Tumgik
imerrorman · 9 years
Text
Forever?
Saan ba makikita ang forever? Kanino ba makikita ang forever? Sa taong panget ba? Sa taong maliit? Sa maiingay? Sa iyaken? O sa taong nandiyan hanggang dulo para sayo at hindi ka susukuaan? Maraming kailangang gawin at patunayan kung may forever ba talaga. Baka nga dinadaan-daanan nalang natin sila o baka naman nariyaan na siya pero pinipilit parin nating nilalabas at tinataboy sa ating buhay. Pero bakit pa silang kailangang layuan? Hindi pa ba sila sapat? O baka naman mas masaya ka kapag wala siya o mas nakakahinga ka kapag wala sila o baka rin naman mas gusto mo pa manuyo at makasama ng iba pa. Pero kung susundin natin ang puso natin at hindi magpapaakit o magpapaapekto sa ibang tao. Tiyak ang forever ay magiging totoo. Pero nasa sa atin na iyon kung paano mapapatunayaan ang forever. Hindi makikita yun sa tagal ng panahon, sa edad, sa itsura, o sa personalidad ng isang tao bagkus sa pagmamahalan ng dalawang tao kung gaano ito katibay at katatag kahit mag away gabi-gabi ay hanggang dulo ay hindi nag sasawa sa isa't-isa at patuloy mahalin ang isa't-isa.
0 notes
imerrorman · 9 years
Text
Wikang Filipino, tungo sa pagkakaisa
Sa isang lugar na may nakabibinging katahimikan, ay may tila unti-unti akong narinig na huni ng mga ibon. Marahil, sila’y may iisang damdaming isinasambit.  Iisang komunikasyon, iisang emosyon at iisang ekspresyon na tanging sila lamang ang nakaiintindi. Ngunit sa pagkakataong iyon, napagtanto ko na sa bawat pakatal o kahit ano mang uri ng tunog, muestra at kataga ay kaakibat ng isang wika. Nalaman ko na sa bawat pinagbuklod-buklod na diwa ay katumbas ng isang matatalinhagang salita. Isang pagkukrus ng dila ang di nawawala sa bawat pagdampi ng ating mga labi sa ating bawat salita.                Bilang isang makabagong Pilipino, masasabi kong ang ating sariling linggwistika ay may malaking kontribusyon sa pagpapaunlad ng ating globalisasyon. Sapagkat naniniwala ako na ang bawat mutyang ating ginugunita sa bawat komunikasyon ay isang parte at resluta ng kasaysayan na di natin kailanman mababago. Hindi natin maiiwasan na sa bawat wikang naipalalaganap natin ay isang epektong di mabubura sa hinaharap. Kaya naman, kung magkakaroon tayo ng iisang mithiin at lunggatiin upang maisulong ang patuloy na paggamit ng wikang Filipino, ay paniguradong maabot natin ang rurok ng pagkakaisa. Sapagkat sa bawat palawakan ng isip at palitan ng paniniwala, ay isang liping bumabalangkas sa isang hangaring di mapipigil. Naniniwala ako na kung magagamit natin ang wika bilang isang kasangkapan tungo sa malaking pundasyon ng isang bansa, magiging epektibo ang pagmulat ng sanlibutan sa sangmaliwanag na di tataluntong sa magandang kinabukasan. – Kinabukasang puno ng kalayaan, karapatan, kasiyahan, pagmamahalan at kaisahan lalo na sa kaisipan.
               At tulad ng mga huni ng ibong aking narinig, ang Wikang Filipino ang ating huni bilang isang nagkakaisang lahi. Kung maiintindihan natin ang bawat isa, di mawawala sa ating mga anino ang kapatiran at pagkakaisa. Dahil tulad ng isang punong dalisay sa buhay, ang wika ay mapamumuguran din ng maraming kulay kung ang bawat isa sa atin ay bubuklod sa isang pangarap na mapaunlad ang ating kinagisnang wika.
0 notes
imerrorman · 9 years
Text
Oras na, tayo na!
Sa bawat magkakaibang kasarian, katauhan, anino at pagkatao sa sanlibutan, katumbas nito ang iba’t ibang paraan, papel at pagkukrus ng mga dila sa lipunan. Ang bawat pangungusap na kumakalansing ay sumusulak na parang dagat, lumalatag na parang apoy sa ulap at tila isang mutyang nagpapasalin-salin sa alapaap. Iisang linggwistika ang kanilang inuusal at iisang wika ang sa puso nila’y bumubukal. Iisang kasankgapan sa balagtasan ang kanilang idinidikit; Wikang Filipino! Ito ang pinagpupuyos sa di napapaos na paraiso. Ito ang nag-aalab sa baying handang magkaisa at matuto.                Mapagpunyagi ang taong marunong tumangkilik sa kanyang sariling wika. Ngunit makatang higit ang taong dumidilat sa pagkakaisa gamit ang wikang kinagisnan niya. Habang bumabalangkas ang panahon, sumasang-ayon ako na ang bawat isa sa atin ay may nakatakdang panulat – Panulat na magiging sandata ng lahat upang mapalgo ang espasyo sa mundo ng panitikan. Isang pluma na maaring maging sangkap sa pagapalawig ng Wikang Filipino. Ang mga makakapal na salansan ng mga sulat at tula ng isang aklat o ng bawat panitikang nilalapat sa bawat pagdampi ng panulat ay isang paraan upang magpakampay ng tintang makabayan sa ating sanlibutan. At ang bawat katagang tinatangkang paagusin sa karagatan ng karunungan gamit ang pinaglabang linggwistika ng ating mga dalubhasa ay isang pundasyon sa paulit-ulit na pagpapalawak sa sandaigdig ng mga maaring kapitan ng pagkakaisa. Dahil tulad ng isang puno na walang lihim at bunga, kagaya ng isang balon na walang tubig at ng isang gitara na walang bigting, katumbas nito ang lipunan na walang wika. Ito ay walang saysay at walang kabuluhan. Ika nga nila, “Walang Pilipinas kung walang wika.” Kaagapay nito, naniniwala ako na ang bawat isa sa atin ay dapat matutong huwag makalimot sa kaluluwang maka-Pilipino. Sapagkat ang unang hakbang tungo sa pagkakabuklod-buklod ay ang pagkakaroon ng pang-unawa sa bawat isa di lamang sa ating mga ikinikilos kundi sa pananalita. Kug magkakaroon ng magandang ugnayan sa komunikasyon at iisang layunin na payabungin ang wikang Filipino, naninindigan ako na ang ating mithiin na maging malaya at Masaya ay matatamo sa mundong walang kapantay.
               Tumatagktik ang pagkakataon at mapapagtanto natin na di lahat ay kailangang magsabog ng alingasaw sa landas ng masamang loob. Ang bawat isa ay may karapatan bakliin ang panulat na  kung saan ang katas ng bayan ay daraing sa mga bawat maling paggamit nito. Kung mamumuhay sa ating damdamin ang pagkakaisa at kung malaya tayo sa pag-iimbot, ang bawat isa satin ay magkakaroon ng panulat na makakyanang madurog ang mga kaisipang sa baya’y nagpapalubog.  Tulad ng bawat manunulat na ginagamit ang dunong sa pagpapahayag ng lunggatiin, bilang isang ordinaryong Filipino, tayo ay may kakayahan ring tumaglay ng isang matulis na panulat na may kapasidad upang puksain ang mga nagpapabula sa ating sagatang dibdib.
1 note · View note
imerrorman · 9 years
Text
Mundong walang tawad
Hindi marahil naiintindihan pa ng mga tao ang totoo ng ibig-sabihin ng “kaibigan”. Maari nilangsabihin na ang kaibigan ay iyong dumaramay saoras ng kagipitan, o kaya nama`y yaong sumisigabo sa oras ng kadakilaan. Maariri na ang isang kaibigan ay yaong mapagbigay at matulungin lalo na sa pinansiyal na aspeto o maari ring   mong nakakasama. O maari naman doon sa hindi pa namumulat sa katotohanan sa mundo ,ang kaibigan ay iyong gagawin ang lahat para sa iyo. Ngunit ,masasabi ba nating alam natin ang lahat? Lahat ng kanilang guni-guni ,nilay-nilay at mga pananaw? Alam ba natin lahat ng kanilang ginagawa`t sinasabi kungtayo`y nakatalikod? Nakasisiguro ba tayo na kaibigan natin sila ,palagi? At kung hindi man sa mga kaibigan, nakasisiguro ba tayo na ang mga tao sa paligid natin ay hindi tayo pinagiisipan ng masama? Walang makatitiyak.
               Sa mundo ngayon punung-puno ng kasakiman, kataksilan , at inggit , wala nang maaring mapagkakatiwalaan.Siguro ang ating mga magulang at kapatid, at ang sarili. Ngunit aminin natin na maging tayo`t sila`y nagkakaalitan din. Bakit? Marahil sa inggit, sama ng loob at kadalasa`y katigasan ng ulo at hindi paggalang. Hindi lang saganitong sitwasyo nito maipapamalas ,kundi pati na rin sa kalikasan. Maging ang ating kapaligiran ay hindi sa lahat ng oras ay dumaramay sa atin. Maraming beses tayong sinasagupa ng kapaligiran katulad na lamang ng mga bagyo, lindol, pagsabog ng pagbulkan at marami pang iba. Sa sitwasyon naman ng gobyerno, may mga kaguluhan ring nagaganap. Isa nadito ang mga malawakang demonstrasyon ng mga rallyista at maging sa simpleng magkakaibigan o iyong magkasintahan din, may pag-aaway na nangyayari na nagsasanhi lamang sa tsismis ,inggit , o kaya`y panibugho. Sa ganitong mga halimbawa, masasabi pa ba natin na tayo ay dapat magpakasiguro? Dapat ba tayong magbigay ng tiwala nang ganoon-ganoon lamang? Dapat ba tayong magsiwalat ng ating buhay sa kahit kaninong kaibigan?
               Hindi sa lahat ng pagkakataon ,ang ating mga kaibigan ay ating kaibigan. Hindi mali ang pagtitiwala sa isang kaibigan ngunit marapat lamang nakilatisin sila nangmabuti, hindi sa aspetong pinansiyal o pisikal, kundisa personal at moral. Huwagrintayongpakatitiyaksapakikipagrelasyon ,sapagkat dapat nating siguruhin na ang taong ating sasalamuhain sa habambuhay ay karapat-dapat na bigyan ng buong pagtitiwala. Tandaan na walang lugar ang mundo para sa mga taong hindi kritikal sa pagiisip at pamimili sapagkat walang pinapatawad ang mundongito. Maging ang pinakamabait na santo ay nagkaroon rin ng mga kaalitan. Ang kinakailangan ng mundong ito ay yaong taong marunong sa takbo ng buhay. Isa ka ba doon?
0 notes
imerrorman · 9 years
Text
Pag-Ibig; Sa Pag-ikot ng Mundo
"Pag-Ibig". Sa katagang iyan, ano ang pumukaw sa iyong isipan? Maraming konsepto ang pag-ibig. Nasa sa iyo kung paano mo ito bibigyan ng saysay. Isa itong malawak na salita at nakadepende iyon sa tao kung paano niya lalagyan ng kabuluhan at kahalagahan ang paksang ito. Kung tatanungin mo ang isang inosenteng bata ng maaring maging ibigsabihin ng pagmamahal para sa kanila, paniguradong makakakuha ka ng samu't saring kasagutan.
                         Noong bata ka, ang tanging alam mo lang sa pagmamahal ay sa tuwing kakain kayo ng pamilya mo nang sabay-sabay, na may pinagsasaluhang isang buong manok at ibibgay sa'yo ng mga magulang mo ang pinakamagandang parte. Simpleng pagmamahal na sa'yo ang eksenang, sa tuwing gigising ka sa umaga at madadatnan mong nagtitimpla ng kape ang nanay mo para sa tatay mo. Pero, habang lumalaki ka, nag-iiba ang basehan at prinsipyo mo sa pagmamahal. Dahil ngayong matanda ka na, ang dati mong kaisipan ay mas namulat pa sa isang reyalidad. Pag-ibig para sa'yo ang katumbas nang masaktan. Mga pangyayaring maghihintay ka ng tamang tao para sayo, tulad ng pag-iintay ng mga prinsesa sa mga libro. At kapag nahanap mo na ang taong iyon, kailangan mo nang tanggapin ang katotohanan na dapat handa kang harapin ang mga problema na may kaakibat na kalungkutan. Hindi ito magiging alintana, kung handa lamang kayong lumaban. Dahil alam mong kulang ka, pag wala siya. At kung tunay ngang para kayo sa isa't isa, hinding-hindi mauuso sa inyo ang mga salitang, "nagsasawa na ako, pagod na ako." Sapagkat ang pagmamahal ay ang pakiramdam ng nasa langit. Magiging kasing saya mo ang mga anghel na para bang ang kulang mo na lamang ay ang sinag mo sa ulo at ang mga pakpak mong makakapagpalipad sa'yo sa tuwa, ligaya at galak. Ito ay ang pakiramdam ng nasa isang magarbong kaharian at ikaw ang prinsesa na ang tanging kulang mo na lamang ay ang korona. Ngunit sa kabila ng inyong kasiyahan, tulad ng pagsinag at pagsikat ng araw, hindi niyo maiiwasang unti-unting papatak ang ulan. At sa pagkakataong ito, tanging ang payong ninyo ng pag-ibig lamang ang inyong magiging pansalag. Malalman niyong, sa lahat ng pagkadarapa niyo at sa bawat pag-ikot ng mundo, ang pagmamahalan niyo lamang ang tunay na mananaig.  
                         Kung wala ka pa sa yugtong ito ng buhay mo, kung saan hindi mo pa nahahanap ang  para sa'yo, tiwala lang. Dadating ka rin sa punto at antas ng buhay mo, kung saan mas gugustuhin mo nang marinig ang salitang "kayo" at 'tayo". At mas pipiliin mo na ring makipagsapalaran sa mapaglarong kapalaran, dahil alam mong sa pag-ibig, kahit alam mong masakit, laging sa bandang huli, ay may taong patuloy na makikinabang
0 notes
imerrorman · 9 years
Text
Paano na ang kinabukasan, sa kamay ng Pamahalaan?
“Nasaan nga ba ang tunay na pagbabago?”, iyan ang isinisigaw ng aking munting puso. Simula nang mamulat ako sa mundong ito ay di ko pa kailanman nasilayan ang totoong liwanag ng progreso sa bansang ito. Di ba nila napapansin na ang lupang ginagalawan natin ay umiiyak para sa simpleng pag-angat at pag-unlad?
                Napakaraming pinuno na sa bansang ito ang nagdaan. Mga pinunong nangako para sa ikabubuti ng bansa. Pero tila napansin kong kulang sila sa gawa. Dumako tayo sa salitang “kahirapan”. Isang karaniwang salita ngunit may malawak na usapin.  Kung iisipin, ay napakarami nang mga lider ang nagsasabi na sosolusyunan nila ang problema ng bansa pagdating sa kahirapan. Ngunit kung susumahin natin, makikitang lalo lang lumalaki ang suliranin ng bansang ito sa ganitong usapin, taon-taon. At kung tatanungin kita ngayon, sa tingin mo ba ay kakailanganin pa ng ating mga kababayang Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa para tustusan ang pamumuhay ng kanilang pamilya kung maunlad naman ang Pilipinas? Malamang ay Hindi. Maliban sa isang kadahilanang nagkakahiwa-hiwalay ang mga Pilipino sa kani-kanyang mga pamilya, ay nais ko ring ipabatid ang pagbaba ng ekonomiya. Kung halos lahat na lang ng mga Pilipino ay maglilingkod para sa ibang bansa, sino pa ang matitira para sa tinubuang Pinas? Hindi ba’t isa itong kahihiyan para sa lupang sinilangan? O, Kahirapan, mistulang epidemya sa nagbabagong lipunan.
                Ang teknolohiya, siyensya at modernong industriya ay ang mga bagay na halos nagpapagana sa makabagong henerasyon. Kasabay ng pag-unlad ng mga bagay na ito ay tila nakakaligtaan na ng pamahalaan ang pagdiskubre sa pagkitil ng karukhaan. At habang abala ang lahat sa mundong ginagalawan nila ay unti-unting namang humahanap  ng paraan ang mga  maralita upang maabot ang kasaganahan. Ngunit bakit sila ang tumutuklas sa bagay na ito, samantalang andiyan ang gobyerno at nagpapatakbo ng mundo? Wala ka bang napapansin? Sa usaping industriya, ang mga kamay natin ay may pinapatakbong makina, ngunit sino ang nakikinabang? Hindi tayong manggagawa kundi ang mga kapitalista. 
                Kawawang lipunan, mistulang napagiiwanan. Progreso raw nito’y magdudulot ng kaliwanagan. Mga solusyon sa kaginhawaan, ako’y nalalabuan. Pangako ng gobyerno ang pag-asang umulad, isang bagay na pinanghahawakan ng buong sangkatauhan. Mga lider ng bansa, nawa’y magising din sa katotohanan, na ang bansang ito ay humihingi ng katarungan.
0 notes
imerrorman · 9 years
Text
Nauubos Ang Oras, Pero, Para Saan Mo Ginuguguol Ang Bawat Segundo?
May mga bagay na alam naman nating masama, pero mas pinipili nating gawin. Mga bagay na alam naman nating walang maidudulot na mabuti sa iba, pero mas ginusto pa rin nating sundin. Kadalasang mag-away ang konsensya ng isang tao. Batay sa kung anong gusto niya laban sa kung anong kailangan niya. Sa ngayon, may mga taong nabubuhay sa mundo, na kahit alam nilang mali na ang paninindigan nila, ay walang nang kakayahan pa para itama ito. Dahil kailangan nating mamulat sa katotohanan na ang lahat ay nasa control ng bawat isang nilalang.
Ang buhay ay parang isang domino. Bawat kilos at galaw mo, ay makakaapekto sa iba. Hindi lang sa mga taong nasa paligid mo, kundi sa magiging takbo ng kapalaran mo. Lahat ng bagay na itututgon mo sa bawat pag-ikot ng mundo ay ang magiging kinabukasan mo. Lahat may ibig-sabihin. Lahat lalagyan ng kahulugan. Dahil, lahat bibigyang kabuluhan at importansya. At ang bawat oras na bubunuin mo sa mundong ito ay dapat magkaroon ng saysay. Sapagkat lahat ng maiiwan mong marka, ay magkakaroon ng epekto sa iba. Nasa sa iyo ang desisyon kung sa papaanong paraan mo gustong maging ehemplo. Ikaw ang mamimili kung saang panig mo gustong makilala. Sa mukha ba ng isang taong mas pinipili ang dapat o sa mukha ng isang taong mas yayakapin ang kasiyahan dahil sa pansarili niyang pangangailangan? Bilang isang mabuting mamamayan, dapat alam natin kung anong dapat isabuhay. Habang lumalaki tayo, mas lumalaki rin ang nalalaman natin sa isang bagay. Mas lumalaki ang posibilidad na makaimpluwensya tayo. At kung may mga bagay tayong nagawa na hindi naayon sa isang progreso ng reyalidad, may pagkakataon pa naman para baguhin ito. Mas mabuti nang itama ang lahat kaysa sa patungan pa ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Mas masayang mabuhay nang walang iniintindi. Mas masarap matulog nang walang iniisip. Mas masarap rin humilik sa gabi nang walang pinoproblema.
Bago ko tapusin ang nais kong ipahayag sa sulating ito, nais kong balikan ang simbolismo ng buhay bilang isang domino. Lahat ay nakakahawa. Pero, hindi pwedeng lahat tayo ay magpapahawa. Kung mas matimbang ang kamalian sa karamihan, wag mo nang dadagdagan pa. Kung mahaba na ang linya nila, wag mo nang susundan pa. Hindi dahil sa isanlibong tao ang nagsasabi na gawin natin ang kasalanan, ay magpapadaloy na tayo sa sitwasyon. Ang kasalanan ay kasalanan. Di dapat ito ginagawa. Pakatandaan lamang na lahat tayo ay dapat matutong manindigan sa katwiran. Kung mas papairalin natin ang pagiging makatao, mas madaling mapagtatagumpayan ang lahat.
0 notes
imerrorman · 9 years
Text
Sistemang Kaunlaran Katuwang Ang Mga Manggagawa
Habang abala ang bawat tao dito sa mundo, may mga Pilipinong nakikibaka para sa isang obhetibong progreso. Maririnig mo na ang bawat isa sa kanila'y may binubulong na mga kuro-kuro. Mga malawakang damdaming pulitikal, kultural, ideolohikal at pang-ekonomiko. Sinusulong nila ito, upang buhayin ang makatarungang konsepto ng paggawa. At ang mga indibidwal na nasa likod ng mga aninong ito ay ang mga, "HUWARANG MANGGAGAWA."
         Mahaba ang pakikibaka ng mamamayan upang ipaglaban ang isang makabayan, makamasa at siyentipikong lipunan.  Kaya naman, hindi mawawala ang tinig at malawakang kilusan ng mga manggagawa upang magsilbing interes ng mga mamamayang Pilipino. Malaki at malawak ang naipupundar nila sa ekonomiya ng bansa, dahil kung wala sila, paniguradong tutumal ang pagkilos at pag-unlad ng pagbabago sa indutriyalisasyon. Hindi mahalaga kung mataas o mababa ang katungkulan mo sa isang maderong industriya. Dahil mas kapaki-pakinabang na bigyang kabuluhan, ang mga bagay na ginagawa mo para umunlad ang pagbabago. Marahil ang iba'y di napapansin ang mga pangyayaring ito. Sapagkat may mga taong nananatiling bulag pagdating sa isyung, "Sino nga ba ang tunay nagpapatakbo ng mundo?" Ito ang mistulang epidemya ng nagbabagong lipunan. Mas naririnig natin ang mga boses ng mga may posisyon sa ating mundong ginagalawan kaysa sa mga taong walang gaanong kapangyarihan. Tila nakakalungkot ang kaisipang ito. Sapagkat, kahit mamaos sila sa kakasigaw na mawala ang nakagapos na ideolohiyang ito, mananatili pa ring bingi ang mga tao sa mundo.  Tigilan na ang paglilinlang sa sariling alingawngaw patungo sa isang senaryong, "Mas may pakinabang ang mga nasa itaas." Sapagkat lahat naman tayo'y pantay-pantay lamang sa lipunang ito. Hindi mahalaga kung anong antas mo bilang isang manggagawa, ang mas mahalaga ay kung paano mo mababasa at maiintindihan ang kahulugan ng, "serbisyo."
             Sa puntong ito, nakakabagabag ang dumating sa yugtong mawala na rin ang sentral na halaga ng mga manggagawa sa panlipunang pagbabago. Dahil unti-unting umiiral ang Marxismo. Nawa'y magising na sa katotohanan ang bawat mamamayan na ang kalinangan ay kapwa ring nasa sangkatauhan. Mas bigyan natin ng saysay ang inihahain ng masa upang makibaka sa imperyalistang dominasyon at pyudalismo. Kung magtutulong-tulong tayo, at maisasantabi natin ang mga "antas" ng pagiging manggagawa, paniguradong magiging isang malaking hakbang ito sa kaunlaran ng bansa. 
0 notes
imerrorman · 9 years
Text
Handa ka bang magpakatao?
Isa, dalawa, tatlo o higit pa, maraming beses tayong magkakamali. Maraming beses tayong madarapa. May mga bagay tayong magagawa kahit alam nating hindi tama. Mga bagay na minsan mas pinipili nating sundin kaysa sa ikabubuti natin. Madalas tayong manimbang kung ano ang mas gugustuhin natin. Sa landas ba ng pagbabago at pagpapakatotoo? O sa landas ng mga taong wala namang napatunayan sa mundo?
 Habang lumalawak ang ating kaisipan bilang isang tao, mas dumarami ang kaalaman natin sa mundo. At sa bawat pagpatak at pagtakbo ng oras, unti-unti tayong nahuhubog sa daigdig na mapaglaro. Sapagkat, ang bawat pagkilos na gagawin mo ay magmamarka sa iyong buong pagkatao. Lahat ng bubunuin mo ay magkakaroon ng epekto. Hindi ko sinasabing kailangan mong maging perpekto, dahil sa buhay na ito ay palaging may kaabkibat na mga bagay na susubok sa iyo. Hindi ko rin sinasabing bawal ang magkamali, dahil alam kong palaging may puwang ang pag-asang magbago. Ngunit, upang maging isang kapaki-pakinabang na tao, kailangan mo ng matalinong pagpili para sa iyong progreso. Ikaw ang magmamaneho ng manibela tungo sa kapalaran mo. Ikaw ang maghahawak ng alas ukol sa kung anong klaseng tao ang gusto mo. At ikaw rin ang gagawa ng sarili mong tadhana na gusto mong kahinatnan dito sa mundo. Dalawang bagay lang ang iyong pagpipilian. Doon ka ba sa mukha ng isang taong mas pipiliin ang tama at dapat o sa mukha ng isang taong mas gugustuhing gumawa ng masama at di kayang maging sapat?
 Naiintindihan kong bilang tao, hindi mo maiiwasang magkamali sa mga bagay na tatahakin mo. Sapagkat, naniniwala akong lahat tayo ay may tanikalang nakagapos sa ating pagkatao. Isang tanikala kung saan nagbubuklod sa ating mga kamalian at impluwesya ng pagkalito. Ngunit, alam kong lahat tayo ay may kakayahang makalaya sa pinto ng sitwasyon na ito. Hindi dahil sa isanlibong tao ang nagsasabi sa atin na gawin natin ang isang bagay ay magpapadaloy na tayo sa agos na tumatangay. Hindi tayo mangmang upang magpaimpluwensya pa sa mga bulung-bulungan ng kasinungalingan at kasamaan. Nararapat lamang na balansehin ang ating lipunan. Matuto tayong manindigan sa tamang katwiran. Dahil kung mas papairalin natin ang pagiging makatao, tiyak na mamumulat ang mundo sa tamang pagbabago.
0 notes