Tumgik
Lungsod ng Marikina
Hayaan ninyo akong ipakita sa inyo ngayon kung ano ang kagandahang mayroon ang aking pinagmulan, ang Lungsod ng Marikina. Lugar kung saan a-akma ang pagka-hilig mo sa sports? Ang Marikina Sports Park ay matatagpuan sa Sumulong Highway corner Shoe Avenue, Marikina City. Mayroon itong Olympic-size swimming pool, covered gymnasium, basketball court at kasya rito ang 15,000 katao. Dito ginanap ang ilang mahahalagang kompetisyon sa larangan ng sports, gaya na lamang ng 23rd Southeast Asian Games noong 2005, Star Olympics at iba pa. Nagutom ka ba pagkatapos mong laruin ang paborito mong sports? Kung ikaw ay mahilig sa mga matatamis na pagkain, maglaro at mag-bonding kasama ang iyong minamahal, itong Secret Base ang para sa’yo. Maaari kang mag-ala “Super Mario” habang sinusulit ang paglalaro ng board games. ‘Di katulad ng ibang mga kainan, “Super Mario” ang naging konsepto nito upang ma-enjoy ng mga tao ang kanilang pagkain at oras kasama ang kanilang mga minamahal. Para naman sa usapang pagkain, mayroon ditong iba’t-ibang frappes, burgers at pasta na ipinangalan sa iyong paboritong karakter sa video games. Maaari mong subukan ang kanilang Captain & Ironman para sa kombinasyon ng Kratos Nachos, The Noob Burger, Waffle Maiden and 2 Freak Shakes. PS4 at X Box gaya ng Street Fighter, NBA, UFC, Tekken, Modern Warfare ang ilan sa mga video games na iyong mae-enjoy sa pananatili mo sa Secret Base. Ang crew ay talagang magiliw at siya mismo ang magpapaliwanag sa’yo ng mechanics sa napili mong laro. Ang Secret Base ay matatagpuan sa DQ Building, Lilac St. cor Panorama, Brgy. Concepcion Dos, Marikina City. Ito ay nagbubukas ng Lunes hanggang Huwebes, 11am-10pm at kapag Biyernes hanggang Linggo, 11am-11pm. Kakaiba at challenging na pista naman ba ang iyong hanap? Ang Sapatos Festival ay ipinagdiriwang nang tatlong buwan at kadalasang nagsisimula sa buwan ng Setyembre. Binibigyang halaga rito ang istilo at kalidad ng mga produktong sapatos, kung saan kilala ang lungsod. Kasama sa highlight ng festival na ito ay ang Tour de Takong, kung saan ang mga kalahok ay kailangang magsuot ng stilleto na tatlong pulgada ang taas sa halip sa nakasanayang ginagamit na rubber shoes. Sa pagdaan ng panahon, ang mahalagang pista o karerang ito ay naka-hikayat ng marami pang mga kalahok at dahil din isa ito sa mga mahahalagang pagdiriwang ng lungsod. Ilan lamang ‘yan sa mga mahahalagang lugar at pagdiriwang sa Lungsod ng Marikina. Nawa’y naging sapat ito upang mas lalo niyo pang hangarin na kilalanin at ‘di kalauna’y mahalin ang Lungsod na ito.
2 notes · View notes