gamugamosadilim
gamugamosadilim
GAMUGAMO SA DILIM
136 posts
dating hugotatlinya
Don't wanna be here? Send us removal request.
gamugamosadilim · 4 years ago
Text
ikaanim
tama. hindi nabibigyang lunas ng panahon—o mahabang panahon— ang bakas ng kahapong pilit kinalilimutan—o inaalala— katulad ng mga lihim na kinakatakutang malaman ng iba— o ng mga tinig na humihingi ng tulong sa kawalan—dahil sadyang may mga lihim na kailangang maisiwalat para gumaan nang gumaan ang pabigat lang nang pabigat gaya ng lihim ng pag-ibig, ng poot, ng pagkasuklam, o ng pasasalamat at kapatawaran maging ang lihim ng pagkalas at pag-aklas na hindi mabigkas-bigkas dahil kalakip nito ang kahapong pilit kinalilimutan—o inaalala— tulad ng mga bagay na nilamon ng nagbabagang apoy at naabo o ng mga nag-aalab na damdaming nananatili lamang sa kaibuturan kahit nagpupuyos na ang damdaming makawala— o manatili—sa tanikala kung bakit? dahil sadyang may mga tinig na hihigop ng tapang at magpapanginig ng boses hanggang sa mautal nang mautal at mawala na nang tuluyan kaya’t mas pinipili na lamang ikubli ang katotohanan—kalayaan— kahit hindi pa nasusubukan sapagkat oo nga naman bakit ka susugal kung walang kasiguraduhan ang bunga ng pakiwari at baka-sakali— ang mabuo o lalong masira— ano bang pinagkaiba? hindi kapayaan ang dulot nito sa ‘kin: ang maipit lagi sa pagitan ng atras-abante at manaig ang kontradiksiyon ngunit narito pa rin ako; dahil minsan—o madalas—parehong masakit ang makalimot at makaalala ang maglihim at maghilom ang gawa-gawa at katotohanan tulad ngayon gaya dati habambuhay.
1 note · View note
gamugamosadilim · 5 years ago
Text
Sabi nila may mga ginto daw sa dulo ng bahaghari Sabi ko naman walang gano’n kasi hindi naman Kulay ginto ang bahaghari. Sabi nila may kinakasal daw na tikbalang Pag umaaraw at umuulan. Pero hindi ako naniniwala Dahil wala ngang same-sex union  Sa Pilipinas, para sa mga Tikbalang pa kaya? Huwag ka raw matutulog Nang basa ang buhok Dahil may mga masasamang Epekto raw ‘yun Marahil totoo, pero Sagot ko naman: solusyon  Lang diyan ang di pagligo’t Pagtulog Kaya ikaw, ano’t ano man Ang nakaraan o Pinagmulan mo You’ll never be defined by it Unless you let it define you Stand your truth Dahil may mga taong handang samahan At depensahan ka Kung pahihintulutan Mo sila at ang Sarili mo.
1 note · View note
gamugamosadilim · 5 years ago
Text
“Minsan naisip ko kung kaya ko bang magmahal ng taong hindi iniibig ang sarili niya,” aniya habang humihigop ng milk tea. “Alam mo ‘yun, ‘yung parang halimbawa hindi niya na-a-appreciate ‘yung sarili niya, kung paano siya bilang tao, ‘yung good things in life, hindi niya nakikita. Parang mahahawa kasi ako sa pagiging lonely niya if ever, baka hindi ko siya mapasaya o baka maging kulang ako para sa kaniya.”
“Sira! Ang dami mong sinasabi, hindi mo pa nga nangunguya ‘yang sago sa bunganga mo.”
“Grabe naman ‘to, naisip ko lang kung kaya ko bang makisama sa mga emo, emo, ‘yung mga fan ng My Chemical Romance at laging nakaitim.”
“Oo na, oo na. Nagegets kita. Ang sa ‘kin lang naman, kung iintindihin n’yo naman ang isa’t isa, magki-click kayo kahit wala pa kayong chemistry, kahit hanggang friends lang kayo. Ikaw kasi, puro ka jowa, kinukulong mo lagi ‘yung pagkilala sa isang tao sa kapasidad mong kilalanin sila at lagi mo pa talagang tinitignan kung boyfriend material e ikaw ba girlfriend material ka ba? ‘Kaloka ‘to! ‘Te, remind ko lang ha: hindi romantic relationship ang endpoint ng lahat kaya ‘yung preference mo huwag mong ikukulong dun. Ano? Pag nakakita ka ng guard na mukhang emo iisipin mo kung magki-click kayo as mag-jowa?”
“Ay! Grabe siya, o! Dami mo ring kuda, e. Nagtatanong lang. Pero oo naman, no. Alam ko ‘yun. Hay naku, basta cutie dapat!”
“Gaga. Mabilaukan ka sana!”
0 notes
gamugamosadilim · 5 years ago
Text
“Alam mo, naniwala ako sa hiwaga ng buhay nang malaman kong nariyan ka,” sabay lapag ng biniling kape sa Starbucks. “Hindi nga lang kita maintindihan, madalas, pero sigurado ako, sigurado ako sa ‘yo.” Hindi alintana ang sari-saring ingay sa loob ng cafe, tumingin lang siya nang malalim; lalim na ni minsan ay hindi ko pa nasisid. “Spontaneous lang,” sambit niya nang humahagikgik. “Pag pumunta ka rito, magsama ka ng iba, para hindi ka naman nagmumukmok. Ang pangit, e. Mas gusto ko ‘yung nararamdaman kong payapa ka kahit hindi nakikita sa mukha.” Hindi ko batid kung bakit o kung para saan, pero alam kong nangungusap siya. Nakaupo ako sa single-seater round table, nag-iisa. Hindi ko alam kung guniguni lang ba, aparisyon, o imahen ng isang alaala. Basta, ang alam ko, nasaan man siya ngayon, hindi niya ako iniiwan. Salamat. Bibilhan ko siya ng paborito niyang kape mamaya.
0 notes
gamugamosadilim · 5 years ago
Text
nakakita ka na ba ng mga magkakaibigang masayang nag-aawitan dis-oras ng gabi’t walang humpay na nagtatawanan? nakakita ka na ba ng mga taong tunay na nagmamahalan at nauunawaan ang pangangailangan ng bawat isa? nakakita ka na ba  ng mga samahang pinagbuklod ng iisang layunin, ng iisang hangarin: ang makita ng iba ang nakikita nila ang maipadama  sa iba ang minsang hanggang tanaw na lang kung makikita mo sila aabutin mo ba ang kanilang paanyaya na maging bahagi ng mundo nila?
0 notes
gamugamosadilim · 5 years ago
Text
may saysay ba  kung mababatid natin ang lawak ng kalawakan kung ang hangganan naman nito’y mananatiling walang humpay na kawalan o ang lalim ng dagat kung ang nais mo lang naman ay ang dalampasigan at ang paglubog ng araw maging ang rurok ng mga kabundukan at pagmamahalan ano’t ano pa ang halaga na malaman natin ang mga yaring bagay kung lahat ay may hangganan gaya nito: anong silbi na makilala natin ang isa’t isa kung hindi naman nilaan para maging isa.
0 notes
gamugamosadilim · 5 years ago
Text
patungo sa bahay ni lotay, walang dyip na dumadaan ni traysikel o kasabay na maglalakad tanging mahabang lakarin at bakas ng pagmamadali
nakadungaw si lotay sa malawak na bakuran at malugod na naghihintay ng bibisita
tama mas nakakatakot palang manatiling nag-iisa.
[ngunit sa kabila ng takot,  panatag ang isip]
ano nga ba naman kasi ang tila walang katapusang pag-iisa kung kasama kita
bagama't di man maikakaila, paminsan-minsan sabik ako sa bisita
subalit, pangako: katakutan man ng lahat, matatawag kong tahanan ang tirahang ito:
ghostly lotay and the haunted house
0 notes
gamugamosadilim · 5 years ago
Text
Punong-puno ng pasasalamat ang puso ko nang sandaling 'yun, kagagaling lang namin sa 7-11 at umupo sa 'ming go-to tambayan. Nangingilid ang luha ko habang kumakain ng natutunaw nang ice cream, at katulad lang ng ibang hapon, napagtanto ko kasing may kasama ako ngayon di gaya noon. Nag-aayos siya ng plastik nang magsimulang tumulo ang luha ko, "Salamat!” “Saan?” “Kasi nandito ka. All my life, ngayon ko lang naramdamang di ako nag-iisa.” “Parang tanga 'to, kumain ka na diyan.” “Seryoso kasi. Sana, sana dito ka lang lagi. Ganito lang lagi.” Tumabi siya sa ‘kin, hawak-hawak ang puting plastik, “Sira! ‘Lika nga dito.” Sabay palibot ng kanang braso niya sa balikat ko, “Oo naman. Hindi kita iiwan no, maliban na lang kung ayaw na natin sa isa’t isa.” At, muli, malalim na buntonghininga, humagulgol ako. “O bakit na naman,” bulalas niya. “Kasi hindi mo ‘ko iiwan.”
0 notes
gamugamosadilim · 5 years ago
Text
Mas pipiliin ko nang mabuhay sa lugar na di nakakalimot kahit pa ang kapalit nito ay habambuhay na poot at kawalang pagpapatawad. Sapagkat kaakibat ng pag-alala ang panatang hindi na ito mauulit; gayundin sa pagpapatawad dahil lingid sa nakasanayan, hindi lamang kapatawaran ang tanging nagbibigay ng kapayapaan; minsan, ang siyang kawalan din nito.
Kung sakali mang mabigo sa pareho, hindi ko na kailangang humingi ng paumanhin dahil tila wala namang alaala ang kasaysayan; kung mayroon ma'y di naman nagtatagal masdan mo.
At kung ang konsepto ng pagpapatawad ay ang pagkalimot, anong kinabukasan ang naghihintay sa 'tin at anong bakas ng kahapon ang iniiwan natin ngayon.
Katuwiranan pa na di natutugunan ng isa pang mali ang pagkakamali. Bakit? Sino bang nagsabi na mali ang magalit at ang hindi magpatawad? Huwag kang makikinig sa dikta ng siyang maysala.
: maikling mensahe tungkol sa pagkalimot
0 notes
gamugamosadilim · 5 years ago
Text
Kumbaga ba ikaw 'yung observable universe ko pero di pa rin kita ma-reach. Huhu. *sobs*
— dead stars reboot probably
0 notes
gamugamosadilim · 5 years ago
Text
maikling mensahe para kay lu1,
sinubukan kong maghanap-hanap ng mga bagay na may kinalaman o makakapagpaalala sa 'yo, pero wala, ni retrato.
my forgetful ass couldn't and wouldn't (most probably) remember what's your favorite something nor anything material we've shared such as food (i'll need your help remembering it), but one thing is for sure: i wouldn't forget (fingers crossed) how grateful am i to know and befriend you.
if my dumb ass forgets, help me remember it. you're important to me and if there's a handful of good things that has happened this year, you're part of it. alam mo na 'yun! :p
- nathan, co-virgo
0 notes
gamugamosadilim · 5 years ago
Text
12-07-19
alam mo, minsan naisip ko, na sana umaarte na lang ako. alam mo 'yun, pagkatapos kasi ng akting, wala na. kumbaga sandali mo lang bibitbitin 'yung sakit, 'yung lungkot, 'yung bagahe, tapos ito na, realidad na. tapos na.
at sana nga umaarte na lang ako, no. nang maramdaman ko namang maging maligaya kahit sa akting man lang.
0 notes
gamugamosadilim · 5 years ago
Text
Hindi siya sumagot, di na siya muling nagsalita. Nang mga panahong ‘yun, hindi takot ang naramdaman ko, oo, maaaring mabiktima ako ng panibagong modus o ng kung anuman. At saka mukha siyang white lady, aaminin ko, pero baka naman kasi galing lang sa costume party at saka pinapasok naman siya rito. Aywan ko ba. Ewan. Ito ‘yung tagpong nasa teleserye o pelikula na nagpapakatanga ‘yung bida dahil imbes na umalis o tumakbo palayo, pinili nitong manatili. Ngayon, sa pangyayaring ‘to, ako ‘yun, pero di ko alam kung bakit. Hindi ako sigurado. Ang alam ko, narinig ko siya, at pinili kong manatili.
Alam n’yo, magaling ‘tong umakting. Siguro kung sina Mercedes Cabral, Joanna Ampil, o Eugene Domingo ang gumanap sa role nitong babae na ‘to, plakada, international actress awardee kahit wala nang akting masyado, she makes me feel things without saying anything. Samantalang ako, kung naging film plot ‘to, wala akong character arc, tanga sa simula, hanggang sa wakas gano’n pa rin. Sa Filipino, tauhang lapad. Kaya kahit sinong gumanap sa ‘kin, wala, boldyak. Magdedemand ako ng script revision, naku baka maging supporting lead category pa ako kahit ako naman ang leading role.
0 notes
gamugamosadilim · 5 years ago
Text
tila panalangin
may misa sa kapilya ng barangay noon, naka-megaphone sa poste kaya rinig na rinig mula sa kuwarto ko, nangingibabaw. kinuha ko 'yung selfon kong de-keypad, saka ako nagsalita nang walang ano-ano, ‘yung astang may kausap ba. wala e, para naman may mapagsabihan ako kahit man lang ang sarili ko. ayun, hanggang sa nagsanib ang awiting makalangit at ang tinig kong di na marinig sa paghikbi. aleluya! harinawa'y may makarinig ng aking hinaing. hanggang sa natapos sila, ang kaninang dalawang tunog na nangingibabaw, naging isa. naging isa. at nananatiling isa. tulad kanina at parating ganito: nag-iisa. amen.
0 notes
gamugamosadilim · 5 years ago
Text
sila lang ang may alam unang hati
naniniwala ka ba sa datos wala nang tao sa labas para alamin pa ngunit may sarili kang isip may kakayahang mag-isip anong nangyayari ilan na ba talaga sila nasaan ang pondo nasaan ang lingkod bayan nasaan ang kongkretong plano karapatan nating malaman ang realidad ng estado at bulok na sistema magtanong, magtanong bumalikwas karapatan nating magtanong kanino sila maglilingkod kung wala na tayo at paglilinaw: para nga ba kanino naniniwala ka pa ba sa datos?
ikalawang hati
sa silid-aralan kung ang pagkakuto nakakahon dito at para lamang sa iilan na sila lang ang may alam karapatan mong malaman ang karapatan mong matuto at baguhin ang maling pag-iral nito mula sa sana, gagawin nating dapat sapagkat 'yun ang nararapat
ikatlong hati
wala nang tao sa labas mula sa agos ng ilog maging sa ilalim ng lupa o sa lugar na nasisinagan ng araw malagim saanman, lahat nasa iisang kalagayan: inuuod, naaagnas, wala nang ngalan pinatay na, napatay na walang sinasamba ang berdugong pasista maliban sa sarili niya mula sa alabok tingin lamang alikabok wala man lang katawan para pagtirikan ng kandila o bigyan nang maayos na libing sinong mag-aakalang maaaring gawing lapida ang karatula huwag tularan wala nang tao sa labas dahil wala nang tao mga halang ang kaluluwa
pighati
kung hustisya para lamang sa iilan maging ang laban sa buhay, sa kalusugan sa kapangyarihan at yaman nababatay magbantay ka, nananakawan ka na di lang ng karapatang huminga unti-unti, unti-unti paunti-unti hanggang malagutan sila lang ang may alam at sa panahon ng ligalig pagkatapos ng unos gagawin nating ‘tayo’ ang ‘sila’ akala nila sila lang ang may alam 'yun ang di nila alam makialam, magmatyag magbabayad din sila sama-sama mula sa sama-samang pagkilos.
0 notes
gamugamosadilim · 5 years ago
Text
Darling, it takes two to tango, you know.
"You're hiding a lot of things from me."
"Is it badly needed to know? But you know that I love you."
"I don't know. It feels like that love's coming from a stranger I won't ever know nor meet. I don't know you—the real you, your intentions, what makes you sad, what makes you feel—makes your love pretty questionable, right?"
"If it doesn't feel right, then you're right, trust your instinct. That gut feeling."
“Right. Right. I can’t trust the love of a person—however genuine it may be and if it's really possible—if I don’t know him.”
“Trust is the foundation of love and without it, you know what it means. Ciao.”
"Okay then. No men takes love seriously after all. Indeed, what a fool of me to believe. Bye."
Sigh. What a waste of time and emotion, I could've used this instead to wage a revolution or something else. Cheers! But where did he go?
0 notes
gamugamosadilim · 5 years ago
Text
“Mapanghati na kung mapanghati pero putang ina naman kasi talaga.”
0 notes