Tumgik
iamchadrama · 9 years
Photo
Tumblr media
It's time to let you go. #cleaningmycloset #goodwill (at Al Nahda Tower 1,Sharjah)
0 notes
iamchadrama · 9 years
Photo
Tumblr media
Sick of being sick... #colds 😷😩😖 Ice cream pa more!!!!
0 notes
iamchadrama · 9 years
Text
Kwentong UAE - Ang Pagbabalik Gym
Balik work out na ulit ako ngayon, kaya ang pakiramdam ko ngayon para akong binugbog ng limang pulis at ginahasa ng tatlong tambay sa sakit ng katawan ko. Hindi ako magkaigi dito sa opisina kaya ibinaling ko nalang sa pag bablog ang sakit ng katawan na nararamdaman ko ngayon. Dalawang taon na akong nahinto sa pag punta sa Gym, simula pa nung nagkalipatan ng project from Qurayyah to Riyadh, (Saudi days pa noon) doon na nag simulang lumobo ang katawan ko dahil wala akong exercise. Gustohin ko man kahit tumakbo sa labas ng accomodation namin sa Riyadh ay hindi maaari dahil imbes na maging healthy ka, asthma oh kaya TB ang abutin mo dahil sa kapal ng alikabok na lumilipad sa labas ng bahay mo lalo na pag sandstorm, di tulad sa Qurayyah, kumpleto ang recreation, may Gym, may court at walk way sa tabi ng dagat kapag gusto mo mag lakad lakad. Una agad na sumagi sa isip ko nung pag kadating ko dito sa UAE ay mag babalik ulit ako sa pag gi-Gym dahil pag kadating namin dito sa accomodation, puro mga Gym ang nakita ko. Pero hindi ko agad ito nasimulan dahil pinag planuhan ko muna ang mga gagawin ko bago ako sumabak dahil una sa lahat, may bayad ang membership fee. Una sa lahat, humanap muna ako ng Gym na malapit sa bahay namin. Although nagkalat ang mga gym dito sa tapat ng accomodation pero hindi naman lahat maganda ang fascilities. Yung iba may kakaibang amoy sa loob dahil napapaligiran ng mga itik na naglilimahid sa pawis. Nung may nahanap na ako, syempre hindi ako agad nag enroll, tiningnan ko muna kung makabago ang equipments na ginagamit nila, kung hindi ba congested ang lugar at syempre ang pinaka importante yung mabango ang loob na pag wowork outan ko. Atlast, Bingo!! at eto nga ang nakita ko Ladies and Gents Gym. 10 minutes ang layo mula sa amin, pero hindi ako agad nag enroll syempre dahil kailangan ko ng pera. Inintay ko muna sumahod bago mag bayad ng 130 Dhms para sa isang buwan. Ang mahal diba, pero mabuti na rin motivation ito dahil siguradong mapapadalas ang pag wowork out ko dahil nakaka panghinayang ang binayad kong halos dalawang libong piso kung icoconvert ko sa pinas. Gustong gusto ko na bumalik sa pag woworkout dahil gusto kong ibuild ang "LOOKS AND SELF ESTEEM" ko. Tama naman diba? Kapag nag woworkout ka siguradong gaganda ang katawan mo. Dagdag pogi points kung iipinanganak kang gwapo oh maganda. Pero kung malas ka na katulad kong inborn na ang pag ka cute, ibawi nalang sa ganda ng katawan. Wala naman sa itsura yan. Nasa pag uugali lang yan. Pangalawa ay ang ENDURANCE. Siguradong lalakas at titibay ang aking katawan sa pang araw araw na ginagawa kong activities most especially ang sex. Pangatlo ay ECONOMY. Umabot ako ng 90 kilos noon, dahil sa pursigido akong makuha ang dati kong timbang na 80 kilos (now 86 na) siguradong ang mga damit ko noon maisusuot ko na ulit ngayon. Oh eh ang laking tipid diba. Hindi na ako bibili ng mga bago damit na XL. Ung matitipid ko eh di ibayad nalang sa Gym. Pangapat ay ang STRESS BUSTER. Kaming mga OFW, madalas namin kalaban ang stress. At alam naman natin na ang pag eehersisyo ang pinaka mabisang paraan para maalis ang stress mo sa katawan. Marami ng tao ang nag suffer sa stress at isa na ako dyan. Nag karon ako ng hypertension dahil sa stress na yan. Pero ang pinaka main reason ko naman talaga kung bakit gustong ko mag gym ay baka magkaron na ako ng LOVE LIFE. Dahil pag nagawa ko na ang number 1 which is SELF ESTEEM AND LOOKS sigurado na susunod diyan may makikilala na ako sa Gym, may mag papatulong mag pa spot sa akin, hanggang sa maging close na kayo, tapos makaka sabay mo na sa pag iistrech ng katawan at pag nag tagal, nag kukus-kusan na kayo sa paliligo, ang saya diba. 16 July 2015
0 notes
iamchadrama · 9 years
Photo
Tumblr media
Isang taon at mahigit nung huli ko pa itong ginamit, souvenir ko pa from Bahrain. Ngayon tayo ay magbabalik ulit..Week 1 Day 1
0 notes
iamchadrama · 9 years
Photo
Tumblr media
Kalamay version ng mga indiano. Looks like kalamay but taste like tikoy. Maagi din panawid gutom, salamat sa nag bakasyon dahil may kinakain ako ngayon. 😊😊☺
0 notes
iamchadrama · 9 years
Text
Kwentong UAE - Apat na Buwan sa UAE
Pang apat na buwan ko na ngayon dito sa UAE at syempre Birthday Month ko na rin. Hindi na ako na eexcite sa kaarawan ko dahil madadagdagan nanaman ang edad ko. Wala na talaga ako sa kalendaryo, kasaklap ng pakiramdam. Ganun pala ang feeling, majunda na ako. I feel blessed but i feel im incomplete..naks lakas maka emo. Blessed ako sa trabaho, salamat kay Lord dahil binigay nya sa akin ang isa sa mga pangarap ko. Pero hindi ako blessed sa love life, kawawang nilalang. Walang inspirasyon. Ang sabi ni Bob Ong, hindi iniintay yan kusang dumadating. Pero hanggang kelan naman kaya. Gabi gabi na nga ako tumatatkbo sa park malapit sa building namin, bukod sa gusto kong maging healthy ang lifestyle ko, eh baka sakali isang araw doon ko makasalubong ang taong hinihintay ko. Naks, desitiny, parang movie. Anyway advance happy birthday to me at sana matupad ulit ang isa sa hinihiling ko. Hanggang sa muli. July 4, 2015
0 notes
iamchadrama · 9 years
Text
Kwentong UAE - Happy 3 months sa UAE
Tatlong buwan na ako dito sa UAE, tapos na ang aking adjustment period. So far hindi naman ako na hohomesick. Nakkakalibang naman kasi dito sa lugar namin, madami napapasyalan at madami nakikita magagandang tanawin. Minsan nakaka bored lalo na pag dating sa trabaho. Sa ngayon madali pa ang ginagawa ko, isang scope lang ang trabaho ko kaya medyo maalwan ang buong maghapon ko. Hindi ko ramdam ang oras dito sa opisina, parang nag lalaro lang. Pero meron akong pinag kakaabalahan ngayon, busy ako sa pag takbo sa park. Baka sakaling makatulong yun sa pag baba ng aking timbang at syempre para maging maayus ang aking hypertension. Isa din sa dahilan kaya pinili ko ang outdoor activity ay baka sakali makatisod ako ng ginto hehehehe. Hindi ginto na pede isanla sa pawnshop, kundi ginto na magpapatibok at mapapakilig muli sa akin. Hahaha parang teenager, lumalandi ang peg. Sana dito ko siya makita, sana isang araw magkabanggan kami parang sa pelikula ng Star Cinema. Ayus diba... June 14, 2015
1 note · View note
iamchadrama · 9 years
Text
Kwentong UAE - Ang Emo ni Karding
Sa pag lipas ng oras, sa bawat pag lubog ng haring araw sa ating mundong ating tinatayuan, marami tayo napag ninilayan, may mga tanung na hindi masagot, may mga pangarap na gustong matupad at isa na ako sa siyamnaput siyam na pursyento na may mga tanung na gustong sagutin at pangarap na gustong matupad.
Ilan taon na nga ba ako? 31, ilang buwan nalang dagdag nanaman ng isang taon. Araw araw nanaman mag tatanung ang mga taong malalapit sa akin, kung kelan ba ako mag aasawa. Kelan daw ba sila hihigop ng mainit na sabaw. Naks! ako man hindi ko din masagot yan. Humihiling din naman ako pero hanggang ngayon hindi natutupad.
Sa tuwing lalabas ako ng bahay, libong tao ang nakikita ko araw araw, sa bawat taong nakakasalubong ko, lagi ako nag tatanung, sino kaya sa kanila ang katulad ko na nag hihintay. Ilan kaya kami na hanggang ngayon patuloy na nangangarap na balang araw dadating ang taong makakasama mo habang buhay.
May 9, 2015
0 notes
iamchadrama · 9 years
Photo
Tumblr media
Sa pagkakaalam ko malas daw ang 13th floor. Kung nakatira kaya ako sa 13th floor isa lang ang alam ko malas, kapag nag simula na akong umakyat ng hagdan dahil sira ang elevator. Buti nalang nasa 3rd floor lang ako. (at Al Nahda Sharjah)
0 notes
iamchadrama · 9 years
Photo
Tumblr media
Salamat kay Mr. Google dahil may masarap ako hapunan, agahan at tanghalian kinabukasan na Afritadang Bangus 😆😊😄😄 #buhayUAE #buhayofw #shapeurfuture
0 notes
iamchadrama · 9 years
Photo
Tumblr media
Eat indian food and Curry on... #goodmorningUAE #fridayrestday #goodvibes #shapeurfuture
0 notes
iamchadrama · 9 years
Photo
Tumblr media
Kapag may time pa para manuod ng laban ni pacquiao habang wala pang amo.....
0 notes
iamchadrama · 9 years
Photo
Tumblr media
Indian food..chicken curry and parata 😆😊😊☺
0 notes
iamchadrama · 9 years
Photo
Tumblr media
Paksiw na tanige, asim kilig sa sukang datu puti..sana lang mag lasang pinaksiw 😆😆😄
0 notes
iamchadrama · 9 years
Text
Kwentong UAE - Ang unang buwan
Happy monthsary dito sa UAE. Bilis talaga ng araw lalo nat busy ka sa trabaho. Hindi mo na talaga namamalayan ang takbo ng araw. Ok na ok na ako sa bago kong kumpanya. May pressure sa trabaho pero wala naman stress sa amo. Isang buwan na ako pero wala pa ako naririnig na sumisigaw sa harap ko. Isang bagay na tinakasan ko sa Arabian Bemco. Good health na rin ako kasi hindi pa ako nakaka ramdam ng hypertension kahit ilang araw ako hindi nakaka inum ng gamot. Salamat po Lord. Anyway..nung byernes lang ako naka punta sa St. Michael Church para magpasalamat sa lahat ng mga biyayang aking natanggap. Anim na taon na ako OFW sa gitnang silangan at ito ang unang araw na makasimba sa labas ng bansa. Ang isa sa mga pangarap ng aking nanay natupad para sa akin. Masarap at iba pala ang pakiramdam ng misa na malayo sa pinas. Feeling ko napaka solemn ng misa. Yung nga lang english kaya hindi ko talaga na intindihan ang homely ni bishop na isang briton. 11 months nalang at marami pang mangyayari sa mga buwan, araw at oras na mag dadaan sa buhay ko dito sa UAE. Minsan masarap talaga ang mga surpresa. Kaya think positive para good vibes lagi. 21 April 2015
0 notes
iamchadrama · 9 years
Photo
Tumblr media
Ako ay mag papa finger...para sa Emirates ID 😆😊😊
0 notes
iamchadrama · 9 years
Photo
Tumblr media
Weekend day off...walang traffic
0 notes