang Protestante ng bansa, at dahil rito, hindi niya binawi ang kanyang isinulat (recant) bago siya pinatawan ng sentensyang kamatayan. Ang husay ng pagkakasulat nito kaya’t ‘di nakapagtatakang ito’y iginawad ng “First Prize” sa Rizal Biography Contest ng Jose Rizal National Centennial Commission noong 1961. 
Tumblr media
Isa pang magandang talambuhay ang Mabini and the Philippine Revolution na inakda ni Cesar Adib Majul. Makikitang hindi basta bastang rebolusyonaryo si Mabini. Ginamit niya ang talino’t kaalaman bilang mambabatas para ipagtanggol ang Pilipinas habang ito’y nakikidigma sa mga Amerikano noong Philippine-American War. Ipinaliwanag ni Majul na si Mabini ang unang bumuo ng kaisipang pampulitikal at pilosopiya ng Unang Republika ng Pilipinas, na kaakibat ng kaunaunahang burukrasya ng unang pamahalaang pinamumunuan ng mga Pilipino.  
Tumblr media
Kung ang interes mo naman ay ang Pilipinas bago dumating ang mga Kastila, isang librong di dapat palampasin ay ang Barangay: Sixteenth-Century Philippine Culture and History ni William Henry Scott. Ang may-akda ay isang Amerikanong antropologo at misyonero ng Simbahang Episkopalya na namalagi sa Sagada sa Hilagang Luzon. Siya rin ay kilalang historyador ng Prehispanic Philippines at kilalang nagpruwebang ang Code of Kalantiaw ay isang pekeng dokumento. Ang aklat na Barangay ay punung-puno ng ilustrasyon, mga pagsasalarawan ng pamumuhay ng mga Pilipino, at mga sinaunang kaugalian, kultura at pananalita, bago nanakop ang mga Kanluranin sa kapuluan. Lahat ito ay binase ng antropologo sa mga nahukay na artifacts, at mga nasulat ng mga unang Kastilang unang naka engkwentro ang Pilipino. Hinati ang libro sa kategorya ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Tumblr media
Sa isa namang bihirang pagsusuri sa kasaysayan ng Islam sa Pilipinas, iminumungkahi kong basahin ang Muslims in the Philippines ni Cesar Adib Majul. Kahit na mas sikat ang may-akda sa pagsulat ng talambuhay ni Mabini, sa tingin ko, ito ang kanyang obra, dahil sa akdang ito malalaman mula sa mga primaryang batis paano naitatag ang mga sinaunang sultanato sa Mindanao mga ilang siglo bago pa dumating ang mga Kastila. Si Majul ay isang Muslim, at bagamat ito ang kanyang bias, makikita ang kanyang masusing pagtingin bilang isang historyador na walang pinapanigan kundi ang mga primaryang batis na kinilatis niya kanyang kapanahunan. Ang aklat ay nagbibigay diin sa pananaw na ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang kultura, wika at relihiyon, na may kani-kaniyang kontekstong pangkasaysayan.
Tumblr media
Siyempre, hindi sapat ang malaman lamang ang mga impormasyon tungkol sa kasaysayan. Mahalaga ang interpretasyon, at ito’y ibinibigay ni Nick Joaquin sa kanyang Culture and History. Si Joaquin ay tinaguriang National Artist for Literature, at bagamat hindi siya historyador kundi isang malikhaing manunulat, ang nasabing aklat ay mga tinipong mga sanaysay niyang inilabas noon sa pahayagan patungkol sa kasaysayan, kultura at pagkakakilanlan. Isa sa mga natatanging sanaysay na inirerekomenda ko sa librong ito (kahit hindi ako sang-ayon rito) ay ang “Heritage of Smallness.”
Tumblr media
Isa pang minumungkahi ko ay ang aklat ni Floro Quibuyen na pinamagatang A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony and Philippine Nationalism. Sa aklat na ito, pinatunayan ni Quibuyen na hindi totoong labag si Rizal sa himagsikan nuong panahon ng Rebolusyon. Sinuportahan pa nga niya ito. Hindi rin totoong ang aspirasyon ni Rizal ay para lamang sa Ilustrado at di pang-masa. Ang nasabing negatibong pagtingin kay Rizal ayon kay Quibuyen ay dulot ng mga maka-Kaliwang iskolar na di lubos na nauunawaan si Rizal. Bagamat nakakapagpabagabag, hindi ka magsisisi sa librong ito. Hinahamon nito ang mambabasa na huwag lamang tanggapin ang sinasabi ng nakararaming iskolar kundi suriin mismo at unawaain ang mga naisulat ni Rizal.
Tumblr media
At dahil napapanahon ang “historical revisionism” sa bansa na kailangang sagupain ng bawat historyador, huli kong inirerekomenda ang Marcos Martial Law: Never Again ni Raissa Robles, isang kilala at ginagalang na peryodista at mamamahayag. Marami nang libro ang naisulat patungkol sa panahon ng Martial Law (1972-1986) ngunit ang librong ito na inilabas lamang ngayong taon, ay nagbibigay ng buod sa madilim na yugtong ito ng kasaysayan. Isinama ni Robles sa aklat ang mga litrato, artikulo ng panahon, editorial cartoons, mga datos at graphs, mga sariling kuwento ng mga biktima ng dahas ng militar, pati na rin ang mga organizational chart at chain of command ni Pangulong Ferdinand Marcos. Makikita ang malinaw na sistematikong pagkitil sa kalayaan at karapatang pantao ng mamamayan noon, habang patuloy na nasadlak ang bansa sa utang at kahirapan. Hindi ko pa ito tapos basahin ngunit ito’y magandang panimula sa mga librong pangkasaysayan patungkol sa rehimeng Marcos. Mabibili ang Student Edition ng nasabing aklat sa murang halaga na PhP 300.00 sa National Bookstore.
Sana’y nakatulong ito kahit sa maliit na paraan. Happy book hunting!
*All photos of book covers belong to their respective owners. 
218 notes · View notes
ga-goyong · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang Pagbibinata ni Joven Hernando-Bernal (alternately, The Life and Times of Jovito Hernando, Bernal Brother #3) a fic by @toniongbuwan​​ / @ipakomokoroman​​ with @sumbungero​​ / @chinupacoroman​​ images by @dettsu / @bagyong-goyong​​ 1,337 words of 15k+ | PG | Pacoven (One-sided) chapter index: 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12
Chapter 13: “Japanese porn ba ‘yan???”
This time, PAGASA finally got it right. A Category 5 typhoon hurtled from the Pacific, bringing with it such strong gusts of wind that trees were bent in half. The government, usually tardy in such matters, had made the prudent decision to cancel both work and classes to prevent any commuter casualties. Manila girded its loins and hunkered down, and waited for the storm to pass.
Manuel, seeing both of his younger brothers getting restless, called for a movie night. Joven wanted Hachiko (“Japanese porn ba yan???” “Ano ba kuya, hinde!”) while José chose that Fassbender film with the excuse that it was an Oscar nominee. Manuel voted him down. That movie had way too many sex scenes than he was comfortable with. 
“Horror movies na lang! Paco,” Manuel called towards his friend, just arrived, and was still unzipping his hooded jacket “Dala mo ba external hard drive mo? Anong horror movie meron ka diyan?”
“The Grudge, The Ring, The Eye, Alone, Missed Call, The Ex…” Paco ticked them off with his fingers. “The Orphanage, Red Shoes, The Tale of Two Sisters…” He continued.
“Wala ka bang ‘yung English talaga?’ Yung hindi ko kailangan magbasa ng subtitles?” José interrupted.
“Ah! The Uninvited.” Paco said, rooting inside his bag for the cable for his hard drive.
“Ayos! Ang ganda nung chick dun e.” Goyong called from the door, shaking his head from where it got wet in the rain. “Oorder ako ng pizza! Jovito nasan yung cordless?” He said magnanimously.
“Pa’no mo alam na may movie night?” José asked, frowning. “Hindi naman kita tinext, ah! Tsaka wala ka bang konsepto ng basic human dignity? Bakit ka mag-oorder ng pizza sa gitna ng bagyo?" 
Keep reading
44 notes · View notes
ga-goyong · 8 years
Photo
Tumblr media
I couldn’t sleep so I decided to make a little thing!
100 notes · View notes
ga-goyong · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
2 illustrated versions of my Heneral Luna Squad 
184 notes · View notes
ga-goyong · 8 years
Text
be an alejandrino in this janolino world
Tumblr media
141 notes · View notes
ga-goyong · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Happy Heneral, Happy Life!
182 notes · View notes
ga-goyong · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
HENERAL LUNA 
Heneral Luna character illustration for my comic design thesis.
140 notes · View notes
ga-goyong · 8 years
Photo
Tumblr media
Crappy henerahhhl wallpaper (1/?)
Kailangan kong pasayahin ang sarili ko kahit papano.
15 notes · View notes
ga-goyong · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
They are all my children. My problematic children.
63 notes · View notes
ga-goyong · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Heneral Luna: Ang mga paang nag-iwan ng bakas sa lupa
47 notes · View notes
ga-goyong · 8 years
Photo
Tumblr media
Philippine History as told by Spongebob
156 notes · View notes
ga-goyong · 8 years
Photo
Tumblr media
This sums up the whole movie. If you don’t get the reference, who r u
613 notes · View notes
ga-goyong · 8 years
Photo
Tumblr media
reblog and make a wish! this was removed from tumbrl due to “violating one or more of Tumblr’s Community Guidelines”, but since my wish came true the first time, I’m putting it back. :)
12M notes · View notes
ga-goyong · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
10 HEROES X ERASERHEADS
850 notes · View notes