Tumgik
hannahartates · 6 years
Text
THE RISE OF CONSUMER SOCIETY, LOSS OF SYMBOLIC EXCHANGE, AND INCREASE IN SIMULATIONS
Si Jean Baudrillard ay isang pranses na sosyolohista, pangkulturang-kritiko, at isang teorisista. Malaki ang impluwensiya ng mga ideya ni marx sa kaniyang mga teorya at paniniwala. Bagatma’t si Karl Marx ay mas pinagtuunan ng pansin ang produksyon, para kay Baudrillard mas mahalaga tignan ang aspeto ng “pagkokonsumo” sa lipunang ating ginagalawan. Ayon kay Baudrillard, ang mga kapitalista noon ay nakatuon lamang sa produksyon at wala ng pakiealam kung ano ang gagawin ng mga tao pagkatapos bumili ng kanilang produkto. Ngunit kasabay ng pagbabago ng lipunan at pag usbong ng ekonomiya, nagkaroon na ng ibang pag atake ang mga kapitalista, kinokontrol na nito ang mga tao upang patuloy na tumangkilik sa kanilang mga produkto.
Paano nga ba tayo kinokontrol ng mga kapitalista? Mahalaga na tayo ay mamulat na may ganitong sistemang umiiral sa ating lipunan dahil sa ganoong paraan lamang natin malalabanan at pagkontrol at pagsakop ng mga kapitalista sa ating isip at sa ating kinikilos.
 Kasabay ng diskursyon ng aming klase patungkol sa teorya ni Baudrillard ay kasabay din ng aking pagtanto na ako ay nasakop na din ng maling kaisipan na dulot ng epekto ng mga kapitalista. Sakop ng kaniyang teorya ay ang pagkalito ng mga tao sa tunay na esensya ng mga produktong kaniyang binibili. Aniya ay bumibili ang mga tao dahil “gusto” nila at hindi dahil “kaylngan” nila. Ang pagkonsumo ay nagiging isang lenggwahe na kung baga, dahil mayroon kang nais patunayan sa mga taong makakakita na kaya mong bumibili ng ganoong bagay. Dito din pumapasok ang pagtangkilik ng mga tao sa mga bagay na mamahalin upang mapataas ang tingin ng ibang tao sa atin. Bagama’t hindi lahat ng tao ay ganito mag-isip ngunit hindi natin maiaalis na ito ay totoong nangyayari sa ating lipunan.
Sa ngayon, kapag naka iphone ka mayaman ka. Kahit hulugan buwan buwan ang bayad hindi na nagiging mahalaga dahil importante ang kumbaga status mo sa lipunan. Kapag may braces ka mayaman ka, kahit hindi naman sira ang ngipin mo at hindi mo naman talaga kaylngan ng braces. Ilan lang ito sa mga halimbawa sa pagtingkilik ng tao sa mga bagay na hindi afford at hindi kaylngan para lamang patunayan sa ibang tao ang kanilang estado sa buhay.
0 notes
hannahartates · 6 years
Text
THE CONSUMER SOCIETY AND THE NEW MEANS OF CONSUMPTION
Kasabay ng pag unlad ng ekonomiya at pagbabago ng sistema ay malaki na din ang naging impluwensiya nito sa mga mamayan sa loob ng isang lipunan. Sa isang lugar na kung saan mayroon madaming makabagong teknolohiya na maaring magamit upang makatulong at mapabilis ang mga proseso para sa tao, ay lumilikha ito ng panibagong kaisipan para sa kanila.
Isang halimbawa nito ay ang GrabFood na talaga namang kinahuhumalingan ngayon ng mga tao dahil sa pagiging instant nito na hindi na kinakaylangan ng pagkilos at pagkapagod bukod sa pag pindot sa cellphone upang umorder ng nais mong kainin. Marami sa ating teknolohiya ang nagpapadali na ng ating gawain kung kaya ay talaga namang tinatangkilik ito ng mga tao.
Kasabay ng pag usbong ng mga makabagong teknolohiya ay tila hindi rin nakaligtas ang mga adventure park tulad ng enchanted kingdom o ang mas sikat na Disney land. Noong bata pa ako ay pangarap ko din ang makapunta sa Disney land dahil gusto kong maging parte ng kaisipan na punong puno ng mahika, bagama’t ang mga atraksyon doon ay katang isip lamang ay hindi na ito naging mahalaga dahil mas pinagtutuunan ng pansin ang pakiramdam at kasiyahan habang ikaw ay nandoon sa lugar na iyon.
Bakit nga ba tinatangkilik ng mga tao ang mga bagay na makakapagbigay ng ‘instant’ ng kanilang pangangailangan? O bakit nga ba nahuhumaling ang mga tao sa mga bagay na makakapag pasaya sakanila kahit na ito ay nababalot lamang ng mga bagay na hindi totoo?
Bagama’t nakakatulong sa atin ang patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay dapat parin nating isaisip ang wastong paggamit nito. Bagama’t maganda ang epekto ng pagpunta sa mga bagay na nagbibigay sa atin ng kasayahan mahalaga pa din na maisaisip natin kung ano ang tama sa mali at huwag tayo magpalubog sa mga bagay na katangisip lamang. Sa huli, nasa tao pa din ang solusyon. Nasa tamang pag gamit ng teknolohiya para sa nakakabuti at huwag itong abusuhin upang kasabay ng pagunlad ng lipunan ay ang pag unlad din n gating pagkatao.
0 notes
hannahartates · 6 years
Text
MICHEL FOUCAULT: INCREASING GOVERNMMENTALITY
Sa paglipas ng panahon kasabay ng pag-unlad ng lipunan nagkaroon ng iba’t-ibang batas ang Pilipinas upang magkaroon ng gabay ang mga tao sa mga dapat at hindi dapat gawin ng isang tao bilang isang mamayan ng lipunan. Ang pagsuway sa mga batas na ito ay magiging dahilan sa pagharap ng isang indibidwal sa isang karampatang parusa. Ang konsepto ng pagkakaroon ng batas ay maari nating maiugnay sa ideya ni Paul-Michel Foucault sa usaping governmentality.
Si Paul-Michel Foucault o mas kilala bilang Michel Foucault ay isang tanyag na philosopher at mananalaysay na mula sa pamilya ng mga physician. Kabilang sa mga sikat na likha ni Foucault ay pinamagatang The History of Sexuality, The Care Of The Self and The Use of Pleasure. Iba ang naging pananaw ni Foucault sa mga kilalang Modernist na katulad nila Marx at iba pa. Mas minamabuti niyang suriin ang isang sitwasyon kung bakit at paano ito nangyayari kabaliktaran ng mga nakasayanan ng mga Modernist na pinagtutuunan ng pansin ang paghanap sa pinagmulan ng isang problema. Para kay Foucault, ang kasaysayan ay hindi lamang isang direksyon katulad ng pinaniniwalan ng mga modernist at may magkakaibang klase ang pag-unlad ang isang lipunan. Hindi siya naniniwala sa konteksto ng pagkakaroon ng isang “Grand Narrative”, ito ay ang kadalasang ginagamit ng mga taniyag na modernist, ito ang proseso ng pagtingin at pagpapaliwanag kung paano umaandar ang lipunan at kung paano nabubuo ang isang kasaysayan. Pinagtuunan ng pansin ni Foucault ang mga bagay na ayaw o takot marinig o pag-aralan ng mga tao. Halimbawa na nga nito ay ang sex, na isa sa pinaka sensitibong paksa sa Pilipinas.
Tinalakay din ni Foucault ang governmentality, na kung saan ito ay tumutukoy sa mga pamamaraan o teknik na maaring gamitin upang magkaroon ng kontrol sa mga tao sa lipunan. Sa kaniyang pag-aaral, ginamit niyang modelo ang mga kaganapan sa mga sistema sa loob ng kulungan. May dalawang uri ng sistema na naganap sa kasaysayan ng kulungan: Torture based prison system at Rule based prison system. Sa loob ng tinatawag na torture based prison system, ito ang uri ng sistema na ginagamit ng mga hari at reyna na kung saan walang malinaw na batayan kung ano ang tama sa mali at ang kaparusahan ay nakabase sa kung ano ang gusto ng mga nakatataas. Samantalang sa rule based prison system, mayroon ng umiiral na mga batas o gabay sa kung anong tama o mali, kung iyo man itong susuwayin ay mayroon na ding karampatang parusa ang nakaharap dito. Panopticon naman ay ang proseso na nagdudulot upang ang mga tao mismo ay mapilitan sumunod sa mga rules na naitakda, at dahil dito sila ang nagiging responsible para sa kanilang sarili. Ang mga halimbawa nito ay ang pagkakaroon gn cctv na kung saan dahil alam mong nakabantay sa iyong mga kilos ay hindi ka gagawa ng bawal dahil alam mong ikaw ay mapaparusahan dahil may nanunuod sa iyong kinikilos.
Mayroon namang iba’t-ibang uri ng instrument na ginagamit upang obserbahan at magkaroon ng kontrol. Ito ay ang mga sumusunod: Hierchiral Observation, Normalizing Judgement at Examination.
Hierchiral Observation – Ito ay ang pamamaraan na kung saan mayroong nakatataas na nagkokontrol sa mga kilos at gawa ng isang tao. Itong mga nakakatataas na ito ay ang mga may kapangyarihan kaugnay sa dapat ikilos ng kaniyang nasasakupan.  Magandang halimbawa nito ay ang mga pagsasanay na ginagawa ng militar na nakaukol sa pagtuturo ng mga bagong sundalo.
Normalizing Judgement – Ang proseso na kung saan mayroong sistema ng tama at mali at kapag ang isang indibidwal ay hindi nakasunod dito mayroong karampatang parusa ang kaniyang haharapin. Dito ay sinusundan natin ang pamantayan na itinakda ng lipunan. Mahahahalintulad ang pamaraang ito sa mga ginagamit sa paaralan, kung saan mayroong handbook sa mga dapat at hindi dapat gawin ng isang estudyanteng at kung sino man ang hindi nakakasunod sa palatuntunin ng paaralan ay haharap sa kaparuasahan.  Sa malawak na aspeto naman ng lipunan, ang pamamaraan na ito ay tumutukoy sa sistema ng pagkukulong sa mga criminal na lumalabag sa batas.
Examination - Ito ay tumutukoy sa examinasyon na nakikita natin sa mga paaralan kung saan mayroong bantay tuwing mayroong pagsusulit. Ang pamamaraan na ito ay kombinasyon ng dalawang naunang pamamaraan. May halong “pagmamasid” ng nakatataas (guro) at katuwang na parusa base sa mga resulta ng eksaminasyon at base sa iyong maling gagawin.
Maganda ang pagkakaroon ng gabay ng mga tao sa mga bagay na tama o mali. Dahil dito nagkakaroon ng batayan ang mga tao sa kanilang maaring gawin at kung ano ang hindi maari. Ngunit katulad din ng ibang rationalized system, may hinding magandang implikasyon din ang mga pamamaraan na ito. Sa pagiging highly rationalized ng isang sistema ay nakakalimutan na ng mga tao na gamitin ang kanilang pagpapakatao. Ang mga batas ay umiiral upang maisaayos ang mga patakaran at sistema ng lipunan. Bagama’t ang mga tao ay may kakayahan din upang hindi sumunod sa mga batas dapat parin mapanatili ang pagiging responsible dahil lahat tayo ay mamayan ng lipunan at parte n gating gampanin ay ang paunladin ito, para sa ating sarili, pamilya at susunod pang henerasyon.
0 notes
hannahartates · 6 years
Text
CONTEMPORARY FEMINIST THEORIES
Kamakailan lamang ay ipinagdiwang natin ang National’s Women Day na pinagbisa ng Republic Act No. 6949 Series of 1990 na nagtatalaga na sa bawat Marso 8 ng bawat taon ay ating bibigyan ng papugay ang mga naiambag ng mga kababaihan sa ating lipunan. Ang buong buwan ng Marso ay itinakdang Women’s month sa bisa ng Presidential Proclamation No.227 Series of 1988.
Marami ng pinagdaanan ang mga kababaihan upang mapatunayan at labanan ang diskriminasyon laban sa abilidad at gampanin na itinakda sakanila ng lipunan. Marami ng laban ang isinulong ng mga kababaihan upang makamit ang karapatan nilang makilahok sa lipunan. Itong mga laban na ito ay tinawag na “waves”, unang wave ay pinangunahan ng mga liberal feminist. Ang mga liberal feminist ay dinaan sa legislation o reforms ang pakikipaglaban sa diskriminasyon laban sa mga babae. Ang pangalawa naman ay ang Socialist Marxist Feminist, para naman sakanila ay hindi naging sapat ang reforms upang ipakita ang kahalagahan ng mga babae at para sakanila kinakaylngan magkaroon ng rebolusyon laban sa mga kamalian sa pagtrato sa mga kababaihan sa iba’t-ibang parte ng lipunan. At ang huli ay ang radical feminist, para sakanila hindi sapat ang pagkakaroon ng reforms at revolution dahil para sa kanila kinakaylngan na tanggalin ang pamilya dahil ito ang pinag uugatan ng “sexism” o ang hindi pantay na pagtingin sa babae o lalaki.
Ang pamilya ang pinag uugatan ng sexism dahil simula palang sa ating kapanangakan ay itinatakda na ng ating genitalia kung ano ang magiging gampanin natin sa lipunan. Ang babae ay inaasahan na sa bahay lamang at tumutulong sa gawaing bahay sa kaniyang nanay. Samantalang ang mga lalaki ay inaasahan sa lahat ng mabigat na gawain na sinasabing hindi pasok sa kakayahan ng babae. Maibabalik natin ito sa kasaysayan na kung saan ang lalaki lamang ang maaring makilahok sa lipunan, sila lamang ang may kakayahan makapag-aral, bumuto at tumakbo sa gobyerno o pamahalaan.
Kabaliktaran naman ito sa teorya ni Frederick Engels tinawag niya itong “The Origins of Family” at ayon sa kaniya, walang konsepto ng pamilya dati at ang mga kababaihan ang tinuturing makapangyarihan dahil sa kakayahan nitong magbuntis at mag-alaga kaya sila ang tinuturing na “Power of clan". Sakabilang dako ang gampanin naman ng mga lalaki ay para sa “mating”, lumilibot sa iba’t-ibang lugar at humahanap ng mga babae upang magkaroon ng anak. Habang nagtatagal, ang mga lalaki ay nakapag isip isip na sa kanilang kamatayan ay walang mapagiiwanan ng kanilang mga ari-arian kung kaya’y sila ay napaisip at napagtanto na kung mayroon silang anak ay maari nila itong gawin na mga taga pagmana. Dito din nagsimula ang usaping virginity. Hindi nagtagal ang mga lalaki na ang nagsimulang magbigay ng pangangailangan ng kaniyang pamilya at siya na nga din ang nagkaroon ng kontrol sa kaniyang pamilya.
Hanggang ngayon, makikita pa din ang pagiging dominante ng lalaki sa iba’t-ibang parte ng lipunan. Bagama’t paunti-unti ng nakakamit ng mga kakabaihan ang karapatan na kanilang matagal ng pinaglalaban masasabi natin na hanggang ngayon ay hindi parin tapos ang laban. Marami mang laban ang napagtagumpayan na ng kababaihan, patuloy pa rin ang mga diskriminasyon na hinaharap ng mga babae sa pang araw-araw. Tuloy ang laban!
0 notes
hannahartates · 6 years
Text
NEO-MARXIAN GRAND THEORIES: The Emergence of Culture Industry
Sa pagpasok ng modernong panahon ay nagkaroon din ng pagbabago sa ating lipunan. Maraming pag-aaral si Karl Marx na nakatulong at nagbigay gabay sa pagsusuri kung paano nagbago at ano ang naging kabihan sa takbo ng lipunan na ating ginagalawan. Sa bagong lipunan ay dito pumapasok ang teorya ng ‘Neo-marxism’ na kung saan ang mga tao ay mas nagiging kontrolado na ng KULTURA kaysa EKONOMIYA. Ang naging pokus ng pag-aaral ng mga Neo-Marxian ay ang pangingibabaw ng industriya ng kultura sa lipunan at kung paano ito nagamit ng mga kapitalismo.
Kasabay ng pag-usbong ng ekonomiya ng lipunan ay naging malago na din ang paglaganap ng mga makabagong teknolohiya na siya namang tinangkilik ng mga mamayan. Sa halip na magpokus sa paggawa tulad ng kay Marx ay nagpokus sila sa kultura dahil ayon sakanila mas laganap ito dahil ang lahat ng tao ay may kultura, Paano nga ba pumapasok ang mga makabagong teknolohiya sa paglaganap ng kapitalismo?
Halos lahat ng tao ay nahuhumaling sa paggamit ng gadgets mapa selpon, laptop o kompyuter man yan. May iba’t-ibang kinahuhumalingan laro, social medias o mga palabas na nakakalibang panoorin. Ang punto dito, halos hindi na kaya ng tao mabuhay ng wala ang mga gadgets na ito. Isa pang gamit ng mga makabagon teknolohiya ay ang tulong nito upang mapadali ang ilan sa ating mga gawain kug kaya’y mahirap na tanggalin ito sa buhay ng isang tao na nakasanayan na ito gamitin.
Ngunit ayon sa mga Neo-marxian dahil sa paglaganap ng mga ito, tinuturuan lamang nito ang mga tao na maging ‘dependent’ at ‘reliant’ dito. Maraming mga tao na talagang pinag-iipunan pa upang makabili ng bagong selpon, may mga tao na handang mangutang makasunod lang sa uso. Nauso pa ang paggamit ng credit card at mga paraan na ‘installment’ ang pagbayad na naging dahilan upang bumili ang mga tao kahit hindi naman nila ito kaylngan at hindi naman nila ito talaga kaya bayaran. Pabor sa mga kapitalista ang pag tangkilik ng mga mamayan sa kanilang produkto. At tayo bilang mamamayan dahil ito ay talamak at maraming tao ang mayroong ganito ay nahuhumaling na din tayo upang gumaya at makisabay sa lipunan. Imbes na gamitin ito sa maganda at mga bagay na makakatulong sa paglago natin bilang tao ay hindi ito nangyayari. Sa halip ay naadik ang nakakarami sa mga games tulad ng dota, mobile legends at iba pa o kaya naman sa panonood sa paborito nilang kdrama series.
Sa pagkontrol na ginagawa ng mga kapitalista sa kanilang manggagawa, dito papasok ang ‘fordism’ at ‘post-fordism’. Ang Fordism ay ang sistema sa loob ng ford factory na kung saan ang bawat trabahor ay mayroon lamang isang specific task na maaring gawin. Sa ganitong pamamaraan ay mabilis ang kanilang produksyon. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat na hindi maganda ang ganitong sistema dahil napipigilan nito ang kalayaan mag isip ng mga manggagawa, sa ganitong sistema ay hindi uunlad ang pagkatao at kakayahan ng isang trabahador.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nagwawagi ang mga kapitalista at patuloy pa rin silang nangingibabaw sa kapangyarihan sa ating ekonomiya. Nakakalungkot lamang isipin na may mga tao at karapatan silang natatapakan para lamang makamit ang tagumpay na nais nilang makamtam. Mahalaga na bilang mamamayan ay maging bukas an gating mata sa ganitong uri ng sistema na ating kinabibilngan at ng sa ganitong paraan tayo ay makalaban sa bulok na sistema ng ating lipunan.
0 notes
hannahartates · 6 years
Text
ANALYZING MODERNITY: THE MCDONALDIZATION OF SOCIETY
Tumblr media
Ang McDonaldization of the society ay ang patuloy na paglaganap ng mga patakaran at pamamalakad ng mga fast-food chain katulad ng isang sikat na sikat na kainan na Mcdonald’s. Nakita ni George Ritzer ang malawakang epekto ng pagtangkilik ng mga tao sa isang fast food chain. Aniya ang epekto ng isang fast food chain ay hindi lamang nagtatapos sa pagkain sa loob ng isang fast food kundi nagkakaroon ito ng epekto sa isang tao, sa kaniyang mga pinapahalagahan, pagkakakilanlan, at iba pang aspeto ng kaniyang pagkatao.
Ang Mcdonaldization ay nakabatay sa ideya ni Max Weber na tumatalakay sa pagkakaroon ng “bureaucracy” sa pagkakaroon ng rasyonalidad. Bagama’t  ito ay kapansin-pansin pa rin sa maraming parte ng lipunan, ang ideya na ito ni Weber ay pinaunlad ni Ritzer upang umangkop at sumabay sa pagbabago ng lipunan at tinawag niya itong Mcdonldization of the Society.
Ang Mcdonaldization ay may apat na dimension: Efficiency, Calculability, Predictability at Control.
Efficiency – Ito yung proseso na kung saan pinipili yung pinaka mabilis na proseso ng pagkuha sa isang bagay. Ang halimbawa nito sa isang fast food restaurant ay ang pagkakaroon ng Drive-thru na kung saan mabilis mong makukuha ang iyong order at hindi mo na kinakaylngan pang lumabas ng iyong sasakyan. Maari din nitong maging halimbawa ang pagkakaroon ng bukod na kuhaan ng gravy, ketchup at mga utensils, dahil dito nababawasan din ang trabaho ng mga workers. Sinasabing ang effiency ay mayroong pakinabang sa costumer at ganun na din sa workers. Iba pang halimbawa ay ang pagkakaroon ng ATM machines, Fill-your own cup (katulad sa 7/11), at marami pang iba. Hindi natin napapansin na dahil dito, tayo na mismo ang gumagawa ng mga bagay na kasama dapat sa binabayaran nating serbisyo. Tayo ay nagiging kontrolado na tila ba isang puppet katulad na din ng mga workers.
Calculability – Ito naman ay tumutukoy na mas pinapahalagahan ang dami/bilang kesa sa kalidad. Isa din naman ito sa dahilan kung bakit ginugusto ng mga tao ang pagkain sa fast-food dahil alam nila na makukuha nila ang kanilang nais sa loob lamang ng maikling oras. Dahil ang mga workers ay inaasahan na kumilos ng mabilis, kung kaya naman ditto din pumapasok ang konsepto ng alienation ni Karl Marx, dahil ang mga workers ay inaasahan na kumilos ng mabilis hindi na nila nagagawang makipag usap sa kapwa nila workers o sa mga customers. Nalilimitahan din nito ang paglabas ng kanilang human potential dahil ang kanilang kilos ay inoorasan at sila ay inaasahan na gawin lamang kung anong nakatakda at yun ay kumuha at magbigay ng order.
Predictability – Ito naman ang tumutukoy sa pagkakaroon ng paulit-ulit na proseso o routine ng pagpunta sa mga fast food chain na tila ba may sinusundan na script. Halimbawa nito ay sa pagpasok mo palang ay babatiin ka na ng “Good morning maam/sir” sa pagkuha ng iyong order katulad ng drinks nakahanda na ang sunod na tanong na “Regular or large po?”. Ang mga mang gagawa ay tila ba nagiging isang machine na kapag may sinabi o tinanong ka na bago at hindi kasama sakanilang script ay biglang tatawag ng manager dahil hindi alam ang isasagot na para bang isang computer na hindi kasama sakaniyang program.
Control – inaasahan na ang mga manggagawa o workers ay pareho lamang ang kinikilos araw-araw, walang labis walang kulang. Tinuturing sila na parang machine, bagamat ang modelo na ginamit ni Ritzer ay ang fast-food business, nagkakaroon ito ng epekto sa pang araw-araw na buhay ng mga tao. Madaling itatake over ng machines ang mga tao dahil sa nagagawa nitong “control” katulad sa paglalagay ng inumin, isang pindot mo lamang ay sakto na ang dami ng lalabas sa pinili mong sukat ng baso. Tulad ng ibang dimension ay may maganda ding epekto ito dahil mas pinapadali at pinapabilis an gating mga gawain. Sa kabilang dako, mayroon din itong masamang epekto dahil dito ay natututo na tayo maging tamad, na lagging pinipili kung ano ang mas madali at mas mabilis. Hindi na natin pinapahalagahan ang pagluluto sa bahay dahil mas mabilis naman ang pagkain sa labas. Hindi na natin tinatiyaga magbasa ng mga libro sa silid-aklatan dahil nasa internet na lahat. Maganda sana na magkaroon ng mga gantong high tech na bagay kung gagamitin natin ito sa tama, sa huli nasa tao pa din ang desisyon.
Pumasok din dito ang Irrationality of rationality, sa sobrang pagtangkilik ng sistema ay nawawalan ng puso ang mga tao. Hindi na natin binibigyang halaga ang mga dahilan at basta lang tayo nakatuon sa sistemang ating sinusundan, ito ay nagiging dahilan ng tinatawag natin na dehumanization.
Sa napanood kong panayam kay George Ritzer nung tinatanong siya na kung paano makakaiwas na magpasakop sa Mcdonalized na lipunan, unang-una sa lahat mahalaga na tayo ay maging bukas na mayroong ganitong klase na kaganapan sa ating lipunan. Base sa kaniyang sinabi, mahirap talaga na umiwas dito dahil talamak na ang ganitong uri ng sistema. “It takes an effort” aniya. Nasa sarili at nasa tao pa rin talaga ang solusyon. Nasa tamang pag gamit, pagdedesisyon, at pagpili kung ano ang karapat-dapat nating ikilos at huwag magpasakop sa isang sistema na papatay sa ating mga puso at pakikisalumuha sa ating kapwa.
0 notes
hannahartates · 6 years
Text
WEBER: THE RATIONALIZATION OF SOCIETY
Matapos ang talakayan sa mga teorya nina Emile Drukheim at Karl Marx, dumako naman tayo sa naging pananaw at pagtingin ni Max Weber sa ating lipunan. Kasabay ng paglipas ng panahon, pagbabago ng lipunan at iba’t-ibang pag-unlad masasabi na ang mga tao bilang isang mamayan ay nagdevelop din ng isang kaisipan na maari nating maiugnay sa ‘rationality’.
Ano nga ba ang rationality ayon kay weber? Aniya ang ‘rationality’ o ang ‘rationalization’ ay ang proseso ng pagiging organisado o ang pagsunod sa sistema ng mga tao. Bilang isang estudiyante, anak at kaibigan mahalaga ang pagkakaroon ng sistema o isang organisadong pamamaraan upang mapatakbo ng maayos ang aking buhay. Habang tumatagal ay mas lalong dumadami ang responsibilidad ng mga tao at dito pumapasok ang pagkakaroon ng wastong ‘time management’ ang time management ay isang halimbawa ng pagkakaroon ng sistema upang maisaayos ang isang bagay o gawain. Bagama’t mabuti ang pagiging organisado may mga masamang epekto din ito pag nasobrahan.
Tinalakay din ni Weber ang simbahan at usaping relihiyon. Salungat sa ideya na inilahad ni Karl Marx, ayon kay Weber ang kapitalismo ay nag-ugat sa relihiyon at ito ang Protestantism. Ang mga Calvinist ay naniniwala na ang tagumpay dito sa lupa ang magdadala sa kanila sa kalangitan kung kaya’y pinagsumikapan nila na palaguin at paunladin ang kanilang mga negosyo sa paniniwala na ito ang magiging susi ng kaligtasan. Ginamit ng mga Calvinist ang kaisipan na rational upang mapalago ang kanilang mga negosyo, ito ang mga kadahilanan kung bakit nasabi ni Weber na hindi lamang pera o material na bagay ang nagdudulot ng kapitalismo.
Tinalakay din ni Weber kung ano at paano nga ba umiiral ang isang sistema sa lipunan. Dito pumasok ang ideya ng tatlong authority structures: traditional, charismatic, at rational-legal. Ang tradisyonal na awtoridad ay ang pagkakaroon ng isang awtoridad na mala monarkiya na pamumuno katulad ng sa hari’t reyna. Ang pangalawa naman ay ‘charismatic authority’ mula sa salitang karisma, ito ay base sa karakter ng isang tao at ang pang huli naman ay ang rational-legal ito ay ang pagkakaroon ng batayan sa pagtatalaga ng isang awtoridad.
Mahalaga ang pagkakaroon ng isang sistema at ang pagiging organisado upang maisaayos ang ating lipunan. Sa dami ng tao sa mundo particular sa Pilipinas, mahalaga na mayroon tayong batayan o gabay upang makatulong sa pag-unlad ng lipunang ating ginagalawan. Ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng mga ideya ni Weber upang tayo ay mamulat sa mga ganitong ideya na umiiral sa ating lipunan upang kontrolin natin ito, kabaliktaran na ito ang kumontrol sa atin.
1 note · View note
hannahartates · 6 years
Text
KARL MARX: FROM CAPITALISM TO COMMUNISM
Si Karl Marx ay isang German Philosopher at rebolusyonaryong sosyalista na binansagang “Father of Communism”. Kabilang sa kaniyang mga kilalang libro ay ang Communist Manifesto at Das Kapital, ito ay kaniyang mga pag-aaral na nagpapakita ng hindi pag sang-ayon sa mga pamamalakad ng mga kapitalista. Ito ang pinag-ugatan ng Marxism. Ano nga ba ang Marxism? Ang Marxism ay ang paglaban sa mga kapitalista sa kanilang pagkontrol at pananamantala sa mga mamayan gamit ang kanilang kapangyarihan. Sa pag-aaral ni Marx, nakita niya na sa isang lipunan na pinamamalakaran ng mga kapitalista ay patuloy ang pagyaman at pag-unlad nila samantalang ang mga mahihirapan naman ay patuloy ang paglubog sa kahirapan. Nagiging sentrelado ang kapangyarihan sa mga mamayan. Sa kabila ng paghihirap, pagpupursugi ng mga manggagawa ay hindi pa rin ito nagiging dahilan ng kanilang pag-unlad dahil sila ay nasa kamay ng mga mapagsamantalang kapitalista.
Dito rin pumapasok ang usaping ‘force labor’ at ‘human potential’. Ang Human potential ay ang kakayahan ng tao na patuloy na paunladin ang kaniyang sarili, palawakin ang kaniyang kaisipan at tumuklas ng mga bagong kakayahan para sa kanilang sarili. Ito ay nalilimitahan dahil sa ginagawang pamamalakad ng mga kapitalista kasabay ng ‘force labor’ at ‘alienation’ ito ay ang mga nagiging dahilan kung bakit hindi umuunlad ang mga manggagawa dahil kinokontrol ng mga kapitalista ang mga aksyon na kanilang maaring gawin kung kaya’y hindi na sila nagkakaroon ng kalayaan na umunlad at palawakin pa ang kanilang kaalaman.
Ang ganitong uri ng sistema ay malawakan natin nakikita hanggang sa ngayon, lalo na dito sa Pilipinas. Ang lugar na kung saan ang mayayaman ang patuloy na yumayaman at may hawak ng mga resources at kanilang pinagsasamantalahan. Mahirap ang pag-unlad ng mga mamayan sa laylayan kung patuloy ang pananamantala ng mga tao na makapangyarihan. Kahit anong kayod at hirap ay hindi magiging sapat. Mahalaga na mabuksan ang ating mga isipan na mayroon ganitong pamamalakad sa sistema ng lipunan upang ito ay ating malabanan at malagpasan. Huwag tayo makuntento sa kung ano lang ang meron tayo at matuto tayong ipaglaban ang mga bagay na dapat sa atin at kinukuha sa atin ng mga mapagsamantalang makapangyarihan sa ating lipunan.
0 notes
hannahartates · 6 years
Text
EMILE DURKHEIM: FROM MECHANICAL TO ORGANIC SOLIDARITY
Sa paglipas ng panahon at pag-unlad ng ekonomiya, maraming pagbabago ang maari nating makita sa iba’t-ibang aspeto ng ating lipunan. Ang teoryang pinamagatang From ‘Mechanical to Organic solidarity’ ni Emile Durkheim ay isa sa mga pag-aaral kung paano at ano ang pagbabago na naganap sa ating lipunan. Si Emile Durkheim ay isang ‘social scientist’ mula sa France na naging taniyag sa kaniyang mga pag-aaral patungkol sa ating lipunan. Isa sa kaniyang pinakasikat na pag-aaral ay ang Division of labour in Society noong 1893.  
Napansin ni Durkheim na ang lipunan na ating ginagalawan ay nagbabago, mula sa obsebasyon, pagsusuri at pag-aaral ay nakita niya na maari natin itong iugnay sa paggawa o trabaho upang mas makita at mas maintindihan natin kung ano nga bang pagbabago ang nangyayari sa ating lipunan. At dito pumapasok ang usaping ‘solidarity’.
Ayon kay Durkheim, may dalawang uri ang solidarity. Ngunit ano nga ba ang solidarity? Ayon sa kaniya, ang solidarity ay ang isang bagay na nagbubuklod sa isang grupo o lipunan. Ang una ay ang ‘Mechanical Solidarity’ ito ay nakikita sa mga primitibong lipunan na kung saan nagkakaroon ng pagkakaparehas ang ginagawa ng mga tao sa lipunan. Makikita natin ito sa mga probinsiya na kung saan ang pangunahing trabaho ay ang magsaka o mangisda, Sa ganitong uri ng lipunan ay walang nangyayaring paghahati ng mga trabaho, kung ang lahat ay marunong mangisda maaring mangisda ang lahat. At dahil iisa lamang ang kanilang ginagawa dito din nabubuo ang konspeto ng ‘collective conscience’ kung saan ang mga tao ay mayroong iisa o konektibong paniniwala.
Sa kabilang banda, sa modernong lipunan nakikita natin ang ‘Organic Solidarity’, dito ay nagkakaroon ng iba’t-ibang trabaho sanhi ng iba’t-ibang pangangailangan ng mga tao. Nagkakaroo ng Division of Labour, ang bawat isa ay may sariling gampanin na dapat punan. At dahil dito nagkakaroon ng iba’t-ibang paniniwala ang mga tao sa lipunan salungat sa ‘collective conscience’ na mayroon ang Mechanical Solidarity.
Mahalaga ang pagbabago sa lipunan basta kaakibat nito ang pag-unlad. Ang dalawang uri ng solidarity ay makikita pa rin sa panahon ngayon nagkakaiba lang kung saan lugar mo titignan. Ang dalawang uri ng solidarity ay mayroong maganda o hindi maganda na epekto ngunit sa huli nasa tao parin sa lipunan nakabatay ang kagandahan ng isang lipunan. Maganda na mayroon pagkakabuklod ang mga mamamayan ngunit katanggap tanggap din na ang bawat isa ay may mga ideya o perspektibo na hindi kaparehas sa kaniyang kinabibilangan.
Isa din sa mahalagang usapin na tinalakay ni Durkheim ay ang “Suicide”. Ayon sa kaniya, ang dahilan ng pagpapakamatay ng isang tao ay maaring iugnay sa lipunan na kaniyang ginagalawan. Maaring mataas ang “attachment” o mababa. Isang pangyayari na gumulat sa aming lahat ay ang pagpapakamatay ng aming kapitbahay noong ako ay bata pa dahil siya ay nagdadalang tao. Maaring sabihin ng ibang tao na mahina ang kaniyang loob o ano pa man ngunit kung aking titignan at susuriin ngayon na ako ay may edad na, masasabi ko na hindi lang siya ang may kasalanan nito. Kabilang na dito ang lipunan na kaniyang ginagalawan.
Napakahalaga ng lipunan dahil ito ay may koneksiyon sa ating pagkatao. Mahalaga na mabuksan ang ating isip sa relasyon na ito upang hindi tayo lubusan na basta lamang makontrol nito at impluwensiya ng kapangyarihan nito satin.
0 notes
hannahartates · 6 years
Text
SOCIOLOGY
Iba’t-ibang okasyon na maaring puntahan ng iba’t-ibang tao. Mapa piyesta, rally, concert o iba pang kaganapan na dinadaluhan ng napakaraming tao. Maaring saiyong pagpunta ay ilan lamang ang iyong kakilala ngunit mararamdaman mo na ikaw ay kabilang sa isang grupo. Sa isang concert, nagkakaisa ang mga tao sa pagkanta at pagsabay sa kanta. Nagkakaisa ang lahat sa pagsigaw at pag puri sa kanilang mga hinahangaan na tagapagtanghal.
Maaring hindi naman ito kaparehas kapag ikaw ay nasa ibang bansa. Maaring hindi mo lubos maiintindihan ang kanilang kinikilos sa isang uri ng sitwasyon. Sa isang grupo ng tao, may iba’t-ibang pag-uugali ang tinataglay ng bawat tao.
Isa itong mahalagang konsepto ng sociology o sosiyolohiya, ang pagsama sa isang grupo ay maaring makaapekto sa pag-uugali ng isang tao. Bakit nga ba tayo naapektuhan ng grupong ating sinasamahan? Sa paanong paraan tayo naapektuhan nito? Bakit nga ba ang mga tao sa isang group at sitwasyon ay nagkakaroon ng iba’t-ibang pag-uugali o kilos? Ito ay ilan lamang sa mga tanong na sinasagot ng mga sociologist sa kanilang pag-aaral patungkol sa sosyolohiya.
Ang sosyolohiya o sociology ay isang pag-aaral ng tao, grupo at institusyon na bumubuo ng lipunan. Naglalayon ito upang maintindihan at maunawaan ang koneksyon ng pakikisalumuha ng mga tao at ang kultura ang panlipunang kaayusan. Ang “sociology” na mula sa salitang latin na socius na ang ibig sabihin ay kasama o kahalubilo at salitang griyego na nangangahulugan na agham. Sa madaling salita ang sociology ay isang agham ng pakikihalubilo.
Noong sinaunang panahon, sinasabing ang mga tao ay nabighani sa relasyon na mayroon ang tao at ng lipunan na kaniyang kinabibilangan. Sinasabing ang mga sinaunang griyego ang nagbigay ng pundasyon ng sosiyolohiya sa pamamagitan ng paglalahad ng kaibahan ng physis at nomos.  
Gayunpaman, ang batayan ng sosyolohiya ay naitatag noong ika 19-siglo kasabay ng iba’t-ibang pangyayari na nagging dahilan ng pag usbong ng sosyolohiya.
Nagsimula ito noon ang mga tao ay wala pang kakayahan magpahayag ng kanilang damdamin, ang mga tao ay mayroong limitadong kaalaman patungkol sa mga bagay sa lipunan. Wala silang control sa kanilang sariling kalagayan na tila ba nakagapos ang kanilang kamay at paa. Hindi nagtagal ay nabuksan ang mata ng mga tao sa kanilang tunay na kalagayan sa lahat ng pang aabuso at pagmamalabis ng mga tao na may kapangyarihan. Natuto silang mag-isip at nagkaroon ng bukas na isip sa kanilang lipunang ginagalawan. Ito ang naging dahilan ng pag siklab ng rebolusyon, dahil ang mga tao ay nagkaroon ng malay sa lahat ng pang aabuso at pagmamalabis ng kapangyarihan natuto silang lumaban para sa kanilang karapatan at dahil sa maling pagtrato sa kanila. Nagkaroon din ng industrial revolution, kung saan umunlad ang agham sa lipunan. Ito ang mga malalaking pangyayari na naging dahilan ng pagsilang sa sosyolohiya.
Si Auguste Comte kinikilala bilang “Father Of Sociology”. Hinati niya ang sociology sa tatlo: theological, metaphysical at scientific/positivic.
Sa aming naging talakayan patungkol sa sociology lubos kong naunawaan ang koneksyon ng tao sa lipunan na kaniyang ginagalawan. Aking naiintindihan na ang bawat isa ay hindi lamang para sa kaniyang sarili at mayroon akong mas malaking responsibilidad sa lipunan. Lubos ko ring naintindihan ang kahalagahan ng Social Imagination na isinulat ni C. Wright Millls at kung bakit ito natin dapat taglayin.
0 notes
hannahartates · 6 years
Text
THE PROMISE: THE SOCIAL IMAGINATION
Ang materyal na “Chapter one: The Promise” na isinulat ni C. Wright Mills ay tumatalakay sa isang uri ng kaisipan na dapat taglayin ng bawat mamamayan. Ang pagkakaroon ng social imagination ay isang kakayahan upang umintindi at umunawa ng mga sitwasyon sa lipunan nang mas malalim at may mas malawak na perspektibo. Ito ay nagbibigay ng panibagong pagtingin sa mga nangyayari sa mga mamamayan kaugnay sa ating lipunan. Mahalaga na mabuksan ang isipan ng mga mamamayan patungkol dito upang maintindihan nila na mayroong kapangyarihan ang lipunan na nakakaapekto sa ating personal na buhay. Hindi natin mamalayaan na tayo na pala ay kinokontrol ng lipunan kung hindi natin maiintindihan kung paano nga ba tayo kayang kontrolin at apektuhan nito.
Bago tayo magkaroon ng ganitong uri ng pag-iisip, dapat muna natin lubos na maintindihan ang koneksyon natin, ng bawat indibidwal sa lipunan na ating ginagalawan. May mga kinamulatan na tayong iba’t-ibang institusyon tulad ng edukasyon, gobyerno, simbahan at marami pang iba. Lahat ng ito ay nandito na bago pa man tayo isinilang. Andiyan rin ang ating pamilya na umalalay at humubog sa atin sa ating paglaki. Hindi mapagkakaila na tayo ay naapektuhan ng mga institusyon na ito, hindi man natin aminin ngunit kung ano tayo ngayon ay hindi mabubuo ng wala ang ating lipunan na kinagisnan.
Malaki ang naging parte ng lipunan sa atin, kung kaya naman mayroon din itong kapangyarihan upang tayo ay kontrolin at manipulahin ng hindi natin malalaman lalo na kung tayo ay hindi edukado tulad ng mga mamamayan na nasa laylayan. Nakakalungkot man isipin dahil ang mga tao sa laylayan ay hindi lamang pinagkakaitan ng edukasyon, kundi pati na rin liwanag at karununungan sa totoong nangyayari sa lipunan. Hindi nila lubos na naiintindihan ang tunay na kanilang kinalalagyan kung kaya’t nagiging limitado din ang kanilang kakayahan upang gumawa ng solusyon at aksyon sa mga suliranin na kanilang kinahaharap.
Isa sa halimbawa nito, ay ang problema ukol sa suicide o pagpapakamatay ng isang tao. Talamak ang teenage pregnancy dito sa Pilipinas, at may mga nagpapakamatay dahil dito. Madaling sisihin ang mga taong ito at madaling sabihin na dahil ito sa kahinaan ng kanilang loob upang panindigan ang kanilang responsibilidad. Ngunit kung iisa isahin natin ang posibleng dahilan ng kanilang pagpapakamatay, matatagpuan natin lahat ng ito sa ating lipunan. Simbahan, hindi ito magiging katanggap-tanggap dahil ito ay taliwas sa utos ng Diyos na bawal makipagtalik hangga’t hindi pa kasal, Hindi rin naman maasahan ang edukasyon dahil may mga paaralan pa na nagpapatalsik ng estudyante kapag nalaman na ikaw ay buntis. Wala din naman gaanong suporta ang gobyerno sa gantong usapin. At higit sa lahat, ang pamilya mo na ay hindi rin matutuwa dahil ikaw ay inaasahan na makapag-aral, makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho. Makikita natin sa halimbawa na ito na hindi lamang ang sarili natin ang nakakaapekto ng ating desisyon ngunit pati na ang lipunan na ating kinabibilangan.
Bagama’t hindi natin literal na nakikita ang kapangyarihan ng lipunan sa atin, mahalaga na tayo ay magkaroon ng social imagination upang tayo ay hindi maging bulag sa katotohanan. Sa teksto na ito at sa naging diskusyon ng aming guro, nakita naming ang kahalagahan ng edukasyon at ng pagkakaroon ng malay sasa totoong nangyayari sa ating lipunan. Dahil sabi nga ng aming guro, makapangyarihan ang taong may alam, dahil may kakayahan siya upang hulmahin ang kaniyang pag-iisip at pagkatao at maari niyang isala kung paano siya maaring apektuhan ng lipunan. Sa kabilang banda, kung ang tao ay mananatili sa kadiliman na walang kaalaman, siya ay mananatiling kontrolado ng lipunan dahil hindi niya ito kayang labanan gamit ang kaalaman na dapat ay kaniyang tinataglay.
0 notes