Tumgik
iamferza-blog 8 years
Text
Bakit? (Single's Problem Edition) 馃槀
"Bakit single ka pa?" "Bakit wala ka pang boyfriend?" "Tatanda kang dalaga niyan." Tanong lang po. Bakit big deal sa lipunan ang maging single? Ano pong ganap? Kidding aside, pero sa nararanasan ko big deal 'to sa mga nasa paligid ko. Sa totoo lang talaga. Sila 'yung excited, sila 'yung atat, sila 'yung nababahala. Pressure!!! Struggle is real talaga. Nahihirapan din po ako. Hindi dahil sa walang nanliligaw or someone in my life. Kundi natatakot akong mag-take ng risk. Ayoko kasing magsisi sa huli. Hindi pa ko handa sa lahat. Makakatulong siguro kung 'yung mga tao sa paligid mo e, pipiliing maghintay nalang din. 'Wag na po magsalita pa about singleness. Baka naman po?
4 notes View notes
iamferza-blog 8 years
Quote
Don't judge me either.
Unknown
0 notes
iamferza-blog 8 years
Text
Bakit?
Bakit may mga taong sanay na sanay manloko ng tao?
Yung parang kasama na sa buhay nila yung ganoong ginagawa nila?
Hobby, mga ganyan.
Yung wala silang pake sa mararamdaman ng taong ginawa nilang lokohin. At tuwang tuwa pa sila sa ginawa nila.
Kapal ng mga mukha di ba?
Malamang wala din silang pakialam kung anong magiging kahihinatnan ng ginawa nila, kasi ang goal nila, mang-trip, manloko.
Kapag nagawa na nila yung goal nila okay na sila don.
Pero may iba nageenjoy.
Nageenjoy kang lokohin, mageextend pa.
Ang titigas ng mukha di ba?
Malamang din, sa mga oras na to nasa mga normal na ginagawa nila yung mga taong manloloko.
At yung mga niloko?
Ayun, nasasaktan, warak, basag, umiiyak.
Walang kalaban-laban. Gusto man gumanti pero hindi alam kung paano.
Saan magsisimula o paano magiging masaya at kung paano ibabalik yung dating siya nung hindi pa siya naloloko.
Wala na.
Move on nalang siguro. At yun lang din naman ang tanging paraan.
Matatapos din lahat. Makakalagpas din sa stage na to.
Umiyak ka man, maalala mo man yung sakit pero in the end magiging masaya ka din.
Soon.
Soonest.
Magiging masaya ka.
#Bakit #AnoNa
0 notes
iamferza-blog 9 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
"Finally nagkita na tayo! :)" September 20, 2015, Sunday, finally nakita ko na si Madam (Aivan Reigh Vivero) in person. February this year when I start reading her works on Wattpad. Secret nights to be specific was the first book that I read. I'm not a fan of Erotic romance, but what I like most was her way of writing stories, explains sides of the characters, the flow of the story and her technicalities in writing. And really connects to the readers. Hep!!! Nose bleed na. Haha. Basta, gano'n nalang ang tuwa ko ng ma-meet ko na siya finally. Napaka-dali niyang abutin dahil sa ugali at pakikitungo niya sa mga supporters and readers niya. Kahit nung lumapit ako sa kanya at kahit 'di pa ko nagpapakilala naramdaman ko talagang iba siya. Iba, in a way na napakahumble at very down to earth niya. At kung dumating ang panahon na kilalang-kilala na siya as a writer, tingin ko gan'on pa rin siya. Hindi magbabago ang ugali niya. Lalo na sa mga taong nagtitiwala sa kakayahan niya sa pagsusulat.
0 notes