Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ang susunod naman ay mga iba pang movies at tv series:
1. Kimi no Nawa (Your Name) [May Tagalog Dub]

2. Koe no katachi (A Silent Voice)

3. Violet Evergarden

4. Vinland Saga

5. Garden of Words

0 notes
Text
Ang Sining ng Anime

Ano nga ba ang anime?
Ang anime ay isang pelikula o palabas na nagmula sa japan na patok na patok noon hanggang ngayon sa buong mundo. Kakaiba ito at hindi kagaya ng mga "cartoons" na ating nakasanayan, ito ay nagtataglay ng kakanyahang nakapagiiba sa iba at nagbibigay ng pagkalilanlan na para sa iba ay nagbibigay ng iba't-ibang emosyon depende sa tao. Ito rin ay parang makatotohanan ang kaniyang pagkaguhit ng mga karakter at kadalasan ay nakabase sa totoong buhay ang mga lugar kung saan naganap ang ibang mga eksena.
"Isa itong tinataguriang modernong sining"

Ito ay kilala bilang modernong sining sa kadahilanang nakapakaaritstiko ang pagkagawa ng mga anime. Ito rin ay nagtataglay ng iba't-ibang damdamin na naibibigay sa mga manonood.
Galimgim, pagkabigo, ligaya, at pag-asa ay ang iba't-ibang halimbawa ng damdamin na makukuha sa anime dahil ito rin ay parang bagong mundo na pinaparamdam sa iyo ay parang totoo kahit hindi ito nandito. Minsan nga ay alam mong hindi makatotohanan ang mga lugar at eksena sa mga anime, ngunit nagbibigay ito ng malaking epekto sa ating isipan at damdamin.
Alam niyo ba?
HERO TV: ang bayani ng kabataan
Alam niyo ba na mayroon tayong tv channel noon na nakafocus sa anime lamang na patok rin noon sa kabataan?
Hero Tv! Ito ang anime channel na kinalakihan ng nakaramihang batang pinoy at ito ay linikha sa ilalim ng ABS-CBN franchise.
Nakakaiba ito dahil ito ay hindi nagpapalabas ng anime na nasa ingles o hapones ang wikang ginagamit, subalit ito ay nasa wikang filipino. Sa pagraragdag, ang hero tv ay tinataguriang "The First and All Tagalog-dubbed Anime Channel in the Philippines."
Alam niyo, napakaganda niya sa paningin ng bata na sa pagdaan ng panahon ay nagiging matanda, nagbibigay ng galimgim sa bawat palabas na nakikita, hinding hindi makakalimutan ang halimuyak sa panonood ng sining na kinagisnan at tinubuan.
Hero TV at Wikang tagalog
DITO RIN UNANG IPINALABAS ANG SIKAT NA FILIPINO ANIMATED FILM: "RPG METANOIA"

Napakaganda ng herotv lalo na't ito ay nagpapalabas ng anime na gumagamit ng wikang filipino.
Sa totoo lang, dito ako una natuto magtagalog dahil sa labis na panonood noong bata pa ako at dito rin ako natuto sa mga malalalim na salita na nagmumula sa tagalog.
Dito talaga nakikita ang kagandahan ng wikang filipino at kung papano nila nagawang gawin at makahanap ng mag salitang nauugnay sa wikang hapon.
Mga Halimbawa ng Anime na Nagtataglay ng Sining

Ang nakalista sa ilalim ay ang mga halimbawa ng anime na nagpapakita ng modernong sining o magandang tignan na aking irerekomenda para sa mga mambabasa na gustong mapanood ang mga ito.
"STUDIO GHIBLI MOVIES"
1. Howl's Moving Castle

2. Ocean Waves

3. Spirited Away

4. Princess Mononoke

5. When Marnie Was There

Lima lamang ang aking mairekomenda para sa studio ghibli movies dahil napakarami nila pero siguradong sigurado na lahat ay magaganda sa kanilang sariling pagkakakilanlan.
Ang iba na aking mairerekomenda ay nasa susunod na blog:
1 note
·
View note