Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
"Bida-Bida sa Social Media"
I heard a lot of social issues sa Pilipinas. Minsan malala, minsan sakto lang. Pero madalas sa mga ito ay masasanay ka na lang dahil paulit-ulit lamang nangyayari at pareho lang din naman ang nagiging resulta.
Bago ako mag komento, I always make sure na pasok ito sa mga inaral ko noon. Naka limang kurso na ako sa college mula sa limang iba't ibang university at state colleges. 'di ako bulakbol pero madalas kami umiinom noon ng mga naging kaklase ko after class. Nag ddrop ako lalo na kapag hindi na ako interisado sa course ko, una BSBA major in HRDM, puro Psych Subject at haluan mo pa ng Business. Sa lahat ng naging course ko ay lahat naman ay may take aways ako galing sa mga Propesor na may sinabi na sa industriyang kinabibilangan nila. Ang huling course bago ko nakuha ang pinakamamahal kong Comm ay Criminology. Estudyante ako ng dating PNP Chief Avelino Razon Jr. Sobrang strikto at talaga namang matututo ka. Hindi uso sa PCCR noon ang grace period. Kapag sinabing 8am ang klase mo, 8am mag sisimula ang klase mo.
Sa pagkokomento lagi kong pinag babasehan ang konstitusyon at hinahanapan ng butas ang batas. You heard it right! Palaging may butas ang batas na pwede mong gamiting depensa sa kahit saang hukuman. Kung tama ang theory ko, sinasangguni ko ito sa mga eksperto lalo na sa mga Propesor ko para mas maging malalim pa ang kaalaman ko dito.
Sa social media ngayon, nag kalat ang mga bida-bidang makabayan na halos punuin ang mga timeline nila ng pag batikos. Hindi ako DDS o Dilawan. Binabase ko kasi ang mga komento ko sa mga natutunan ko sa konstitusyon, batas at mga eksperto. Kapag mali ang gobyerno, babatikusin ko ito lalo na kung labag sa konstitusyon. Kapag tama ay inaaral ko ang mga naging proseso nito. Kung dapat ba silang pasalamatan, kung kanino ba nag simula ang mga Proyekto nila etc.
Wala namang mali sa pag puna, ang sa akin lang, kung pupuna naman ay yung may laman. May pinag basehan na konstitusyon at salik sa isang batas na nagpapatibay sa argumento. Karamihan kasi ng nakikita ko, magbabasa ng article sa isang news or hindi kaya opinion ng isang kilalang tao, i-interpret lamang sa sarili nila at ish-share. Hindi porket sinabi ng kilalang tao ay tama na ito, laging may batas, konstitusyon at mga guidelines na sinusunod. Nakakatawa kasi, binansagan nila ang sarili nila na mulat pero bulag sila sa pag himay ng proseso. Don't get me wrong, sumasama rin ako sa rally, lalo na kung sa school at alam kong may mali sa naging proseso. Pero never kong iki-criticize ang tao o isang organisasyon na sumusunod lamang sa itinakdang guidelines na ini-ayon sa konstitusyon.
0 notes
Text

AYOKO NAAA
Ayoko na humingi ng paumanhin kung hindi naman ako ang may kasalanan.
Ayoko nang humingi ng paumanhin ngunit hindi naman nila ako naiintindihan
Ayoko na ng mga pangako na inaabot ang dulo ng walang hanggan
At ayoko ng mabuhay sa kahihiyan
"tandaan mo yung bilin ko sa'yo, Ryan ha, mag i-ingat ka palagi at Pag tanda mo, maaalala mo ang lahat ng bilin ko kapag wala na ako"
Ito yung salitang binitawan sa akin ng aking great grandmother (Nanay Minyang) maghihiwalay lang kami nyan dahil mag babakasyon ako sa Rizal kung saan nandoon ang Nanay ng Nanay ko. Ganun nya ako kamahal.
September 11, 2004, birthday ko noon. Sinisigaw ni Nanay ang pangalan ko, nagulat ako at naliligo sya ng dugo at nakahiga sa semento. Nadulas sya dahil nabagok. Nagbago ang lahat noon, hindi na pwede magawa lahat ng ginagawa nya katulad ng paglabas mag isa at pag kakanta sa akin tuwing bagong gising ako. Unti unting nang hina si Nanay at nabulag dahil na rin sa komplikasyon sa Diabetes.
February 28, 2008
Mahina na si Nanay. Ito rin yung panahon na aalis na si Mama papuntang Dubai. Ang maiiwan sa bahay ay ang Nanay ng nanay ko na mayroong mental health disorder na kinuha ring mag aalaga para kay Nanay Minyang. (Anak ni Nanay Minyang ang Nanay ng Nanay ko)
Dito nag simula ang kalbaryo ng buhay ko. Imagine 11 years na. Galit sa lalaki ang nanay ng nanay ko, kapag umubo ang isang tao ay mumurahin nya ito at sasabihang nauulul. Malayong malayo sa nakagisnan kong pag aalaga ng Nanay Minyang at Nanay ko.
Lumipas ang maraming taon, lahat ng kahihiyan sa sa komunidad namin ay inabot ko, pinarating ko ito sa aking Ina at ilang kamag anak pero ang tanging sagot nila ay intindihin na lamang.
April 2009 or 2010 (di ko na matandaan)
Ito yung taon na nag rebelde na ako. Wala akong ibang kakampi noon bukod sa sarili ko, kapag nagkakasakit ako ay ako lamang ang tumitingin sa sarili ko. Super stress palagi sa bahay. Tinatawag akong demonyo ng nanay ng nanay ko. Umalis ako sa bahay. Tumira at nag trabaho sa tita ko sa Bulacan. Ito rin yung taon na namatay na si Nanay Minyang. Hindi ako umuwi noon ng bahay.
Until dumating ang oras na kailangan ko nang umuwi sa bahay para ipag patuloy ang pag aaral ko. Ilang taon kong tinitiis ang pag mumura sa akin at pang babastos pero hindi ako kumikibo. Wala akong mapag sabihan dahil wala namang makikinig sa akin.
Dumating sa oras na pati yung mga kapitbahay namin noon ay minumura at pinag sasabihang manyak ng nanay ng nanay ko. Ako ang nahihiya dahil may mga kaibigan ako na nadadamay na rin. Muli sinubukan kong sambitin ito sa aming mga kamag anak pero still intindihin ko na lamang daw.
Year 2020.
Wala na rin yung pinag sasabihan ko ng problema ko. Gusto ko nang sumabog. Walang aksyon ang Nanay ko tungkol sa Nanay nya. Yung nanay nya ngayon ay minumura yung kapitbahay namin pero inuutangan nya kapag wala syang pera. May kapitbahay din kami na sinasabihan nyang ulul at manyak. Dumating na sa punto na minumura ko na yung Nanay ng Nanay ko. Hindi sapat ang pag intindi. Siguro kaya rin ganito ako dahil wala akong napag sasabihan noon. Ngayon ko lang nailalabas lahat. Ang hirap kapag nagkaroon ka ng magulang na hindi ka kayang intindihin. Ang liit ng mundo ko, kung anong pakikisama ko sa kapitbahay at sya namang sinisira ng nanay ng nanay ko. Hindi rin ako makapag dala ng bisita sa bahay dahil minumura nito at nakakahiya ang mga arte nito. Biglang tatawa biglang iiyak. Inaantay ko na lang maka graduate ako at aalis na rin ako dito.
Hindi nila naiintindihan yung hirap na dinadanas ko for 11 years. Lagi na lang ako yung dapat na umintindi. Kaya sa mga kaedaran ko, h'wag nyong iiwan ang anak ninyo kung kanino. Lalo na kung meron mental health disorder. Kapag nakaka perwisyo na, ihiwalay na sa community at dalhin sa isang mental health facility.
Hindi biro ang mental health disorder, sa pananaw ko, kung nakaka perwisyo na ang mga taong ito dapat nang ihiwalay ito sa COMMUNITY.
Wala na akong mukhang maiharap sa mga kapitbahay namin. Ayoko rin syang makasama sa bahay. Ayoko maging masama, pero mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa makasama s'ya. Mas magaan din sa loob ko kung mawawala na lang sya sa mundo.
0 notes
Text

CHONGKOYLA
Isinadlak ang kasarinlan, minahal ang dayuhan
Simula pa lamang ng yugto, mag handang lumaban
Isinantabi ang pangamba kumita lamang ng barya
Panatiko ka ba? O nakikiuso lamang sa kutya?
Maaksyon ang tugon ayon sa Telebisyon
Umapaw ang luha sa gutom, mga pulitiko ay 'di matunton
Nag agaw buhay na sila, kinulong dahil naghanap ng ayuda
Aanhin mo ang Gobyerno, kung pinatatahimik ka.
Dayuhang Singkit ay namayagpag, prustitusyon at droga, Pinoy ang inilaglag
Utak ng sindikato ay nasa kanilang bakuran ngunit maliliit na Pilipino ang nakalimbag sa kanilang listahan.
Tumakbo ka at sumigaw, mag ingay kung kailangan upang mamulat ang lahat sa nakagisnang kasinungalingan
Epektibo ang paglaban kung may taglay na karunungan, lumaban ka para sa maliliit at inalisan ng katarungan.
Reyalidad ay harapin mapait man ang katotohanan, balat-kayo ang pagtulong at matagal ka nang pinaglalaruan.
Tumingala ka sa taas at hanapin ang kasagutan, masdan mo ang paligid at ituloy ang laban
Ehemplo ka kaibigan, huwag kang manahimik sa tabi, simula pa lang ng laban at tayo ay magkakasama sa huli.
Tatapusin natin ang laban ng may ligaya at katahimikan
Unti-unting gigising ang ating mga kababayan
Tutuligsain ang kasalukuyan at susugpuin ang mga naghaharian
Ating iwawagayway ang Bandilang minsan nang may pinatunayan.
0 notes
Text

PNP “Comelec Checkpoint” kuno
Comelec checkpoint pero walang representative from Comelec anong kabobohan yan?
Sa tuwing papalapit ang eleksyon dumarami ang checkpoint na kung saan ay motorsiklo lamang ang pinapara. Ito ay isang uri ng diskriminasyon sapagkat sabihin man natin na maraming krimen ang sangkot ay mga de motorsiklo hindi ba’t mas maganda kung lalong dadamihan ang mga nag iikot na Pulis? Kung may checkpoint man sana man lang ay lahat ng uri ng sasakyan ay pahintuin. Ang kanilang kapabayaan sa kanilang tungkulin ay ibinabaling sa mga naka motor upang mayroon silang masisi.
Photo Courtesy: P/Supt. Bruno
0 notes
Text

As an FEU Student, I demand a Public Apology, from the ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES.
📷 Far Eastern University
0 notes