ginosangalang
ginosangalang
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
ginosangalang · 4 years ago
Text
Tumblr media
“Ang Don Bosco Makati”
Ang Don Bosco Technical Institute-Makati ay itinatag noong 1954 na kinikilala ngayon bilang isang malaking pribadong paaralan. Noong 2012 ay itinatag ng gobyerno ang programang K-12 kung saan may dagdag na dalawang taon ang sekundaryang edukasyon sa ating bansa. 
Tumblr media
Ang Senior High School Department ng paaralang Don Bosco-Makati ay nag-aalok ng apat na programa sa nasabing departamento.
Una ay ang Arts and Design Track, para sa mga mag-aaral na malikhain na maaaring lumikha ng sining sa pamamaraang tradisyon o pamamaraang digital. 
Ikalawa, Accountancy, Business and Management (ABM) Strand para sa mga may gustong pasukin ang larangan ng negosyo, accountancy at iba pa. Layunin nito na sanayin at ihanda ang mga mag-aaral sa nasabing mga larangan. 
Ikatlo ay ang Science, Technology, Engineering and Math (STEM) Strand kung saan binibigyan nito ng halaga ang mga asignaturang agham, matematika teknolohiya at engineering. Mayroon din itong mga mahahalagang asignatura na makatutulong sa paghahanda sa kinabukasan ng mga mag-aaral. 
At ang Humanities and Social Sciences (HUMSS) Strand, ito naman ay inaalok sa mga mag-aaral na gustong tahakin ang pag-aaral sa isip ng tao at ang ating lipunan. 
Ang mga programang ito ay makasisiguro na ang mga mag-aaral ay magiging handa sa kanilang mga haharapin sa buhay, lalong-lalo na’t kung ito ay sa Don Bosco Makati, dahil hindi lang ang mga programa ang tinitignan dito, kung hindi pati na rin ang kalidad ng pagtuturo rito.
Bukod pa sa mga programang ito, ang Don Bosco-Makati ay isang research-oriented na paaralan at kumpleto ito sa mga kagamitang kakailanganin sa bawat programa.
 Wika nga ni San Juan Bosco “choose the better things” kung kaya’t piliin natin ang makabubuti sa atin. - Gino Sangalang
“Choose the Better things, Choose Don Bosco”
     “Choose the better things", wika ni San Juan Bosco, ito ang motto ng Don Bosco Technical Institute of Makati na mula noon, hanggang ngayon, dala-dala ng mga mag aaral ng paaralan. Kilala ang Don Bosco Makati bilang isang malaking pribadong paaralan na kung saan may inaalok sila na kursong teknikal na hindi binibigay ng ibang paaralan. Bilang isang mag-aaral nito, masasabi ko na naging makabuluhan ang karanasan ko dito, mula work education noong elementary, hanggang pre engineering science sa senior high, hindi nagbago ang mataas na pagtingin ko sa kurikulum ng paaralan ko. Maliban sa pag aaral at edukasyon, nangingiba ang Don Bosco sa ibang paaralan dahil sa kasabihan ni San Juan Bosco na "Run, Jump, Shout but do not Sin" may kalayaan maglaro ang mga Bosconian ng mga larong Basketball, Soccer at iba pang laro tuwing oras ng recess at lunch, kaya bukod sa makabuluhan, masasabi ko na naging masaya ang aking karanasan dito. Tinuruan din ako ng aking paaralan maging madasalin, ayon kay San Juan Bosco, ang Rosaryo ay ang pinakamalakas na sandata laban sa mga kasamaan at dapat lagi itong dasalin, kaya turo sa amin na bawat Bosconian ay dapat may panyo sa kaliwang bulsa at rosaryo sa kanan. Hindi lang ako ang sumasang ayon sa kagandahan ng kurikulum na ibinibigay ng Don Bosco Makati, ayon sa review sa Official Don Bosco Makati SHS page, “5/5 Good School, Good Educators” wika ng isang magulang ng isang Bosconian.
Tumblr media
Kaya naman tulad ng sabi ni San Juan Bosco,”Choose the Better things, Choose Don Bosco Makati” - Miguel Busa
“Mga unang araw sa Don Bosco”
Kabado akong nag-aantay ng email sakin ng inaplayan kong eskwelahan nang sa kaawaan ng Diyos, ako ay nakatanggap ng pasadong marka galing sa kanila. Hinanda ko ang aking mga dokumento at napasa ko nang maayos at nag-antay na naman ng tatlong buwan bago magsimula ang klase. Inaplayan ko ang Don Bosco Technical Institute dahil sabi sakin ng tatay ko, magaling magturo do’n at marami akong matututunang teknikal na kasanayan na makatutulong sa’kin paglaki ko.Dumating na ang araw ng pasukan. Wala nang nagbago sa pagiging kabado ko pero agad-agaran akong pumasok sa Zoom at Google Meet. Habang nakaupo sa aking silya ay konti-konting nababawasan ang kaba ko dahil sa komportableng pakiramdam sa pakikinig sa mga guro ng paaralan. Binati ako ng mga bagong sistema at magandang paligid sa pagpasok sa oryentasyon na nagpatuloy din sa bawat pagpasok sa klase sa mga asignatura ng paaralan. Sa SHS Department, mayroong apat na strand at ito ang HUMSS, Arts and Design, ABM, at ang aking kinabibilangan, ang STEM. Sa pagkinig sa bawat asignatura, ang mga guro ay wasto sa kanilang pagturo at tumpak sa pagsalita, pagpaliwanag, at pakikipag-usap sa mga estudyante. Ang mga estudyante naman ay mga mahusay at kung ituring ay mga tunay na “Bosconian”. Ito ang kanilang pinakakatangian at kanilang pagturing sa kanilang personalidad at natutuwa akong matawag na “Bosconian”. Hinding hindi mawawala ang presensya ng Panginoon sa bawat galaw namin sa paaralan, lumalago ang espirito ng pagiging mabuting Kristiyano sa bawat turo rito. Wika nga ni San Juan Bosco “choose the better things” kung kaya’t piliin natin ang makabubuti sa atin. - Anton Salcedo
1 note · View note