Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo

Mahirap aminin minsan ang totoo, tayo lang pala talaga ang problema.
1 note
·
View note
Photo

The past is behind us, let it rest there. The future is before us, let it be a mystery. But today is all that we have, today is the day that will count, today is the day where you begin to build your destiny. Make it worthwhile! #ProjectInspiration
1 note
·
View note
Photo

“You are My witnesses,” says the Lord , “And My servant whom I have chosen, That you may know and believe Me, And understand that I am He. Before Me there was no God formed, Nor shall there be after Me. I, even I, am the Lord , And besides Me there is no savior. I have declared and saved, I have proclaimed, And there was no foreign god among you; Therefore you are My witnesses,” Says the Lord , “that I am God. Indeed before the day was, I am He; And there is no one who can deliver out of My hand; I work, and who will reverse it?” [Isaiah 43:10-13] #ProjectInspiration
0 notes
Photo

The thief does not come except to steal, and to kill, and to destroy. I have come that they may have life, and that they may have it more abundantly. [John 10:10] #ProjectInspiration
0 notes
Photo

Hey, Future self!
Alam ko, sa mga oras na ito okay ka na. Lahat siguro ng bagay na malabo ay luminaw na. Hindi lahat ay kasing smooth ng inaakala natin pero at least, ngayon, mas naging maliwanag na ang mga sulok na dati di natin makita. Ngayon, Mas matatag ka na. Sino ba naman hindi tatatag kung wala ka nang ibang choice kundi maging matatag? Hindi man nawala ang mga pag subok, pero ngayon, alam mo na ang dapat mong gawin. Ngayon, mas matapang ka na, di ka na takot sa mga oras na may kailangan ka nang bitawan, alam mo na kung kailan susuko at lalaban. Alam mo na kung nasan ang lugar mo sa mundong ito, alam mo na ang niloob ng langit para sa iyo.
Alam ko, masaya ka na ngayon. Hindi dahil nakukuha mo lahat ng nais mo, kundi dahil alam mo nang makuntento, alam mo nang ang mga bagay na makapagpapasaya sayo ng totoo ay hindi mo makukuha sa kamay ng ibang tao. Mas matalino ka na ngayon, alam mo na kung alin ang dapat at nararapat. Alam mo na ang hindi dapat at walang katuturan.
Salamat, Future self at hindi ka sumuko, kaya ngayon nalalasap mo na ang tagumpay ng pagpapagal mo sa kahapon.

Kay tagal tagal na. Tila sumusunod sa hangin na alam kong di kailanman maabutan. Piliin ko mang lumayo, ngunit ang ala-ala mo'y nakamarka na sa isipan na kahit anong gawin ay di ko malimutan.
Kalian ba ako lalaya sa pagkakakulong sa pag ibig ko sa'yong ako lang ang nakakaalam?
0 notes
Quote
Hindi kita kailangan para sumaya ako; Kailangan kita bilang dagdag
(via happyoyieee)
1 note
·
View note
Photo

May pag ibig pa bang mas hihigit sa pag ibig na katumbas ay buhay? (Juan 15:13)
0 notes
Quote
Hindi kita kailangan para sumaya ako; Kailangan kita bilang dagdag
1 note
·
View note
Photo

Sino bang ayaw sumaya? Lahat nag hahanap ng ikaliligaya. Sa tao man, Sa bagay, Sa lugar, Sa panahon? Lahat ng sulok na maari mong mahanap ang kasiyahang nais mo..
Minsan ko na ring hinanap yan, Kung saan saan at kung kani-kanino. Pinilit kong isiksik ang sarili ko sa maliit na kahon ng kasiyahang akala ko'y kukumpleto sa gumuguho kong pagkatao..
Hinanap ko ang kaligayahan ko sa mga bagay na akala ko'y hindi maglalaho. Sinundan sundan, Hinabol habol ko, hindi ko alam na ang binuo kong sarili ay unti-unti palang madudurog sa kakatakbo ko patungo sa kaligayahang pantasya lang na binuo ng isipan ko..
Paroo’t parito. Hindi ko alam saan na tutungo. Wala akong ibang maaring sisihin kundi ang aking sarili, dahil patuloy kong ibinibigay ang puso ko sa mga nag bibigay ng siphayo. Patuloy kong hinahanap ang saya ko sa maling tao. Para akong nanunood ng hangin at nag pipinta sa tubig dahil alam ko na ngayon.. Alam ko na ngayon..
Nakita ko na ang kaligayahan ko.. Nandito, nandito lang sa puso ko.. Ako ang bubuo ng nadurog, ako ang muling mag aayos ng gumuho, ako ang lugar na hinahanap ko. Dahil hindi maididikta ng kahit sino ang aking kaligayahan..
Ako ang gagawa nito.
Ako ang aayos sa pananaw ko sa mundo, nasa sa aking kamay ang kakayahang pagandahin ang aking mundo. Ang dating tingin kong kalahating bawas ay papalitan ko ng kalahating puno. Kaya’t sa panahong ako'y maligaw muli, sa taas lang ako titingin, dalawang bagay lang ang kailangan kong tunguhin.. Ang aking puso at ang aking tuhod..
0 notes
Text
PAALAM
Hindi mo hiniling, ngunit dumating. Hindi mo wari ngunit nangyayari. Mga bagay na di mo inaasahang susulat sa mga patlang ng isang kabanata, ngunit sa susunod na pahina'y di na sya kasama. Dumating, Nanakit, Nagturo, Nag Mahal, Nanatili, Lumisan at tuluyan nang Nang iwan. Walang tampo o sama ng loob, may hapis ma'y mawawala din ang lungkot. Di mag luluwat, malalaman din ang naka plano, nakatakda at nakaukol. Di man ngayon, Maaring sa kinabukasan at maari ding nakatala na sa kahapon. Hindi man makita, di man ngayon, baka sa darating na tamang panahon.
Salamat at Paalam
0 notes