Text
Thanks for breaking my heart. I will never fall for you again 😉
0 notes
Text
RMT,student Med
hi! magmemed nako :) parang dati nagrarant lang ako dito about 3rd year subjects ng medtech. and btw RMT na rin pala ko last year. diba? Ganda talaga ng plano ng Panginoon eh, basta magtiwala ka lang :)
0 notes
Text
Ang saya
Nag trinoma kami nung sunday. Binilhan ako ni kuya gino ng sapatos tapos si jeyds naman binilhan ako nito. Ng p20 pro. Grabe ang bait nila sakin kahit di ko sila pinapansin huhu. Super guilty ako dahil sa buwisit kong ugali :( thank you Lord for blessing me such a super bait brothers. Kahit wala akong boyfriend okay na okay lang basta andto sila. Wag lang muna sana sila mag aasawa hanggant di pa ko graduate ng medschool huhu. Hahaha thank you po. Sorry di ko na nakwento yung sa worst day ever ko dahil din sa bwiset ko na ugali.
#P20Pro #VansOldsSkool #11. 14.18/12b45AM
0 notes
Text
Medtech Proper
3rd year nako, proper stage na nga kung tawagin. Nung first and second year ako im always looking up sa mga 3rd year students kasi parang ang galing galing na nila. Tapos nako tri-button pa na uniform, parang RMT na talaga haha. Ngayon 3rd year nako at nareached ko na din tong stage na dating pinapangarap ko na ngayon ay gustong gusto ko ng sukuan. Hirap na hirap na hirap nako madalas gusto ko na talaga gumive up nalang. Pero He always give me reasons to continue. Kahit na ilang 5.0 man ang magkaron ako, andyan lagi Sya di ko man ramdam physically but spiritually super ramdam ko. Ang pagiging MT proper ay di biro, sino nga naman ba ang magsasabing biro ito? sa 3rd year hindi na uso ang GC maka 3.0 ka nga lang sobrang thankful ka na eh. Hindi ako matalino alam ko naman yun. Di ako katulad nila kuya na walang 5.00 sa TOR. Madalas kapag mag isa ko naiiyak ako. Tinatanong ko sarili ko "san ba ko nagkulang? Lahat naman binigay ko ah? Lahat ng kaya ko" pero wala iba talaga ang imba talaga. :( Sabihan man nila kong madrama, or whatsoever na gusto nilang sabihin idc. Hindi kasi nila nafifeel yung nararamdaman ko. They dont know how it hurts when you knew that "add 1 year" ka na. Sakit diba? Yung course na gustong gusto mo ng matapos eh nag add 1 year pa? Add 1 year ng pain na naman. Physically and mentally. But despite of that pain. I learned to smile and never give up. Andito na ko eh, wala nakong magagawa kundi panindigan yung desisyon na ginawa ko. Unang una di naman ako pinilit ng parents ko to take this course kaya wala akong sisisihinbkundi ang sarili ko. Saka 3rd year na oh? Ngayon pa ba bibitaw? Eh lagpas kalahati na? Minsan naisip ko everytime na parang nagsisisi ako kung bakit ito yung kinuha kong course, siguro naiisip ko lang yun kasi nahihirapan ako. Ang tanging pampalakas ko nalang ng loob eh "may iba pa ngang mas worst sakin eh, sila lumalaban parin eh ako na better sa kanila susuko na?" At dun ko narerealize dapat fighting lang. Sa pagaaral di naman importante kung nakailangang 5.0 ka ang pinakaimportante is yung pagkatuto mo. Kasi di naman ikasisira ng pagkatao mo yang 5.0 eh sa future hindi na mahalaga yan. Ang mas mahalaga is yung kung pano ka bumabangon sa pagkabagsak mo. Kung pano mo sila pinagsisikapan at di sinukuan. Kahit gano ko man kagusto ang programming na course, pero ang mas pinili ko is yung course na mapanakit. Okay lang immune nako hahaha. Kung may medtech student man na makakabasa nito. Fight lang. Sabi nga "ang pagbagsak ay di katapusan bagkus ito ang simula ng pagbangon hahah" If you're struggling right now Pray lang sa Kanya and everything will be alright. Wag mawawalan ng pag asa :) gragraduate din tayo. Di man on time but right time :) #MedtechProblems
0 notes
Text
3rd Year Medtech Student
isa lang ang masasabi ko GRABE.
grabe sa hirap, grabe sa puyat( but still not enough), grabe sa gastos (books, lab req.), grabe sa pagod. pero GRABE sa worth it in the end for sure. :)
hindi ko inakalang mag meMEDTECH ako sa tanang buhay ko i didn’t picture myself in medical fields in the future dahil i know mahirap talaga. but God has His own way bakit ako napunta sa field na’to and I’m so grateful dahil nag eenjoy ako though mahirap talaga at nakakaiyak minsan. 2 years 5 sem na ang napasa ko. sana sa remaining 4 sem ko as college ganon parin :) bilis ng panahon. 2 taon nalang makokompleto ko na ang 16 years na pag aaral haha. Feeling blessed lang sa reality haha. Thank You LORD :)
1 note
·
View note
Text
#Boyfriend
ahm this is out of nowhere. I’m currently reviewing for my quizzes for tomorrow, then biglang sumagi sa isip ko ang salitang BOYFRIEND?! bakit nga ba sa dami ng pedeng maisip ng utak ko iyan pa? so ano ang pinaglalaban ko dito? lol Ang akala ng pinsan ko may boyfriend nako HAHAHAHAHA funny! kahit daw patago alam nyang may boyfriend nako LABO DAW NA WALA. what is her reason? “NAKO IMPOSSIBLENG WALA. LAHAT MAYBOYFRIEND NA! TAPOS IKAW WALA?” aba ano’to parang iniinsulto ako? haha. Bakit nga ba ako walang boyfriend? kasi ang hassle ng course ko? eh bat yung iba namang medtech student may mga bf. haha kasi? ewan? I’m just enjoying my love life. hindi man love life sa relationship, Kundi love life sa mga taong nakapalibot sakin na totoong nagmamahal sakin :) #NoHugot. Ayaw kong masaktan, pero mas lalong ayaw kong makasakit ng ibang tao. hindi ako paasa or what ang gusto ko lang maging masaya kung anong meron ako. hindi naman kasi dapat minamadali ang mga bagay bagay. eka nga “REAL LOVE WAITS” and i can say that soon “I AM WORTH THE WAIT” hindi man ngayon pero in God’s perfect time. this post is nothing no hugot, no experienced and etc. I just want to post what I feel, what i think and what I want.
0 notes
Photo








BAGUIO ADVENTURE March 21-22, 2015 (with te keks and cheng)
for the first time in forever lumayo ang gala namin na kaming tatlo lang haha. Thank You Lord for guiding us. Mas masaya sana kung mas marami kami. Pero anyways sobrang enjoy kahit sandali lang :)
#NightMarket
#Jollibee
#BaguioCathedral
#SessionRoad
#BurnhamPark
#Swan
#Bike
#StrawberryIceCream
#BotanicalGarden
#Taxi
#Convention
#MinesView
#GoodShepherd
#Tarlac
0 notes
Photo
<3 lovelykendalljenner:
Kendall Jenner + Magazine Covers









234 notes
·
View notes
Text
1st sem is over :)
Pero kahapon pa talaga haha. ang saya ng 1st sem ko ngayong second year though masaya din naman nung 1st year pero iba kasi yung saya ngayon eh iba din kasi yung mga classmates ko, nung 1st year kasi nakakapressure yung mga kaklas ko masyadong studious lahat yung tipong kailangan mag aral ka din kasi mapapahiya ka pag mababa yung magiging score mo, eh ngayon? chill chill lang haha lahat kasi kami nagkakasundo except dun sa mga grade conscious haha. pero di naman ibig sabihin ng chill chill lang eh di na dapat mag aral seriously ngayong 1st sem lang ako nag-aral ng ganto ng walang halong pressure. Sana maging kaklasi ko ulit sila next sem ang saya talaga nilang kasama enjoy ang pagiging college. hihi thank you Lord :)
0 notes
Text
http://www.slideshare.net/mgonnerman/presenting-financial-statements
0 notes
Text
1st sem
twing 1st sem talaga nakakastress eh, di pa nga nag preprelims naiistress nako haayyy malapit na
0 notes