humss11-13blog-blog
humss11-13blog-blog
Intimate Stories
46 posts
Creative Non-Fiction
Don't wanna be here? Send us removal request.
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
Gabi-gabi
Sa bawat gabi....
Gabi na nakakatakot...
Gabi-gabing inaabangan...
Kaming dalawa ng pinsan kong babae ay magkasama sa isang silid. Tuwing pagpatak ng gabi, may laging nagaganap.
Nagaganap pag lahat ng tao sa bahay namin ay mga nasa silid na nila at mahimbing na natutulog. Samantalang ako, inaabangan ang unti-unting pagbukas ng pintuan sa aming kwarto at sisilipin kami kung tulog na ba.
Nakakaawa. Nakakalungkot sa tuwing nakikita ko ang gabi gabing nangyayari sa kwarto namin. Wala ako magawa gusto ko man magsumbong na ngunit natatakot ako.
Tuwing gabi may isa akong pinsan na lalaki na lagi kami pinapuntahan sa kwarto si ate (pinsan) lagi siyang hinihipuan tuwing gabi akong kong nasasaksihan na tila wala ako magawa, nakikitang mahimbing ang tulog ng aking pinsan na babae na unti unti siyang hinipuan.
Tuwing wala ang aking kasama na pinsan na babae ako naman. Ako naman ang hinihipuan niya. Tila wala ako magawa hindi ko ginusto. Hinipuan ako na parang ramdam ko nasira na ang pagkababae ko kahit hipo lang iyon. Akala ko tapos na ko hindi pa pala matagal nagbakasyon yung kasama ko sa kwarto na pinsan ko kaya ako lang lagi sa kwarto ako yung nabibiktima.
Pero may isang beses na nakakasuklam na nangyari.
Galing sa siya sa isang birthday at lasing umuwi kasama ko na aking pinsan sa kwarto umuwi na siya pero ako pa rin tila tuloy tuloy parin paghipo niya kahit gumagalaw na ako, dati kasi pag gumalaw ka na parang nagigising umaalis siya pero nung lasing siya hindi patuloy pa rin siya sa paghipo sa aking mga hita unti unting pataas pero hindi natuloy dahil habang nangyayari yun wala na ko nagawa kundi umiyak at kinalabit ko si ate na pinsan ko tapos gumalaw siya siguro alam niya na yun, ewan ko.
Hindi man ako yung madalas na hinihipuan at si ate yun pero nakakababoy pa rin. Hindi ko malubos matanggap na bakit nangyayari yun sariling pinsan kadugo ko, kapatid niya, kuya niya ganun ang ginagawa sakanya. Sa isip ko gustong gusto ko na magsumbong kaso nawawalan ako ng lakas ng loob .
Kadalasan ngayon ay si ate ang kanyang pinupuntahan pero ngayon ay nagiging madalang na lang pag hindi ako nagpupuyat.
Ang hirap magkwento sa iba baka isipin nababoy na kami o kaya baka sabihin o isipin na hindi na kami virgin. Virgin pa kami nahipuan lang kami. Sana magkaroon ako ng lakas ng loob magsalita o magsumbong na sa mga nangyayari nang hindi na ko nagpupuyat na inaabangan siya. Pag may nakikita siyang isa samin gising hindi siya pumapasok sa kwarto. Pag umaga naman tila umaakto siya na walang nangyari na normal ang lahat. Sana magkaroon ako ng lakas ng loob kung ang ate ko wala rin lakas loob magsabi sana ako kahit ako maglakas loob na magsabi na...
Julienne Buenaventura
1 note · View note
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
Ako Lang
Alam mo ba? Nakakabaliw umiyak ng walang luha. Nasasaktan akong walang sugat, namamanhid ako’t wala akong maramdaman. Umiiyak ako ng walang dahilan. Namomroblema ako sa wala. Nagpupunas ako ng matang di makaiyak. Napapagod ako ng walang nangyayari.
Di ako na imik. Di ako nagkukwento. Di rin naman sila interesado.
Payak na pamumuhay, ‘yan ang meron kami. Ayos lang, masaya naman. Masaya nga ba? Hindi rin ako sigurado.
Akala ko oo, akala ko noon kontento na ako sa stado na meron kami.
Hanggang makaramdam ako, narealize ko, kasi nakikita ko, naririnig ko, at naiintindihan ko.
Nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw at minsan higit pa, meron kami ng pangagailangan namin, nakakabili rin kami paminsan ng gusto namin.
Gaya ng maraming bahay, Mabungangang nanay, makulit na bunso, striktong ama, at outstanding na panganay. Ako? Gitnang anak? Nevermind.
Naiingit ako sa mga kaibigan kong alam kung anong problema nila. Tanong ko sa sarili ko. Ako? Ano bang gusto kong ikwento? Ang alam ko may problema rin ako eh. ‘nga lang di ko alam kung ano.
Sa totoo lang wala talaga akong maikwento. Kasi ang totoo di ko rin alam kung anong problema ko.
Nasasaktan ako, may mga gabing pigil akong humikbi at natatakot marinig nila. Mga araw na gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Gusto kong mapag-isa, pero wala akong mapuntahan.
Ano bang patutunguhan ng mga sinasabi ko?
Wala. Ang alam ko kasi marami akong problema. Ang pagkakatanda ko marami akong gustong iyakan. Sa pagkakaalala ko marami akong gustong ikwento. Ano nga ba yung dahilan kung bakit ako umiiyak kagabi? Di ko maalala. Dahil walang interesado nabura ko na ata lahat sa isip ko. yung puso ko feeling ko sasabog na. Hindi ba nakakatakot? Ako kasi natatakot sa mga araw na hindi ko maalala kung bakit ako umiyak at kung bakit ako nasasaktan. May mga araw din na wala akong maramdaman. Natatakot na rin akong tumawa, pakiramdam ko kasi pagkatapos nito iiyak na naman ako. Ang sama sa akin ng tadhana. Magkukwento ako sa sarili ko ng sarili kong istorya. Nakakaiyak.
Sa simula hahalakhak pa ko, pero nang maisip ko. Sino nga bang kausap ko?
Erika Relucio
7 notes · View notes
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
Itinatagong Sikreto
Itinatagong sikreto? Meron ba ako nun? Sa totoo lang hindi ko alam, dahil wala naman talaga akong masyadong tinatago sayo. Lahat nga ata alam mo tungkol sa’akin . Kahit na hindi tayo madalas na magkita ay alam na alam mo pa rin yung mga nangyayari sa buhay ko. Naku ikaw paba? Eh, gagawin mo ata lahat para lang malaman yung mga nangyayari sa’akin. Lahat gagawin mo para lang masigurado mong maayos lang ang kalagayan ko. Ganyan mo ata ako kamahal e. Kahit na marami kang ginagawa ay naisisingit mo pa rin ang pag tatanong sa’akin ng lagay ko. Kaya imposible talagang wala kang alam sa’akin, dahil minu minuto ay mag-kausap tayo.
Naalala ko na! May hindi pa pala ako nasasabi sayo. Pero h’wag kang mag-alala kasi bago lang to. Ngayon pa lang nangyari sakin ito at ikaw ang una kong sinabihan. Lahat naman ata, sayo ko unang sinasabi.
Kaya ito na……
Alam mo bang may hindi magandang nagyari sakin nung nakaraang araw? Hindi ko nasabi sayo yun nung magkausap tayo kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo. Pero alam mo bang iyak ako ng iyak nun bago ka tumawag sakin? Alam mo bang sobrang lungkot ko ng araw na yun? Yung hindi ko na alam yung gagawin ko kasi sobrang nahihirapan ako. Hindi ko alam kung paano ko masusulusyunan yung problemang pinag dadaanan ko ng mga oras na iyon.
Sobrang nalulungkot na ako ngayon Ponget. Gusto ko nang bumalik sa Bulacan, nahihirapan na ako dito. Gusto ko ng bumalik kung saan ako galing. Ang hirap na e. Sobrang hirap na hirap na ako na parang gusto ko na lang minsan huminto sa pag aaral. Alam mo ba ngayon na my hindi kami pagkakaintindihan ng isa sa mga kadorm ko? Tingin niya may ginawa akong masama sa kanya. Tapos alam mo ba na ngayon ay wala na siyang tiwala sa’akin? Ang saya diba?
Ngayon, parang ayoko ng bumalik sa dorm kasi hindi ko alam kung paano ko ba siya haharapin. Hindi ko alam kung tama paba ito. Parang ang hirap na kasing bumalik sa isang lugar lalo na kung alam mong may isang tao doon na galit sayo. Parang ang hirap mamalagi sa isang lugar lalo na kung alam mong may isang tao doon na ayaw sayo, at higit sa lahat parang nawalan na ng tiwala sayo sa hindi mo naman alam na dahilan.
Ngayon alam mo ba na nagdadalawang isip ako kung babalik ba ako o hindi na. Kung mag uuwian na lang ba ako o mag dodorm paba ako. Alam mo ba sa totoo lang hindi ko akalain na magiging ganto yung sitwasyon ko. Alam mo bang hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa isang taong hindi ko naman alam kung ano ba yung kasalanang nagawa ko.
Sa tingin mo ano yung pwede kong gawin ngayon? Nahihirapan na ako Ponget eh.
Isabel Olchondra
2 notes · View notes
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
To My Intimate Friend
Hi bessy! Gusto ko lang ibahagi sayo na sobrang depress na ako ngayon. Ang hirap, yung feeling na wala kang masabihan ng mga problema mo, nasasabihan mo man sila pero parang hindi sila nakikinig at hindi ka nila naiintindihan. Ang hirap akala ko noong una magiging masaya senior high school life ko, hindi pala. Tapos sa school parang hangin lang ako kaya madalas gusto ko nalang manahimik sa isang tabi yung tipong mas masaya kapa kapag magisa ka. Alam mo yung feeling? Oo alam kong alam mo, dahil ikaw lang ang makakaintindi sakin. Akala ko sa una makakapag-adjust pa ako sa environment at mga friendship at classmate ko pero ilang buwan na ang nakalipas at wala pa ring nagbabago o baka tanggapin ko nalang na wala na talagang magbabago. Matatapos na ang semester, ganoon pa din sila walang unity sa section namin may sari-sariling mundo, at kakausapin ka lang nila tuwing may kailangan sila sayo ganoon, ganoon sila. Siguro nga tatanggapin ko nalang 2years nalang naman eh mabilis nalang yun. Magaadjust nalang ako ng magaadjust until maging comfortable ako.
Zabrian Solinap
2 notes · View notes
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
Ang Tatay Kong Boxer
Sa totoo lang wala akong pinkatatagong lihim, open kasi ako sa mga kaibigan ko pero anghindi ko lang masabi sa kanila ay yong problema sa bahay. Siguro kung ikuk’wento ko ito sa isang kong kaibigan baka sabihin niyang madrama ako.
Dito ko na lang ikwekwento sa bahay naming kasi ako yong lagi napapagalitan kahit di ko alam ang dahilan, napapagalitan din ako minsan kasi ako na lang lagi yong inuutusan. Magkamali lang ako ng kaunti... booomm tarat tarat na, tapos pag hindi ko naman nagawa yong isa machine gun naman
Nasubukan ko na ding masuntok ng aking ama. Masakit pala, hindi ako ininform. Kaya niya ako sinuntok kasi may pinapagawa siya na di ko nagawa ng tama. Ginising pa niya ako ha! Para lang pagalitan, grabe pagod na pagod na yong tao tapos gaganun lang? Minsan nga lagi pa niya akong pinapahiya sa mga kaibigan niya! Grabe halos ayoko lumabas kasi sa sobrang hiya. Ewan ko ba kung bakit ganun siya. Minahal ko naman pero bakit ganun? Minsan napapaisip nab aka hindi siya ang tatay ko. Pero hays nalilito ako. Basta ang importante mahalag ganun kasi ang buhay minsan parang life.
Jhun Catinguil
2 notes · View notes
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
Hubad
Mahal kong kaibigan,
Shiela, isa sa mga di ko makakalimutang pangyayari at karanasan sa aking buhay ay ang paghuhubad sa maraming tao. Hindi ko ito makwento sa iba at kahit pa ang mga nakasaksi at mga nakaranas ay hindi na rin binubuhay ang isyung ito. Marahil para sa ibang mga tao ay kababawan ang ginawa naming paghuhubad para sa iilang kapirasong mga istick, goma, istraw at iba pa para makabuo ng isang matibay na tower. Ngunit para sa aming mga Apprentice(nagsasanay) ay itinuturing kong isang malaking prebelihiyo ang nangyari na iyon.
Una ay nagkaroon kami ng aktibidad kung saan pipili ka kahit sinong kapareha at sasabihin mo ang lahat ng mga bagay na maganda sa kaniya pagkatapos ay grinupo kami at pinapunta sa isa pang room sa itaas. Kampante naman ako na walang mangyayaring masama dahil grinupo kami. Medyo nabahala lang ako kasi may itim na tela na nakapalibot sa room. Isang hudyat na kabahan ka na at pinalilibutan ka ng itim na tela. Umupo kami sa unahan at grinupo din ang ibang mga miyembro. Nabuo na kami at nagsimula. Kakaiba ang laro na ito. Akala ko team building lang to dahil pinagdala kami ng mga istraw, isticks, goma, at iba pa upang magpagandahan ng magagawa. Oo nga at ganun ang kaso ay may twist/pakulo nga lang lahat ng makukuha namin na gamit o materyales sa paggawa ay kailangan namin ibigay ang kanilang hinihingi mula sa saplot ng aming katawan. May banker/bangka na kung saan sya ang mag lalabas ng materyales na kailangan namin at magsasabi kung anong kapalit ng mga bagay na iyon.
Nagsimula na at ibinigay ko na agad ang t-shirt ko hanggang sa maubos na. Gumagawa lahat ng kani-kanilang mga building napalibot ako ng tingin kahit bawal ay sumulyap ako sa ibang mga grupo at halos lahat kami ay nakahubad na talaga. Dumaan pa ang ilang mga oras at lahat kami ay nakahubad na. Nakakakita na ako ng mga bagay na di dapat makita. Oh no my virgin eyes. Charot haha Kailangan naming mapatibay yung tower/tore namin. Kailangan pa naming ng mga materyales kaya naman ang banker ay agad na nagpalabas ng utos kapalit ng mga mga pampatibay na materyales katulad ng tape at goma ay kailangan naming mag all-out sa madaling salita ay kailangan tumayo kami at mag-darna (tumingkayad habang nakataas ang mga kamay) ng ilang segundo para makakuha ang mga bagay na iyon at paunahan lang dahil limitado para sa iilang grupo lamang ang kanilang ibinibigay.
Nagpatuloy na ang laro, sobrang naglalawa na ang sahig dahil sa mga pinaghalong pawis na mula sa aming mga katawan. Sobrang init dahil nakapatay ang bentilador at nakadagdag pa ang kulob dahil sa itim na telang nakapalibot. Tensyonado ang lahat na mapaganda at maisaayos ang kani-kanilang mga tore. Ilang minuto at binawalan na kaming ayusin ang tore. Tapos na ang oras na ibinigay kailangan na ilagay sa harapan tapos man o hindi. Agad na nagsipagbihisan at binigyan kami ng sampung minute upang ayusin ang aming sarili. Pinababa na kami at kinumusta ang nangyari.
Maraming nanibago at nahiya sa nangyari ngunit pinaintindi sa amin na hindi kami naghubad para sa wala. Lahat ng bagay may dahilan. Napagtanto ko na hindi lang kami basta naghubad kundi binigyan kami ng prebelihiyo na ihonor ang aming mga katawan at ibigay ang puso sa sining at sa grupong aming kinabibilangan. Masusukat din ang pagtitiwala sa isa-‘t-isa at sa grupo. Maraming mga bagay ang nagpaliwanag sa aking isip na mangyari iyon. Hindi ito maaring ikwento sa iba dahil di nila kami maiintindihan at bakit namin ginagawa ang mga bagay na katulad na iyon. Ngunit dahil ikaw ang pinagkakatiwalaan kong kaibigan ay sinasabi ko ito hindi upang sabihin na 'di na birhen ang aking mga mata at nakakita ng live at gumagalaw na anes. Kundi para iparating na nagtitiwala ako sayo gaya ng pagtitiwala ko sa aming grupo. Nawa’y maunawaan mo kaming mga taong teatro ay hindi bastos at pinapahalagahan ang sining gamit ang aming katawan. Hanggang sa muli, susulatan kita muli tungkol sa mga bagong karanasan ko sa teatro. Paalam kaibigan. Hanggang dito na lamang.
Nagmamahal na iyong kaibigan,
Mariel Valentin
1 note · View note
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
Madaling Araw
Paano ko ba uumpisahan? Hmmm... Hindi ko talaga alam kung paano uumpisahan. Hahaha siguro hmm, sige simulan na natin ang kwento.
Madaling araw noon natutulog ako sa bahay ng kamag-anak ko. Actually, galing kasi ako nun sa bahay ng pinsan ko kasama pa ang isa kong pinsan at kanyang asawa. Doon kami natulog pero umalis kami ng madaling araw dahil may pasok pa ang asawa ng pinsan ko. So sa bahay nalang ng kamag-anak ko itinuloy ang tulog ko. Noong nasa kalagitnaan na ako ng mahimbing kong tulog, nakaramdam ako ng kamay na humahawak sa maselan na bahagi ng aking katawan. Noong una di ko nalang pinansin dahil baka'y di naman sinasadya na mahawakan ito. Pero nung tumagal-tagal na, alam kong sadya na ito. Naramdam ko ang paghawak niya sa ibabang parte ng aking katawan. Paulit-ulit niyang hinawakan yun at ako? Pilit na pinapatulog ang aking sarili at sinasabing bangungot lang ang lahat. Wala akong magawa ng mga panahon na yon kundi umiyak. Umiyak nang umiyak. Noong nakakita na ko ng liwanag at alam kong tulog na siya, umalis na ko sa bahay ng kamag-anak ko. At hindi ko alam kung saan ako tutungo noong araw na yon. Pakiramdam ko'y ang dumi kong tao, wala akong kwentang tao dahil sarili kong kadugo kinakaya kong babuyin ng ganun. Hindi ako umuwi agad nun sa bahay. Pumunta ko sa isang lugar na paboriti ko. Mahangin, mapuno, at mataas. Noong araw na iyon gusto ko ng tapusin ang buhay ko. Seryoso. Gusto kong tumalon sa kinatatayuan ko noong panahon na yun. Pero inisip ko lahat. Paano nga ba kung tatalon ako? Paano sila mama at papa? Paano ang mga pangarap ko. So ayon, nagdesisyon na kong bumalik ng bahay. Matulog. Noong mga panahon na 'yon, natakot ako sa mga lalake. Yung tipong ayokong ng lumapit sa mga lalake. Paglalapitan nila ko, todo iwas ako. like ayokong dumidikit sila sa akin.
Makalipas ang ilang buwan, may nag-invite sa akin sa isang church. So sinubukan kong sumama, since wala naman akong ginawa every Sunday. Nung pagkapunta ko sa simbahan, nagulat ako kasi ang topic noong araw na yun ay SECRETS edi tamang tama ako sa mga sinasabi ng pastor dahil nga itinago ko ang nangyari sa akin, 'di ko sinabi sa nanay ko tatay ko dahil takot ako. Takot akong baka patayin ni papa yung pinsan kong lalake na gumawa sa akin nun. Then, after nung service pinag grupo-grupo kami at tinanong kung may tinatagong lihim or inaalagaan ba kaming lihim. Nung una ayokong sabihin kasi nga 'di ko pa naman talaga ganun kaclose sila. Pero parang binulungan ako ng Lord na, “Go anak. Mawawala ang sakit kapag binahagi mo ito sa iba. Magtiwala ka sa akin.” So nagtrust ako kay Lord. Kinuwento ko lahat sa 2 taong kaharap ko. Iyak ako ng iyak. Hahaha. At ilang beses pang nasundan ang pagbahagi kong iyan sa iba. At oo nga. Hindi ako binigo ng Panginoon dahil nung nabahagi ko siya sa iba? Unti unting nawala ang sakit. Unti unti akong nakamove on. At yung pangyayaring iyon ay isa sa naging daan upang mas makilala ko ang Lord at magtiwala sa kaniya. Nung kalaunan ay naging testimonya ko na ito sa aking buhay.
Jovelyn Borito
1 note · View note
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
Modernong Maskara
Ang mga bagay na gusto kong ikuwento sa mga matatalik kong kaibigan ay ang mga katangahan kong nagawa sa aming bahay at pati na rin sa aking makabuluhang buhay. Ako kasi yung klase ng taong madaldal at mahilig mamahagi ng aking talambuhay sa mga tao kahit nagiging katabi ko lang one time. Pero siyempre hindi ko sinasabi ang kaabnormalan ko dahil nga sa baka bumaba ang tingin nila sa akin dahil na rin sa hindi naman kami lubos na magkakilala. Katulad ng isang karanasan ko, maraming kabataan ang nahuhumaling sa app na NearGroup kung tawagin kung saan ay makikipag-usap ka sa mga tao depende sa nais mong kasarian na gusto mong makatapat na kausap. Ginagawa ko lang jornal ang app na yon at nagbabaka sakaling sana ay may matinong makausap man lang.
Isang beses,at hindi na ito naulit pa, at wala na akong balak ulitin pa, noong madaling araw ay wala akong magawa kaya naisipan kong mag-NearGroup para mantrip at manghingi ng NUDES. Gumawa ako ng dummy account na lalaki ang kasarian at doon ay sinimulan ko na ang paghihingi ng nudes nang madaling araw na iyon. Dahil nga nagpapanggap ako na lalaki sa account na iyon ay di nudes ng lalaki kundi ng babae ang pinupuntirya ko. Dahil narin lalaki ang mindset ko ay nag-asta akong manyakol at parang agresibong gutom na na lalaki at katulad ng inaasahan ko ay maraming kumagat sa patibong ko. May isang binibini ang biglang nag ‘reply’ sa aking post na mala manyak ang dating at tila ba’y handa syang magbigay ng kanyang mga bastos at makamandag na larawan. Dahil nga sa straight naman na akong babae ay wala lang naman sa akin iyon kaya pinagpatuloy ko lang ang pagloloko sa kanya. Ako ay nakokonsensya dahil halata naming napakabait niyang babae dahil ilang araw din siyang nagsesend sa akin at ani niya’y ayos lang sa kanya kahit di ako magsend sa kanya ng aking litrato, at siya’y nabubuhay sa pag-aakalang napapasiya niya ako pero ang totoo’y wala lang epekto sa akin lahat ng iyon.
Isang hapon, papauwi sakay ang dyip galing sintang paaralang PUP, ay naisipan kong magbukas ng dummy account at agad binuksan ang chatbox sa babaeng akong nakakausap. Pagkapindot ko p-alang ay gumolantang kagad ang mga maseselang larawan at nasaksihan iyon ng matandang babae na aking katabi.Sinitsitan ako ng ale at binigyajnh ako ng mabigat na titig at simula noon ay para kong nahimasmasan at nagising sa katotohanan na kailangan ko ng itigil ang kalokohang ginagawa ko. Nang ikinuwento ko sya sa aking mga matalik na kaibigan, sari-saring reaksiyon ang aking nakuha. Ang isa’y di mapigil tawa sa kaka-halakhak, may walang tigil na sa aking balikat ay naghahahampas, at mayroon din na binusog ako sa talak dahil sa aking katangahan. Pero ang mahalaga ay kahit naihayag ko ang mga baho ko sa buhay ay di pa rin nagbabago ang pagtingin nila sa akin mula sa simula.
Janieba Carumba
1 note · View note
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
Handa na Ako
Saan ba ko magsisimula mag kwento? Kahit saan kasing anggulo, lagi na lang ako, lagi na lang ako ang mali. Hindi ko alam kung saan banda, kung saan ako nagkulang. Hindi, wag mo isipin na hugot ito, dahil ito ang storya ko, ito ako. Sa pagkakaalam ko, binibigay ko lahat ng makakaya ko, pero bakit lagi na lang ako kulang? Ako ba yung may mali na hindi pa sapat yung mga ginawa o sadyang hindi lang sila marunong makuntento at hindi matanggap na eto lang ako. Pasensya, eto lang ako, eto lang ang kaya ko. Paminsan tuloy parang kailangan ko pang ihingi ng tawad dahil hindi ako sapat, dahil nga eto lang ako. Ako, ako yung tao na, sige lang ng sige, kahit ang sakit na para sakin, tuloy lang, baka sa gantong paraan matuwa sila, mabigay ko kung ano gusto nila. Aaminin ko masokista ako. Oo, takot na kasi ako maiwan sa kadahilanang nagkulang ako. Paminsan, kahit yung ako tama, ako yung may punto, tinatanggap ko na lang na mali ako kasi ayoko nang lumaki pa yung gulo. Ang hirap lang kase hindi mo naipaglalaban yung side mo. Meron din naman na nagkakampihan pa sila. Kahit mali yung ginawa, gagawin nilang tama. May galit ata yung mundo sa’kin? Ano ba ginawa ko bakit ganto sila sakin? Minsan maiisip mo na lang na gusto mo maglaho. Para matapos na lahat ‘to- sakit, kirot, lungkot, at galit. Pero napagtanto ko na hindi dapat ganyan. Hindi dapat nakadepende sa iba kung paano ako mabubuhay. May kailangan akong gawin. Simula ngayon, mabubuhay ako para sa sarili ko. Wala na kong pake kung umalis man sila, hindi sila worth it para pag aksayahan ko ng oras ko.ngayon, magfo-focus ako sa kung paano ko pasasayahin sarili ko. Sa totoo lang, di naman sila kawalan. Gaya na lang ng pag-iwan niya sakin dati. Akala nya siguro kawalan sya, pero salamat at iniwan nya ko. Kung hindi dahil sa kanya, walang ako ngayon. Pero naalala ko, ang dahilan niya kung bakit niya ako iniwan. “Pagod na ko sayo.” Yan ang eksaktong pagkakasabi niya bago niya ko iniwan. Tanong ako ng tanong, san ako nagkulang? Ibigay ko naman lahat ng makakaya ko pero wala. Hindi na ko bitter. Natutuwa nga ko at iniwan nya ko. Wala siyang dulot sa akin. Pero ang masakit don, nakuha pa nya ako ikumpara sa kaibigan ko, at hindi nga nagtagal, naging sila din. Ang tanging tanong lang sa isip ko, bakit mo pa kailangan maghanap ng best kung may better ka naman? Pero why settle for less siya e, wala na ko magagawa don. May mga tao talaga na hindi marunong makuntento. Sakit na ata yan ng mga tao. Oo maganda dahil alam mo yun, why settle for less nga diba? Pero bakit hindi na lang tayo makuntento sa kung anong meron tayo, sa kung anong kayang ibigay ng bawat isa. Pero dahil sa mga pang iiwan sa akin, naging daan yon kung sino ako ngayon. Ngayon hindi na ako takot maiwan. Hindi na ako takot magkamali. Hindi na ko nakadepende sa iba, may sarili na kong paraan para sumaya. Ngayon handa na kong harapin ang bukas, ng walang takot, galit, sakit at lungkot. Handa kong tanggapin ang mga mangyayari sa akin. Handa kong subukan ang lahat dahil alam kong mas lalo pa ko netong pagtitibayin bilang isang tao. Ngayon, wala ng atrasan, eto na yon.
Rena Cristina Fijer
2 notes · View notes
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
Best friend Hindi Ko Alam Na Kailangan
Itong ikukwento ko ay hindi ko talaga kinukuwento sa iba tanging sa kanya ko lang nakukuwento. Bali kaklase ko siya simula noong ika-siyam na baitang kami hanggang sa ika-sampung baitang. Bagong lipat lang siya sa Manuel Luis Quezon High School. Naging mag best friend kami noong kalagitnaan na nag ikalawang markahan, at yun na halos di na kami mapaghiwalay. Tatlo nga pala kaming magkakaibigan at isa lang akong lalaki at dalawang babae. Araw-araw kami lang ang magkakasama. Ang sabi ko sa kanila ang swerte ko dahil naging kaibigan ko sila dahil tahimik lang ako simula pa noong ikapitong baitang pa ako. Pero noong nakilala ko sila grabe halos di na ako makinig sa guro namin. Pero umabot ako sa puntong nahuhulog na ang loob ko sa isa ko pang kaibigan, pero di ko ito pinaparamdam, pinapakita at sinasabi sa kanya dahil mas mahalaga pa sa akin dati ang pagkakaibigan kesa sa pag-ibig nayan. Pero nagkaroon kami ng tampuhan at tuluyan na niya kaming nilayuan hanggang sa dumating yung araw na umamin ako sa kanya pero sa kasamaang palad “Rejected” ako. Mahirap yun para sakin dahil kaklase ko siya at magiging kaklase ko parin siya sa ikasampung baitang. Ito na nga pasukan na namanat makikita ko na naman siya. Makalipas ang ilang buwan. Bumalik ulit yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero tinago ko na lang ito kasi ayaw ko na lang ulit masaktan pa, ngunit di ko parin naitago ang aking nararamdaman para sa kanya. Kasi nga inaasar lang ako ng mga kaklase ko kaya ayun nalaman niya ulit at nilayuan na naman ako. Pero may isang taong nagcomfort sa akin dahil nga sa broken ako. Matagal ko na siyang kilala at nakilala ko siya sa GC namin pero di ko siya kaklase. Naghahanap ako nang kausap at siya ang nakausap ko. Hanggang sa araw-araw na kami naguusap at nagulat ako kasi tinawag niya akong “Baby” at makalipas ang isang linggo umamin siya sa akin na may gusto daw siya sa akin. Pero di ako naniwala dahil sino ba naming magkakagusto sa akin eh hindi naman ako guwapo di rin naman ako cute kaya ako di naniwala sa mga sinasabi niya. Hanggang ditto na lang yung ikukuwento ko. Kilala niya kung sino yung nakachat ko at alam niyang nahulog na rin ang loob ko doon.
Allen Veloz
1 note · View note
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
Handa Ako
"Sa mga titig mong nakakatunaw. Una pa lang, alam kong ikaw na talaga. Mga sulyap mong palagi kong inaabangan sa tuwing dadaan ka sa aming silid aralan. Sa tuwing naglalaro ka na, iba ang tibok ang tibok sa dibdib na aking nadarama."
Noong una akala ko kaibigan lang, akala ko fling lang, akala ko trip trip lang. E ganun kasi siya, ganun ung tipo ng lalakeng nakikita ko sa kanya. May babae pa nga siyang kasama nun sa paguwi parati. Kaya kala ko wala lang yung sa aming dalawa, ‘di na ko umasa. Pero kaibigan lang pala, kaibigan lang pala niya yon.
Hindi naglaon, pinatunayan niya sa aking ‘di totoo ang mga iniisip ko tungkol sa kanya. Walong buwang sinasabayan niya ko sa paguwi. Walong buwang ang ginugol namin para makilala ang isa't. Sa mga panahong iyon, unti-unti niya napakilala sakin ang tunay na siya, ang tunay na buhay niya, kung sino ba talaga siya. Yung estudyanteng masayahin, magaling sa larangan na kanyang tinatahak ay may nakatagong istorya pala; may mga problemang kinakaharap na hindi ganun kadaling maresolba. Matapos niyang dumalaw sa amin ilang linggo nakalipas pumunta ko sa kanilang tahanan. Doon ko nakilala ang kanyang mga kasama sa bahay; ang mga kapatid niya, mga pamangkin at mama niya. Nalaman ko kung sino ang tunay na siya noong nakarating na ko sa kanila. Sa bawat problemang naibibigkas ng kanyang bibig at naririnig ko; mas lalo akong humanga sa katatagan niya bilang tao. Kaya niyang harapin mga pagsubok na dumadaan sa pamilya nila. Sabi ko sa sarili ko, "Handa ako". Handa akong damayan siya sa kanilang mga problema, handa akong tulungan at payuhan siya sa tuwing ang isip niya'y naguguluhan, handa ako sa lahat ng pwedeng mangyari makasama ko lang siya.
Ika sampu ng Abril taong 2017, nasambit ko ng biglaan ang matamis na, "Oo". Kahit ‘yon man ay di inaasahan, ‘di ko iyon pinagsisihan dahil naging masaya kami sa bawat araw na nagdaan. Hindi maiiwasan ang tampuhan, oo, pero nagiging maayos kami agad. Hindi ito tumatagal ng bente kwatro oras. Kailangan maayos agad, hindi kayang tiisin ang isa't-isa kaya naisasantabi ang inis at tampo. Alam ko sa sarili ko na siya na. Nakita at sinasamahan ko siya nang nasa masamang sitwasyon siya ng buhay niya ngayon, at mahihintay kong mapabuti niya iyon ng kasama ako. Ngayon, nasa punto kami ng pagpaplano kung ano ba ang gagawin namin, matapos makagraduate ng Senior High School. Magaaral kami ng college at kung kakayanin ay isasabay ang pagtatranaho; "working student" kumbaga. Para habang nagaaral, natutulungan namin ang aming mga magulang kasabay nun ang pagiipon namin para sa magiging kinabukasan namin. Alam ko sa sarili ko, na siya na handa ako! Handa ako sa ano mang pagsubok na haharapin na kasama siya. Tutulungan namin ang isat isa para makapagtapos. Magkaroon ng magandang trabaho, makatulong sa pamilya, makapagipon at isagawa ang plano namin sa pagbuo ng sarili naming matatag at masayang pamilya.
Allyssa Medina
1 note · View note
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
LOL Adik
Wala akong makukuwento na subrang nakaka-wow o nakakatakot ang aking makukuwento ay ang aking addiction ko sa LoL o kung tawaging League of Legend. Dahil mataba ako at parang weirdo at isang araw may nakatabi akong isang kaklase na nag lo-LoL at sinabi niya sa kin ay alam mo ang larong LoL? At ako naman, sempre dahil gamer ako kaso hindi ako ng lalaro. Dahil sa kanya nagsimula ako mag laro ng LoL at pakalipas ng ilang buwan naging level 30 ako at doon ng simula ang aking pagka-addict sa paggastos sa larong iyong at ng sumali muna ako sa pagbili ng mga kaunting skin kung tawagin sa LoL ay costume at hindi ko malaman na bili na pala ako ng bili ng mga ito at halos 10k na ang aking nagagastos sa laro at dedma lang ako at laro pa rin ng laro at umabot na nga na tatlong araw na akong walang tigil sa palalaro dahil laging sumusunod ang aking pagkapanalo at wala naman pumipigil sa kin dahil hiwalay ang magulang ko at laging busy ang tatay ko sa trabaho niya. Pero tumigil na ako dahil renehab ko ang aking sarili sa mga ganyang bagay at ngayon kuripot na ako at ayaw ko ng gumastos kahit pilitin mo ako.
Jaime Pahayag Jr.
1 note · View note
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
Alam mo ba, pre?
PAAAAAAAWEEEER! So ayun nga pre no? Kamusta? Madami akong ikukuwento sa'yo pre, HAHAHAHA, siguradong matatawa ka sa lahat ng sasabihin ko.
Alam mo ba tol, sobrang saya ko ngayong SHS! Madaming bagong mukha, madaming bagong kakilala, bagong kakulitan, pagong kaibigan at syempre bagong inspirasyon HAHAHAHAHA. Pero pre, di pala talaga biro ang SHS, tae pre, ang daming pinapagawa dito sa school! Nekekeenes keye, pero kailangang pumasa eh, kaya todo hataw lang pre kahit umaayaw na talaga. Alam mo ba kung bakit di ako umaayaw? Syempre HAHAHA, may "bago" na ngang inspirasyon diba? Sus, di ko nalang sasabihin kung sino HAHAHAHA. Pero pre maiba tayo. Putcha pre, ang baba talaga ng grades ko sa ibang subject! Nakakabadtrip tol, pero pre, di ako mapanghihinaan ng loob pre, lalaban ulit ako pre, syempre alam mo naman ugali ko pre no? Strong ako pre diba? Di talaga ako papatalo HAHAHA, may next sem pa naman eh. Pre alam mo ba? Nahuhulog na lalo ako sa kanya. Sa tuwing makikita ko siya pre, para akong nasa alapaap. Alam mo yung feeling na nasa langit ka tas makakakita ka ng mga anghel? Ganun lagi ang sitwasyon pre, tas ngingitian ka pa? Ay shit, di ko na kaya HAHAHA! Pero pre sa tingin ko? Alam na niya eh, alam na alam na niya. Pero pre humahanap pa ako ng buwelo para maipahayag ang aking saloobin HAHAHA. Pero pre, maiba ulit tayo, usapang tropa naman! Alam mo ba pre, badtrip talaga ako jan sa isang "tropa" natin eh, mayabang masyado, nabalutan na ng kayabangan ang utak, nahaluan na ng impluwensiya ng mga bago niyang kaibigan. Pero pre, marami rin akong ibang kaibigan, pero syempre, di ko gagayahin yang munggol na yan, alam mo pre, kayo pa rin tropa ko talaga! Nagiisa lang talaga kayo pre. Mahal ko kayo pre eh. HAHAHA
So ayun na nga pre noh, sa tingin ko, hanggang dito nalang muna ang usapan natin ha? Pramis magkikita pa tayo! Abangan mo sa part II neto HAHA! SIGE NA TOL, REPA, PRE, MAHAL! HAHA SALAMAT PRE SA PAGBABASA.
Jan Audrey Francisco
1 note · View note
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
Paghihirap
Ang aking kuwento na maari ko lamang ibahagi sa aking natatanging kaibigan ay tungkol sa aking personal na pagkatao, nais kong ibahagi sa aking kaibigan na ako bilang isang estudyante ay nakararanas ng matinding depresyon simula sa pag aaral, sa pamilya, sa mga kaibigan at sa mga araw araw na problema. Sa pag aaral o sa eskwelahan ay labis akong nahihirapan dahil sa sunod sunod na oras ng pasahan ng mga kailangang ipasa. Nahihirapan rin akong iproseso sa aking utak ng mga napakararaming mga kailangan kabisaduhin at pag aralan, kung dati ay umaabot ang aking total na iskor sa halos 80 porsiyento ng bilang ng mga sasagutan. Ngayon ay halos wala pa sa kalahati ng bilang ng mga sasagutan ang aking iskor sa mga pagsusulit. Pagdating naman sa pamilya ay nagkakaroon rin ako ng problema dahil hindi ako ganoon ka bukas ang isipan, kalagayan at presensiya ko sa kanila. Nahihirapan akong makipag usap sa aking mga magulang at kapatid dahil pakiramdam ko ay wala rin naman silang pakialam kayat ang problema ko sa buhay ay sinasarili ko na lamang. Marami akong nais ikuwento sa sa aking natatanging kaibigan at isa ito sa mga nais kong malaman niya tungkol sa akin.
Joemar Abella
1 note · View note
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
Growing Up
Bata pa lang ako mapapansin mo na ka agad na tila hindi pambabae ang aking kilos at galaw. Hindi ako nag susuot noon ng bistida at wala akong pakialam sa kung ano ang itsura ko. Pormahan ko noon ay t-shirt, pantalon at rubber shoes lang. Ang tanging gusto ko lang ay ang maging masaya at kontento sa aking buhay. Noon, kapag nagkakagusto ako sa mga kaklase kong lalaki ang tanging nakakaalam lang nito ay ang aking sarili. Natatakot kasi ako na baka pandirian ako ng mga nagugustuhan ko dahil sa itsura ko. Nagkaroon ako ng crush nung elementary simula grade 4 hanggang grade 7 crush ko siya. Pero kahit isa sa mga kaklase ko walang nakakaalam kahit yung mismong lalaki na gusto ko noon. Noon, kapag may nagkakagusto sakin iniiwasan ko dahil takot ako na baka sakaling mafall sa kanila. Lumipas ang taon, nagchat sakin yung kaklase kong lalaki noong grade 8. Hindi ko na naisip na baka sakaling mafall lang ako. Araw-araw nag chachat kami hanggang umabot sa punto na hindi na ako sanay ng di niya ko chinachat at di nakokompleto ang araw ko ng walang chat galing sa kanya. Sa tuwing nag sasabi siya ng “I Love You” sa chat kakaibang kilig ang aking nadarama. Pero sa kabila ng mga sweet messages niya nagawa ko pa ring pigilan ang aking nararamdaman. Makalipas ang ilang buwan, malay ko may nililigawan na palasiyang iba tapos hindi na rin kami nag chachat noon. Walang ibang nakakaalam na nagchachat kami maliban sa aming dalawa. Hindi kasi ako sanay na ipinapagkalat ang mga bagay na tungkol dito. Sobra, sobra akong nasaktan noon. Nasaktan ako kasi kahit anong pigil ko sa aking nararamdaman wala eh, nahulog ako. Ang masakit pa ay sa aking paghulog hindi niya man lang ako sinalo. Dahil sa pangyayari na yun, lalo akong natutong magpigil at magtago ng nararamdaman ko sa ibang tao. Simula rin dun hindi na ako nag rereply sa mga lalaking nag chachat sakin.
Pagkatung-tong ko ng grade 10 may nag chat na naman sakin. Mas bata ito sa akin ng isang taon. Nagchat ito sa akin ng nag chat hanggang sa maiyamot ako at nireplyan ko na siya. Walang araw na hindi siyang nagchachat sakin hanggang sa nag tapat siya na gusto niya daw kong ligawa. Ako naman pa hard to get pa, hindi ko siya pinaniwalaan sinabi ko na mawawala din yang nararamdaman mo balang araw. Natakot kasi ako na baka sakaling maulit lang yung nakaraan. Mahigit 5 buwan bago ko maramdaman na tila nahuhulog na ako sa kanya. Hindi ako umamin sapagkat natakot ako na baka mamaya ay pinaglalaruan lang pala ako nito. Pagtapos ko ng grade 10 saka ako nagpakita ng motibo na may gusto na rin ako sa kanya. Iba kasi yung naramdaman ko sa kanya hindi lang basta paghanga kundi tila pag-ibig na. Sa lahat ng effort na ginagawa niya makapagchat lang kami ng ayos, sa pagiging pasensyoso niya na nagawa niya kong hintayin pagtapos ng halos isang taon at sa pagpapahalaga na binigay niya sa akin. Oh cupido! Siya na nga ba? Handa na nga ba akong mag mahal?
Niña Virtucio
1 note · View note
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
Karapatan ng Kalalakihan
Paguwi ko pagkatapos ang isang mahabang oras na pageensayo para sa darating namin na laban ng Hiphop Dance Competition, habang binabaybay ko ang kahabaan ng aming iskinita kung saan ni bakas ng anino ay wala kang makikita dahil sa sobrang dilim, tila ba tumatawid ako sa kasuluk-sulukan ng mundo na hindi ko alam kung saan tutungo at hindi ko rin alam kung ilang hakbang, ilang yabag ba ang kailangan upang marating ang patutunguhan dahil hindi ko kabisado ang aking dinaraanan. Hanggang sa nakatunton ako ng isang tindahan, ito ang nagbigay sa'kin ng lakas ng loob dahil naisip ko ay malapit na, malapit ko nang marating ang aming tahanan. Sa tindahan mayroong mga nagiinuman. Mga nagkakasiyahan kasama ang ilusyon ng usok na galing sa mga upos at ang ispiritu ng alak na nagpapaligaya sa kanila ng lubos. Mayroong limang lalaki na mukhang babae dahil sa kanilang kasuotan na pambabae, mahahabang buhok, matutulis na kuko na puno ng disenyo, at puno ng kolorete ang mukha. Kabilang ang dalawa pang tipikal na babae na kakulay ng makopa ang mga labi at kuko, suot-suot ang walang kasing iikli na pangibaba at pangitaas na walang manggas kung saan makikita na ang puwetan ng bata sa kanilang hinaharap. Kaya't hindi na ako nagalinlangan pang dumaan kasi komportable naman ako na makikiraan lamang sa kanila ngunit ito pala ang magbibigay sa'kin ng isang nakakapangilabot at nakakatakot na kahapon.
Nang maglakad ako tungo sa aking paroroonan, hinarang ako ng isa sa mga bakla na lango na sa alak. Tinatanong niya ang aking pangalan ngunit hindi ako sumagot. Maglalakad na sana ulit ako nang harangan pa ulit ako ng dalawang pang bakla. May inaabot sila sa'king isang istik ng sigarilyo na may baga na ngunit tinanggihan ko. Kinakabahan na ako sa kanilang mga tingin at galawan ngunit pinanatili kong kalmado ang aking sarili. Sumunod ay ang isa namang babae na mahahalata mong kaladkarin ng mga lalaki, iniabot niya sa'kin ang isang baso na may alak, ngunit napansin ko na nilagyan niya 'yon ng betsin, siguro ay para kung sakaling iinumin ko ay makatulog agad ako, ngunit tinabig ko ang kanyang kamay at nagwika ng, "Hindi po ako umiinom." Babalik na lang sana ako sa aking pinanggalingan at magpapasundo kay Papa ngunit hinila ako ng isa sa mga bakla at biglang inamoy ang aking leeg. Nagpumiglas ako ngunit sadyang mahigpit talaga ang hawak niya sa'king mga braso. Hindi pa man natatapos amuyin ang aking leeg, ang isa naman sa mga bakla ang yumakap sa'kin galing sa likod at sabay dikit sa akin ng kanyang ari. Naiiyak na ako dahil wala akong magawa sa ginagawa nila sa'kin. Ang isa naman sa mga bakla ay hindi nagalinlangan na hawakan at pigain ang aking ari, na lalong nagpaiyak sa'kin. Pilit akong nagpumiglas dahil hindi na ako makapagsalita pa dahil sa'king pagiyak. Nakita ko na 'yung dalawang babae at dalawa pang bakla na natira ay nasa likod namin at nagtatawanan habang pinagmamasdan lamang ang mga bakla na babuyin ako sa kanilang harapan. Hanggang sa dadalhin na sana nila ako sa madilim at makipot na parte ng iskinita para hubaran ng saplot ngunit bigla kong nakita si papa kasama ang tito ko't mga kumpare niya.
BOOM! POW! GAG! KUPAL!!!*
Ayan ang mga ingay na bumalot sa'min matapos bugbugin ng mga papa ko ang mga nambaboy sa'kin mabuti na lang at hindi natuloy na gawa'n pa ako ng mas masama pang bagay ng mga hayop na 'yun.
Maraming pumasok sa aking isipan, tila ba natraumatized ako sa nangyari.
Marami akong nabuong tanong para sa sarili,
Kababoy-baboy ba ako para bastusin ng mga 'yon? O sila lang talaga ang mga walang modo na lulong sa kanilang mga bisyo at hayok na makatikim ng tao?
Wala bang karapatan ang mga lalaki na magreklamo kung sila'y ginahasa at binaboy?
Bakit sa lipunang ito mas marami ang nangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan at kakaunti ang sa mga kalalakihan? Hindi ba pwedeng pantay-pantay na lamang?
Sa huli, nagpapasalamat pa rin ako sa tindera nung tindahan dahil tinawagan niya sila papa para sabihin ang nangyayari. At syempre, salamat sa Diyos dahil hindi niya ako pinabayaan.
Cave Kristan Acuña
1 note · View note
humss11-13blog-blog · 8 years ago
Text
Pamilya
Sinilang ako sa magulong mundo na ito, na walang kamuwang-muwang sa mga plano ng Diyos para sa akin. Ang gulo, sobrang gulo ng buhay ko. Na kahit saang anggulo mo titigan o tignan, ako at ako ang talo.
Habang lumalaki ako, Unti-unti kong naiintindihan ang mga bagay-bagay sa aking paligid. Mahirap, masakit, pero kailangan kong tanggapin. Mga magulang ko ngayon? Hindi ko man lamang kadugo. Yung mga tunay kong magulang, may sarili nang pamilya, may sarili ng mundo. Wala ng ako na kanilang binuo. Kinalimutan at tinratong ibang tao. Malaki ang galit ko sa kanila. Sobrang laki ng galit ko na sobrang nagpapabigat ng aking nadarama. Mabigat sa puso. Masakit, Tama na.
Sa mga problema at sakit na hatid ng buhay sa akin, emosyonal man o hindi. Lahat ng mga ito, walang pasintabi. Darating bigla, magugulat ka, masasaktan, magagalit, manghihina. Ayoko na. Katulad ngayon, nakakapanibago, dahil sa sakit kong ito. Maraming bawal, maraming nagblanko. Lalo lamang sumakit itong puso ko At Mapapatanong ka nalang talaga, "DESERVE ko ba lahat ng 'to?". Nakakaloko, Masakit. Walang halong biro. Pero kakayanin ko.
Yung puso kong durog na durog na. Nandito pa, pero bibigay na. Lihim na mahina at humihina. Tulong, sobrang hirap huminga. Ang bigat sa kalooban, Kaya ko pa ba? Di ko alam kung magagalit pa ba ko sa kanila, di ko alam kung matatawa ko sa sitwasyon ko o maawa. Sa dami ng hirap na dinanas ko, dito pa ba ko susuko? Dito na nga ba ko susuko. Hindi ko na alam.
Gabriel Adraque
1 note · View note