ibonakid-blog
ibonakid-blog
ANG IBONG NAKAHAWLA
21 posts
Kami po ay mga mag-aaral ng MSU-IIT Integrated Developmental School. Ito pong blog namin ay tungkol sa mga iba't ibang Uri ng Tula at sa "Ibong Nakahawla" isang tula ni Maya Angelou, na isinalin ni Rogelio G. Mangahas. Itong blog na ito ay nag lalaman rin ng aming mga pananaw ukol sa mga isyung diskriminasyon.
Don't wanna be here? Send us removal request.
ibonakid-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
“Ang pagiging makatao ay hindi nababatay sa relihiyon, katayuan, kulay, pampulitkang pananaw, o kultura. Nakadepende ito sa kung paano mo tratuhin ang iba.”
1 note · View note
ibonakid-blog · 9 years ago
Quote
Lahat ng tao ay ipinanganak na malaya at may pare-parehong dangal at karapatan. Sila’y binigyan ng budhi at ng kakayahang mag-isip at dapat makitungo sa isa’t isa sa espiritu ng pagkakapatiran.
Artikulo 1 ng Pandaigdig na Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao.
0 notes
ibonakid-blog · 9 years ago
Text
Ginamit Nya’y gintong pluma ng buhay,
At isinulat bawat kapalaran, bawat isa
S’ya mismo humubog, nagmolda at nagkulay,
Mabuo lamang Kanyang natatanging obra maestra.
Mula sa abo, tayo’y nanggaling,
Pero bawat isa’y may kakayahang angkin.
Nag-iisa, naiiba, walang kapareha,
Kaya walang puwang ang panghuhusga.
Pantay sa kanyang paningin, pantay sa Kanyang damdamin.
Minahal Niya, tinanggap, at hindi inilihim.
Sapagkat gawa N’ya ito ng puso at ang isang mithiing,
Mabigyang buhay ang mundong walang kulay’t madilim.
Anumang kasarian, lahi, anumang kulay
Bigyang respeto, ibang obra sa mismong gumawa sa’yo
Magmahal at panatilihin pagkakapantay-pantay
Galangin ang iba; bilog ang mundo.
                                                                                                 -Jerome Aparri
0 notes
ibonakid-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
ibonakid-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
“There is no greater agony than bearing an untold story inside you.” - MAYA ANGELOU
Walang mas bibigat pa sa damdaming hindi mo maisabi ninuman.
0 notes
ibonakid-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Ganito na ang nangyayari sa mundo ngayon. Relihiyon o paniniwala at kasakiman sa kapangyarihan ang mga madalas na dahilan kung bakit humantong sa digmaan ang mga iba’t ibang bansa. Dapat itigil ang diskiriminsyon upang maabot natin ang kapayapaan dahil tayo din lang naman ang gumagawa ng sarili nating gulo.
0 notes
ibonakid-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Hindi hadlang ang kulay ng ating balat upang sabihing tayo’y pantay-pantay sa halip na isa lamang ito sa mga katangiang magagamit natin para maipakita kung sino ka talaga.
0 notes
ibonakid-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Ang tao ay tao. Bakit kailangan pa natin silang idiskrimina kung sila’y naiiba sa atin?
0 notes
ibonakid-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
“BURAHIN ANG DISKRIMINASYON SA LAHI, RELIHIYON, AT KASARIAN!”
Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa racism, prejudice at diskriminasyon?
Ang unang bagay na dapat maunawaan sa paksang ito ay: mayroon lamang iisang lahi – ang lahi ng tao. Caucasians, Africans, Asians, Arabs, Jews, at iba ay hindi maitututring na magkakaibang lahi. Sa halip, sila ay magkakaibang grupo ng lahi ng tao.
Ang lahat ng tao ay mayroong magkakahalintulad na pisikal na katangian ( na mayroong maliit na pagkakaiba-iba). Pero ang pinaka-importante, ang lahat ng tao ay nilalang ng naaayon sa imahe ng Diyos (Genesis 1:26-27). Mahal ng Diyos ang buong Sanlibutan (Juan 3:16). Ibinigay ni Hesus ang Kanyang buhay para sa lahat ng tao sa mundo (1 Juan2:2). Ang salitang “buong mundo” ay nangangahulugang lahat ng tao anumang grupo ang pinagmulan nito.
0 notes
ibonakid-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Tayo ay uhaw sa kalayaan at pagkakapantay-pantay. Matagal na natin itong ninanasa ngunit hindi natin magawa nang dahil sa ating mga negatibong pag-iisip at mapapait na damdamin. Kaya hanggang ngayon, tayo ay patuloy na nakakulong at umaawit sa ating mga hawla.
2 notes · View notes
ibonakid-blog · 9 years ago
Text
”Ang tao'y tao, anuman ang kulay ng kanyang balat at anyo… Ating igalang ang karapatan niya’t nananalaytay na dugo. “
0 notes
ibonakid-blog · 9 years ago
Text
Diskriminasyon
Bakit hanggang ngayon ay naririto pa rin ang diskriminasyon? Bakit hindi matapos-tapos ang isyung ito?
Lahat tayo ay tao. Lahat tayo ay gawa ng Poong Maykapal. Hindi dahil ang iba sa atin ay kulay itim, maputi o kayumanggi ay hindi na sila nararapat pahalagahan at irespeto. Alalahanin na tayong lahat ay mga anak ng Diyos; at tayong lahat ay may maiaalay para sa ating kapwa.
0 notes
ibonakid-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Ang Ibong Nakahawla (I Know Why The Caged Bird Sings), isang talambuhay na isinulat ni Maya Angelou. Ito ay tungkol sa kanyang karanasan noong siya’y bata pa’t nakaranas ng diskriminasyon dahil siya’y isang African-American. Dito niya inilabas ang kanyang saloobin ukol sa mga isyung diskriminasyon dahil sa relihiyon, kulay at lahi, kasarian, o kapansanan. Naging New York Times best-seller ang librong ito at minulat ang mata, isipan, at puso ng mga tao.
0 notes
ibonakid-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
Mga ibang obra maestra ni Maya Angelou maliban sa “Ang Ibong Nakahawla” na nagbibigay ng malakas na mensahe at motibasyon din, kagaya ng “On the Pulse of Morning” na ang tulang binigkas niya sa inagurasyon ni Pangulong Bill Clinton noong 1993 at nagpanalo kay Maya ng Grammy Award para sa husay ng pagkakabigkas sa nasabing tula.
0 notes
ibonakid-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media
MAYA ANGELOU (1928-2014), ang babaeng nasa likod ng librong “I Know Why the Caged Birds Sing”, ang obrang “On the Pulse of Morning”, at ang ang tulang, “Caged Bird” o “Ang Ibong Nakahawla”. Siya ay isang African-American na naging mahusay na at iginagalang na makata, manunulat, artista, mang-aawit, at aktibistang nagtaguyod sa karapatang sibil. Isang kahanga-hangang babae. 
0 notes
ibonakid-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
Uri ng Tulang Patnigan (Justice Poetry)
a.) Karagatan - Isang paligsahan sa tula na kalimitang nilalaro sa mga luksang lamayan o pagtitipong parangal sa isang yumao na bago paman dumating ang mga espanyol at ginaanwa nan g ating mga ninuno. Ito ay binubuo ng mga saknong na may apatang taludtod at labindalawang pantig. Sinasabing ito  ay higit na mainam kaysa sa duplo sapagkat ito ay nag-aangkin ng malulundong talinghaga at malalim na palaisipan.
 b.) Duplo - Ito ay pagtatalo rin na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkas. Ang mga katuwirang hango sa mga salawikain, kawikaan, at kasabihan. Pinasisimulan ang paligsahang ito sa pamamagitan ng pag-usal ng isang “Ama Namin,” isang “Aba Ginoong Maria,” at isang Rekymeternum para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan.
 c.) Balagtasan - Sa isang pulong na dinaluhan ng mga makata sa Instituto de Mujeres sumilang ang uring ito ng panulaang Tagalog. Si Jose Corazon de Jesus ang kinilalang unang Hari ng Balagtasan. Ang kauna-unahang balagtasan ay pinaglabanan ng mga makatang sina Jose Corazon De Jesus at Florentino T. Collanes na may paksang “Paru-paru at Bubuyog.”
 d.) Batutian - Bilang pagpaparangal sa yumaong Jose Corazon De Jesus ay sumilang ang isang bagong anyo ng tulang patnigan noong taong 1993 sa mga dahon ng Magasing Batutesa sa panulat at panukala ni G. Fernando B. Monleon na katulong na patnugot noon ng nasabing magasin. Ang pangunahing layunin nito ay makapagbigay-aliw sa mga nakikinig o bumabasa sa pamamagitan ng katawa-tawa ngunit malatotoong mga kayabangan, panunudyo, at palaisipan.
,
0 notes
ibonakid-blog · 9 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Uri ng Tulang Dula
a.) Tulang Dulang Mag-isang Salaysay (Dramatic Monologue) - Isang tao lamang an gang nagsasalita mula sa simula hanggang sa katapusan ng dula. Halimbawa ay ang “My Last Duchess” ni Robert Browning.
b.) Tulang Dulang Liriko-Dramatiko-Taglay nito ang kawilihan sa mga kalagayan, kilos, at damdaming ipinahahayag sa pamamagitan ng mga salita ng taong kinauukulan. Ito rin ay nagbibigay naman ng tuon na mailantad ang mga damdaming nakapaloob sa mga pangyayari. Halimbawa ay ang “Ang Pagbabalik” ni Jose Corazon de Jesus.
c.) Tulang Dulang Katatawanan (Dramatic Comedy) - Ito ay nasusulat sa pamamaraan at paksang-diwang kapwa katawa-tawa; may mga tauhang ang mga papel na ginagampanan ay nakalilibang; at nagtataglay ito ng isang masayang pagtatapos. Halimbawa ay ang “Old Comedy” ni Aristophanes.
d.) Tulang Dulang Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy in Poetry) -  Tumatalakay ito sa pakikipagtunggali at pagkasawi ng isang pangunahing tauhan laban sa isang malakas na higit na makapangyarihan tulad ng tadhana.  
e.) Tulang Dulang Madamdamin ( Melodrama in Poetry) - Ito ay anyo ng isang dulang patula na naglalarawan ng galaw na lubhang madamdamin at nagtataglay  ng nakasisindak na pangyayaring higit sa karaniwang mga karanasan ng isang normal na tao. Halimbawa ay ang Annabel Lee ni Edgar Allan Poe.
d.) Tulang Dulang Katawa-tawang-Kalunos-lunos (Dramatic Tragi-comedy in Poetry) - Ito ay naglalarawan ng isang kalagayang katawa-tawa at kalunos-lunos.
e.) Tulang Dulang Parsa (Farce in Poetry) - Ito ay isa pa ring anyo ng tulang dula na ang itinatanghal ay mga pangyayaring lubhang katuwa-tuwa. Halimbawa ay ang “The Vanity of Human Wishes” ni Samuel Johnson.
0 notes