Tumgik
imnoonesworld · 5 years
Text
New means of Consumption
Sa paglipas ng panahon, dumarami ang pangangailangan ng mga tao sa pang araw-araw na pamumuhay. Nagbago ang mga prayoridad ng mga tao sa bagay na ating binibili. Dahil sa pagbabago na ito, nagbago rin ang paraan ng pagbibenta ng mga bilihing ito upang iayon sa pagbago ng panahon. Nagpapatunay dito ang mga bagong pamilihan gaya ng mga ‘mall’. Kung dati ang tiangge ang pamilihan ng mga tao, ngayon sa mga ‘mall’ na namimili ang mga tao. Kung dati kailangan pang pumunta ng mga tao sa library upang mangalap ng kaalaman sa mga libro, ngayon kahit hindi na umalis sa mga bahay dahil makukuha mo ang aklat na gusto mo’ng basahin gamit ang Internet. Kumpara din sa dati, mas mabilis ang produksyon ng mga produkto ngayon dahil sa mga makabagong teknolohiya at kagamitan kaysa noon.
Nilikha ang mga lugar at paraaan na ito upang tapatan ang tuloy-tuloy na pagkonsumo ng mga tao pati na rin ang pagdami ng mga mamimili. Patuloy pa na nagbabago ang mga paraan na ito dahil sa inobasyon sa ating panahon. Ang mga pagbabagong ginagawa ay parating nasa pabor ng mga mamimili, ginagawa nila ito upang mas mapadali ang pamimili ng mga tao. Ang ibang halimbawa nito ay ang online shopping sites kung saan hindi na kailangang pumunta sa mga pamilihan upang bumili. Isa pang halimbawa sa pagbabago ng pag konsumo ay ang mga pagbabago sa paglalaro, dati ang mga bata ay naglalaro sa kalsada o sa mga parke ngunit ngayon mas nasanay na silang mag laro sa computer, cellphone at iba pang uri ng teknolohiya, isa ako sa magpapatunay sa mga pagbabagong ito.
Mas tinatangkilik ito ng mga tao ngayon dahil masmabilis nilang makamit ang kanilang mga gusto at natutupad gamit nito ang mga bagay na kanilang minimithi. Gaya na lamang ng pagkahilig ng mga tao ngayon sa mga larong gumagamit ng kapangyarihan, sa pamamagitan ng mga larong ito, nakakamit nila gusto nilang mangyare gaya ng pagkakaroon ng kakayahang lumipad at iba pa na sa mga panaginip at imahinasyon lang nila nakakamit. Mayroon ngayong sumisikat na paraan ng paglalaro na kung saan ikaw mismo na naglalaro ang gagawa ng kilos upang makakilos ang iyong ‘character’. Napanood ko ito sa ‘YouTube’, nasa proseso palang ito ng paggawa, ang nakaka-aliw dito ay kung paano mararanasan mismo ng isang player ang mga gawain sa loob ng laro. Pinapasoot ang manlalaro ng ‘VR headsets’ upang makita niya ang lugar na kanyang paglalaruan, lahat ng kinikos ng kanyang totoong katawan ay siya ding gagawin ng kanyang ‘character’ sa laro. Sa paraang ito mas mararamdaman niya ang tunay na damdamin at mga gawain bilang isang ‘character’ sa mga laro.
Isa pang halimbawa na aking nakikita ay ang pagkakaroon ng iba’t-ibang kainan dito sa ating bayan mula sa ibang bansa. Matitikman mo na ang mga putahe ng mga dayuhan kahit hindi ka na pumunta sa kanilang bayan, at isa ito sa mga karaniwang ginagawa ng mga Pilipino ngayon.
Sa paglipas ng panahon, patuloy na umaabante ang pagbabago ng teknolohiya, kasunod nito ang marami pang mga pagbabago gaya na lamang ng paraan ng pagkonsumo ng mga tao. Patuloy din nitong ibinibigay ang mga ninanais ng mga tao.
2 notes · View notes
imnoonesworld · 5 years
Text
Consumer Society (Jean Baudrillard)
Isa sa mga ugali nating mga Pilipino ang pagkahilig nating mamili ng mga kung ano-anong bagay. Mga sapatos, damit, alahas, sasakyan at mga gadgets. Nagpapatunay ito ng pagkakaroon natin ng maraming ‘mall’ at iba pang lugar na pinagbibilhan ng mga bagay na sinasabi nating pangangailangan, dahil din dito, nagsulputan ang mga ‘online shopping sites’ gaya na lamang ng lazada at shoppe. Bumibili tayo tayo kahit na mayroon pa tayo ng ibang kagamitan na maari pang magamit. Tinatangkilik natin ang mga bagay na nagugustuhan natin, mga bagay na makapagbibigay sa atin ng kasiyahan.
Ayon kay Jean Baudrillard, isang sosyolohistang pranses, sa bawat pagbili at pagtangkilik natin ng mga bagay at mga bilihin, may nais tayong ipakita at ipahiwatig sa mga taong nakapaligid sa atin. Ayon sa kanya ang pamimili ng iba’t-ibang kagamitan ay isang uri ng linggwahe. Gaya na lamang ng pagbili ng mga taong mahilig sa ‘anime’ ng mga ‘anime merchandise’ gaya ng mga damit na may temang ‘anime’ pati mga laruan o mga bagay na ‘anime’ din ang disenyo. Sa bawat pagbili nila ng mga bagay na ito, ipinapahiwatig nila ang pagkahilig nila sa anime sa ibang tao, dahil dito naaakit nila ang ibang mga tao na mahilig din sa ganitong bagay at nakakalikha sila ng isang grupo sa isang lipunan. Inihihiwalay nila ang kanilang mga sarili sa iba pang mga tao sa lipunan.
Naging dahilan din ito ng pagkakaroon ng paghihiwalay sa estado ng mga tao sa isang lipunan. Gaya na lamang ng pagbili ng mga mamahaling kagamitan, mga alahas, at kung sa atin na mga Pilipino ay ang pagkakaroon ng kotse ay nagpapakita ng marangyang pamumuhay sa mga taong mayroon ng mga bagay na ito. Samatalang ang pagkakaroon ng mga bagay na hindi gaanong kamahalan ay nagpapakita ng sapat na na estado ng pamumuhay. Ayon pa sa kanya, bumibili daw tayo para maging iba sa mga tao. Gaya na lamang ng pagkakaroon ng ibang mga Pilipino ng relong Rolex, para sa akin, ang pagkakaroon ng ganitong relo ay nagpapakita ng kayamanan.
Lalo na tayong mga Pilipino dahil mahilig tayong bumili upang ipakita sa iba yung mga bagay na nais natin at mga bagay na naabot na natin. Isasabay pa dito ang pagpost nito sa social media sites kung saan mas maraming mga tao ang makakakita. Ipinapakita ng mga gawaing ito na bumibili tayo para sa ating kaligayahan at hindi upang matustusan ang ating mga pangangailangan, binanggit ito ni Baudrillard sa kanyang teorya. Kitang-kita ang mga gawaing ito sa mga Pilipino sa ngayong mga panahon. Mga pagkain, inumin, mga pangpaganda at pangpagwapo at kung ano-ano pang maaaring ikalat o ipakita sa madla.
Alam natin ang kahulugan ng bawat bagay na binibili natin pero hindi natin alam ang nais na ipakita nito sa mga tao lalo na sa mga wala pang alam sa mg bagay na ito. Kahit ako mismo, wala akong ideya sa mga bagay na ito noong una. Ang buong pagkakaalam natin ay bumibili tayo dahil kailangan natin at kaya namang bilhin. Isa ito sa mga dahilan na nagtutulak sa mga tao na maghiwahiwalay lalo na sa ating mga Pilipino na kahit saang lugar ka pumunta makikita mo ang hindi pantay-pantay na pag-trato sa nga tao.
1 note · View note
imnoonesworld · 5 years
Text
BABAE (Feminism)
Ang araw na kapanganakan ang simula ng pagtahak natin sa ating mga buhay, at ang iyong kasarian ang magdidikta sa iyong kinabukasan. Totoo nga naman ang nais na iparating ng salitang ito, ngunit nagbago na ito sa pagdaan ng mga panahon. Hindi na kasarian lamang ng isang tao ang nagdidikta sa kanyang kapalaran. Nagsimula lang naman ng mga kaisipan na ito noong territorial pa mag isip ang mga tao, at wala pang masyadong alam sa kung ano ang kayang gawin ng bawat kasarian. Mas kinikilala ang mga lalaki noon kaysa sa mga babae dahil sa mga bagay na kaya nitong gawin kumpara sa mga kababaihan. Nagpapakita lamang ito ng hindi pantay na pagtrato sa mga babae.
Ngunit sa panahon natin ngayon, hindi na umiiral ang ganitong uri ng pag-iisip sa para sa mga babae. Ngunit hindi natin maikakaila na may mga lugar parin na mas kinikilala ang kakayahan ng kalalakihan kaysa sa mga kababaihan. Ngunit sa kabila nito, nakikita parin natin ang pagbabago sa pagtingin sa kakayahan ng mga kababaihan sa ating lipunan. Nakakamit narin ng mga kababaihan ngayon ang bagay na hindi nagagagawa ng mga kababaihan noon. Isa sa magpapatunay dito ay ang pagkakaroon natin ng dalawang babaeng presidente. Ipinapakita lamang nito na wala nang diskriminasyon sa kasarian na umiiral sa ating mga Pilipino at iginagalang natin ang kanilang mga kakayahan.
Sa katunayan, idinaos natin ang ‘National Women’s Day’ nitong mga nag daang linngo lamang. Nakita ko sa social media ang kanilang ipinaglalaban, gaya na lamang ng paglaban nila sa karahasan sa mga babae at iba pang mga gawain na lumalabag sa kanilang mga karapatan. Ipinapaglaban din ito ng mga peminismong grupo sa ating bansa. Sa katunayan, isa ang ating bansa sa may pinakamalalayang kababaihan sa Asia.
Ipinapaglaban ng mga peminista ang pantay-pantay na pagtingin ng mga tao sa lipunan hindi lamang sa mga babae pati na rin sa ibang sector gaya na lamang ng lgbt community. Gusto nilang maging maayus ang estado ng mga kababaihan at matamo ang mga bagay na lalaki lamang ang may karapatan na gawin ito noon. Sa ating kultura kasi noon, ang mga kababaihan ay nasa bahay lamang, nag-aalaga ng mga anak at nag-aasikaso ng mga gawaing bahay. Sa kaisipang ito tayo namulat, kung hindi pa ipinaglaban ng mga kababaihan ang kanilang kakayahan marahil umiiral parin ito hanggang ngayon.
“Babae ako”, isa itong spoken poetry na aking napanood sa YouTube. Sinabi niya dito na ang mga babae ay hindi lamang para sa katuwaan ng mga kalalakaihan, bagkus dapat natin silang respetuhin dahil may kanya-kanya tayong kakayahan. Napakaganda ng mga linyang kanyang binanggit, ipinapakita lamang nito na ang pagiging babae ay hindi isang kasalanan. Ang linyang tumatak sa akin ay ang “Babae ako, hindi babae lang “, mula sa mga salitang ito, makikita natin kung ano ang ipinapaglaban ng bawat kababaihan.
Para sa akin, ang paggalang natin sa bawat kababaihan ay paggalanag na rin natin sa ating mga ina. Hindi isang kadena ang pagiging babae upang malimitahan ang kanilang mga gawain, bagkis magsilbi sana itong motibasyon sa mga kababaihan na kaya nilang gawin at tamasain ang lahat ng karapatan na para sa kalalakihan lamang.
0 notes
imnoonesworld · 5 years
Text
Culture Industry (Neo-marxian)
Telebisyon, radyo, cellphone, internet, mga palabas, mga bago at kilalang kanta, mga sikat na damit, ilan lamang yan sa mga kagamitang naibigay ng teknolohiya sa ating mga tao. Tunay nga na nakapagbibigay ito ng aliw sa atin sa araw-araw at nakakatulong sa ating mga pangangailangan. Tayo ay nabubuhay sa mundo na kung saan halos lahat ng tao ay may facebook account, may hawak na cellphone kahit na naglalakad o kaya ay nasa sasakyan, at araw-araw na panonood ng mga palabas sa telebisyon. Palagi tayong pumupunta sa mga pamilihan upang bumili ng mga bagong damit at mga produkto na kilala ng masa. Naging gawain na natin ang pagkakalat ng mga ‘memes’ sa social media, paglalaro sa computer gaya ng dota, pakikinig nga mga sikat na kanta at iba pang mga bagay na makapag bibigay sa atin ng kaaliwan gamit ang teknolohiya. Sa labis na pagkahumaling natin sa mga bagay na ito, naging kultura na ito sa ating mga tao.
Ang mga bagay na ito ay may kinalaman sa ‘mass culture’, ang ‘mass culture’ ay ang mga kultural na produkto para sa masa, at naging kilala dahil sa pagakahumaling dito ng mga tao. Isa itong kultura na ginawa at naging kilala sa mga tao sa isang lipunan. Isang halimbawa nito ay ang pagiging normal sa ating mga tao ang paggamit ng ‘social media sites’ upang makisalamuha sa ibang tao. Tinanggap na natin ito bilang isang normal na gawain sa araw-araw kaysa sa pakikipagkita o pakikisalamuha ng personal sa ibang tao. Sa katunayan, napabilang ang ating bansa sa mga bansang may pinakamaraming gumagamit ng internet at ng facebook. Nagpapatunay ang mga datos na ito na tayong mga Pilipino ay tuluyan ng nilamon ng media.
Sa paglipas ng panahon, tuluyan na tayong nakontrol ng mga bagay na ito. Hindi na natin alam kung tama o mali ang ating ginagawa dahil nakatatak na sa ating isipan na ito ay normal lamang dahil ginagawa ito ng karamihan. Naging kagawian na natin na manuod ng ‘Ang Probinsyano’ bawat gabi, at magshopping online at kunga ano-ano pa. Tinatangkilik natin ang lahat ng mga kilala at sikat sa lipunan dahil akala natin ginawa ito para sa ikabubuti ng mga tao. Nagtatrabaho ang mga tao para makabili ng mga bagay na gusto nila. Ipinapakita lamang nito kung paano kontrolin ng kultura ang isang tao sa loob ng isang lipunan. Hindi niya namamalayan na siya ay nasa ilalim ng isang kapangyarihan dahil sa buong pagkakaalam niya ay normal lamang ito.
Sa pagkasugapa ng mga tao sa pagtangkilik ng mga bagay na ito partikular na ang media, naging opurtunidad ito para sa mga kapitalista upang pagkakitaan pa ng maraming pera. Mas madali nilang makokontrol ang mga tao at mas marami ang masasakop nito dahil kilala ito sa mga tao at naging gawain na ito ng karamihan. Mas madali nalang sa kanila na kontrolin ang mga mamimili at mga taga konsumo dahil naging gawain na ito ng mga tao sa mahabang panahon.
Sa madaling salita, hindi lahat ng mga bagay na ating tinatangkilik ay para sa ating kapakanan at sa ikabubuti at ikasisiya ng mamamayan dahil naging daanan na rin ito para pagkitaan ng iilang mga tao na nasa itaas ng lipunan.
1 note · View note
imnoonesworld · 5 years
Text
Rationalization of Society (Weber)
Tunay nga na ang pagiging rasyonal sa pag-iisip ng isang tao ay nakakatulong sa kanyang sarili at sa komunidad na kanyang kinabibilangan. Ang pagkakaroon ng tamamg desisyon sa isang suliranin ay magbibigay ng mabuting resulta sa hinaharap. Ang makapag desisyon para sa sarili ay isang prebelehiyo para sa bawat indibidwal sa lipunan.
Ayon kay Max Weber, ang ‘protestantism’ ay may malaking ambag sa pagiging rasyonal mav isip ng mga taga silangan pati na rin amg ibang relihiyon sa daigdig gaya ng confucianism at hinduism. Ipinaliwag niya kung paano ito nakaka apekto sa pagiging kapitalismo ng isang bayan o bansa.
Isa sa mga relehiyon na naging interesado para kay Weber ay ang paniniwala ng Calvinism. Naniniwala ang mga Calvinist na lahat ng bagay ay nakatakda. Naka kintal sa kanilang isipan na ang bawat tao ay pupunta sa langit o sa empierno at wala silang magagawa para baguhin ito. Pero, ayon sa kanila, ang isa sa mga senyales na ang isang tao ay maliligatas ay ang pagkakaroon ng matagumpay at maunlad na buhay lalo na sa negosyo. Nakatatak ma sa kanilang isipan na maging matumpay sa negosyo upang maligtas, naniniwala sila na tungkulin nila ito. Ang kaisipan ng Calvinism ay isang uri din ng kapitalismo, ang pinag kaiba lang nito sa kapitalismk na kung saan isang tao lang ang nakikinabang ay ang kaisipang ito ang tamang gawin upang maligtas. Dahil ito ay isang uri nv kapitalismo, maraming mga tao ang naaapektuhan nito lalo na ang mga trabahador at empleyado na maghapong nagtatrabaho para sa kakaunting sweldo.
Tunay nga na nakakaapekto sa mga tao ang bawat kaisipang at paniniwala na kumakalat sa bawat lipunan. Ang pagkawala ng ibang desisyon o paraan para lutasin ang isang problema dahil idinekta ng lipunan na ito ang tamang gawin para sa bagay na ito.
May isa pang bagay na pinagtuuanan ng pansin ni Weber, ito ay anh sistema ng pamumuno na ‘bureucracy’. Na kung saan ang lahat ng gawain ng isang tao o manggagawa ang nakatakda at may partikular na gawain ang bawat isa. Gaya ng isang palabas na ‘The Adjustment Bureau’, ipapakita sa palabas na ang bawat desisyon na ginagawa ng bawat tao ay nakatakda pati ang mga gawain at dapat gawin ng bawat isa sa araw-araw. Ipinapakita lamang ng palabas na ito na amg bawat desisyon at gawain ng isang indibidwal ay naaapektuhan ng mga sistema at ng mga nakakataas sa kanya. Sa isang lipunan kung saan kung saan sistemang bureaucratic ang umiiral, ang bawat indibidwal ay nawawalan ng kakayahang maging rational dahil nadidiktahan ang kanilang mga desisyon. Tinatawag itong “iron cage” ni Weber kung saan controlado at kalkulado ng sistema ang bawat gawain ng isang tao. Ang bawat indibidwal sa loob ng nito ay may espesipikong gawain lamang, dahil dito hindi nagiginv mabunga ang gawain at pamumuhay ng isang indibidwal. Walang pagbabagong nangyayare at mga bagong pagtutuklas sa kakayahan dahil nalilimitahan ng kanilang trabaho ang kanilang mga gawain.
Nag papatunay lamang ito na ang pagiging malaya sa desisyon at gawain ng bawat indibidwal ay mas magbibigay ng magandang bunga at makapagpapalago sa bawat indibidwal.
0 notes
imnoonesworld · 5 years
Text
Social Theory (blog#3)
Ang isa sa mga bagay na nahihiwalay sa mga tao at sa mga hayop ay katangiang mag isip. At dahil sa katangiang ito, inuudyuk nito ang mga tao na mag-bago at magkaroon ng kamalayan sa mga pangyayari sa paligid. Maituturing na isang kapangyarihan na maaaring magdulot ng kapayapaan o kaguluhan.
Ayon kay Auguste Comte, may tatlong yugto ng kaisipan ang umiral sa kaisipan ng mga tao sa buong daigdig. At sa mga panahong ito, ang mga kaispang ito ang namumuno at isinasabuhay ng mga tao. Una ay ang “Theological Stage”, sa panahong ito, nakalimbag sa kaisipan ng mga tao na lahat ng mga bagay na nangyayare sa kapaligiran ay dahil sa mga diyos. Para sa kanila, ang mga bagay na nasa paligid kabilang ang mga tao ay dahil sa kagagawan ng mga diyos, at dahil dito, ang gawain ng mga tao ay naaapektuhan ng mga kaisipang ito. Ang pangalawang yugto ng kaisipan na umiral ayon kay Comte ay ang Methapysical Stage”. May pagbabago sa pag-iisip ng mga tao sa panahong ito, sa halip na isipin na lahat ng bagay ay kagagawan ng mga diyos, iniisip nila na ang iba sa mga ito ay kagagawan mismo ng mga tao bagaman naniniwala parin sila sa mga diyos. Ang pangatlong yugto ay ang “Positivistic Stage”, sa panahong ito, ang kaisipan ng mga tao ay nakapukos sa realidad. Para sa mga tao, ang lahat ng pangyayare sa kapaligiran ay may kaakibat na paliwanag gamit ang siyensya. Para sa kanila may mga batas na namumuno sa lahat ng pangyayare sa kapaligiran.
Ilan lamang ito sa mga patunay kung paano nakakapaekto sa isang lipunan ang ating kakayahan na mag-isip. Isa pa sa mga halimbawa kung gaano kalakas ang epekto ng kaisipan ng mga tao sa isang lipunan ay ang French Revolution, nalaman o naisip ng mga tao na mali ang pagpapalakad ng mga taong naka upo sa trono. Lumganap ang kaisipang ito at nahumaling ang malaking bahagi ng mga manggagawa. Nagkaroon sila ng kaisipan na patalsikin ang mga nakaupo sa trono at umaabuso sa mga kapangyarihang naibigay sa kanila. Dahil sa rebolusyong ito, nagkaroon tayo ng kaalaman na ang lipunan ay nagbabago at malaking porsyento ng pagbabagong ito ay dahil sa kaisipan ng mga taong bumubuo dito gaya na lamang ng mga manggagawa. At ang pag-aaral sa mga bagay na ito, mga puwersang di nakikita ng mata, mga puwersang nakatago sa anino ng bawat tao ay tinatawag na “Sociology”.
Ang Sociology o Sosyolohiya ay ang pag-aaral sa mga tao, mga pangkat, at institusyon na bumubuo sa isang lipunan, pinag-aaralan din dito kung paano mag-isip ang mga tao sa isang lipunan. Sa pamamagitan nito, napag-aaralan kung paano gumalaw o kaya ay gagalaw ang mga tao sa isang lipunan o pangkat. Naipapakita nito kung paano naaapektuhan ng bawat indibidwal ang isang malaking komunidad. Sa ating mga sarili, hindi natin maikakaila ang kapangyarihan na nadudulot ng pag-iisip sa isang lipunan. Maaaring magdulot ito ng kabutihan sa mga tao, maaari rin itong magdulot ng kapahamakan. Mahalaga lang na malaman natin na may mga puwersa sa lahat ng mga bagay na nangyayare sa ating lipunan na hindi nakikita ng ating mga mata at magkaroon ng kinalaman sa mga bagay na ito. Kung saang panig ka aanib ay nakabatay sa’yo.
1 note · View note
imnoonesworld · 5 years
Text
EBOLUSYON (Durkheim)
Sa libo-libong taon na nagdaan sa kasaysayan ng ating bansa, mula sa mga unang tao na nanirahan at namuhay sa mga lupaing ito, masasabi mo bang nagbago ang anyo ng pamumuhay o pag-iisip ng mga nabubuhay dito?, o nanatili gaya ng ating mga ninuno noong unang panahon. Ang kaisipang, ang isang indibidwal na tao ay salamin o nagsasalamin sa kultura at gawain ng lipunang kanyang kinabibilangan, o kaya’y nagbago na ang ating pananaw na may pagkakaiba-iba ang bawat indibidwal.
Sa panahon natin ngayon, hindi malinaw kung tuluyan nga na nagbago ang ating lipunan. Maaaring nagbago tayo sa larangan ng teknolohiya, agham, politika at pamumugay, ngunit di natin maikakaila na may mga kaisipan parin tayong mga Pilipino na nakuha natin sa ating mga ninuno. Isang halimbawa nito ay mga paniniwala sa isang pamilya. May mga paniniwala silang mahigpit nilang pinanghahawakan at kapag ang isang miyembro ng pamilyang ito ay hindi sumonod sa paniniwala ito, may mga pagkakataong itinatakwil nila ang indibidwal na ito.
Paano nga ba natin masasabi na ang isang lipunan o bansa ay nagbago na, mula sa “primitive” tungo sa “modern” o “organic” na lipunan. Ayon kay Emile Durkheim, isang sosyolohistang Pranses, na ang tumutulak sa isang lipunan upang magbago ay ang pagbabago sa “dynamic density”, “collective conscience “ at sa mga batas na umiiral sa isang lipunan. Ang “dynamic density “ ang ang pagbabago sa bilang ng individual sa isang lipunan at ang pakikisalamuha sa mga taong napapaloob sa lipunang ito. Kapag nakamit ng isang lipunan ang mga nasabing pagbabago, magkakaroon ng “division of labor” na magtutulak sa isang lipunan na magbago mula sa “mechanical “ o “primitive” at maging isang “organic” na lipunan.
Ano nga ba ang “mechanical society “?. Tinatawag din ito ni Durkheim na “mechanical solidarity “, na, kung saan, kakaunti palang ang populasyon ng isang lipunan kaya maliit lang ang “division of labor”, kaya, kung ano ang gawain ng isa, ay gawain din ng lahat. Habang ang “organic solidarity” naman ay ang kabaliktaran ng “mechanical solidarity”, dahil sa dumarami na ang populasyon ng isang lipunan, at para mabuhay at masuportahan ang mga taong kabilang dito, nagkakaroon ng iba’t ibang gawain ang bawat taong nabibilang dito. Kitang-kita naman sa lipunang kinabibilangan natin ngayon na nakamit natin ang pagbabagong ito, dahil sa pag dami ng ating populasyon, nagkaroon ng iba’t ibang gawain ang mga tao upang patuloy tayong mabuhay. May mga mangingisda, mga magsasaka, sa larangan ng politika at iba pang sangay ng lipunan na nagiging dahilan upang patuloy tayong mabuhay.
Ang isa pang aspeto na magpapatunay sa pagbabago ng isang lipunan ay ang “collective conscience “ o sa simpleng kasabihan ay ang mga paniniwala o kaisipang umiiral sa isang lipunan. Mahigpit na umiiral sa isang mekanikal na lipunan ang “collective conscience “, kung ano ang pinaniniwalaan at kilos ng isang lipunan ay dapat ding makita sa mga kilos at gawa ng mga indibidwal na kabilang dito. Ang ibang halimbawa nito sa ating kapanahunan ngayon ay ang paniniwala ng ibang relihiyon. Sa isang organic na lipunan, ang mga indibidwal na nabibilang dito ay hindi nakagapos sa mga paniniwala ng lipunan. May kalayaan silang pumili ng kanilang paniniwalaan.
Sa usapin naman ng batas, sa mekanikal na lipunan, ang batas na umiiral dito ay “repressive”. Ito ay isang uri na batas na kung saan ang nagkasala ay mahigpit na pinaparusahan. Mahigpit ang parusa dito dahil maaaaring naapektuhan nito ang paniniwala ng isang lipunan. Sa kabilang banda, ang batas na umiiral sa isang organic na lipunan ay ang “restitutive” law. Sa lipunang ito, hindi gaanong mahigpit ang parusa sa mga nagkasala, maaring magbayad lamang ang nagkasala sa taong nasaktan o kaya’y malapatan ng hatol na nararapat at naaayon sa makataong batas.
2 notes · View notes
imnoonesworld · 5 years
Text
Kapitalismo at Komunismo
Sa isang kapitalistang lipunan, ang mga mayayaman (capitalist) ay patuloy na yumayaman at ang mga mahihirap ay lalong naghihirap. May mga pagkain, pero marami ang nagugutom. May mga ospital, pero marami ang namamatay sa sakit sa kadahilanang walang pambayad sa ospital. May mga trabaho, pero marami parin ang naghihirap. Ilan lamang ito sa mga senyales na ang isang lipunan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng kapitalista. At ang mga bagay na ito ay makikita natin sa ating lipunan ngayon.
Naibabalita sa tv ang pag-angat ng ekonomiya ng ating bansa, ngunit hindi ito nararamdaman ng mga ordibaryong mamamayan, bagkus ang pagtaas sa mga bilihin ang natatamo ng lipunan. Nangyayare ang mga ito dahil kontrolado ng iilang mga tao ang mga bagay na ito.
Sa kapitalistang pamumuno, kontrolado ng kapitalista ang suweldo o sahod ng isang empleyado at ang mga gawain nito. Napakahirap na trabaho para sa napakaliit na suweldo, gaya na lamang ng mga laborer. Hindi kayang matustusan ng perang kanilang nakukuha upang matustusan ang iba pa nilang pangangailangan bukod sapagkain. Dahil para sa mga kapitalista, mas mahalaga ang kita kaysa sa buhay ng isang tao. Hindi makatao ang kaisipang ito.
Hindi nagiging productive ang isang manggagawa dahil nalilimitahan sila sa kanilang mga gawain. Nadidiktahan ang kanilang mga kilos at mga gagawin na parang mga robot. Sa ilalim nito, hindi nailalabas ng isang manggagawa ang kanyang tunay na kakayahan at nahihiwalay siya sa mga bagay o trabahong na kanyang kinahihiligan. Sa kabila ng mga paghihirap at pagpapagod ng isang manggagawa, hindi madali na guminhawa ang kanyang buhay di gaya ng mga kapitalistang kanyang pinagsisilbihan na patuloy na yumayaman dahil sa kanyang mga gawa. Ngunit sa kabila ng mga sakripisyong ito, hindi sumasagi sa kaisipan ng ilang mga manggagawa kung bakit patuloy silang naghihirap sa kabila ng pagkakaroon ng trabaho, para sa kanila tama ang suweldong ibinibigay sa kanila. Dahil ito sa pagmamanipula ng mga kapitalista sa kaisipan ng mga manggagawa, na ang suweldong kanilang natatanggap ay tamang bayad sa talento at pagod na kanilang ibinigay sa trabaho.
Sa oras na malaman ng mga manggagawa ang mga kabalintunaang ginagawa sa kanila ng kanilang tagapamahala, mag-aaklas sila upang labanan ito. Makikita natin ang halimbawa nito sa mga pag-aaklas ng ibang manggawa laban sa mga kompanyang kanilang kinabibilangan dito sa ating bansa.
Ayon kay Karl Marx, kapag nagtagumpay ang pag-aaklas ng mga manggagawa o tintawag niyang proletariat, kasabay nito ang pag-angat ng komunismo (communism). Ayon sa kanya, hindi mabubuo ang komunismo kung hindi kikilos ang mga manggagawa laban sa kapitalista.
Ang communism ay ang pagkakaroon ng isang manggagawa ng kalayaan sa kanyang mga ginagawa, hindi limitado at hindi dinidiktahan. Sa mga panahong ito, mailalabas ng isang manggagawa ang kanyang tunay na kakayahan at lalong nahahasa ang kanyang talento dito. Binabayaran sila ayon sa kanilang talento at gawa. Ayon pa aa kanya, ito ay bunga ng mga pagkakamaling naidulot ng kapitalista sa kanyang mga manggagawa. Isang kasiya-siyang paraan ng pamumuno sa isang lipunan na magbibigay paraan sa mga mahihirap na makaahon mula sa kanilang kahirapan.
1 note · View note
imnoonesworld · 5 years
Text
The Promise
“No man is an Island”, isang simpleng kasabihan na nagtutulak sa mga tao na isiping lahat ay nabuhay o nabubuhay para sa kapwa. Ipinaparating lamang nito na tayo bilang mga tao ay patuloy na nabubuhay at lumalakad sa daigdig na ito dahil sa tulong ng bawat taong nakapaligid sa atin. Kailangan natin ang lipunan upang buuhin ang mga bagay na gusto nating mangyare, kilalanin ang ating mga sarili at makapag-ambag ng tulong para sa mga suliranin ng lipunan. Ang lipunan ay naaapektuhan ng mga indibidwal na naka paligid dito, at sa kabilang banda, ang lipunan ay may malaking ambag sa pagkahubog ng isang indibidwal. Ang mga tao ay produkto ng lipunan ika nga. Ang mga institusyon gaya ng pamilya, relihiyon, gobyerno, ekonomiya, edukasyon at medya ang nagiging basihan ng mga tao para sa kanyang mga kilos. Ngunit sa kabila ng mga elementong ito, may mga tao paring nananatiling walang alam sa mga pangyayare sa lipunang kanyang kinabibilangan. Maaaring ang iba sa kanila ay walang pakialam o kaya ay natatakot na mangialam sa mga paksang ito.
Ayon nga kay C. Wright Mills, sa libro niyang “The Promise, isa sa mga dahilan kung bakit walang pakialam ang ibang tao sa kaganapan sa lipunan ay dahil natatakot silang magkamali o kaya ay limitado ang kanilang kapangyarihan sa lipunan. Kung ang isang tao ay nagkakaroon na ng kamalayan sa mga pangyayare sa kanyang lipunan, nagsisimula o nagkakaroon na siya ng tinatawag na “Social Imagination”. Nagbibigay ito ng kaalaman kung paano naaapektuhan ng nakaraan, tradisyon at ng iba pang mga bagay ang isang tao sa kinabibilangan nitong lipunan. Naipapaliwanag nito kung bakit ang indibidwal at lipunan, ang nakaraan at talambuhay, ang sarili at mundo ay nagkakaroon ng kinalaman sa mga bagay na nangyayare sa isa’t-isa. Nagbibigay din ito ng kaalaman kung paano naaapektuhan ng isang lipunan ang isang indibidwal at kung paanong naaapektuhan ng nakaraan ang lipunan.
Ang kasaysayan ay nagsisilbing aral para sa kasalukuyan at hinaharap, upang ang mga bagay na di kanais-nais ay hindi na maulit at maranasang muli. Sa pamamagitan ng 'Social Imagination', makikita ng isang indibidwal ang pagkakaiba ng suliraning pang individual at suliraning panlipunan. Ang pakikipag ugnayan sa kapwa at sa mga pangyayare sa kapaligiran ang isa sa mga nais iparating ng kaisipang ito. Bilang isang indibidwal, mabilis tayong sumagot o kaya ay magkaroon ng paninindigan sa isang isyu kahit na hindi natin alam ang kasaysayan sa suliraning ito. Isa ito sa mga epekto ng lipunan natin ngayon sa mga taong sakop nito, ipinapakita lamang nito ang tunay na kapangyarihan ng isang lipunan.
Di maikakaila ang dulot ng isang lipunan sa kaisipan ng tao, kung pano nito hubugin ang pagkatao at kaisipan ng mga taong nasasakop nito. Sa pagkakaroon ng kapangyarihang sobrang lakas na kaya nitong baguhin ang isang tao, di ko lubos ma isip na binubuo din ito ng mga taong nababago nito.
2 notes · View notes