gimiel
gimiel
danica gimiel
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
gimiel · 4 years ago
Text
magaling!!
Dulot Ng Pandemya
Maraming pamilya ang naghihirap dahil sa pandemya na ating nararanasan sa kasalukuyan. Hindi maipaliwanag ang sakit na napinsala nito sa ilang milyong pamilya na nawalan ng mga mahal sa buhay. Ang higit na nahirapan ay ang mga mahihirap na nagkalat sa buong mundo. Hindi malaman ang kanilang gagawin, namomroblema kung paano sila makakakain sa araw araw. Umiiyak dahil sa kawalan ng pag-asa na makararaos kahit may pandemya. Maraming mabubuting tao na nagbibigay donasyon sa mga nangangailangan. Maraming mamamayan sa ating mundo na may mabuting puso na nagbibigay at hindi humihingi ng kapalit. Subalit marami din sa atin ang nawawala sa kanilang sarili para makaraos sa araw araw at maitaguyod ang kanilang pamilya. Ang karamihan sa mga tao ngayon ay nag aasta na parang hayop para lang makakakain ng tatlong beses sa isang araw. Hindi maipagkakaila na habang tumatagal ay mas lalo tayong nagiging mahirap dahil sa pandemyang kumakalat. Sa kabila ng lahat marami parin sa atin ang hindi sumusunod sa patakaran. Hindi nagsosoot ng facemask at face shield kapag lalabas ng bahay. Paano tayo makaliligtas sa problemang ito kung tayo rin mismo ang nagpapalala sa sitwasyon? Karamihan sa mga manggagamot/front liners ay hirap na huminga sa kanilang mga soot na safety gears. Pikit matang umaalis sa kanilang pamilya upang iligtas ang ibang miyembro ng pamilyang nahawaan ng virus. Nais kong ipahiwatig sa blog na ito na kontrolin natin ang ating sarili sa pagkasabik gumala. Hanggat maaari ay huwag lumabas upang makalayo sa virus na kumakalat sa mundo. Kung kinakailangan lumabas ay huwag kalilimutan ang mga safety protocols sa partikular na lugar. Huwag natin isugal ang ating sariling kalusugan para lang mapunan ang pagkasabik lumabas. Sa kabilang dako, lingid ba sa inyong kaalaman na may maganda rin na naidulot ang pandemyang ito sa bawat isa sa atin? Isa na rito ang pagkakaroon ng oras sa ating pamilya, ang oras na hindi natin naibigay noong wala pang pandemya. Natutuhan din natin ang iba pang paraan para kumita sa pamamagitan ng online selling. Higit sa lahat natuto tayong maging masaya at makontento sa kabila ng lahat ng problema. Lagi natin tatandaan na sa kahit anong problema may kapalit itong ligaya. Matuto tayong maghintay at huwag isisi ang lahat sa Kaniya, dahil kung tutuusin tayo rin ang may gawa ng pandemyang ito, tayo rin ang gumawa ng sarili nating kapahamakan.
56 notes · View notes
gimiel · 4 years ago
Text
“Teenage Pregnancy”
Sa kasalukuyang panahon ang teenage pregnancy ay tumataas.Ayon sabalita patuloy ang pagtaas at pagdami ng mga kabataan ang nagiging magulang kahit menor de edad pa lamang.(Ayon sa mga eksperto at grupo na nakatutok sa isyu ng populasyon, karamihan ng nabubuntis ngayon o nagkakaasawa ay dahil sa kulang sa edukasyon na nakuha umano sa paaralan, gayundin sa kanilang komunidad. Kung hindi matutugunan, posibleng sumipa sa higit 133,000 ang mga menor de edad na mabubuntis sa pagtatapos ng 2021.Minamadali na ng Popcom ang pagbibigay ng social protection sa mga batang ina."Ngayong taon pa lang, ni-recognize na ng Congress na ang teenage mother at 'yung kanyang anak ay kailangan nang maisama sa social protection," ani Perez.Ang benepisyong ito ay itinutulak nang maisabatas para maisama sa taunang budget.–Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News) https://news.abs-cbn.com/news/02/17/21/mga-menor-de-edad-na-nabubuntis-patuloy-na-dumarami
Mas lalong tumaas ito dulot din ng pandemyang kinakaharap natin ngayon.Bilang isang kabataan dapat tayo ay maging responsable sa ating ginagawa.Isipin ang maaring maging resulta nito.Bilang isang kabataan ako ay nalulungkot na patuloy itong tumataas.Wag sayangin ang tiwala ng ating mga magulang.Malaking responsibilidad ang pagiging magulang.Hindi ito laro na pwede kang umayaw kapag ayaw/sawa ka na.Matuto tayong maging responsableng kabataan.Maging magandang ehemplo sa mga mas nakakabata sa atin.Magtapos ng pag-aaral at maghanap ng magandang trabaho.Wag sayangin ang sakripisyo ng ating mga magulang.Suklian ang mga nagawa nilang sakripisyo para sa atin.
Sikapin natin na wag pataasin at padamihin ang pagbubuntis ng maaga.Maging alisto tayo sa ating mga ginagawa.Nawa’y maging babala ito sa mga kabataan.Huwag magpadalos dalos sa mga gagawin sa buhay.Huwag na munang dumagdag sa mga responsibilidad ng magulang.Maging masaya at kontento muna sa pagiging kabataan.Libangin ang sarili sa ibang mga bagay.Subukan na mag pokus sa pag-aaral,kaibigan,pamilya.Huwag gawin ang mga bagay na hindi pa nararapat sa iyong edad.Mas maganda magkaron ng pamilya kapag handa ka na at handa ka na sa mga responsibilidad.
21 notes · View notes