Tumgik
Text
"The Regrets"
Bakit ba ako gumawa ng ganitong Blog? Aaminin ko makakalimutin na kasi ako minsan. Natatakot ako na baka makalimutan ko na sila. Yung simula highschool hngang college. Naniwala ako na may Pagibig. Naniwala ako sa Pagmamahal. Naramdaman ko yun sa mga Kaibigan, mga Lalaki na nakilala ko. Kahit papano naging part sila ng buhay ko. Hangang sa pinagsisisihan ko lahat ng nangyari sa buhay ko. Nagsisisi kasi sana isa sakanila nakatuluyan ko. Sana hindi ako nagmadali para hindi din puro pagkakamali ang nangyari saakin. Pagkakamali na hinding hindi mo na maibabalik pa. Kahit umiyak ka pa ng buong araw o habang buhay kang umiyak, hindi na maibabalik. Tapos na. Dumaan na sila sa buhay mo. Pasalamat nalang ako at nakilala ko sila. Pasalamat nalang ako na minahal nila ako kahit papano. Ang hirap makakita ng taong Forever. Kasi lahat umaalis. Lahat maybreason kung bakit sila aalis. Totoo man yung salitang walang Forever. Pero alam ko isa saatin nangangarap na may Forever. Forever na mamahalin. Forever na nadiyan siya sa tabi mo. Forever na sabay kayo tatanda. Ang hirap noh? Kasi umaasa ka, Umaasa na may magtatagal sayo. Siguro hindi lang kayo magkaintindihan. Siguro kailangan talagang umalis. Yun lang sana may mga Babalik pa. Babalikan kung san kayo nagsimula, Babalikan ung dating pangarap na sabay niyong sinimulan. Magsisimula at mgwawakas sa Happy Ending. Yung wakas na hindi na kailangan maging magisa. Hindi na kailangan lumabo pa. Hindi na kailangan na mawala pa. Sana Happy Ending na talaga! Pero paano ba nabubuo yung magandang kwento sa buhay? Paano nga ba magkakaroon ng Happy Ending kung wala naman tao nagtatagal? Bakit sila umaalis. Bakit kailangan nilang umalis? Hindi ko alam eh, Sila lang mkakapag sabi kung bakit. Ang kailangan mo lang eh tangapin kung bakit ganun ang nangyari. Paulit ulit eh. Ilang beses na. Nakakatakot nang humanap. Nakakatakot ng magmahal. Susubok ka ulit pag dating sa huli, failure nanaman. Minsan nakaka trauma na. Sana tama na. Sana maging okay na. Sana huwag na siyang umalis. At sana may Forever na. Yung wala ka ng REGRETS. wala ka ng pagsisisihan pa. Yung masasabi mo na siya na yung Happy beggining at Happy Ending ng buhay mo. Yung siya na talaga. Yung FOREVER mo..
0 notes
Text
Tumblr media
"The Man in my dream. Sguro wala n talagang dadating saakin. Okay n din naman yun. Pero bakit kaya may lalaki na lumalabas s panaginip ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Dinala niya ako sa bahay nila. Kasama niya family niya eh. Ang weird. Parang nakapunta na ako sakanila long time ago. Ewan baka nun nareincarnate ung katawan ko nagpunta ako sakanila. Ang labo ng mukha niya sa panaginip ko. Pero parang moreno siya eh. Madyo matangkad saakin ng kaunti. Sino kaya un? Yun naba ung prince charming ko. Kelan nmn kami mgkikita. Pero mahaba ang buhok ko dun sa panaginip eh. Maiksi kaya buhok ko ngaun. Ayaw luminaw ng pictures. Ang labo talaga.anong occasion un dinala niya ako sakanila parang may occasion. Handaan. Party. May mga kamag anak at kaibgan niya. Hindi ko na matandaan ang iba. Nakaupo kami sa salas. May nKita akong mga babae eh sino kaya ung mga un. At bakit pati sila mama, papa at sister at brother ko invited din? Sino ba yun. Ang weird.
0 notes
Text
Tumblr media
"Meeting the MONSTER! Oo Monster! hindi ko na nga maisip kung saan kami ngkakilala parang dko na din maisip ung mga happy moments sakanya. Kasi dahil sakanya nagkaroon ako ng mga anak. Oo hindi nako teens. Gaya ng dati kong mga kwento. Sa dinami dami ng prince charming na nakilala ko. Bumagsak ako sa Evil Monster. Yung mga Prince charming na nsa Fairytail story ko naglaho sila lahat. Ni isa sakanila hindi ko nakatuluyan. Sinewerte ako nun una. Minalas ako sa huli. Sana pala Minalas nlng ako noon. Mga nakilala ko babaero. Walanghya. Walang kwenta. Pero hindi eh sila ung mga ideal man. Na nawala saakin isa isa. At napunta ako sa WALANG KWENTA. Oo wala talaga babaero na kapal pa ng mukha dko alam ano nagyari sakanya na akala ko prince charming ko na din un pla Monster! Siya ung naging asawa ko ngaun. Oo may asawa na ako. at may mga anak ako sakanya. Oo over age na ako ngaun, at hindi na ako gaya ng dati. Losyang kung tawagin. Sa mga mommy na inanakan lang at iniwanan. Ganun talaga ang buhay madaming babae nameet at nakatuluyan mga Prince charming ng buhay nila. Ako ung isa sa mga hndi pinalad. Lintik sana hindi nako nging gamer eh. Since naging kami nmn ni Pat, Ash,J-mel, james at hurvey alam nmn nla n gamer ako. Mahilig ako tlga s games. Mapa online o rpg. Gadget or phone. Kainis nameet ko si Monster sa online game. Sana hindi ko nalang nilaro un at nagbago pa kasi ako ng server! Nameet ko pa tuloy ung Monster! Oo lahat ng gamer eh GAMER! as in mapaglaro! Kaya ayoko ng makakilala ng another na gamer sa buhay ko mga peste sila. Mga Monster. Hindi tlga sila yung character na mgpprotektabsayo kundi sila pa yung maglalaro sayo. Malas ko nakilala ko sa online game ung Monster. Malas ko niligawan din ako sa game. LDR pa kami. Malas ko naging kami pa. Malas ko nagmeet pa kami. At malas ko inanakan niya ako at pinakasalan pa! MALAS KO!
Archer ako nun eh Swordmaster siya. Una sumali lang ako sa grup niya. Para sa isang dungeon para tapusin. Tapos makulit na siya una ung kasamahan niya ung nagungulit saakin eh. Yun ung una na gusto mkipgkilala hangang sa binigay ko sa kasamahan niya sa game ung facebook ko. Sana hindi nalang eh kasi nun nakita niya ako kinulit na niya ako. Ligaw ligaw pa?! Kapag siya na pinaguusapan ngbabago ang timpla. Monster kasi eh. Panira sa storya ang mga kontra bida. Evil witches. Mga Monster!! Gaya niya panira lang siya sa storya ng buhay ko. Nasama pa siya eh. Oh ayun lagi na kami mgkasama sa kahit saan. 1st month, 2nd, 3rd, aba akalain mo tumagal kami??? Mahilig rin siya magsuprise gaya ng ibang lalaki. Okay naman siya dati eh o hinuhulog lang nya loob ko kumbaga sa umpisa lang. Hindi nga ako ngkamali eh sa umpisa lng talaga sya sweet. Umabot kami ng 1 year LDR ng hndi ko nalalaman ang tunay na mukha niya sa likod bg nga maskara niya! Tinutym pa nga ako ni Monster eh. Akalain mo pnatawad ko siya nadala ako sa mga bigay niya sakin. Flowers. Stufftoys. Mga gifts. Chocolates lahat ng mga ngpapakilig sa babae na gngwa ng mga FAKE na lalaki. Tama nga ex ko bukod sa baduy yan wlng effort. Bnili mo bngay mo lng. Hnfi mo nmn tlga pngpaguran although pinagpaguran niya ung pera pnambili niya. Anyways. Hahalungkatin ko pa ba?? Obvious naman na hindi ako naging masaya sakanya. Nun mga 1yr na at 5months kami naisipan niya makipag meet saakin. Ngkita kami kahit nging kami ng Ldr at dpa kami ngkikita kundi vcall lng nging kami ng 1year. Finally ngkita din kami. Una tingin ko sakanya badboy siya. Ang haba ng balbas at bigote parang si jesus christ na mala judas. Ayun ngmeet kami ni Monster. Actualy may itsura sya eh nun bata bata pa kami, may itsura siya hndi pa ganun kalaki tyan niya. Maayus matino pormal! Aba ngaun imoral na sya. Babaero kung sino sino babae n kasama. Nahuli ko pa nga na tinutwotime nya ako eh
Na kami pero sila din nun monaliza. Na taga dun din sa ibang bansa kung san sya galing. Nkakainis pa nga eh nahuli ko na lahat ginawa pa rin akong tanga. Hindi daw sila samantala may ilove you sa dulo ng txt. Nagsimula nglaho at nagbago nako saknya gustong gusto ko balikan ex ko mahal ko pa eh. Hngang ngaun naman. Binalikan ko ex ko pero hbdi pa kami officially na hiwalay ehbkasi dba kapag officially n hiwalay same kau na papayag ng breakup hndi sya pumayag nun ako lng nkpghwlay. Yun ung time na nkpgbalikan ako s ex ko. Na ang buong akala niya tinutyme ko sya kasi binalikan ko ex ko ng kami pa. Pero para sakin hwalay n kmi that time eh hndi lang sya pumayag. Tpos ako pa tuloy nagmukhang may ginawang masama. Ayoko na sakanya nun nakikita ko na at nahuhuli ung pagkatao niya. Pero nun babalik na uli ako sa ex ko. Siniraan niya ang ex ko kala mama! Oo yang Monster na yan hndi lng yan twotimer! Maninira ein yan. Sinabi nya lahat ng bad na ugali ng ex ko. Isa na dun ung nging addicted sya. Eh dmo naman masisisi ung tao kapag naaya ng kaibgan eh at rakista sya. Mdmi bad influence sa paligid niya. Hindi na nya kasalanan un. Tinanggo ko wiya na gnun siya. Although may regret ako. Ayoko rin sympre sino bang may gusto. Pero nandun na yun eh. Sya nga ung Monster addict sa Yosi eh. Oh bat un? Addict din sa inom oh ano pagkakaiba nun. Masyado niya siniraan ang ex ko aa magulang ko hngang hndi nko pnayagan n mama umalis ng bahay. Nging kami pa din ngbalikan pa din kami ni Monster. Siya ung nanalo. Dumating yung another 1 year akala ko ngbago na sya. Hngang may ngcchat sakin na ibng babae uli. Siya daw si mica paraiso. Ex daw sya ni Monster. Sobrang ngaway kami. Bumalik sya ng pinas. Hndi na daw siya aalis dto lang daw siya sa tabi ko ipapangako niya sakin na tapat siya sakin. Tumagal kami ng 2 yrs. Tumira siya saamin hngang yun na aksidente na nabuntis na ako. Tpos second baby. Uli. Puro hndi sinasadya. O sadya. Ewan. Ewan ko bakit napunta ako sakanya. Ano reason ni Lord. Okay naman kami ng una, pinabayaan niya masira. Wala na eh wala ng kasunod. Ayoko na din. Siguro sa ilang prince charming na nameet ko sa buhay ko na hindi ko nakatuluyan. Okay na yun naibigay naman sakin nila ung pagmamahal nila saakin. Hngang tingin nalang ako sakanila. Hindi ko na sila maibabalik. Yung Princess dati naging cinderella na hndi na okay. Hindi na maayus. Wla ng mgandang kasuotan. Isa nalang tauhan sa bahay. Walang makausap kundi ang mga bata. Hindi na prinsesa. Wala ng prince charming. Yung happy ending. Naging saddest ever. Black and white. Walang buhay. Ewan ko bakit ako napunta sa ganitong mundo. Dadating paba ung prince charming ko?? Meron paba? Ewan ko eh. Pero masaya kahit papano nakilala ko lahat ng prince charming na nging ex ko nalang. Ex na hindi mo na makikita pa. Ex na nasa malayo. Ex na may kanya kanya ng buhay. Ex na pinangarap mo dati. Ex na gustong gusto mong balikan. Ex na pinaka the best sa lahat. Bakit siya naging EX?? Wrong person ba siya!? Bakit napaka perfext nta halos. Sabi nila pag ex wrong person. Pero sa lagat ng nging ex ko lahat sila masasabi mo na right person para saakin eh. Dun nga ako napapad sa wrong person eh yung pinakasalan ako pero nagmahal pa ng iba!!
0 notes
Text
Tumblr media
"My Mr FineArts." Sa wakas nagwakas din yung pagiging badgirl ko., Inlove ako eh. Pinilit kong magbago dahil sakanya..( sorry medyo dramatic na ko sa part na to, ito kasi ang pinaka matinding heartbreak ko! :'c)
Saan ba tayo magsisimula excited na ko ikwento eh. Sobrang memomorable kasi, at sobrang heartbreaking. Syempre magsisimula tayo sa memorable. Paano ba kami nagsimula mgkakilala ni Mr Fine Arts.
"First day ng school" oo bumalik uli ako mgaral pero hindi na Nursing. Nalulungkot kasi ako kapag papasok pa doon naalala ko lang si james. Yung pagsundo at hatid saKin mga sweet memories namin sa school na yun. Ayoko ng maalala. Ayoko ng balikan pa. Kaya nagshift ako ng course. Nag Fine arts ako. Advertising actually nagkamali ako ng pinasukan, dapat Fine Arts interior Design. Pero yung naenroll ko Advertizing. Same kasi sila na Fine Arts course mgkaiba lng ng major. Pero hindi ako nagregret sa pagpasok ng FA advertizing kasi nakilala ko si Hurvey si Mr FineArts ko. Kakaiba ang itsura niya, alam nyo ung band ng SAOSIN. Yan ganyan ang pormahan niya EMO. Ibang iba sa porma ko nun time na yan kasi badgirl nako mahilig nako mag skirt na super ikli, tpos sleevless shirt at super kapal magmakeup. Ako lang nga naiiba dun lahat rockstar at nerd type. Weirdo. Ang wweird ng pormahan nila na talagang titignan mo sila isa isa. May mga naka salamin. May mga kulot na apro ang buhok. at siya na emo ang pormahan, grabe crush na crush ko siya. Longhair siya nun, parang siya ung daomin su ng buhay ko at ako si sanshai. Haha. Yung sa flower garden. Nsa last row siya eh at sila lang din ubg mga mukhang emo 3 sila magkakasama na mukhang emo. Siya ung nsa gitna naka red siya n medyo faded na yung tshirt, longhair, naka tunnel earings. Sobrang astig! Naka vans shoes ung pang skater boy. Minsan nka chucktaylor sya. Grabe talaga ung paghanga ko sakanya, at ang galing galing niya magdrawing, family sila kasi ng Artist. Ate niya architect, kuya niya Painter, isang ate niya interior desingner ung gusto ko sana kuhain nun. Tpos ung isang kuya niya tattoo artist. Ayoko siyang pakawalan nun at dahil badgirl ako nun gusto ko nakukuha ko lahat ng gusto ko. Oo lahat ng gusto ko pati siya! At dahil ayoko siyang pakawalan kasi talagang love at first sight ako sakanya. Guess what??? Ako ang nanligaw sakanya! Oo ung mga ginagawa ng lalaki hindi ba kaya ng babae un, iba na generation that time at dahil badgirl ako nun lahat ng gusto ko nakukuha ko.
"Paano ba nagsimula ang panliligaw ko? Una ligaw tingin lang muna, dadaan sa harapan niya magpapapansin, kulang nalang nga maghubad ako sa harapan niya para lang mapansin niya ako. Ganun ako katindi. One time tinabihan ko siya sa klase tinanong ko pangalan niya, ako talaga ung unang ngtanong. Mahiyain siya, hindi siya tumitingin sakin, habang ako nakatitig sa mukha niya. Kulang na nga lang hawakan ko. Oops hawakan ko ung kamay. Hehe. Wholesome tayo dto blog ko to. Madaming beses ko siya tinatabihan para mkpgusap ung ginagawa ng lalaki ako naman na ang gumagawa. Pero hindi naman umabot na binigyan ko siya ng chocolates at flowers haha baduy un. Ang saya ko na lagi ko siya nakikita, nakakatabi.nakakausap kahit pautal utal siya at kakapirangot sinasabi pero huwag ka. Siya ang pinaka matinik sa kama. Hahaha wholesome pla tayo.:D
"Foundation day ng School." Madaming events, pero syempre saan ba ako nakafocus syempre kay Mr Fine Arts ko. Siya ang last ko eh na naging ex. Oo EX as in hindi kami nagkatuluyan mahabang storya eh. Pero sisimulan ko muna sa naging kami. Yun nga foundation day ng school sa dami ng events dmo alam saan ang ppuntahan mo. Nakita ko siya sa field ng school, ksama niya ung ibang kaibgan niya na emo din nakatambay sila, sabi ko oh bakit nandyan kayo? Wala ba kayo pupuntahan o sasalihan na mga events? Wala eh baduy daw, tambay lang sila tpos kain, eh dahil ako nandun ako kanina sa hena tattooing ngpa hena tattoo ako sa back hips ko. Naka hanging blouse ako ung kita ang pusod. Tpos naka mini skirtbhat sneaker parang taylor swift lang ang datingan. pagirl ako eh, kikay. Tapos umupo ako malapit sakanya, gabi na yun mga 7pm. Ang tagal nila tumambay dun bago umuwi ngyosi actually bawal ang yosi sa school pero dahil field un at gabi na yun, wala masyado prof na dumadaan mga student naan dun wlng paki minsan may nakikita ako nagyoyosi sa CR. Hallway. Parang okay na sakanila un. Normal lng. Hndi gaya ng ibang school napaka ssitrict lalo saamin nun ng jilians ako. Dun free ka. Minsan may naninita pa din na prof. Minsan wala. Kaya ayun yosi sila sa field. Ako kasi hindi marunong pero dahil parang in yun sakanila ngppretend ako na ngyoyosi kahit hithit buga haha. Namimiss ko ang ex ko pag naaalala at binabalikan ko ito. Kasi siya ang greatest one ko. Siya din yung best ive ever had! Siya din yung only ideal man ko. Na nag end up sa hiwalayan. Akala ko siya na yung the one makakatuluyan ko magging happy ending. At magbibigay saakin ng mga anak. Pero hindi eh. Sa 4 years namin nagsama masasabi ko talaga na siya na ung lalaking makakatuluyan ko. Na siyana ung lalaki na makakasama ko habang buhay, pero paano ba nagtapos ang lahat?? Anyways mahaba pa ang kwento ko eh ayoko pang tapusin. Nagsisimula palang nga.
"Dahil obvious na obvious ung panliligaw tingin at panliligaw ko sakanya, alam mo nangyare bumaligtad ang lahat. Nagkatotoo ang pangarap ko. Siya ang nanligaw saakin, hinihintay ko nalang nga sagot niya na OO tayo na! Pero nagbago ang lahat nung hiningi ni "kulot (yung tropa niya) ung number ko at binigay sakanya.. Akala ko pa nga nun si kulot ung manliligaw saakin, un pala siya! (*_*)
Finally hiningi niya number ko. Makakatxt at tawagan ko siya the whole night nun. Binigay ko kaagad hndi nako nag pakipot uso pa ba un??? haha. Tapos nun time na un tinuruan ako ni louie magskate board kita daw panty ko! :D "sabi nila kaya inistop ko.. Concern siya saakin! Ang sweet niya.. (*_*) Tapos Sabay sabay na kami umuwi nun, Sumakay siya ng bus along cubao kasi taga Marikina pala siya. Ako kasi nagcommute lng. Pauwi saamin sa Bulakan. Bulakan lng nmn kasi ako. Naghiwalay na kami. Pero hinihintay ko ang txt niya.. kilig* ang cheesy pero lahat nmn tayo may kilig moments eh at hinding hindi mo na mababalikan pa. Kaya hngang kwento nalang muna.
Ayun tumagal kami, nun nging 10months kmi dinala niya ako sa bahay nila, dun ko nakilala ang mama niya, family niya mga ate at kuya niya. Ang awkward kasi lahat sila artist. Tapos ang popormal kumilos manamit. Nahiya ako sa suot ko nun eh. Kasu naka mini skirt ako sleeveless na paranh nakita lng nya ako sa tabi tabi. Kaya nun next na punta ko sakanila eh pants at tshirt feeling ko nga nun nging pormahan na emo nako nun that time ngiiba na ako pero ayaw nia eh gusto niya kung paano niya ako nakilala. Ang rockstar pala hindi namimili ng mgging gf. Kahit kikay o formal o rockstar din gaya nila. Napaka simple. At hindi maarte. Yun ang rockstar hehe. Sobrang inlove nako sakanya naibgay ko na nga lahat lahat as in kahit araw araw. Hindi pa niya alam na naadik ako sa Sex nun eh. Dko sinsabi basta sabi ko n may nauna na pero hindi ganun kaexperience. Kaya naniwala nmn siya. Pero eventually malalaman din pala niya ang totoo. Yun nga naayawan niya saakin. Hindi ko naman kagustuhan un eh. Nging parte lng sya ng pagiging heartbroken ko.
"Habang nagtatagal kami ng 1 year. And then 2 years nsasama na nga niya ako sa mga outings at reunions ng family at relatives niya eh. Kahit sa province nila nadala na niya ako. Halos dun na din ako tumira sakanila. Kasi same kami ngstop s pgaaral matapos ung 1st year sa fine arts. Ngsama kami parang live in. Sa bahay mismo nila. Tumagal kami nga 3 years. Then 4 years. At dito na nagsimula ang kalbaryo ng relationship namin. Sa tagal namin nasira pa kami. Hindi ng lalaki?! Hindi rin ng babae!? Kundi sa WORK! kasi ngapply na siya magwork nun gusto na niya makaipon. Habang ako gusto ko lang siya makasama habang buhay. Ayun nagka work din siya naging graphic artist siya sa isang game gadgets. Ngddesign sya ng mga logo's at mga cartoons at advertisements nun company. Pinasok nga niya ako dun bilang assistant kasi ang dami ng gngwa nila. Kulang sa tao. Kaya lang dahil masyado siyang perfectionist nakalimutan niya na gf pala niya kausap niya. Nadadadown ako, feelng ko hndi siya satisfy sa lahat ng designs at ginagawa ko. Kahit ginawa ko nmn lahat. Hngang awayan dyan awayan kami sa work at paguwi ng bahay. Nagiging demanding na siya. Nakikita ko na ung pagiging bossy niya saamin dalawa gusto nya siya lagi nasusunod. Hindi na kami magkaintindihan give up na ako. Umuwi ako sa bahay kinaumagahan hinihintay niya ako pumasok pero hndi nako pumasok. Ni hindi nga ako ngpaalam o nagresign basta hndi nako pumasok. Napaka unprofessional ko dw childish. Na parang lahat daw ng gngwa ko eh wala sa tama. Imature. Lahat na yata ng nega sinabi niya sakin that time nasaktan ako sobra. Nasaan na ung dating hurvey na malambing at binababy ako.? Sabi niya hndi na kami bata. Huwag ko daw dalhin pati sa work ung pgging childish ko at imature. Tama naman siya narealized ko din un. Pero huli na eh. Naghiwalay na kami at Nakipag landian na ko sa ibang lalaki. Naghanap ako ng iba. Nagmadali ako sa lahat. Walang direction. Hindi nagiisip. Hindi ngpadalos dalos. Sumabay sa agos life goes on eh gagawin ko kung saan ako masaya. Pero masaya nga ba?? Saan ako napunta!? After ng ginawa ko ung gusto kong gawin. Mga gawain na hndi pingiisipan. Yung go with the flow. Napadpad ako sa maling tao. Dun ko nakilala yun Demonyo. Na pumatay sa pagkatao ko. Yun si Monster!
0 notes
Text
Tumblr media
"Goodgirl turns to bad girl" oo naging badgirl ako, matapos ang breakup namin ni James naging pariwara ako. Gimik dyan party dun. Lahat na yata ng ibat ibang alak natikman ko na at ibat ibang lalaki. Lalaki oo kasi ang totoo nyan dahil sa pag ka wasted ko sa ex ko, naging wasted din ang buhay ko, hindi ako ngpakawasted at pumangit eh, ewan ko ba, kasi umaalis ako ng bahay, party dyan party dun mga flings, at one night stand. Ang dami bad things na nagawa ko, nging shop lifter pa nga ako sa mga mall na pinupuntahan ko. Lalo na hindi ko mabili ang gusto ko. Masaya masaya maging badgirl kasi alam mo kung bakit?? Naadik ako sa "SEX" oo sobrang bad noh. Sa mga 1st story ng buhay ko sguro mgugustuhan mo pa ako. Dalagang Pilipina mahiyain, tahimik at may pag ka weirdo. Hindi naman nwala ang pagka weirdo ko nadagdagan pa kamo. Naging suicidal na din ako madalasa na ako mgiinom ng kung ano ano para lng ma Deads! Eh naglaslas na nga din ako, tapos muntik pako mag baril sa ulo. May baril kasi si papa bigay sakanya yun nun naging brgy counsilor siya sa village namin. Syempre pag heartbroken ano na ba ang ginagawa ng mga badboy at badgirl edi magpaka bangag! Gabi gabi inom, ksama kung sino sino mga old friends mga nakilala lang somewhere, mga nakilala sa mga group chat, na magmemeet pagtapos alam na. Napaka bad ko nun, stokwa ako samin ni hindi nga ako umuuwi, simula ngbreak kami ni james nag stop na ako mgaral. Hindi ko na tinuloy yung Nursing, 3rd year na sana ako sa pasukan nun eh. Pero sinayang ko. Madami na din ako nakaaway sa sobrang badgirl ko ako na ung nambubully, nagawa ako kay james. Siguro madami na ako nakaaway, grupo minsan mismong nging kaibgan mo pa. Katapusan na ng pagging goodgirl ko eh, kung manamit ako nun halos kita na kaluluwa.tapos ang kapal kapal pa mgmakeup.. 1 year ata akong stop sa pagaaral at nageenjoy lang sa buhay. Yung happy go lucky. Hangang sa nakilala ko si Mr. FineArts na Rockstar din. Si Hurvey. Yung pinaka last Man na minahal ko ng Sobra sobra. Sya na eh feeling ko siya na yung naka tadhana saakin. Siya na ung Destiny ko. Siya na ung makakatuluyan ko. Kasi mahal na mahal ko siya.
0 notes
Text
Tumblr media
" Mr Bully" College na. Ano kayang course ang kukuhain ko? Dahil may tita kami na nasa canada. Ang gusto ni papa samin dalawa mgkakapatid ay Nursing. Kaya sumunod naman kami, pero hindi ko pa tlga alam kung ano ang gusto kong kuhain, yung sister ko gusto nun HRM eh kasi gusto nun magmanage ng restaurant. Kasu yun nga dahil yun ang gusto ni papa, yun ung kinuha namin.
" First day ng klase, may nakatabi ako na lalaki na sobrang tangkad, sguro mga 5'9 ang heigth niya, Siya na pala ung next ko magiging Bf dko inakala. 2nd week ng klase bigla may naglagay sa likod ko ng papel. Nagulat ako pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko ano kaya un sa mukha ko ba?? Kaya ngpunta ako ng CR para alamin kung ano ung nasa mukha ko, tpos pati ung mga tao sa CR tumatawa. Pagtingin ko sa likod ko. May nakalagay sa papel. CUTE AKO! Langya sino kaya ang naglagay nun. Pagbalik ko sa room, alam ko naman eg kung sino, kasi isa lang nmn ung lalaki na nakatabi ko sa klase na mahilig mambully sa klase sino pa. Ung matangkad na un na ubod ng hambog crush ko sana sya kasi moreno din sya at chinito matangkad nga lang sobra. Sguro hngang balikat lang niya ako. Kaya lang bully. Nakakairita siya, palagi ako naiinis sakanya sa klase. Lagi sita pinagagalitan ng prof 1st year college may bully. Ano ba to?! Sabi ng prof sakanya huwag mo dadalhin ang pambubully mo nun highschool ka sa college. Hngang ayun tumahimik si hambog, tapos nakakairita imbis sa garapan nakatingin nakatagilid siya saakin. Trip na trip niya ako ibully at pagtripan.ewan ko kung bakit? Hangang sa nagakit na ako sakanya, sabi ko ayoko na kitang makatabi sasabihin ko sa prof kung pwede ilipat na ko ng pwesto. Hindi din kasi pwede eh kasi by alphabet ung seating arrangement nmin. Kaya wala tlga akong magawa kundi pagpasensyahan siya. Siya ang kauna unahang lalaki nambully saakin. Inis na inis ako sakanya, yun pala totoo pala ung the more you hate, is the more you love. Oo kasi naging kami!! And tanong nyo kung paano???
Dahil sa mga pambubully niya saakin hindi ko alam na may gusto pala siya saakin, yun pala yung way niya para magpapansin. Everytime papasok ako siya makikita ko, nakaabang sa pinto at ayung nan aalaska, yun na pala ung panliligaw niya?? Dahil yuna ng sabi niya un ang way niya para makilala ako. Kaya pala favorite niya ako, one of akind daw kasi ako, maganda nmn daw ako, ewan ko siguro nun dalaga pako eh may itsura ako? Ewan kasi para sakin hindi naman ako kagandahan, attracted siya sakin hindi nya din mapaliwanag kung bakit basta naattract siya saakin. Dahil sa cute naman siya at mabait naman siya kahit ganun siya eh. Kaya napapayag ako, naging kami. Siya si James. Paw ang tawag sakanya. Kasi James Paul ang name nia. 3 lalaki sila magkakapatid, lahat ng name nila sa beattles daw kinuha gaya nun paul. Ung james ewan ko kung saan. Sweet siya saakin kahit ganun siya over protective ganun pala ang mga bully madaling magalit kapag may umaway sayo o may nanakit sayo. Ipagtatangol ka niya talaga, dahil matangkad siya sguro mahirap na ibully sya. Caring din siya kasi kapag uwian namin siya may dala ng bag ko. Bitbit niya un hangang makauwi nako at maihatid niya ako saamin,ngaun lang ako nakakita ng lalaki na sobrang gentleman. nakakainlove. Isa din siya sa ideal man ko eh. Pero paano at bakit ba nagtapos ang lahat sa 8 months na naging kami. 2nd year fisrt sem. Hindi na kami magkaklase, ibang section na siya, pero sinusundo niya pa rin ako sa klase kapag uwian tumatambay kami ng bilyaran yun kasi ang hobby niya billards. Magaling sya pero wla ako hilig dun eh. Pinapanuod ko lang Siya. Tapos sabay kami kumakain, Sobrang sweet nya talaga at gentle man, feeling ko nga magtatagal kami kasi wala ako nakikita na mali sakanya hndi din siya babaero stick to one siya. Ang dami ko magagandang memories. Nun 1st monthsary namin binigyan niya ako bracelet, nun 2nd month namin kumain sa labas., 3rd, 4th, 5th, 6th 7th, puro surprises mahilig un mag surprise eh mgugulat ka nlng s mga gifst niya sakin every monthsary namin. Sympre ako meron din. Pero bakit ba nagtapos yung lahat??
" 2nd year 3rd semester. Firstday ng klase. Wala siya. Hindi siya ngenroll. Pinuntahan ko siya sakanila. Sabi ng mama niya nasa kwarto nagkukulong. Meron na pala siya problema nun, hindi niya masabi sabi saakin kung bakit sya hindi na nagenroll gulong gulo isip ko, kasi hindi ko alam kung bakit. Hngang sa nakarecieve ako ng text message mula sakanya. Napaka haba. Nobela. Mkkpghiwalay na pala siya, kasi sabi ng mama nia mahirap ang lobg distance relationship. Guess what magmimigrate na sila ng canada. Kaya pala namumublema siya sabihin saakin un. Ayaw niya makipag break ramdam ko. Humagulgul nlng ako sa iyak sobrang broken ako that time. Nagpaalam na siya saakin. For the last time narinig ko uli boses niya tinawagan niya ako sa phone. Umiiyak ako wala na ako masabi eh kasi bnreak niya na ako. Kaya puro iyak at hikbi lang ako nun. Pero ganun talaga eh. Wala naman ako magawa disisyon ng mama niya un. Na makipghiwalay na daw saakin. Kaya natanggap ko kaya lng sa sobrang sama ng loob ko muntik ko na ihagis sa ilog ung bracelet na bigay niya sakin nun firstmonth nmin kaya lang sayang eh. At furstmonth namin bigay niya un memorable sakanya for sure pinagipunan niya, may kaya sila kaya ganun sya mgsurprises lahat bnbgay niya para sumaya ako. Siya na sana ung last ko sana siya na din ung mkakatuluyan ko pero nagtapos din ang lahat eh. Wala naman akong magawa.
0 notes
Text
Tumblr media
"My Mr Guitarist Boyfriend. Siguro siya ung mapagmamalaki ko din na isa sa mga naging bf ko, kasi napaka galing niya mgguitara may banda kasi sila, unang meet ko sakanya naka black shirt siya, black riskband, naka eyeliner, super rockstar yung pormahan. Nakakailang kasi mukha siyang badboy nun unang meet ko sakanya, Hindi ko nga inakala na liligawan niya ako kasi noong nakilala ko siya may gf siya nun. Maputi, chubby, tpos chinita ang layo layo ko naman sa ganun look, pero nagbreak sila eh, hindi ko na inalam ung reason hindi naman niya sinabi sakin, yun na nagsimula kasi yun nanonood ako ng jam nila, childhood friend ko kasi yung vocalist ng banda nila, si ate maan. Medyo heartbroken din ako nun dahil hiwalay na kami ni ash. Pero dahil ako naman yung reason at nkpghiwalay kay ash kaya hindi ako masyadong nsaktan, nakilala ko tuloy tong si mr guitarist boy, si J-Mel, ang cute niya lalo naka black tshirt at rockstar na rockstar siya ung naging first boyfriend kong rockstar. Nun una naiilang ako kasi yung pormahan ko eh, jumper shorts tshirt at sneaker, ang baduy,.. pero dun ako kumportable eh. Pag uwi ko sa bahay hndi ko siya makalimutan kaya ayun nagtingin ako sa magazine ng mga pormahan ng rockstar. \m/ nun inimbitahan niya ako na manuod ng gig nila bandang malate place un, kaya nag pormang rockstar naman ako, chuck taylor na black tpos pants tshirt, pero hinei ako ng eyeliner na black eh kasi nbabaduyan ako haha pero tnry ko pa din.nagulat nga sya sa suot ko sabi nya, oh ano yan? Kelan ka pa nging rockstar? Sabay ngiti saakin tas sabi ko naman ngaun lang bakit hindi ba pwede magpalit ng pormahan? Hindi ba bagay sakin sabay simangot ako. :( Sabi niya saakin alam mo hindi mo nmn kaikangan ibahin ung sarili mo eh. Maganda ka kahit ano pang identity mo. Sobrang nagblush ako nun. Dun ako nainlove sakanya kahit hindi pa naman niya ako nililigawan nun, feeling ko tuloy ang ganda ganda ko. (*-*) .. Nag simula na yung gig tinawag na yung banda nila, sobrang tulala ako sakanya siya kasi ung lead guitarist kaya siya ung nagdadala sa banda, nagsimula ng kumanta si ate maan ang cool dun ko pinangarap na sana one day vocalist din ako ng banda. Kasu hindi ganun kaganda ang boses ko eh, tpos hndi ko pa kaya mga highnotes. Kaya ayun hngang nuod nalang.. Sobrang saya ko nun time na yun, pag tapos nila nun, naguwian na kami dun siya nagtanong saakin, Shine may bf kba? Bakit parang magisa ka at dmo kasama? Sabi ko naman diba ako lang inimbita mo? At wla na kasi kami ng bf ko hiwalay na kami long story eh, okay, sabi niya sakin kung pwede daw ba ako ligawan hiningi niya sakin phone number ko, binigay ko naman kasi sa totoo lang sobrang crush ko siya nun kahit may gf siya that time.
'Pag-uwi sa bahay, sobra ung saya ko nakahiga na ako nun bigla may ngtxt saakin, siya pala. Hngang sa palitan na kmi ng mga hugot qoutes mga jokes at kung ano ano, dahil rockstar siya hindi naman ako nahirapan na kausapin siya kasi kahit papano may mga hilig din nmn akong mga rock songs that time. Akala ko nga hindi sweet ang mga rockstar eh. Grabe sobrang romantik pala sila, hindi lang nila pinapakita in public pero kapag kayo lang dalawa sobrang sweet niya, kaya lang may 3rd party issue, ung ex niya pinagselosan ko kasi sabi niya ngtangkang mgsuicide, nun ngkahiwalay na sila, ayun todo comfort naman siya sa ex niya sobrang selos ko kahit hindi pa naman kami, tinanong ko siya nun magbabalikan na ba kayo? Sabi niya mahal na daw niya ako gusto daw niya ituloy panliligaw sakin, sabi ko sakanya paano kung sagutin na kita ngaun? Tapos nandyan ung ex mo nakikipagbalikan. Sobrang heartbroken ako nun na hndi ko alam kung ako ba pipiliin niya o ung ex niya. Napaka ganda kaya ng ex niya hindi ko nga alam bakit sila nghiwalay nun at ano ang naayawan niya dun. Hngang sa ilang days sya hindi nagparamdam saakin, kaya naisip ko baka sila na uli. Hindi nalang ako umaasa. Kasi ang sakit eh. Ayokong umasa eh tapos sila na pala uli ng ex niya.
"Sunday evening sa simbahan. Nagulat ako nakita ko siya sa simbahan kasama niya buong banda niya at si ate maan, kaya pinuntahan ko si ate maan nun. After ng mass umuwi na kami lumapit siya saakin, tanong niya sakin kamusta kana? Sabi ko naman eto okay lang ( pero deep inside umaasa ako na baka wla n sila) sabay sabi nya saakin, hindi kana ngttext huh, sabi ko paano naman ako mgtttext kung hindi ka rin ngttext, sabi nya sakin magabang storya kasi si irish kasi eh gusto na mkpgbalikan kaya lang ayoko kasi talaga sa babaeng ngssuicide eh, parang nahihirapan ako. Baka nmn sobrang mahal ka niya kaya ayaw ka niya n mawala sakanya, Pinaliwanag ko na din sakanya everytime daw ng mgccooloff lng sla gnun sya ngtatangkang pakamatay, sa isip ko nun ang oa nun babae. Pero sympre hindi ko din masisisi pano kung ako ung nsa sitwasyon nun girl diba. Sabi ko sakanya, hintayin ko nalang kung ano mangyayari kung magiging kayo uli happy nako para sayo pero kung mghihiwalay kayo nandito lang naman ako sympre pakipot effect kasi crush n crush ko tlga siya eh kaya gusto ko siya maging kami. At dahil ngsabi siya sakin na gusto niya ako mas lalo tuloy ako ngkagusto sakanya. Ayaw ko ng pakawalan kasi gaya nun si Mr. P, hndi ko nsabi sakanya na gusto ko rin siya nkakahinayang. Sana naging kami. Baka kasi manghinayang uli ako.
"Jam nila sa pavillon ng village namin, Gabi un naka miniskirt ako, sleeveless na black tpos nka red sandals. Nagpunta ako sa jam nila pinanuod ko siya syempre, nakatingin siya saakin habang nguguitara parang alam mo un, humihinto ung paligid. Parang kami lang dalawa ang tao dun, ngtititigan kami kahit malayo ung pwesto ko sakanila, parang naka freeze ang paligid at kami lang may koneksyon. Pagtapos ng tugtugan nila, nagpunta siya sa may pwesto ko, tinanong nya ako sino kasama mo sabi ko naman si whenggay, kasu may binili lang, ittext niya daw ako mamaya pag tapos ng jam nila, excited naman ako kung ano yun, kaya ayun gusto ko ng matapos yng araw na un at mgtxt siya saakin,
Pag-uwi ko sa bahay, habang nsa sala ako at nanunuod ng tv, may nagtxt saakin, siya na pala, sabi niya, hi aning ginagawa mo? Sabi ko naman eto nanunuod lang sa tv, ikaw? Iniisip kita lalo ung suot mo nun sa jam namin. Ang sexy mo nun sa suot mo, nakakainlove sabi niya, sobrang kinilig naman ako. Sabay sabi niya bagay sayo ang black. Lumulitaw daw ung kulay ko. Morena kasi ako. Siguro maputi ako pag black ang suot ewan. :) Finally hiwalay na daw sila itutuloy na daw niya ung pnliligaw sakin, sabi ko naman nun, parang ayoko na magpaligaw. Sabi niya naman bakit ayaw mo na ba sakin? Sabi ko ayoko ng magpaligaw kasi sasagutin na kita.. (sabay kinikilig ako sa reply nya sakin) sabi niya talaga sinasagit mo na ako? Yes! Wooh! Tapos nagulat ako tinawagan niya ako s phone, ayun buong gabi kami nagusap hngang madalingg araw nga eh. Halos ayaw na nuya ibaba ung phone, gusto niya lagi naguusap kami nadidinig ang boses ko. Buong gabi at madaling araw kami nagusap. Sobrang saya ko nun. Sarap niya kausap ang low ng voice nia, ang laki, malambing. Siya na ung pinaka perfect na Bf ko kung tutuusin eh, kaya lang naghiwalay din kami. Kasalanan ko kasi eh. Basta mahabang story.
1 note · View note
Text
Tumblr media
"My Bestfriends" mahirap makahanap ng tunay na kaibigan lalo na marami dyan nagbabalat kayo at mga plastik na kaibigan. Yung andyan lang pag may kailangan sayo. Andyan lang kapag may problema siya at kailangan ng karamay. Yung iba pa nga pag kaharap ka nkangiti at ang bait bait pero pag talikod mo kung ano ano na pala sinasabi tungkol sayo. Ako na yata pinaka mapalad kasi nakatagpo ako ng hindi lang iisa na bestfriend.. kundi 12 bestfriends oo magbabarkada na kami since 2nd year highschool, kasi nun 1st year magisa lang talaga ako parang loner, weirdo, at boring yung buhay ko. Pero nun 2nd year hindi ko akalain na may dadating saakin na hindi lang isa kundi 12 na bestfriends, may mga childhood friends nmn ako na superclose as in na pati maliligo sabay sabay kami. Pero nun 2nd year mas dumami na ang friends ko sila ang lumapit saakin, ung isa ka village lang nmin medyo boyish un pero sobrang close kami, tpos sila din nag encourage saakin na huwag mging mahiyain, dati pag ngrereport ako sa klase halos uutal utal ako pero nun 2nd year hindi na. Dahil 12 bestfriends na kaklase ko pa sila sa school paano pa ako mahihiya nun. Parang mga mgkakapatid ang turingan namin, pag recess time na lahat kami mgkakasama sa library hindi para kumain ha :D hindi din para mgbasa ng books., Kundi para magdaldalan kasi ung isang librarian doon eh isa s mga vestfriends nmin at dahil wala msyado student na nglilibrary pag recess time dun kmi ngdadaldalan, haha naalala ko pa nga may favorite book ako ninakaw sorry sa mga nkakabasa. Oo ninakaw ko kasi favorite book ko siya ang ganda kasi niya at sobrang sarap basahin. Nalimutan ko na nga ung book na un pero pag naalala ko, ipopost ko dito at ikkwento. Hindi sila bad influence friends kasi sila pa yung nagsasabi magaral at magreview ako, kaya lang may teacher kasi kami na sobrang bagal magsalita maantok ka na sa klase sa sobrang bagal nya magsalita kaya kapag sakanya ng subject umaalis na kami lahat, ngccuting class kami haha. Tapos babalik uli kapag next teacher na. Filipino subj pa naman un kasu napaka bagal talaga ng pgsasalita niya. Masaya sila kasama napaka kalog, makulit at sobrang iingay ako kasi ubg tahimik talaga pero dahil sa nakilala ko sila lumabas na din ung pagging makulit at madaldal ko. Tinatago ko kasi un natatakot kasi ako sabihan ako ng nonsense ako, boring o kung ano man kaya hndi ako masyado nagdadaldal sa mga nakakausap ko, pero dahil makukulit sila at super kalog ayun nahawa tuloy ako.
"Retreat" yung araw na magkakasama kami lahat, tapos eto ung pinaka memorable saakin, tinulungan nila ako ibigay yung sulat ko sa crush ko. Si Mr Raymond, sobrang talino niya kasi lalao sa Math, tapos ang galing pa niya magsalita parang matutulala ka nalang habang nagsasalita siya, Nalaman ni Raymond na crush ko siya dahil sa mga mdadaldal kong kaibigan, kaya wala na din akong dahilan para ilihim, hindi naman ako nagaassume na ligawan niya ako eh, at maging kami, hinahangaan ko lang talaga siya sa sobrang talino niya, at parang nun time na yun wala siyang balak pang mag girlfriend gusto lang nun puro aral aral. Kaya hindi ako nagaassume sakanya, binigay ko ung sulat ko, nasa maliit na bottle nakalagay ung sulat, tapos nakakakilig kasi may binigay din siya saakin, hangang ngayun nga nasa saakin pa rin un.. Binigyan niya ako ng picture niya na may sulat niya sa likod, ang ganda ng sulat niya, ang sweet kasi may malaking smiley pa sa huli ng sulat niya, sobrang saya ko nun, nakatanggap ako ng picture niya at ang cute cute niya dun sa picture..<3 hngang ngaun kasi hinahangaan ko pa rin siya eh kahit pamilyado na siya ngaun, grave ung kaba ko nun ibibigay ko yung sulat ko sakanya, kasi magkaharap kami tapos hiyang hiya ako na nagbblush haha, pero yun ung pinaka masayang nagyari nun retreat eh, kasi nakangiti siya inabot ung sulat saakin tapos binigyan pa niya ako ng picture niya, Sguro kong malapit lang ang bahay niya saamin lagi ko siya iniistalk kasi ewan ko ba ang sarap niya kasi tignan napaka amo ng mukha niya. Sila talaga ang pinaka the best na bestfiends ni minsan wala kami pngawayan pero sympre sa tagal na din kaya may mga ngkakatampuhan kapag ung isa hindi nakapunta sa reunion o pagkikita kita namin, Pero sa huli buo pa rin kami pag ngkakasama makukulit pa din ako lang tlga ung tahimik eh personality ko na yata un. Yung Bestfriends forever yun sila. At napaka swerte ko nakilala ko sila..
0 notes
Text
Tumblr media
" Mr Boy Next Door ! "Yung lalaki na nagligtas ng buhay ko." Oo may suicide thing na nangyari noong naghiwalay kmi ni Pat. Para kasi hindi ko makayanan at ang daming mga tanong kung bakit siya nakipag hiwalay. At dahil siya ang first kong nging bf. Masakit saakin na siya din ung nkpgbreak na walang kareason reason basta lang nhihirapan puro ganun. Hngang sa nameet ko si Ash. Ung boy nextdoor. Kasi malapit lang bahay nmin i mean phase. Kasi taga phase 2 lang siya at ako naman Phase 1... Lagi siyang tambay sa court eh lagi dun ako nagmumukmok at umiiyak oo doon kasi ung sister ko magkatabi kami s kama ntutulog isang kwarto lang kami, kaya ang hirap umiyak doon. Kaya napaka memorable ng basketball court namin eh. Kasi doon ako umiiyak kapag malungkot ako. Kilala na nga ako ng net pati mga ilaw at poste doon baka kilalang kilala na ako dahil sa palagi pagpunta ko doon gabi gabi. Nameet ko si ash, bigla siya lumapit eh sabi uy bat ka umiiyak. Sabi ko naman pakielam mo ba sino kaba?! Grabe to nagtatanong lang napaka sensitive mo naman kasi malayo palang dinig na hagulgul mo kaya napadaan ako nakita kita. Sabay tayo ko sa upuan at iniwan ko siya doon at umalis na ko. Paguwi sa bahay natulog nalang ako pagtpos ko maligo at kumain natulog na ako ng maaga.
"The 2nd time" ikaw nanaman!?? O ikaw din??! Ayun nakita ko ung lalaking un si mr.Ash at sa mismong bahay pa namin.. anong ginagawa mo dito?? Sabi niya saakin. Hello bahay po namin ito??! Ikaw dapat tinatanong ko dito eh ano bang ginagawa mo dito? Ang sungit naman nito sabi nya sakin biglang dumating ung kapatid kong lalaki. Ate shine. Si Ash yan kaibigan ko tinuturuan ako maguitara. Yes guitarist sya at pianist din kasi mahilig siya dun. Kaya naguguitara sila sa tapat ng bahay namin ngppraktis jam jam sla ng kapatid ko. Sabi ko nmn oh kaibigan mo pala kapatid ko, sabay sabi nya bakit ka nga umiiyak nun isang gabi? Ngbreak kayo ng boyfriend mo noh! Sira talaga manghuhula pa pala ung mokong na un. Haha:D ayun tinanong na niya ung landline number nmin sa bahay. Una sasabhin niya hello pwede ho ba kay edz? Tapos maguusap lang sila ng ilang minuto sasabihin niya naman pakiusap mo nmn ako sa ate mo oh, sinong ate si ate shine o si ate erich? Si erich" sabi niya kinausap naman siya ng sister ko oh bakit ash ano kailangan mo sakin??, hindi sayo pwede ba makausap ung ate mo. Haha, nkakatawa siya kasi pnaiikot ikot pa niya, eh ako lang pala gusto makausap tpos ayun bolahan na kesyo mgkaboses daw kami ng sister ko. Na ang cute daw ng boses ko maliit daw na malaki lol. Okay naman siya mabait, nakapag move on na ako sa ex ko dahil sakanya. Anyways ung pnka memorable saakin yung first heartbroken niya saakin, kasi parang.. ewan ko ba?!. Ganun siguro un., when someone breaks your heart, magagawa mo na din na gumanti parang ganun kasi eh. Ako kasi ang nakipag break kay Ash. Mahabang story. Parang ayoko nlng sabihin private nlng siguro un.. Yun ung first heartbroken niya saakin. Mabait si Ash nasakanya na lahat. Pero bakit ba hiniwalayan ko siya?? Kasi nawala na ung kilig eh parang hindi na din ako masaya sakanya ewan ko pero siguro nga dahil nagawa saakin ng isang tao gumanti nmn ako sa iba.
"His first heartbroken.. gusto ko lang ikawento, kasi sa part niya siya yung hindi nakamove on. Gusto niya ako balikan, ilang days, ilang weeks,, ilang months na hindi pa rin sya maka move on.. Naalala ko pa nga nun dahil yung mama niya nilolock ung gate ng bahay nila tuwing 10pm. At dahil hindi talaga siya makatulog inakyat nya ung gate nila, para magpunta saakin, sinulat nga nya lahat ng sasabhin sakin kasi hindi nya daw masabi ng personal dahil naiiyak na siya,kaya sinulat niya nalang ung mga sasabihin sakin ang dami nyang tanong sa sulat nkakaiyak, ayoko sana makipg hiwalay sakanya pero un eh wla ng spark wala ng lahat hindi na ako masaya at hindi na din sya makapg focus sa pgaaral niya, kasi engineering kasi ang course nya napaka hirap nun at tlgang kailngan puro mtataas grades kasi scholar din siya hndi pwede babagsak sya pero simula kasi naging kami bumababa na ung grades niya at ngagalit din saakin mama niya, at dahil nursing ako siya ang sumusundo sakin every tpos ng class nya. Tpos sabay kmi umuuwi dahil same village kami. Hindi na niya naasikasu masyado ung pgaaral nya, parang nasisira din hndi siya makafocus. Pero sabi niya kinakaya naman niya ang lahat basta kami pa din. Pero hindi eh ewan ko?? naghiwalay pa rin kami eh, sguro dahil ganun talaga.. After 1 year at 4 months nmin sguro okay na din nmn un kasu hindi talaga kami tumagal eh hay sguro ganun talaga. Pero Finally natanggap naman niya at nkpgmove on na siya.
0 notes
Text
Tumblr media
" The First Boyfriend.. "
Madami naghihintay ng right one niya marami din umiiwas na mgkaroon ng ganito sa buhay niya. Pero paano ba nagsimula ang lahat ng pangyayari sa buhay ko. At sino ba ang naging First boyfriend ko. Well hindi ko na sasabihin ang whole name niya.. tatawagin ko nalang siyang PAT.
"Vacation".., natapos na ung 3rd year highschool namin sa wakas!!, kaya eto bakasyon na. Iniisip ko pa rin si Mr. P kamusta na kaya siya? Saan kaya sila lumipat ng bahay? Saan kaya ngaun siya nagaaral? May bago na kaya siyang Gf? Nakamove on na kaya siya kay Monalisa? Pero eto kahit naman isipin ko siya palagi, ang tanong eh iniisip niya kaya rin ako? May paki din kaya sya saakin? Sa pagtatapat nya saakin noon naduwag ako na sabihin ung nararamdaman ko sakanya, kaya hndi ko man lang nasabi sakanya na gusto ko rin sya. Ang hirap kasi eh lalo kapag first time mo lang magkakagusto. Oo first time lang ako nagkagusto sa lalaki at siya ung kauna unahan ni hindi man lang niya nalaman na first crush at first love ko siya. Baka pamilyado na nga rin un ngaun. Well. Mabalik tayo sa kwento ng First boyfriend ko hehe. Ung mga pabebe dyan at mga highschool palang sure ako na nraramdaman nyo din tong pakiramdam ko. Kasi first eh kaya hindi mo talaga makakalimutan. Yung first na nainlove ka. Yung first na may humawak sa kamay mo. Yung first na may tumitig sayo. Yung first na hinalikan ka. Pero saan nga ba nagsimula?
Bakasyon nun sunday afternoon mga 5pm or 4pm yta un ng hapon dko na masyado maalala pero wala ng sikat ng araw nun kasi hindi naman ako lumalabas ng tirik ang araw. Para kasi akong vampire takot sa araw. Hehe. Pero ng hapon na yun habang nglalakad ako sa kalsada. Papunta akong clubhouse para imemeet ko ang kaklase ko para sa project namin sa school na late na kasi namin ipapasa. Nakasalubong ko isang hambog na lalaki ang yabang niya maglakad parang siya may ari ng kalsada. Dahil sa inis ko sakanya inisnob ko siya at naglakad ng mabilis, kasu ung lalaki na un hinabol ako!? biglang sabi miss pwede bang malaman ung name mo? Dahil stranger sya sakin at hindi ko naman siya kilala at baka nanttrip lang kaya hindi ko uli pinansin, naglakad ako ng mabilis para hindi na nya ako kulitin. Sguro napagod kakahabol kaya hindi na nya ako sinundan. Paguwi ko ng bahay naiisip ko pa rin ung lalaki na un. Napaka yabang ang pandak nmn niya pero maputi sya. Cute naman at tantalizing eyes haha!! actually barkada na siya ng kapatid ko ngaun eh. At sobrang close nilang dalawa. Parang kapatid ang turingan. Then one day nagpunta ako kay whenggay para kamustahin sya dahil childhood friend ko siya at wala ako magawa sa bahay nun. Bigla niya naikwento saakin "huy gaga ka! Sinungitan mo daw si Pat. Huh??! Sinong pat sabi ko naman sakanya. Si pat hindi mo ba alam na crush ng phase4 un madaming girls nagkakagusto dun dahil dancer tapos magaling pang sumayaw at napaka cute, totoo nmn siya cute nmn tlga ung pat na yun. Pero hambog! Sabi niya bakit mo sinungitan hindi mo ba alam pinagtanong tanong nya ung girl daw na slim na medyo mataray daw at taga phase1 na maiksi ang buhok. (Maiksi kasi buhok ko dahil mhilig tlga ako s maiiksi n haircut) sabi ko naman paano mo nmn nasabi na ako un hinahanap niya?? ako lang ba ung maiksi ang buhok?? Sabi naman nya panong hndi ko malalaman eh nakita ka nmin n bumili sa tindahan at tinuro ka nya saakin. At ikaw daw ung babae na ngsungit sakanya sa daan. Sabi ko naman eh paano hindi ko susungitan ang yabang nya kasi umasta kala mo sakanya ung daan tpos kung maka tingin kala mo may gusto ako sakanya. Hangang sa ayun na pinilit ako ng kaibigan ko na mkipgusap sa lalaki na yun. Binigay nya ung landline number ko, at tinatawagan na niya ako araw araw. Dahil sweet sya at cute naman sya kasu hindi tlga ako mhilig s lalaki n mpuputi pero cute nman sya kaya inintertain ko at yun n nga nanligaw at naging kami.
"1st Monthsary. Hindi ko tlga alam ang mgkaroon ng boyfriend kaya hindi ko din alam na may celeb pala ang first monthsary haha :) dahil sa hindi ko alam so wala akong gift sakanya. Pero siya may gift siya saakin. Pero nagulat lng ako akala ko mgppropose sya saakin ng kasal haha paano kasi singsing ung binigay nya saakin. :D anyways hindi nmn propose un pero sabi nya kaya daw ganun, para parang lagi daw kami magkasama at parang hawak ko daw ang kamay niya kahit sa malayo. Hinatid na niya ako sa bahay nun. Pgtapos namin mag- simba tska nya un binigay kaya nagulat ako. Pagkahatid nya sa bahay ayun ung first kiss ko!! Haha. Bigla nya ako hinalikan ng wala man lang pasabi!! at dahil na din sa biglaan un hindi ko na din naiwasan. Pag pasok ko ng bahay iniisip ko ung nangyari. Kasi hindi ko talaga akalain na ganun ang gagawin nya. Pero kinilig ako nun at parang hindi na ako makatulog. Sguro inlove na ako sakanya akala ko kasi ung fling fling lang na maging kami at wala nmn seryosohan pero iba ung feelings na un eh.
"Tapos na ang Vacation back to school na 4th year highschool na rin sa wakas. Magkaiba kami ng school. Kaya hindi na kami nagkikita ng madalas hindi gaya ng bakasyon na palagi siya nagpupunta saamin. Malayo ang school niya kaysa saakin. Kaya malabo din na mapuntahan nya ako. Ang pinaka naaalala ko nun hindi pa kasi uso ung cellphone. Landline phone lng ung meron. Kaya ang naisip namin everyday kami mgsusulatan sa notebook. Pupunuin namin ung notebook na un ng mga kamustahan?, Kwentuhan, lambingan, Kahit tumatawag nmn sya sakin araw araw sa landline nmin. Gusto niya kasi ngsusulatan kami kasi iba daw kasi un mas sweet daw, kaya sinunod ko naman sya. At sabi nya nakasulat daw sa notebook mga nraramdaman nmin sa isat isa. Yung reply namin at mga sweet messges nmin. Hndi pa kasi uso ang text chat noon eh. Kaya naka sulat lang daw un sa notebook hngang sa mapuno babasahin nlng nmin kahit paulit ulit. Ang sweet ni Pat. Kaya lang hindi kami nagkatuluyan eh. After 6 months ayun ngkipgbreak siya kasi nahihirapan na daw siya feeling ko may nakita na din siyang iba sa school niya. Kaya nkipaghiwalay na siya saakin. Yun ung first heartbroken ko na feeling ko magugunaw na ang mundo. Na malapit na akong mamatay. Na hindi ko na makakaya. Un pala hindi. Hngang dumating naman si Mr Boy next door sa buhay ko...
0 notes
Text
"The throwback of my life.."
Tumblr media
" Meet Mr Intellient" 1st year highshool start na ng klase.. gumising ako ng maaga, ginising pa nga ako ni mama para hindi ako ma-late sa klase ko eh, Tapos tamad na tamad ako bumangon parang ayaw ko pa pumasok kasi masarap ang vacation kesa papasok ng school. Dahil makulit si mama kaya ayun nagising na ako at naligo, tpos ngtoothbrush, naghain si mama ng breakfast at kumain na ako binigyan nya ako ng pera pambaon ko sa school at umalis na ako at sinundo ng school bus namin.
Pag dating ng school syempre wala pa ako kilala sa classroom kaya doon ako umuupo sa pinaka dulo at left side ng klase. Mukha akong weirdo wala kausap wala din katabi. Ewan ko ba bakit ganun sila saakin pero okay lang hindi ko naman sila kakilala at wala din nmn akong pakialam sa ibang tao kundi ung sarili ko lang. Biglang may isang lalaki tumabi saakin tinanong name ko dahil mahiyain ako hindi ko sya pinansin na parang wala akong narinig. Haha! Pero cute sya eh. Tall dark and handsome ung mga ideal man ng isang babae. Pero syempre hindi ako nagpahalata na naggwapuhan ako sakanya ano sya feeling cute.. hehe tpos ayun na nagsimula ng mag intruduce yourself sa harapan.. ay sunod na ako kasi letter M ang apelido ko. Hangang sa ako na nga ang sumunod, nagpakilala ako sa harapan sinabi ko ang buong pangalan ko at hilig ko at kung ano ano pa. Tpos bigla tinawag ung katabi kong lalaki ay P pala ang apelido nya.. kaya mgka-row at seatmate ko sya kasi M ako wla ng ibang sumunod na name kundi sya dahil P ang apelido nya kaya ngkatabi kami sa upuan. Ang Malas nga naman lagi nya ako makikita at lagi ako mamumula na katabi ko sya. At dahil mahiyain ako takot ako makita nya ako ng malapitan kasi baka ano ang itsura ko baka pawisan ako o may dumi sa mukha ko na dko alam. Kaya ayun natatakot ako makatabi siya pero eh ano dko naman sya gusto at ngwapuhan lang ako sakanya, kaya hindi ko nalang siya pinapansin. Kasu ang kulit nya ang dami niyang tinatanong saakin na hindi ko naman sya gusto makausap, o baka gusto lang niya madinig ung boses ko para magsalita ako. Finally ayun dahil nakulitan na ako sakanya nakipag-usap din ako, tapos nakakainis ang sabi pa niya saakin ay nagsasalita ka pala akala ko kasi pipi ka. Medyo nakaka offend pero tumawa ako dahil nakakatawa nung sinabi niya un saakin, kaya ayun tapos sabi pa niya maganda ka pala pag nakangiti. Dahil sa sinabi nya na yun hindi tuloy ako nakatulog hahahaha.. feeling ko ang ganda ganda ko. Uwiian na namin tapos nahuli ako lumabas kasi ayoko nakikipagsiksikan sa pinto lahat sila excited umuwi eh. Tapos pareho pala kami hindi din siya nakikipag unahan lumabas ng room akalain mo nga pati pag uwi ngkasabay pa kami. (*Blush*) ayun sabay lang kami naglakad pauwi dahil may school bus kami kaya hindi ko na sya nakasabay at siya hinahatid ng mama niya at may car sila mayaman. Malayo palang kitang kita ko na ang mama niya parang masungit at tahimik pala siya kapag kaharap ang mama niya.
Pag-uwi sa bahay iniisip ko na siya buong araw parang excited na nga ako gumising sana gabi na lagi ko sinasabi sana gabi na para makatulog na ang lahat.. Finally ayun gabi na dahil mahilig ako mag sulat sinusulat ko sa diary ko lahat ng nangyayare saakin.. kasu sa panahon ngaun (2021) hindi na uso ang diary eh. Pero dahil throwback to ng buhay ko kaya sasabihin ko. hehe peace 🤞
Kinabukasan si mama nagulat kasi ang aga ko magising at ako na din ngprepare ng pagkain sabi pa nga nagtataka bakit sinisipag ako pumasok haha. Pero sympre bawal pa ang mga crush crush na yan nun highschool kailangan magaral lang mabuti.. Actualy kaya ko eto sinulat kasi itong 1st year highshool talaga ako naunang mgka crush.. dahil boyish po ako nun gradeschool. Lagi lalaki ang kalaro ko at batang bata pa ako ewan ko nalang biglang nagbago ang lahat eh dahil sakanya kay mr. P siya ang first crush ko at first love. Pero nagpapasalamat na din ako sakanya dahil sakanya hindi ako nalito sa tunay kong pagkatao..
Nasa School na finally makikita ko uli siya katabi ko siya sa upuan eh, pero siyempre hindi ako nagpapahalata baka kasi isipin niya na may gusto ako sakanya kaya sinusungitan ko siya tapos hindi ko sita pinapansin.. pero matalino pala siya lalo sa history doon pa naman ako laging bagsak haha. Matalas ung memorya niya ang dami niya alam at sinasabi na hindi ko maintindihan matutulala ka nalang dahil sa galing niya magsalita at mag english. Hehe dun mahina din kasi ako sa english. Lalo sa math tapos siya easy na easy lang sakanya. Yun pala lumaki siya sa states dito lang siya naghighshool noon gradeschool sa states sya nagaral. Minsan nahihiya ako kapag nakikipag usap siya saakin lalo napaka talino niya magsalita lahat ng sinasabi niya hindi ko maintindihan eh oo nalang ako ng oo.. kaya siguro tingin niya saakin boring kausap. Pero okay lang ayaw ko din naman siya kausap kasi hindi ko talaga siya maintindihan.
Fieldtrip ng School syempre lahat excited kaya lang ako namumrublema kasi tiyak sasabihin ni mama walang pera wala akong pang fieldtrip at hindi naman daw required masyado pero paguwi sa bahay nun sinabi ko na may fieldtrip kami pumayag si mama it means may pera kami siguro.. ang laki ng ngiti ko kasi mkakasama na ako every fieldtrip noong gradeschool eh lagi hindi kami sumasama..
Ayun finally fieldtrip day na. Dahil mahilig ako mgjumpershorts at tshirt yun ang susuotin ko. Grabe nakita ko siya agad ang ganda ng buhok niya parang ang bango bango niya, chinito. Moreno. Hay nasakanya na lahat kaya lang may katabi siya nun na girl si monalisa hindi ko na masyado matandaan ang name niya kaya yan nalang ang name na gagamitin ko. Bigla ako nalungkot dahil nadidinig ko yung hiyawan ng ibng section, ibang section kasi si monalisa hindi namin kaklase. May gusto pala sya kay Mr.P sobrang lungkot ko nun. Nagseselos na parang ewan eh hindi ko naman siya boyfriend. Kaya sa pinaka huli ng upuan ng bus ako umupo wala kasi ako msydo kaklose na kaklase meron naman pero kakausapin lang dahil sa school project o kung ano ano na tungkol sa pgaaral. Umupo nalang ako sa hulihan ng school bus. Medyo nakasimangot kumain nalang ako. Tapos akalain mo nga naman oh sakin pa siya tatabi. Ewan ko kung bakit gusto niya ako lagi katabi. Siguro weirdo din siya gaya ko. Pero dahil matalino siya kaya sguro nga may pgka weird din siya. Nagtanong siya saakin bakit daw ako nakasimangot kasi Lagi daw nya ako nakikita na masaya ngaun lang daw ako sumimangot. Nagtaka nga ako eh napapansin pala niya ako syempre ayoko naman magassume na baka gusto din niya ako kaya hindi ko naman un iniisip.. finally nakarating na kami sa enchanted kingdom doon kasi kami ngfieldtrip nun highschool. Ayun mghihiwalay na kami kasi puro boys ang kasama niya dahil girl ako natural girls din mga kasama ko. -_- hay nasaan na kaya siya lingon dyan lingon doon hangang hindi na ako nagenjoy sa fieldtrip. Finally matatapos na ang oras kumain muna kami sa loob ng bus. Yung iba hindi ko alam saan kumain pero dahil may baon ako sa bus ako kakain. 😊 Hmmm. Guess who.. Si Mr. P haha nandun din siya sa bus medyo madilim na yun kasi 5pm na kami kumain. Dahil sguro sa excired ung iba ako 5pm na ako kumain eh.. tpos nakita ko siya dun kasama un ibang boys. Dahil nasa hulihan ng upuan ng bus ako nakaupo kaya doon ako umupo at kumain, tinabihan niya ako bakit daw ngayon lang ako kakain 5pm na sinabi ko na ngayon lang ako nagutom eh. Tapos hindi ko na siya pinansin kumain lang ako. Tapos naglabas sila ng beer. Sabi ko huy bawal yan ha? Sabi niya bakit meron bang nakakakita? Medyo stubborn pala siya at kapag gusto niya gagawin niya. Medyo naturnoff ako sakanya that time. Pero dahil ang cute niya nawala din ung pagka-turnoff sakanya. Napansin niya uli na sumimangot ako kaya sabi niya sakin huwag kang magsusumbong sa teacher natin ha. Sabi ko naman sakanya hindi naman ako sumbungera ano tingin mo saakin. Tpos bigla ngumiti siya sakin at yung mga mata niya halos dina makita sa singkit at namumula siya kapag umiinom. Parang medyo nalalasing na nga siya.. tapos binuksan ko ung bintana at dun ako humarap bigla niya hinawakan ung kamay ko. Dahil naramdaman ko un kaya napatingin ako sakanya. Bigla ba naman ako kinantahan.. ( No one else comes close by backstreetboys:) syempre ako naman natulala ang ganda ng boses niya kapag kumakanta medyo lasing na siya kaya pagtapos ng kanta niya bigla nakatulog siya sa balikat ko. Kinikilig ako hindi ako nagenjoy sa fieldtrip pero yun ung pinaka best memories ko na hindi ko makalimutan. Nakahiga sya sa balikat ko nakatulog siya tapos ung kitang kita ko ung mukha niya yung lips niya ampula pula parang ayaw ko ng matapos ung araw na yun.
Saddest part of story.
Yung magugulat ka nalang one day makikita mo nanliligaw na pala siya sa ibang babae kay Monalisa ung taga ibang section. Eh ano bang laban ko dun maputi.nkabraces tapos matalino din gaya niya ewan ko nga bat siya napunta sa section namin eh. Nililifawan pala niya si Monalisa nun fieldtrip pa. At kaya siya uminom kasi nabasted siya nun araw na yun pero dahil disidido siya sa panliligaw pinagpapatuloy pa rin niya. Nakikita ko siya may dala roses ibbigay niya pagtapos ng klase inaabangan niya si monalisa na matapos ung klase nila. Nakikita ko sila sa malayo pero ako okay lang kahit sobrang sakit. Nagaassume kasi ako na baka magkagusto din siya saakin kasi naman ang sweet sweet niya saakin at maalahanin siya kung nagawa ko naba assignment ko tapos papakopyain niya pa ako kapag dko nagawa. Minsan siya oa nga yung nagsusulat sa assignment ko napaka sweet niya saakin tapos biglang ganun may nililigawan na siyang iba. Hngang eto na ung pinaka saddest part ng story. " Naging sila" 😭😔
"My Birthday" yung araw ng pgccelebrate ng birthday ko. Dahil hindi naman kami mayaman nghanda si mama ng pansit tinapay at kaunting ulam at kanin, May mga dumalo na kaklase ko. Isa na siya doon. Dahil inimbita ko siya at ang iba ko pang kaklase. Pero late siya dumating wala ng natirang handa.😅 Haha. Ayun kya tinapay lang at coke ung binigay ko sakanya. tapos lumabas kami ng bahay kasi sabi niya may ibibigay siya saakin. Nagpunta kami sa may playground sa tapat ng bahay namin. Umupo siya sa may seesaw ako naman nakatayo katabi niya, hinawakan niya ung kamay ko at sinuot niya saakin ung bracelet sabi niya ireregalo nalang daw niya saakin un.. sabi ko bakit para kanino ba yan? Kay Monalisa daw. Sabi ko bakit mo ibibigay saakin kung para sakanya yan? Sabi niya kasi break na sila birthday din pala ni monalisa ng october kasu ngbreak na sila kaya hindi na niya naibigay un sakanya. Sabi ko bakit hindi ka nagpunta sakanila birthday pala ng girlfriebd mo. Sabi niya sabay daw kami ngimbita same date pero dahil hiwalay na sila kaya hindi siya dumalo at sa birthday ko siya nagpunta.. umiiyak siya sa harapan ko nun nasasaktan din ako kasi nakikita ko siya na umiiyak pero sabi ko sakanya kung ayaw na niya sayo hayaan mo na siya. Dapat daw hindi daw siya pupunta sa birthday ko. Kasi broken hearted sya tpos birthday din ng gf niya. Pero dahil kaibgan daw niya ako at kaklase nagpunta siya. Medyo lasing nga sya nakainom siya that time naamoy ko malayo palang at namumula siya kasi kapag nakainom kaya alam ko uminom siya. Umiiyak siya paulit ulit niya sinasabi saakin na mahal na mahal niya si monalisa. Habang ako pinipigilan ko ung sarili ko kasi nsasaktan din ako na ibang babae ung pinaguusapan namin. Sabi ko sakanya madami naman babae dyan tumingin ka lang sa paligid mo. Malay mo nasa harapan mo na pero hindi mo labg npapansin kasi sa iba ka nakafocus. Umiyak pa rin siya sabay sabi happy birthday niyakap niya ako na parang ang bigat bigat ng loob niya niyakap ko din siya. Pagkakataon ko na sana nun na ipagtapat sakanya ung nararamdaman ko sakanya eh. Kasu naunahan ako ng nerbyos kape kasi ng kape haha. Dahil sa pagkakataon na yun nawala din lahat sabay nagpaalam na siya sakin uuwi na daw siya. Sabi ko sige okay lang thanks ha pumunta ka. Sabi nya wala yun ikaw pa. Tpos ingatan ko daw ung bracelet na bigay nya gusto daw niya suot ko un kapag papasok.
"End n ng klase.. ito ung pinaka memorable saakin guess what?? Kasi dito ako naglakas ng loob magtapat ng nraramdaman ko sakanya. Katabi ko sya sa upuan last day of school na ung parang gusto ko hawakan mga kamay nya at sabihin at aminin ko sakanya na gusto ko siya pero nauunahan ako ng takot. Ewan ko ba kasi may insecurities din ako na baka hindi niya ako magustuhan o baka matawa siya saakin, o baka isipin niya na kung ano ano. Ang dami dami ko naiisip. Hngang sa maguwian na ngpapaalam ng iba sa mga teachers at classmates. Ako nalang ang hindi pa makapag simula ng sasabihin hngang sa humarap siya saakin at nagpaalam sabi nya see you next class sa 2nd year sana magkaklase pa tayo sabi nya saakin. Dahil sa kinakabahan ako. Hindi ko napagtapat sakanya ung feelings ko. Pero nagulat ako sa pinagtapat niya saakin. Sabi niya nung firstday ng school ako daw ung unang una na crush niya sa school kasi ang tahimik ko daw nun at magisa lang tapos sabi pa niya naccurious siya saakin kaya lang daw nKita daw niya na masungit daw ako at parang ayaw ko daw ng kausap pinipilit nalang daw niya ako kausapin kung ano ano daw na topic ung sinasabi nya para lang daw makausap ako pero snob pa rin ako. Gusto nga daw niya ako nun ligawan sa klase kasu npka sungit ko daw at bihira mgsalita. Hngang sa nameet niya si monalisa sa canteen at ang nice daw sakanya at nging malapit sla every breaktime ngkikita pala sla sa canteen at ngsasabay kumain. That time hndi ko alam sasabihin ko nasurprised ako na ewan na parang gusto kong umiyak mghinayang. Gusto din pala niya ako pero nahirapan pala siya saakin kasi dahil sguro sa attitude ko n snobish ayaw mgsalita at masungit. Hay. Memorable ung 1st year highschool saakin. Kasi ung 2nd year hinahanap ko siya lumipat na pala sila ng bahay kaya hndi na siya ngaral sa school na un..😔
1 note · View note