Tumgik
go-nash-me-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
KAARAWAN
Ang pinaka magandang biyaya ng Diyos sa atin ay ang buhay, hindi lamang para sa ating pamilya kundi na rin sa mga taong nagkaroon ng pagkaka-taon na makilala tayo. Ang kaarawan ay kadalasang sineselebra kasama ng pamilya dahil sila ang una sa mga taong nagpapa-salamat sa Diyos na dumating ka sa buhay nila. Sa pagkakaroon ng pangalawang pamilya ay mas lumalaki ang samahan at mas sumasaya ang pagse-selebra ng isang kaarawan. 
Ang simpleng pagsasalo-salo kasama ang mga kaibigan at mga kaklase ay isang karanasan na tatatak sa isipan ng isang indibidwal dahil ang araw na iyon ay magiging engrande dahil sa mga biruan at pagkaka-ibigan na mas tumatatag dahil sa pagsasama at kasiyahan na naghahatid ng abot hanggang tengang saya. Hindi man isang selebrasyon sa isang mansyon bagkus ay isang araw ng pagsasama-sama sa paraiso na puno ng saya at pagmamahalang walang katumbas.
“Walang makaka tumbas sa regalo ng buhay kun’di ang regalo ng tunay na pagmamahal at tunay na kaibigan, dahil mahirap mabuhay ngayon;maisisilang ka nga sa mundong ibabaw ngunit hindi na ganoon kadali ang MABUHAY. Magiging kasing halaga ng buhay ang pagkakaroon ng mga taong TUNAY at mananatili sa iyong tabi sa hirap at ginhawa dahil sila ang makakapag bigay ng dahilan para ikaw ay mabuhay ng hindi sa paraan ng paghinga lamang kun’di ang tunay na mabuhay habang tinatamasa ang kagandahan ng buhay at ng mundo .”
0 notes
go-nash-me-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
ISANG MITHIIN, SABAY-SABAY AABUTIN
Mag-aaral ng mabuti upang pangarap ay makamit. Magsu-sumikap ng sama sama upang makapag tapos ng sabay sabay. 
Magko-kopyahan ng takdang aralin upang lahat ay makapasa at walang magiging alanganin. “Kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan” sa oras ng pagsusulit ay laging gumagana, paghiwalayin man ng GURO may mga koneksyon “paraan” na magdu-dugtong sa milya-milyang distansya. Parang BDO “We find ways”. 
OHANA, pamilya; walang iwanan, kung kaya’t sa lahat ng oras ay magtu-tulungan, magda-damayan at higit sa lahat ay magma-mahalan.
Mga gabing yayakapin ang libro upang mag-aral. Mga oras ng tanghalian na isa-sakripisyo upang gumawa ng proyekto. Ang mga luhang bumabaha dahil sa mababang grado. LAHAT AY SULIT. Sa lahat ng sakripisyo at paghihirap ay may mga kaibigan kang makakaramay at makakasama. Sa bawat luhang tumutulo mula sa iyong mga pagod na mata ay mayroon kang guro na susuporta. HINDI iyon pagsubok na NAKAKA-PAGOD dahil mga karanasan iyon na puno ng masa-sayang ala-ala sa bawat minutong lumilipas na tuma-tagiktig ang iyong pawis at luha,dahil kasama mo sila; ang pamilyang kasabay mo lumuha at mahirapan sa mga proyekto na mayroon kayo. Kahit anong hirap na kakaharapin ay sabay parin aabutin ang pangarap na makapag-tapos ng sabay sabay.
0 notes
go-nash-me-blog · 5 years
Quote
"OHANA ang ibig sabihin ay Pamilya. Ang ibig sabihin ng pamilya ay walang maiiwan, o makakalimutan."
0 notes
go-nash-me-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
PAGSASAMA
Hindi man kadalasang nagkaka sundo ay lagi paring nagkaka-patawaran. Ipinagbuklod ng mga mabubutihing GURO at ipanagkaisa ng pagsasamahan. May mga pag kakaiba mang maituturing, pag bubuklurin parin ng iisang mithiin; ang maiwakas ang matagal ng hidwaan dahil sa hindi pagkakaintindihan. Ang maisulit ang mga nalalabing oras na mag kasama at magka-isa para maisulit ang panahon nang masaya. Nakabuo ng isang napaka-laking pamilya dahil sa PAGSASAMA, isang ala-alang hindi malilimutan at maibabaon na lamang dahil minsan sa buhay mo ay nagkaroon ng samahan na hindi kayang sirain ng panahon na maghahatid sa bawat isa sa atin sa ibang landas.
0 notes
go-nash-me-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
TALENTO
Ang bawat tao ay may angking talento. Ang ilan ay maaaring hindi pa ito natutuklasan o marahil ay takot silang ipamalas kung ano ito. Ang talento ay biyaya ng Diyos kung kaya'y hindi dapat natin ito ikinakahiya o tinatago, dapat natin itong ipagmalaki at ipamalas sa mundo dahil nabiyayaan tayo ng Diyos. Sa panahon ngayon puro panghuhusga ang maririnig at matatanggap sa tuwing may mag papa malas ng kanilang talento, ngunit kaibigan, wag kang panghinaan ng loob dahil ang mga taong nang bababa ng iba ay mahina sa loob nila. Sa mga sitwasyong hindi matanggap ng iba na ikaw ay nakaka-angat; sisiraan ka nila, kukutyain at mamaliitin. Maganda ang mundo huwag kang papadaig bagkus ay tulungan mo silang hanapin ang angkin nilang talento, at subukan mo ring maging mabuting ehemplo.
0 notes
go-nash-me-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
GURO
Walang araw na lumipas na ang presensya niya ay hindi madadama. Walang minuto o sigundo na ang suporta niya ay hindi Magpapadaig sa iba. Kahit ang buong mundo ay tatalikuran ka na, kahit hindi iisa ang dugong dumadaloy sa iyong katawan NARIYAN siya. Sa bawat paghihirap at panglalait ng lipunan sa kung ano ka, masasandalan mo siya. Walang Problemang hindi niya mareresolba dahil hindi man siya ang TUNAY mong magulang, TUNAY at WALANG KATUMBAS ang pagmamahal niya sa iyo. Sa dami ng Problemang kanyang kinakaharap, NARIYAN parin siya para tulungan ka sa iyong problema habang siya ay walang matakbuhan kung siya ang nag-iisa. Ang mga gabing walang tulog, pero handa paring ialay sa kanyang mga estudyante para makarating ang kanyang suporta ay PAGMAMAHAL. Walang makaka talo sa mga sakripisyong handa nilang ialay para sa kanilang estudyante, walang makaka tumbas sa pagmamahal at suporta na kayang ipadama ng isang GURO para lahat ng kanyang mga anak napang isang taon o ilang buwan lang, ay maka pasa at maaabot ang kanyang pangarap. "Ang isang mabuting guro ay maaaring magbigay ng inspirasyon sa pag-asa, mag-apoy ng imahinasyon, at magtanim ng isang pag-ibig sa pag-aaral. Ako ay isang guro. Ito ay kung paano ko tinukoy ang aking sarili."
0 notes
go-nash-me-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
PAGKAKA-PATAWARAN
Pagbubuklod sa hati hating seksyon na pinamamagitan lamang ng mga pader kung kaya’y hindi mapagsundo-sundo. Sa halos 3 taon na pagsasama at pagkakaisa para sa mga kompetisyon ay matagumpay ngunit naroon parin ang pagitan dahil sa mga pagkaka-iba. 
Sa ika sampung baitang na huling taon namin ay saka lamang nagkaroon ng pagkaka-patawaran dahil sa mahal naming mga guro na hindi matiis ang malaking pagitan pagdating sa komunikasyon at pakikipag tungo dahit pala sa takot ng iba na kumausap at hindi magkaroon ng maayos na pagkakaintindihan.
Sa wakas ay nanaig ang kapatawaran at kagustuhan na magkaayos para sa magandang huling pagsasamahan.
0 notes
go-nash-me-blog · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
SUPORTA
Sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya ng buhay ay mag susuportahan. Laban ng isa ay ang laban ng buong pamilya. Kung kaya’t ang tagumpay ng bawat isa ay tagumpay ng lahat dahil sa pag suporta naipapakita ang tiwala na magagawa niya rin at makakamtan ang ipinaglalaban ng buong partida.
Sa suporta madarama na may kasama ka at naniniwala silang makakayanan mong manalo o makamit ang ipinagla-laban mo.Alam mong sa laban na iyong kakaharapin ay hindi ka nag-iisa, nariyan ang iyong OHANA at mga KAIBIGAN na sasaludo sa  pagsisikap na iyong ipinamalas manalo man o kahit hindi mo mauwi ang korona. Ang pagpapa-paos para marinig at malaman mong “Kaya mo yan,laban lang”. Ang pananatili kahit lahat ay umuuwi at nanghuhusga na, ay SUPORTA na ang puhunan ay tiwala at pagmamahal na walang hanggan.
0 notes
go-nash-me-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
PAGKAKAIBIGAN
Ilang taon na pagsasama, mga sermon at sisihan na hindi maiwasan, mga away tapos bati na paulit ulit at higit sa lahat ay pagkakaibigan na nagpabago sa bawat isa. 
Matinding pagkaka-lapit na bumubuo ng koneksyon sa isa’t isa patungo sa pagtuturingang halos magkakapatid na. Malalaking away at hindi pagkaka-intindihan na humahantong sa pagkasira ng samahan, ngunit mas nagpapatibay ng pagbubuklod dahil alam nilang problema lang iyon kung laban sakanila na hindi man magkapatid sa dugo bagkus ay magkapatid sa puso.
Madaming plastikan na nagaganap ngunit normal na dahil ang kahinaan sa sarili ang pinapanira sa kapwa. Kaibigan, ibig sabihin ay hindi magkaka sukuan kundi ay magdadamayan sa hirap at ginhawa. Kaya ang bawat maliit na detalye ay pinag-uusapan upang hindi humantong sa hindi pagkakaintindihan.
“Ang mga tunay na kaibigan ay pamilya na maaari mong piliin.”
0 notes
go-nash-me-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
UNDEPETERS
Ang pamilyang pagbuklurin man ng  panahon ay pagtatagpo-tagpuin parin ng pagkaka-taon dahil hindi kami nagpapa daig sa simpleng tadhana magdadala sa amin sa ibang landas.
Seksyon na sanay na sa sermon ni sir. Jeprox pero hindi patitinag dahil alam naming baliktarin man ang mundo o lunurin niya man kame sa araw araw na sermon ay ANAK niya parin kami.Lumalaking pabugo ng pabugo pero titino at titino parin paghantong sa katapusan ng araw dahil hindi kami magiging mabuti at masunurin na mga mag-aaral kung wala siya sa tabi namin. 
Ang pamilyang laging naghahanap ng gulo, gumagawa ng ingay, nagpapalaganap ng mga usap-usapin at higit sa lahat ay kalokohan. Sa likod ng mga kabalastugan na ginagawa ng pamilyang ito ay ang mga karanasan na mag-iiwan ng bakas sa puso at laging magpapa-alala na “nung Grade 10 ako ginawa namin ito” sabay ngiti ng paunti, dahil ang bawat kalokohan ay binubuo ng kalahating takot na mapagalitan at kalahating “GAWIN NATIN, HULI NA’TO”. Ang kasakiman sa mga nauunting oras at panahon na magkakasama ay sinusulit sa paggawa ng mga bagay na ngayon lang magagawa “atleast” masaya.
0 notes
go-nash-me-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
PAG-AARAL
“Nakakatamad ng mag-aral puro sakit ng ulo at pagod lang ang napapala ko dito” reklamo ng nakararaming mag-aaral ngayon. Ngunit sa tutuusin ay nakakaligtaan lamang nila ang sobrang kasiyahan at mga karanasan na panghabang-buhay na nakabaon sa puso’t isip nila sa tuwing nastre-stress sila at pumapasok ng paaralan. Ang mga ngiting pinagsasaluhan sa umpisa pa lamang ng araw dahil sa mga kaklase mong nagbibigay ng ngiti sa iyong mga pagod na mata. Mga kaklase o idolo mong papasok palang ay bubuo na ng araw mo. Ang guro mong sesermonan ka ng ilang beses at pagtataasan ka ng boses pero sa huli ay siyang pangalawang magulang mo parin na susuporta at tutulong sa iyo sa tuwing ikaw ay may problema.
Sa isang araw na pag pasok sa paaralan na iniisip mong puro kapaguran lamang at nakakatamad na mga aralin ang iyong mabubungad. Ay isang bilyong taon ng mga masasayang saglit kasama ang iyong mga baliw mong kaklase,gwapo o maganda mong hinahangaan, at sa huli ay pinaka mainitin ngunit pinaka mapagmahal ng wagas mong guro.
0 notes
go-nash-me-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
 PAGTULONG
Ang biyaya ng Diyos sa ilan ay labis labis habang sa iba naman ay kapos.Sabi nga, walang perpekto sa mundo kun’di ang poong maykapal lamang na siyang lumikha sa ating lahat, ang Diyos. Sa usaping agham, kinakailangan ng negatibo at positibo upang maging balanse ang isang bagay kung kaya’t ganoon din sa lahat ng bagay dito sa mundo.
Sa munting pagtulong at pagbahagi ng iyong kasaganahan sa iba ay isang kasiyahan na hindi mabibili ng salapi ang iyong matatanggap. Sa aming paglilibot sa bayan upang bumili ng mga kagamitan para sa aming “Feast day” ay may nakilala kaming isang malikhaing mangguguhit na naghahandog at nagbabahagi ng kanyang talento sa mundo sa paraan ng pagbebenta ng kanyang mga likha sa mababang halaga. Hindi matutumbasan ng kahit na anong marangyang sasakyan o bahay ang ngiti niya ng amin siyang tulungan at bigyan ng mga kagamitan para kanyang maipagpatuloy ang kanyang hanapbuhay at pagbabahagi ng kanyang talento na biyaya ng Diyos sakanya.
“Hindi nabibili ng pera ang kasiyahan.” 
0 notes
go-nash-me-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
PAGKAKA-ISA
Ang pagkaka-isa ay ang pagtulong sa kapwa at pagiging responsable ng isang indibidwal. Sa pagkaka-isa nabubuo ang magandang samahan, nagagawang magtulungan ng isang grupo gamit ang kooperasyon ng lahat at pag-unawa ng bawat isa. Kung mayroong pagkaka-isa madaling uunlad ang mga bagay, sapagkat nagkaka-isa ang mga mamamayan sa isip at gawa.
0 notes
go-nash-me-blog · 5 years
Photo
Tumblr media
PAMILYA
Ang pinaka maliit na unit sa isang pamayanan ngunit ang pinaka importanteng bahagi at bumubuo sa sanlibutan. “Hindi mo pinipili ang iyong pamilya,Ang mga ito ay regalo ng Diyos sa iyo, tulad mo sakanila”
1 note · View note