Akademikong Tulong ng Internet o Social Media sa mga Mag-aaral sa Kasalukuyan
Maraming mga mag-aaral at mga magulang ang nagiisip kung ano nga ba ang akademikong tulong ng internet at social media sa mga mag aaral sa kasalukuyan.
Marami ang naiitulong sa mga mag aaral sa kasalukuyan gaya na lang ng Facebook Messenger. Sa paggamit ng Facebook Messenger, magkakaroon ang mga estudyante ng mabilisang komunikasyon sa kanilang guro at mga kaklase. Maari rin nilang ibahagi ang kanilang saloobin hinggil sa topik na napagusapan o abisuhan ang mga guro.
Ang Google naman ay isang search engine na ginagamit ng mga estudyante upang makahagilap ng mga impormasyon at hanapin ang kahulugan ng mga bagong terminolohiyang napagaaralan nila.
Ang Zoom naman ay isa naming app na kumokonekta sa guro at estudyante. Nagbibigay-daan ito sa mga mag-aaral na magkaroon ng klase at making sa kanilang guro kahit walang pisikal na pagkikita.
Panghuli, Google Classrooms. Ito ang isang app na nakakatulong sa mga estudyante upang makakuha ng mga learning materials at learning activities kung saan, maari pa rin sila matuto digitally.
Masasabi na natin na may malaking tulong ang akademikong tulong ng internet at social media sa mga mag aaral sa kasalukuyan. Ito ay isang mahusay na paraan ng komunikasyon sa pagitan ng estudyante at guro. Ito ay isang malaking tulong para sa isang mas mahusay na edukasyon dahil sa pamamagitan ng internet, maaari nilang madaling gawin ang ilang mga pananaliksik nang walang anumang nasasayang na oras. Ito ay makakatulong sa kanila na bumuo ng kanilang malakas na isip dahil sa gayon maraming impormasyon ang pwede nilang makuha.
Blog ni Alnicko C. Obligacion
11 HAS 3
1 note
·
View note