galmambo-blog
galmambo-blog
Mga Salita sa Tabi
5 posts
Kung saan tayo'y tumawa, doon sila lumuha.
Don't wanna be here? Send us removal request.
galmambo-blog · 7 years ago
Text
Fibia
Si
Si
Hin mo
Ang tao.
Sino ba sila
Ang hari ng gusali ba,
O ang kamay ng kalikhasan? Ang tadhana?
Buhay na buhay, lupa sa paa, balat sa araw, hinubaran sila.
Si
Si
Pain
Na lang ang
Malas. Buoin
Ang suwerte, ang pag-asa
Sa dilim para masiyasat ang liwanag.
Patay na patay, piso sa palad, dugo sa tiyan, walang uuwian.
Si
Si
Kapan
Ang bukas.
Sana’y dumating
Ang bagong kinabukasan
Na naghihintay kung may magtitingin sana...
Isa, dalawa, tatlo, lima, walo, labing-tatlo, dalawampu’t isa.
0 notes
galmambo-blog · 7 years ago
Text
Doon na Lamang Sila
Sinakop ng dilim ang aking daan habang umandar ang motorsiklo sa pagitan ng dilim. Wala akong narinig kung hindi ang bakal na iyak ng makina at ang mga tawag ng mga kuliglig. Kahit itim ang paligid ko, naroon ang ilaw ng motorsiklo na parang kahel na sibat, tumatagos sa anino ng gabi.
Kakagising ko lang noon sa mahabang biyahe, at ang bitbit ko lamang ay isang maliit na sling bag. Malamig ang hawak ng hangin sa aking balat, at sapagkat may dilim, alam ko na maalibok ang daan at pinapaligiran ng damo.
Huminto ang motor. Narito na kami. Natanaw ko ang isang puno at ang isang bahay. Lahat sila’y tago sa dilim, kahel sa ilaw ng motor. Lampas sa tanglaw ng motorsiklo, tila naging kuweba ang daigdig dahil dilim at tahimik lamang ang naghihintay sa amin.
Bumaba kami nang drayber ng motor. Kahit sa ilaw ng motor, kitang kita ang pagka-kayumanggi  at itim na buhok ng aking Tiyo Joseph. Payat ang kanyang katawan ngunit maskulado ang kanyang anyo, tila pinisil na bato. Pinahintay niya ako sa motor. Naghahanap yata siya ng magpapabantay sa kanyang motorsiklo.
Hindi nagtagal at bumalik siya at pinasama niya ako sa kanya, at doon kami lumakad, sa dilim ng probinsya, sinusubaybay ng buwan. Wala kaming ilaw kung hindi ang mahinang asul ng kanyang cellphone. Kahit ‘man hindi ko makita, alam ko’ng na sa taniman kami. Amoy-lupa ang pumasok sa akin, ang amoy ng pawis ng bato at simoy ng isang malapit na ilog.
May tanaw akong ilaw sa dilim. Puti ito at malayo. Pagkalapit namin, ito pala’y ang kanyang bahay, isang kubo na kumikinang sa kadiliman. Kuryenteng ilaw ang pumuti sa loob at umaanino sa manipis na kahoy ng kanyang pader.
Naroon ang aking mga kapamilya: ang aking tiyo, tiya at ang kanilang mga anak, dalawang babae, si Hazel at Jona Mae, at isang lalaki, si JM. Kumakain sila noong dumating kami, isdang ilog ang ulam.
Walang matigas na sahig ang kanilang bahay kaya’t naka-upo lamang kami sa mga panig kung saan mayroong mga bangkong nakakabit sa pader. Tila mga braso ng bata ang humahaligi sa kanilang dingding, at mga gamit nila’y nakatabi sa ilalim ng mga bangko kung hindi sa iisa nilang kabinet na nagsisilbi ring tayuan ng TV.
Kumain lang ako ng kanin. Bata pa ako noon, at maarte ako sa pagpili ng pagkain. Ayaw ko ng isda kaya’t kanin lang ang sinandok ko.
“Kanin lang kinakain mo?” Ang sabi ni Johna Mae, kayumanggi at may itim na buhok kagaya ng kanyang ama. Ngumiti siya sa akin. “Ganun din ako!”
Ngayon ko lang nalaman na mayroong din taong kanin lang ang kinakain.
Pagkatapos naming magkain, pinatulog ako sa isang kuwarto. Wala itong pinto at nakikita mo ang pinagkainan namin kanina. Dalawa ang kami dito, gawa sa kahoy at pinagsapinan lamang ng manipis na tela. Natulog ako roon, kasama ng aking pinsan, si JM.
Sa sunod na mga araw, “nag-enjoy” kami ng aking mga pinsan: lumangoy kami sa ilog (muntikan na ako nalunod), nanghuli ng isda, nagmasyal, at nanood ng basketball sa kabilang bahay. Bakasyon ko nga noon, bakasyon ko sa aking probinsyang Palawan, at naroon ako sa Taradungan, kasama ng aking mga kamag-anak.
Hindi komplikado ang buhay nila roon. Minsan sasakay si JM sa kalabaw para tumawid ng ilog. Minsan bibili si Hazel at Johna Mae ng pagkain sa palengke. Si Tiyo Joseph at si Tiya Digna naman, nagtratrabaho para sa aking lola. Pagka-dating ng gabi, kakain sila ng nahuling isda nang sabay-sabay at iinom ng tubig na walang ice.
Isang gabi, hindi kumain ng isda. Nagkatay si Tiyo Joseph ng isang alagang kambing, at doon nagkainan ang mga ibang taga-Taradungan. Tumulong ang mga kapit-bahay sa paghanda at sila rin’y kumain. Kinaldereta nila ang karne ng kambing sa isang malaking kalderang niluto sa apoy ng uling, at naghanda ng madaming kanin. Nagkataon din, nakahuli sila ng pugita, at ito rin ay kinaldereta. Pulang-pula ang mga ngipin naming sa halo, at busog na busog.
Ngunit hindi ito nagtagal.
Sa mga huling araw, balik naman sa dati. Napapansin ko na ang kalagayan ng pamilya ng aking tiyo. Isang araw, nagtanong ako kay Johna Mae.
“Minsan nagkakanin ka lang?”
“Oo.” Sabi niya. “Minsan ayaw ko yung nahuling isda.”
“Paano kung walang isdang nahuli?”
“’Edi asin.”
Paalis na ako noon, at parang sa aking unang araw, naka-upo ako ulit sa loob ng kubo. Isa lang ang nahuli nilang isda noon. Kinailangan naming paghatian ang isang maliit na isdanag ilog. Sabi ko sa kanila, sana puwede ako magtagal pa rito, ngunit, ang sagot sa akin:
“Hindi na puwede.” Ang tawa ng aking Tiya Digna. “Wala na kaming mapapakain sa’yo. Makukulangan na kami.”
Hindi na ako nagtanong. Umalis na kami ni Tiyo Joseph, hinatid ako ulit. Umaga na noon, mga alas-sais. Huling beses ko na naamoy ang Taradungan at lumakad dito, ngunit hindi huling beses na nakita ang aking mga kapamilya.
Si Tiyo Joseph, nagtratrabaho para sa aking Lolo at Lola sa Palawan, nagbabantay ng kanilang lupa.
Si Tiya Digna, naging Ate Digna noong nagtrabaho siya bilang kasambahay namin. Nabuntis siya sa Manila, tumakas isang araw, at hindi na namin nakita muli.
Si Johna Mae, inaalagaan ng aking Lola dahil hindi na siya mapakain nina tiya at tito.
Si JM, nakikitulong na lang sa aking Tiyo.
Si Hazel, kasambahay namin ngayon.
Noong ko lang nalaman na mahirap sila. Hindi pa ako malay noon. Gusto ko lang magbakasyon at makasama ang mga kamag-anak ko. Ngunit, noong nabasa ko ang Sa Kuko ng Liwanag ni Lualhati Bautista at iba pang mga teksto, lumilingon na ako sa ala-ala ng Taradungan na may bitbit na puna sa kalagayan ng mga taga-kanayunan.
Sa isang sangay ng aking pamilya, mga gitnang uri at mga may nagmamay-ari ng lupa. Sa naming sangay, mga taga-nayon. Malalim ang agwat ng aming uri sa lipunan, ngunit malapit kami bilang pamilya.
Hindi ko naisip kung gaano kahirap ang mamuhay sa Taradungan. Koonti ang pagkain, koonti din ang tubig. Halos walang kuryente at walang pera. Komplikado nga ang buhay nila, mas naging komplikado noong naghiwalay sila lahat.
Wala nang tao sa kubo nila sa Taradungan. Doon sa Manila, doon sa trabaho,
Doon na lamang sila.
0 notes
galmambo-blog · 7 years ago
Text
The Angels Sang Underwater
She made no mistake. Not in the curl of her lips, not in the the flutters of her cocktail dress as she walked down the ever-diamond beauty ramp, and not in the intricacies of her winding decisions that had brought her to this point, surrounded by restless stars twinkling LED for their shine to touch her skin. The taps of her stilettos belittled the beating of drums and the sway of her hips tilted eyes back and forth in the sand that ran down her hourglass.
“Look here, Hannah!” A man shouted before white-hot tingled her eyes through the darkness. “Hannah, Hannah!” Another, men and women. To them, her smile meant millions. Just to wring her smile from reality into the inks of glossy paper and the pixels of a page, that’s all they wanted, to bask in this meager generosity. Turn and smile, Hannah, they said. All she had to do was turn and smile.
“Turn and smile” She said. Again, the words rang through the mechanical flicks of pictures coming to existence, coming into existence through the glass, the glass of the stained mirror dotted by stickers and specks of the unwiped dust.
“Turn and smile” she said. “Turn and smile, Hannah.”
He made no mistake. Not in the curl of his lips, not in the flutters of his mother’s dress as he looked into the ever-diamond beauty mirror, and not in the intricacies of his simple decisions that had brought him to this point. And there was his cocktail dress, how its velvety crimson embraced the white of cameras, and his stiletto heels like a constant announcement of his presence.
And there was his smile and the desire for it in the admiration of cameras. There was his smile and the importance of it, alive in the glow of the flash. There was his smile and the need for it in this spectacle called the world.
There was his world, one engulfed in water and torn hairs. Usually by afternoon, when the door bangs open and his neck breaks to look behind him, and all he would do is turn and smile before a gaping mouth and a bellowing scream crushes the curl of his lips into white teeth, grinding against the pain of crooked nails digging into his scalp.
As he was dragged out of the room, his beauty product whitened arms flailed and struggled. His voice, pitched higher through practice, clenched into broken falsetto with every plead as his feet dragged against the dry wooden boards of his bedroom, with only the mirror as his witness, the mirror, a forgetful camera.
“You made a mistake!” The words rang through the struggling shuffles of his feet.
“You made a mistake!” The words rang through the flicking turns of their neighbors’ eyes.
“You made a mistake!” The words rang through the cold tap water of a cut-out barrel, through the pain of jagged plastic teeth cutting into his chest, and through the tears that blended into the whirlpool that consumed them.
There was his world, a complacent one, watching by the sidewalks, behind the windows, and underneath the shade of trees and grates of sari-sari stores with people hidden beyond, listening to his every plead with unmoving brows, and turning away from the sounds of a young boy struggling for breath and pleading for the forceful hand to stop while the water splashed against his red dress and vulgarities drowned him where the water couldn’t: in humiliation. There looked the flashless cameras, blinking rather than twinkling, remembering rather than picturing, and watching rather than admiring.
Yet, she made no mistake. Not in the clench of his teeth as he met the ever-diamond water, not in the flutters of his hair as they lifted out from the water, and not in the intricacies of these circumstances that had brought him to this point.
“You made a mistake!” A shout came, and those what all the words sounded. Down in the blue and mold-crusted bottom of this barrel, there was her cocktail dress, her stiletto heels, the distant stars of LED, and the muffled voices of people shouting his name. Her name.
“You made a mistake!” The words rang through the exhausted twist of her neck. “You made a mistake!” The words rang through the defiant curl in her lips.
Turn and smile.
0 notes
galmambo-blog · 7 years ago
Text
Kapatiran
Dugo.
Pumapatak sa sahig ang aking dugo. Naririnig ko sila, tuwang-tuwa, naririnig ko sila kahit madilim ‘man ang hawak ng pawis na piring. “Isa pa! Kulang pa ‘yan!” Kumagat ang maduming kahoy sa aking likod. Sumigaw ako ngunit nilunok ko ang aking boses. Ulit na lumubog ang aking pandinig sa palo’t tawa. Hating gabi na. Walang makakarinig na iba.
“Isa pa! Isa pa!” Sunod-sunod pinatak ang aking likod, ang aking ulo, ang aking kamay, paa, ari. “Hindi ka talaga bibigay?” Sigaw ni Jose, ang nagdala sa akin dito, ang aking kapatid. Lahat kami rito kapatid, kung tatanggapin nila ako.
“Kaya pa?”
Lasang-bakal ang dugo.
“’Tangina ang hina mo! Kaya mo pa ba?”
Ang asim ng aking suka.
“Gago, kadiri!”
Tawanan. Ang dilim ng piring.
“Sumali ka! Pinili mo ‘to! Tumiis ka! Sige, tumiis ka lang at baka matanggap ka namin!”
Ang lamig.
“Sige pa…”
Ang dilim.
“Pinili mo to…”
Ang bigat.
“Tumiis ka!”
Ang sakit.
Ayaw ko na. Ayaw ko na. Manhid na ako. Mas manhid sila, lasing at tuwang-tuwa. Hindi ko madampot ang sunod kong hinga. Hindi nila papayagan.
At bumagsak ang aking katawan, hindi tumigil ang tawanan. Dumilim ang lahat.
0 notes
galmambo-blog · 7 years ago
Text
Ang Pandesal sa Tambakan
Narito nanaman siya. Sa tainga ng Tondo, sa mga hile-hilerang kahon ng kargong pambarko, humaharap sa mukha ng Look ng Maynila. Dito, kung saan ang simoy ng dagat ay humahalo sa simoy ng usok, tumutuyo sa bilad ng araw, inihuhurno. Dito, sa paligid ng mga sira-sirang mga pader na kumakapit sa daigdig ng putik.
Narito nanaman siya. Sa tambakan ng basura, ginto sa dila ng araw, parang na sa gitna ng isang malaking lutuan. Humahalunkat, naghahanap, kahit na humahapdi ang kanyang mga kinalyong mga daliri.
“Putcha, Horacio, wala nanamang maayos.” Ang sabi ni Mika habang inihagis niya ang isang sira-sirang Barbie doll na naiwan sa hardin ng plastic, buto, at dumi. Kagaya ni Horacio, kayumanggi ang balat niya dahil sa init at sa putik na nasanay nang dumikit.
Inihagis ulit ni Mika ang isang sira-sirang sako ng basura, punit sa kalabit ng kanyang kamay. Lumuwa ang basura na tila hinilaan ng bituka, at agad niyang sinabi, sa dose-anyos niyang bibig: “Tangina naman… Puros laruan.”
Huminga si Horacio ng malalim, ang init ng kanyang hiniga’y sumasanib sa bulok na hangin. Bagong tambak, wala nanaman mahanap. Maladkit na ang kanyang balat sa tubig basura, ang kanyang daliri kulay kahel sa katas ng dagat na gawang-tao. Hindi na lang siya nagreklamo. Suwerte’y darating kung hindi siya magrereklamo, ang sabi ni nanay.
May kumalmot sa kanyang tiyan na parang pagkalmot ng kanyang daliri sa basura. Napipilitan ang kanyang kamay na bumilis kahit ‘man nahihina na ito. Gutom. Wala pang pagkain ang nakapasok sa punit-punit niyang Jansport bag. At ang layo ng bahay sa tambakan.
“Mag-aalas dose na. Wala pa tayong nahanap…” Ang sabi ni Mika, nang napatigil sa paghalunkat para punasan ang kanyang pawis.
May nahawakan siyang malambot. “Ito, oh!” Ang sabi ni Horacio, boses na makalawang sa sigawan ngunit mapiyok sa kabataan. Itim ang balat, parang tiyan ng baboy.
“May nakita ka?!” Tumakbo si Mika sa tabi niya. “’Ngina, ang laki.”
“Galing siguro sa sub-divison.” Puno-puno ang mga laman ng basura doon. Madaming nabibili, madami rin nasasayang. Suwerte para sa kanila!
Pinunit ni Mika ang plastic gamit ng matutulis niyang mga kinutix na kuko, at agad na lumabas, na parang suka ang mga tira-tirang spaghetti na tila madugong isaw, mga hinubad na paa ng manok na dumudulas sa mga pilak na paper plate, at ang mga niluwa na mga karneng baka na masyadong makunat para lunukin.
“Gago!” Binatukan ni Mika si Horacio sa ulo. Napangiti silang dalawa. “Suwerte suwerte naman ni bunso.” Ang huli niyang sinabi bago niya nilangoy ang kanyang kamay sa basura. Unti-unti nang lumaki ang kanyang sako. Napatawa si Mika. “Party party!” Ngunit hindi siya napasigaw. Baka may dumating pa’t mag-agawan.
Ngunit, napatiigil si Horacio. Sa daloy ng mga hindi naubos, ng mga tira-tira, mayroong tumagumpay na kumpleto, na hindi nagalaw na buksan man lang. Brand new! Ika nga.
Isang papel na supot, tabang-taba. Hinila ito ni Horacio palabas sa dumi, palabas sa mga balot ng cellophane.
Medyo basa-basa ang balat ng papel, ngunit mas mahalaga ang nasa loob. Binuksan niya ito, tila yaman na hinukay niya. Pandesal. Kumuha siya ng isa, kinalabit ng kanyang maliliit na mga daliri, at kumagat siya. Makunat at maalat, parang tuyong pisngi. Kahit man medyo sira na ito at napatagalan sa basura ito, napapikit si Horacio at ngumuya at ngumuya para malasahan ang tinapay.
Ang sarap. Masarap dahil buo. Bahala na kung hindi sariwa. Crispy na siya. Mabuhangin ang asin at pulbos ng mabilog na tinapay. May koonting bango ng panaderya subalit pinapaligiran sila ng dumi.
Ang sarap. Kahit man naiwan siya dito sa mundo ng basura buong-buo ang mga pandesal, may lasa pa din sa loob, may silbi na hindi nabawasan, kahit man hindi bagong hurno. Naiwan sa basura, buong-buo, may silbi pa din… Parang sila ni Mika. Putcha, ang lalim, naisip niya. Ngunit totoo.
Hindi niya uubusin. Papahintayin niya ang gutom. Dadalhin niya ito sa bahay, itatabi sa kanyang kama, at gagayahin niya ang mga commercial, pelikula, billboard. Isang kompletong almusal, na may kape, itlog, kanin, at ketchup. Nagdiyadiyaro si tatay at naghahain si nanay. At sila naman ni Mika, naghihintay, nakasuot ng puting uniporme, kutsara’t tinidor sa kanilang mga kamay.
Mahahanap niya siguro ‘to lahat bukas ng umaga. Oo, mahahanap niya. Napangiti siya, napaisip na ganito sa unang kagat. Oo, bukas ng umaga. Isang kompletong almusal. Nandito na ang pandesal. Posible ‘tong lahat.
Sa unang kagat lamang.
Humalunkat pa rin si Mika. Ngayon niya lang ulit napansin. Unti-unting lumulubog ang kanyang paa sa itim na putik. Lumusob ulit ang langsa ng tambakan sa kanyang ilong. Ang lasa ng usok ay umalon sa kanyang dila. Maladkit ang kanyang balat sa pawis at tubig-basura, piniprito na parang mantika sa tanaw ng araw. Mundo ng kabulukan. Ano ang pandesal dito?
Sa taenga ng Tondo, sa hile-hilerang kargo pambarko, sa dagat ng katawan at basura. Dito, sa tambakan.
Sa unang kagat lamang.
Narito nanaman siya.
0 notes