Tumgik
Text
There are many uncommon filipino words and I will be giving some of those words including its definition and examples.
So here are the list of some uncommon filipino words:
•dilag •katipan
•kalupi •mapanibugho
•kundiman •indak
•kinaadman •dalisay
•katoto •likha
Kahulugan at halimbawa
1. Dilag (lady)
-ito ay magandang babae o gandang may ningning.
Halimbawa: Bawat dilag ng San Francisco ay may angking talento at nakabibighani ang ganda.
2.Kalupi (wallet)
-ito ay isang bagay na kung saan inilalagay ang pero, na kung sa tagalog ay pitaka.
Halimbawa: Sa bayan ng Marikina nadukot ang kalupi ni Aling Eva namay lamang dalawang libong piso habang namamalengke.
3.Kundiman ( love song)
- isang tradisyonal na awit ng pag-ibig ng mga Filipino.
Halimbawa :Nagtanghal ng iba't ibang kundiman ang mga mang aawit sa labas ng munisipyo.
4. Kinaadman (knowledge)
- isang kaalaman na maaaring maipamahagi sa iba, na kung saan maaaring gamitin sa ating pag-aaral.
Halimbawa : Bawat isa ay may kinaadman na tinatago.
5. Katoto ( friend)
-tumutukoy sa isang tao naka agapay o kaybigan ng isa pang tao at kadalasang kasama.
Halimbawa : ang pagkakaroon ng totoong katoto ay napaka sarap sa pakiramdam.
6. Katipan ( romantic partner)
- ang pagkakaroon ng nobyo/nobya
Halimbawa : Lingid sa kaalaman ng mga mgulang ni Tasha ang pagkakaroon niya ng katipan na mula sa karatig bayan.
7. Mapanibugho ( jealous )
- ang pagkakagusto ng anumang pag aari na ng iba.
Halimbawa : Ang mag asawang Adi at Mareai ay naghiwalay dahil sa pagiging mapanibugho ni Adi.
8.Indak ( dance)
- paraan ng paggalaw ng katawan bilang pagtugon sa tugtugin na may indayog.
Halimbawa : Bawat indak ng mga mananayaw ay nakakaaliw pagmasdan.
9. Dalisay ( pure )
- ito ay puro, busilak, wagas, malinis at malinaw.
Halimbawa : Dalisay ang agos ng tubig sa ilog ng Masaba Falls.
10. Likha ( create )
- paglikha ng bagay gamit ang sariling kaalaman at kakayahan.
Halimbawa : Ang nilikha na obra na makikita sa plaza at dinumog ng ma turista.
Thank you for reading!Godbless
1 note · View note