heyitmerj-blog
heyitmerj-blog
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
heyitmerj-blog · 6 years ago
Text
St. John’s Academy, Inc.
Dinalupihan, Bataan
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO: PATAKARANG PANGWIKA
11-HUMSS-AUGUSTINE
JOSON, RYAN
SERRANO, RAPHAEL
YAO, Johna Isabel
Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987 ng DECS o “ Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal”
Ang edukasyong bilinggwal ay nangangahulugang magkahiwalay na paggamit ngFilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura. Dapatmasunod ang magkahiwalay na gamit o paggamit ng Filipino at English sapagtuturo. Ang Filipino at English ay ituturo bilang mga asignaturang wika sa lahatng antas upang matamo ang mga tunguhin ng kahusayang bilingwal.Ang bilinggwalismo ay isang fenomenong pangwika na tahasan at puspusangtinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks. Ipinapakita rito ang malaking ugnayanng wika at lipunan at kung papaano ang lipunan ay nakapag-aambag sadevelopment ng wika. higit pa! tinatanaw rin dito kung paano na ang wika aymalayang tinatanggap ng mga taong gumagamit nito. Ang bilinggwalismo rin aytinataya na kakayahan ng isang lipunan sa paggamit ng dalawang wika.Palagiang balot ng isyu at mga kontrobersiya ang konsepto ng bilinggwalismo! isantabina ang pananaw ng purista sa Wika Nangangahulugan lamang na mahalagang madevelop muna ito bagotingnan sa makrong perspektibo ang ibat ibang gawaing pangwika! nang sa gayon!ang mga mag-aaral ay magkaroon na ng sapat na kaalaman kaugnay sa mga gamitng wika.Ang pamanahong papel na ito ay naglalayong malaman ang pananaw ng mga guroat estudyante ukol sa edukasyong bilinggwal. malaki ang papel nila ukol sa usapingito at mas dapat na maibigay at maipahayag ang kanilang mga saloobin sanasabing programa. 'a pagaaral na ito! malalaman! masasagutan! at matutugunanang mga katanungang hindi pa malalaman ng karamihan.Dito malalaman ang mga epekto ng edukasyon bilinggwal sa sisitema ng edukasyonngayon at sa hinaharap.
NEGATIBONG OPINYON
Nakakalimutan na nating mga Pilipino ang sarili nating wika nahahaluan na ito ng ibang lengguwahe kesa sa sariling atin.nakakalimutan na nila ang kahalagahan nito. Habang tumatagal lalo pang dumadami ang mga bilang ng mga pilipinong gumagamit ng ingles.dahil narin siguro uso ito at mas nasisisyahan sila dahil kakaiba.pero di nla namamalayan na unti unti na silang kinakain ng ibang lengguwahe. Ito ang nagiging problema nating mga Pilipino eh.buti pa yung ibang wika pinapahalagahan pero ang sariling atin unti unti nyo ng kinakalimutan.
POSITIBONG OPINYON
Nakakatulong ito lalo na pag nakikipagusap sa ibang lahi.mas nagkakaintindihan sila dahil alam nila ang universal language.nakatulong ito dahil para di lang lengguwaheng Pilipino ang alam ng mga Pilipino.kung titignan natin masnakatulong ito lalo na sa pagtratrabaho dahil naiintindihan natin ang ibang lahi di lang ang sariling atin.at nagagamit ito lalo na sa pakikipag komunikasyon.mabuti dapat talangang alam natin ang universal language,dahil di lang tayong mga Pilipino ang tao sa pilipinas.dahil napapaligiran tayo ng ibat ibang lengguwahe. Sa mga guro, makakatulong ito sa kanila upang malaman kung anoang dapat gamitin sa pagtuturo. Mas makakatulong sa pag-iisip ngestratehiya ang mga guro para mas maunawaan ng mga estudyante angkanilang pinag-aaralan sa kanilang leksyon.Sa mga estudyante, makakatulong ito para lubos nilangmaintindihan na hindi sunodsunod na paggamit ng wikang Ingles angsolusyon sa mabuting pag- aaral. Hindi kinakailangan gamitin ang salitang Ingles sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa buhay. Hindi rin kinakailangan gamitan lagi ng salitang Ingles sa pakikipagugnayan sa kapwa Pilipino. Ang paggamit o pagsasalita sa wikang Ingles ay hindi minamasama dito, maaari rin naman itong gamitinat may sariling importansya rin ito, ngunit hindi kinakailangan na lagi itogamitin. Oo, banyagang wika natin ang Ingles, pero pambansang wika natinang Filipino.
Kautusang tagapagpaganap Blg. 210, s. 2003 o ang patakaran na nagpapaigting sa Paggamit ng Ingles Bilang Pangalawang Wika sa Sistemang Pang-edukasyon”
Noong Mayo 17 taong 2003 ay itinatadhana na palakasin ang paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa primariya at sekundaryong antas sa administrasyon ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo. Sabi din dito na kung gagamitin man ang Filipino ay limitado ito sa mga sabjek na Filipino at Aralin Panlipunan. Noong sumapit ang terserang edukasyon, ayon sa Seksyon1, c.,”ang mga institusyon ng mas mataas na edukasyon, kabilang na ang mga estadong kolehiyo at unibersidad ay hinihikayat na gamitin ang Ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo”. Ang mga organisasyong pangwika o ang mga tao ay ng kaso sa Korte Suprema subalit wala pang pangwakas na pasiya ang mga mahistrado. Gayunman, ang paglilimita ng gamit ng Filipino sa ilang sabjek ay tandisang nagpapahina sa Filipino at sumasalungat sa mithi ng Saligang Batas 1987 na linangin at payabungin ang paggamit ng Filipino sa iba’t-ibang disiplina at larangan.
Ang panukalang ito ni Rep. Del Mar ay parang pagsakay sa Time Machine na nagbabalik sa panahon ng Komonwelt, bagaman puwedeng pabulaanan ang ganitong haka. Isinusulong niya ang Ingles para pahinain ang mga natamong tagumpay sa paglilinang ng Filipino at imbes na magpanukala ng dinamikong kurikula para sa akademikong pag-aaral ay isinasandig sa Ingles ang pagtalino ng estudyante. Mahigit isang siglo nang nagsisikap ang mga ulirang Inglesero para turuan at palitan ng Ingles ang Filipino at iba pang wika sa rehiyon ngunit nanatiling bigo. At kung babalikan ang pambansang adyenda ng Administrasyong Aquino, taliwas na taliwas ang panukalang batas ni Rep. Del Mar, kaya hindi kalabisan kung ito man ay ibasura.
Lingid naman sa ating kaalaman na itong batas na ito ay gustong ipatanggal o tabunan ang wikang Filipino ng wikang Ingles. Para saamin, ang negatibong masasabi ko ay mas tinatangkilik ng mga pilipino ang wikang Ingles dahil para sakanila kapag ginagamit nila ang wikang Ingles sa pakikipagusap ang ibig sabihin ay ikaw ay sosyal, mayaman at iba pa. Magbibigay ako ng halimbawa patungkol dito. Halimbawa, isinilang ka sa Pilipinas hanggang sa nakapag tapos ka ng pag-aaral ng primariya, sekondarya, at kolehiyo at ikaw ay pinagpala na magsakabilang bansa, halimbawa sa Amerika. Ilang taon kang hindi umuuwi sa Pilipinas at alam mo sa sarili mo na habang nasa Amerika ka, ang wikang filipino ay iyo ng kinakalimutan dahil marami ang mga tao sa Amerika na tinuturuan ka ng wikang Ingles. Hanggang sa nakauwi ka ng Pilipinas at ang wika paring ginagamit mo ay ang wikang Ingles. Napakasakit para sa isang pilipino na talikdan o kalimutan ang sarili nating wika dahil una isinilang ka dito sa Pilipinas at may karapatan tayong lahat na pilipino na ipaglaban ang sarili nating wika. Hindi kailangan matabunan ang wikang filipino. At para sa ibang mga pilipino, masakit at mahirap para sakanila ang tangkilikin at gamiting unang wika ang Ingles at bilang na lamang o limitado nalang ang pagsalita o paggamit ng wikang filipino.
Hindi lamang negatibo ang dulot ng batas na ito bagkus mayroon din namang postibo. Ano ito? Ito ay ang nagkakaroon tayo ng mabisang komunikasyon sa ibang bansa. Nagkakaroon tayo ng pag-asa upang matutunan ang wikang Ingles nang sa gayon ay marami tayong makikilala mula sa ibang bansa dahil sa wikang ito. Masasabi din namin na mas makikilala pa ang pilipinas. Halimbawa, ikaw ay lahing pilipino. Pinadala ka sa ibang bansa dahil sa iyong angking galing sa pagsalita ng wikang Ingles.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 16, s. 2012 na nagtatakda naman ng mga panuntunang susundin sa pagpapatupad ng mother tongue based, multilingual education o MTB-MLE
Sa mga susunod na taong pampaaralan, ninanais na ipatupad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang (MTB-MLE) o Mother Tongue-Based-Multilingual Education sa ilalim ng K-12 curriculum, kung saan gagamitin ang pangunahing wika ng bansa ayon sa kanilang kinagisnan (ito ay ang Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Hiligaynon, Cebuano, Waray, Tausug, Maguindanoan, Maranao, at Chabacano) na maaaring gawing midyum sa pag-aaral mula kinder hanggang sa ikatlong baitang.
Ang mother tongue ay ang wikang ginagamit sa bahay ng isang mag-aaral. Naniniwala ang DepEd na ang paggamit ng mother tongue sa mga unang taon ng edukasyon ay makatutulong sa mas epektibo at mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sa ilaim ng DepEd ang MTB-MLE ay ipatutupad bilang isang asignatura mismo at bilang midyum din ng pagtuturo. Gagamitin ito sa lahat ng asignatura maliban sa Filipino at Ingles. Ayon sa pagsusuri, mas mabilis matuto ng ikalawang wika ang mga mag-aaral na nag-aral muna gamit ang kanilang unang wika kumpara sa mga nag-aral lamang gamit ang ikalawang wika. Mas mabilis ding umunlad ang cognitive, linguistic, at academic competencies ng mga nag-aral gamit ang kanilang unang wika kaysa sa mga nag-aral sa ikalawang wika. Kaya naman ang pagbabago mula sa bilingual directive patungong multilingual directive ay nararapat dahil ito ay suportado ng maraming saliksik sa liggwistika. Ayon sa ulat, mas naiintindihan ng mga mag-aaral ang araling ginagamitan ng sarili nilang salita, bukod pa rito ay napag-alaman ng mga eksperto na mas nalulugod ang bata na mag-aral dahil nararamdaman nito ang sense of belongingness sa paggamit ng sarili nilang pananalita. May ilang nagsasabi na tila may kakulangan ng kagamitan para sa MTB-MLE at dapat na pagtuunan ng gobyerno. May ilang negatibong reaksyon din ang ilan dahil sa ipapatupad ito sa walong pangunahing wika ng Pilipinas. Paano yung ibang wika?Higit na magiging madali ang pagkatuto ng Filipino dahil na rin sa sinasabi ng mga pag-aaral na ang mga wika sa Pilipinas ay magkakamag-anak, ang ibig sabihin, mas madaling matutuhan at salitain ang mga wika bunsod na iisa lamang ang pinag-ugatan nito at kapwa Pilipino ang nagsasalita nito, kaalinsabay sa pagpaplanong pangwika ay pagpaplanong pang-ekonomiya. Kailangan suriin ang lahat ng aspekto upang malaman kung ito nga ay tunay na epektibo.
Samantala, mayroon rin namang mga negatibong epekto o maidudulot ang pagpapalaganap ng paggamit ng wikang kinagisnan o Mother Tongue. Kung gagamitin kasi ang wikang madalas na gamitin, mahihirapan ang mga mag-aaral na mag-adjust sa pagsasalita ng panibagong wika. Kung ang mga estudyante ay nakagisnang gumamit ng Tagalog sa pag-aaral, mahihirapan silang gumamit ng Ingles matapos ang ilang mga taon. Kung ang mga estudyante ay may pagkakaalam na sa Ingles bago paman nila ito matalakay, hindi na sila mahihirapan kapag ang guro na ay nagturo sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Ingles. Kung pagbabasehan natin ang pananalita ng isang tao, karaniwang ito ang pinagbabasehan ng mga nakaririnig kung gaano nga ba katalino ang isang tao, ngunit hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ito’y tama. Pagkat lahat ng tao ay iba-iba ang natatagong galing, ang iba ay magaling sa matematika, sa mga laro, at ang ilan ay magaling lamang sa estilo ng pananalita, pero nasasa tao lamang ito kung paano niya ito gagamitin bilang kalamangan.
Mayroon rin namang mga mabuting epekto o maidudulot ang pagpapalaganap ng paggamit ng wikang kinagisnan o Mother Tongue. Kung gagamitin kasi ang wikang madalas na gamitin, mas mapapadali ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Kung gagamit tayo ng Tagalog para sa lahat ng asignatura, ang mga estudyante ay mas makakaintindi ng mga aralin, pagkat bihasa na sila sa wikang ginagamit ng kanilang guro. Ang matematika ay isa sa mga asignaturang nahihirapan ang mga estudyante pagkat napakarami nitong numero, idagdag mo pa ang mga salitang hindi gaanong maintindihan ng mga estudyante, kung gagamit ang mga guro ng wikang Tagalog sa pagtuturo ng asignaturang matematika, mas mapapadali ang mga gawain, hindi lamang ng guro kundi pati narin sa mga estudyante.
“Kautusang maglungsad ng panibagong asignatura na tatawaging MPT”( mabisang pagsulat sa wikang Tagalog )
Kung mabibigyan man ng pagkakataon ang mga tao na gumawa ng isang batas kung saan mapapagtibay at mapapangalagaan ang sariling wika, malamang ang mga tao ay gagawa ng batas ukol sa pagpapalaganap pa at pagtibay ng salitaing Tagalog. Meron ng batas kung saan gagamit ang mga estudyante ng Mother Tongue o wikang kinagisnan sa unang mga taon ng pag-aaral ng isang mag-aaral. Ang edukasyon sa Pilipinas ay pinamamahalaan ng pagkatuto lamang ng mga Ingles at Filipino na asignatura. Mas binibigyang pansin ang pagkatuto sa nasabing mga wika dahil ito ay mas nagagamit sa mga transaksiyon sa komersiyo at pangkabuhayan. Ang wikang Ingles din ay mas binibigyang pansin at kahalagahan dahil sa ito ang nagagamit natin upang makipag-usap sa ating mga kalapit bansa, maging sa mundo rin. Ang wikang Filipino naman ay may sapat na pagpapahalaga sa ating pag-aaral dahil ito ang ating pambansang wika. Nagagamit ang mga wikang ito sa mga asignaturang Agham, at Matematika o Sipnayan. Kaya’t mas binibigyang halaga ang dalawang wikang ito sa ating Edukasyon. Nararapat rin na magsagawa ng isang batas kung saan lahat ng asignatura ay nasa wikang Ingles lamang ang ginagamit kahit sa iisang taon lamang ng pag-aaral, pagkat kahit gaano pa man ka negatibo ang epekto ng pagtangkilik sa wikang Ingles, ito ay nararapat parin nating pag-aralan, dahil ito ay isang unibersal na lenggwahe na nagdudulot ng pagkakaintindihan ng bawat bansa sa mundo, ito ay nakakatulong sa aspetong pampolitikal at pangekonomiya, pumapasok at lumalabas ang mga dayuhan sa bansang ating kinagisnan, pagkat alam nila na madali silang magkaroon ng pagkakaintindihan kung sila man ay mapunta sa bansa. Ang mabuting epekto ng Ingles sa Pilipinas ay,una naiintindihan natin ang sinsabi ng iba dahil ang Ingles ay itinuturing pangdaigdigang wika,pangalawa ito rin ay may mabuting epekto sa pag-unlad ng ating ekonomiya. At kung hindi man iyon sangayunan ng ating gobyerno, isagawa nalang ang isang batas kung saan mas papalalimin pa ang pagunawa ng isang estudyante sa wikang kaniyang kinagisnan kagaya nalamang ng Tagalog. Ang asignaturang ito ay tatawaging “Mabisang Pagsulat sa wikang Tagalog” o MPT. Dito matatalakay ang baybayin, kung paano nga ba isulat ang mga letra noon, at kung paano ito naging kapakipakinabang at naging mabisang instrumento ng mga sinaunang Pilipino. Tatalakayin din dito ang estilo ng pagbaybay, pagbigkas at pagbasa ng mga salitaing Tagalog sa panahon natin ngayon. Sa kabuuan, masasabi na tunay na mahusay ang Pilipino sa halos lahat ng aspeto ng pamumuhay pagkat natuto silang umayon sa kung ano ang nasakanilang paligid, kahit gaano pa man kahirap ang kanilang dinanas, ang wika noon mapahanggang ngayon ang naging kadahilanan kung bakit tayo naririto sa mundong ito.
1 note · View note