Don't wanna be here? Send us removal request.
Text

Lunes, Oktubre 16, isang grupo ng mga jeepney driver ang naglunsad ng transport strike sa pakiusap na masuspinde ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) at pagpapalawig ng bisa ng kanilang prangkisa. Ito ay naging dahilan kung bakit ang ibaβt ibang lalawigan at lungsod maging ilang paaralan sa Cavite ang nagsuspinde ng face-to-face na klase dahil sa gagawing tigil pasada.
Ang programang PUVMP ay naglalayon na i-phase-out ang mga jeepney, bus at iba pang Public Utility Vehicles (PUVs) at palitan ang mga ito ng mas ligtas, mas komportable at mas environmentally friendly na mga sasakyan.
Ayon kay Nelson, isang jeepney driver na bumabyahe sa Cavite, βKaya magkaka-transport strike dahil hindi kami pabor sa modernisasyon ng jeep.β Dagdag pa ni Nelson, βKapag napatupad βyon malaki ang epekto niyan sa pangkabuhayan namin at hindi kaya ng pangkaraniwang operator na mag-avail ng bagong unit.β
Ayon sa gobyerno, ang mga modernong jeepney ay nagkakahalaga ng P1.4 hanggang P1.6 milyon bawat isa. Gayunpaman, kapag nakakuha ng unit sa pamamagitan ng pautang, ang isang sasakyan ay maaring nagkakahalaga ng hanggang P2.8 milyon.
Dahil sa posibleng kawalan ng masasakyan, ilang mga Local Government Unit (LGU) at unibersidad sa Metro Manila at CALABARZON ay nag-anunsyo na walang pasok. Sa lalawigan naman ng Cavite, nagsagawa man ng hintong pasada ang ilang mga jeepney driver, hindi nag-anunsyo ang lokal na pamahalaan ng suspension ng klase ngunit, may mga paaralan at unibersidad ang nagdesiyon na gawing online/modular na muna ang paraan ang kanilang pagtuturo at pagkatuto.
Hindi lang ito ang unang transport strike na naganap na naging dahilan din ng kanselasyon ng klase. Noong July 2023, ibaβt ibang transport group din ang nagpakita ng kanilang protesta sa pinaplanong implementasyon ng programang PUVMP.
1 note
Β·
View note