heymikeeey-blog
heymikeeey-blog
Mikeeey
4 posts
“I'd shower you with thousand looping rainbows—but hell you danced with rain.”
Don't wanna be here? Send us removal request.
heymikeeey-blog · 8 years ago
Text
Haplos ng Demonyo
Isa. Dalawa. Tatlo.
 Banayad at maingat kong isinagawa ang bawat hagod hanggang sa ako'y makuntento. Pinadaan ko ang aking mga daliri sa bawat kurba at yinapos ang bawat pulgada ng balat na nagsusumigaw ng kagandahan at alindog.
 Saksi ang apat na sulok ng silid na ito sa bawat paghagod at pagyapos na nauwi sa isang mapang-akit na palabas. Isang tagpong pinag-alab ng tukso at pagnanasa. Tukso ng kagandahan. Pagnanasang nagliyab at humantong sa isang kataksilan.
 “Walang hiya! Taksil ka!” Nagpupuyos sa galit si Ate sa kanyang nadatnan na sitwasyon.
 “A-Ate!” Para akong isang asong nahuli mula sa pagnanakaw ng isang karne sa lababo.
 “Hibang ka na ba, Lili? Ganoon ka na ba ka-tigang ha?!” Buong pang-aakusang dinuro-duro ako ni Ate.
 “A-Ate kasi a-ano eh...” Sinubukan kong magpaliwanag sa kanya.
 “Ano, Lili? Kapatid kita! Tapos ikaw pa pala ang mang-aahas sa akin, ha?! Wala akong kapatid na imoral!” Nanggagalaiting singhal ni Ate sa akin.
 “Ay! Grabe si Ateng ha! Uwi na mga bes! May nanalo na! Bongga!” Tatawa-tawa kong bulalas habang pumapalakpak pa.
 “Oh ano Lili? Pak na ba? Papasa na kaya ako sa drama club?” Sabik na tanong ni Ate.
 “Ay nako Ate! Pak nga ang acting, losyang naman ang dating! Sabi ko kasi sayo contact lens nalang gamitin mo kesa diyan sa napakakapal mong eyeglasses eh!” Maktol ko sa kanya.
 “Oy may kasalanan ka pa sakin ha! Kala mo makakaligtas ka? Bakit mo ginamit yung bagong make-up kit ko?! Lili, ipon ko yun eh!” Inis niyang sinabi sa akin sabay gulo ng buhok niya.
 “Hindi mo naman ginagamit eh! Ako nalang gagamit. Hehe.” Paliwanag ko sa kanya habang kinukurap-kurap ang aking mga pilikmata.
 “Pag may kapatid ka nga namang kikay, talaga naman!” Sumusukong sinabi ni Ate na sinabayan pa ng pag-irap ng mata sabay walk-out.
 “Lili! Kunin mo nga yung inorder kong mga itlog kay Aling Prising!” Pagtawag sa akin ni Mama mula sa kusina. Pagbe-bake na kasi mula noon pa man ang negosyo namin.
 “Opo Ma! Saglit lang po!” Dali-dali akong nag-ayos ng buhok at sumugod na sa tindahan ni Aling Prising upang kunin ang mga itlog.
 Pagkarating ko sa bukana ng tindahan ay nakita kong nakapulong na naman ang mga tsismosa naming mga kapitbahay. Sa araw-araw na nilikha ng Panginoon ay ganoon lamang lagi ang kanilang gawain. Ang maghabi ng mga kwento at pagpiyestahan ang mga tsismis na kanilang nasasagap.
 “Aling Prising, pinapakuha na po ni Mama yung mga order niyang itlog.” Wika ko sa matandang dalagang si Aling Prising.
 “Sandali lang hija ha, at aking ipapakuha lamang kay Pedro.” Nakangiting tugon sa akin ni Aling Prising.
 “Sige po.” Sinuklian ko siya ng masuyong ngiti. Napakabait talaga ni Aling Prising kahit kailan.
 Habang naghihintay ay naririnig kong nagbubulungan sina Aling Imelda at Aling Rosa.
 “Napakaikli ng tabas ng suot! Kung makapagsuot ng damit ay hapit na hapit, kulang nalang ay ilabas na ang buong kaluluwa!” Malakas na bulong ni Aling Rosa sa kanyang kausap habang nakatingin sa akin.
 Sa isip ko nama’y walang problema sa aking suot sapagkat sa bahay lang naman ako. Kung hindi nga lang ako inutusan ni Mama ay hindi ako lalabas ng bahay buong maghapon.
 “Hay nako mare, sinabi mo pa! Naku’t di na ako magtataka kung kapagkuwan ay lumaki iyang isang puta at napakaruming babae.” Tugon na bulong ni Aling Imelda kay Aling Rosa.
 Doon ako lubhang natigilan at nakaramdam ng pagka-ilang. Sobra naman na ata ang inaasta ng mga ginang na ito. Ano ang masama kung magsuot ako ng shorts at tank top? Sa bahay lang naman ako at napakainit pa ng panahon. Isa pa, ito ang usong pambahay ngayon ayon sa mga napapanuod ko.
 “Naku hija. Pagpasensyahan mo na lamang iyang mga yan. Mga wala lamang silang pangarap sa buhay at puro tsismis na lamang ang inaatupag. Wag mo na lamang silang pansinin ha.” Masuyong baling sa akin ni Aling Prising at pinisil ang aking kamay upang siguro ay matigil ang mga bagay na aking iniisip.
 Nginitian ko na lamang siya at kinuha na ang mga itlog upang maibigay kay Mama.
 “Oh Lili! Nakamake-up ka na naman ata ngayon?” Salubong sa akin ni Jenna pagpasok ko sa classroom.
 “May bagong make-up kit kasi si Ate eh. Ayun sayang naman, di naman niya nagagamit, kaya ako nalang ang gagamit.” Masayang tugon ko sa kanya at umupo na sa aking silya.
 “Sus! Ang sabihin mo nagpapaganda ka lang para maraming magka-crush sayong mga boys! Tsaka para ligawan ka na ni Bryan!” Tatawa-tawang kantiyaw ni Anne sa akin na narinig naman ng buong klase. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Bryan at kapagkuwa’y nagbulungan sila ng mga barkada niya.
 Ganoon na ba agad? Kapag nag-aayos ang isang babae ay para mapansin lamang sila ng mga lalaki? Hindi ba sila pwedeng mag-ayos dahil gusto lang nila? Hindi ba sila pwedeng mag-ayos dahil gusto nilang magmukha silang kaaya-aya sa mata ng iba pang mga babae at hindi lamang sa mga mata ng mga kalalakihan? Minsan ay hindi ko rin lubos maintindihan ang takbo ng isip ng lipunan.
 “Hello Ma? Opo pauwi na po ako. Huwag nyo na po akong sunduin, kaya ko na po. Sige Ma, I love you po.” Kausap ko si Mama sa cellphone habang naglalakad ako sa isang bakanteng daanan malapit sa aming kanto. Late na kaming natapos sa aming proyekto kanina kaya ginabi na ako sa pag-uwi. Ayaw ko pa namang ginagabi dahil sobrang dilim ng daan.
 Habang naglalakad ay natanaw ko si Bryan at ang kanyang barkada sa isang lumang tindahan malapit sa kung nasaan ako ngayon. Marahil ay ginabi rin sa paggawa ng proyekto. Paglapit ko sa kinaroroonan nila ay ngumiti ako. Nakakahiya naman kung hindi ko sila pansinin dahil kahit hindi kami magkaibigan ay kaklase ko pa rin naman sila.
 “Hi Lili.” Binati ako ni Bryan at lumapit sa akin. Nakita ko namang lumapit din ang kanyang mga kabarkada. Anim silang lalaki sa kanilang barkada kaya nakaramdam ako ng pagka-ilang.
 “Hello. Ginabi rin kayo sa project ano? Oh pa’no, mauna na ako ha?” Nginitian ko ulit sila at naglakad na. Ngunit bago pa man ako makalayo ay inakbayan ako ni Bryan.
 “Sandali lang. Sabi ni Anne, gusto mo daw ako?” Bulong sa akin ni Bryan habang nakaakbay pa rin. Nakaramdam ako ng lubhang pagka-ilang at pangamba dahil hindi ko naman sila ganoon kakilala.
 “N-Naku h-hindi ah. Wag kayong maniwala kay A-Anne, nagbibiro lang yun.” Pinilit kong pasiglahin ang aking boses ngunit nanginig parin ito. Sinubukan ko ring kumawala sa pagkakaakbay ni Bryan ngunit humigpit ang kanyang hawak sa akin.
 “Alam mo Lili, gusto din kita eh. Kaya wag mo nang i-deny. Maganda ka. Maputi. Tsaka…” Sobrang lapit na ng hininga niya sa aking tainga at nang naramdaman kong hinawakan niya ang aking dibdib ay nagwala na ako.
 “Ano ba!” Galit kong sigaw sa kanya ngunit ngumisi lang siya at pinalapit ang kanyang mga kaibigan.
 Isang malakas na suntok sa aking sikmura ang kanyang ginawa at nawala na ako sa mundong aking tunay na ginagalawan. Hindi naging sapat ang bawat sigaw ng tunay na ako upang malapatan ang malupit na hatol ng lipunan. Hindi naging sapat ang linis ng aking budhi upang dungisan nila ang aking pagkatao. Sa isang iglap, tinangay na ng lipunan ang tunay kong pagkatao.
 Isa. Dalawa. Tatlo.
 Banayad at maingat kong isinagawa ang bawat hagod hanggang sa ako'y makuntento. Pinadaan ko ang aking mga daliri sa bawat kurba at yinapos ang bawat pulgada ng balat na nagsusumigaw ng kagandahan at alindog.
 Tama nga sila. Pinanganak nga ako para maging isang puta.
 Saksi ang apat na sulok ng silid na ito sa bawat paghagod at pagyapos na nauwi sa isang mapang-akit na palabas. Isang tagpong pinag-alab ng tukso at pagnanasa. Tukso ng kagandahan. Pagnanasang nagliyab at humantong sa isang kataksilan.
 Taksil ang lipunan. Nagliyab ang bawat alimura at sinunog ang aking pagkatao.
 Ano nga bang palag ng marupok na kabataan sa demonyong utak ng lipunan?
Isinulat ni Micah “Mikey” Mosuela 01.22.17
e_service":[{"�R��n .
0 notes
heymikeeey-blog · 9 years ago
Link
One. Two. Three. Took you three seconds. Three seconds to rule my entirety. Once a sweet cream sherry —now a bitter cup of coffee. ©Mikeeey
0 notes
heymikeeey-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
You said you ain't But kept mumbling to yourself ‘Was I too late?’ It flicked bright days The moment she read, “It's only a minute before it's eight—” Haven't been told of scorching pain “—and my fiancé's waiting. I'm running late.” You knew that moment —it rained wrecked planes. “Paper Planes” Words and Artwork by Mikeeey ||edited via PicsArt
0 notes
heymikeeey-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
I am not a simple sentence. I am not detailed and defined. I am words you thought you knew But mean the otherwise I am poetry, I am prose I am words shuffled along I am riddles, I am songs I am complexity alone. “Cryptic" Words and Artwork by Mikeeey
0 notes