Text
Dahil sapat na sa 'kin ang ganito— sapat na sa akin yung nag-uusap tayo, yung magkakulitan, nagkakaintindihan at may bagay na pinagkakasunduan.
Hindi na kailangang mahawakan pa ang iyong kamay, 'di ko rin naman ito ikamamatay. Hindi ako aamin na bago ka pa magtanong kung ano ba talaga tayo, itinatak ko na sa sarili na—ayos na ang ganito. Ayos lang kahit walang tayo.
Pero sa kabila noon, sa kabila ng walang katiyakan—hindi ko pala kakayaning hindi ko mahawakan ang iyong kamay, hahamakin ko si kamatayan, magkaroon lang ako ng tiyak na pwesto sa iyong buhay...
0 notes
Text
wala kang pinagkaiba sa kanila — pwera na lang ang pakikitungo mo sa aking halos ikabaliw ko na.
Pero tulad din nila — aalis ka rin. Maiiwan na naman ako sa ere. Hindi na naman ako pwedeng humingi ng kahit ano mula sa'yo pabalik...
hahaha medyo malapit ng matapos ang free 1 week trial namin
0 notes
Text
Tangina, pwede bang crush mo rin ako?
ano bang pumasok sa isip mo noong nalaman mong gusto kita?
0 notes
Text
Nakakabighani lang — sa'yo lang naging perpekto ang lahat. Tila baga'y ang mga bituin sa kalangitan ay sumang-ayon sa mga nais at plano ko. Tiyak lahat at sigurado.
Hindi ako nagpaligoy-ligoy, hindi nagpakain sa loob, hindi napangunahan ng kagustuhan lamang, hindi naisipan lang — sigurado ang nararamdaman.
Ilang buwan man ang lumipas bago ko batid na mapagtanto, oo nga — gusto nga kita. Ang buwang nagdaan ang sumubok at nagpatunay na tiyak sa bawat hakbang, na hindi ako nagmamadali at talagang pinag-isipan.
Ngunit sa kabila ng tila pagiging tiyak ng lahat — isang bagay pa ang nais kong mabigyang sagot at kasiguraduhan,
Gusto mo rin ba ako o nagsasayang lang ako ng minuto?
Gusto mo rin ba ako o talagang hindi mo balak sagutin ang mensahe ng nararamdaman ko?
Gusto mo ba ako?
0 notes
Text
Virginia Woolf, from a letter to Vanessa Bell, featured in The Selected Letters of Virginia Woolf
2K notes
·
View notes
Text
The color b l u e has long been associated with feelings of sadness and melancholy.
However, today, as I give you a crocheted blue flower, everything seems to change. It feels like blue no longer represents sadness, but rather evokes a sense of euphoria; my heart beats into the rhythm of happiness—for he accepted the small gift that I was actually shy to offer, that I thought he would just ignore and reject.
To be honest, I actually don't have anything to offer; nothing to give and nothing to take. But may this blue flower serve as your reminder — you're my joy, my happiness, and euphoria.
1 note
·
View note
Text
February 14, 2025 — I admit with whole sincerity: Oo na, Bobi. Gusto kita.
After months of denial, trying to hide and forget this feeling, and enduring uncertainty, I can finally say that despite everything, every attractive guy I see is no longer appealing.
Lakas mo naman, bossing. Down bad na naman. 🛐🛐
#HappyHeart'sDay! ❤️🔥
I hope that from today and for the next few days, I will finally find peace within myself, both in my mind and heart.
May we all have a happy heart; for it means happy life.
Let's all continue to #Live,Laugh&Love!
0 notes
Text
“...tila nagtatanong kung puwede bang maging mahina, kahit ngayong gabí lang.”
0 notes
Text
“Kanino ako lalapit kung gusto kong malaman kung ano ang mga bagay sa akin?”
“Sa taong may gusto sa'yo, isang minuto pa lamang masasagot na niya ang tanong mo. Masasabi niyang...mas bagay sa'yo ang kulay pula at hindi ang kulay na asul na blusa.”
Oo nga, noh. Ang galing kapag may nagugustuhan tayong tao, pansin mo lahat at alam mo lahat mula itsura sa galaw, mula galaw hanggang pananalita, mula pananalita hanggang pag iisip, mula pag iisip hanggang sa pananamit...
Napagtanto ko lang naman 'yan nung nagustuhan kita.
Nag iba ang tingin ko sa'yo sa'kin mga mata, napansin ko na mas bagay pala sa'yo na nakahagod pataas ang buhok, hindi yung sa kung saan-saang sulok. Ngayon ko lang din napansin na bilang sa isang isang linggo kung magsuot ka ng de kolor na damit, madalas ay kulay puting polong papartneran ng itim na slacks na pamasok, na mapapasabi na lang akong “Naknampucha, nakakatiklop sa walo.” Nahulog na naman ako sa'yo...
“Ibig sabihin ba niyan ay gusto mo 'ko?”
“Ha? Paano mo naman nasabi?"
“Kasi napansin ko na madalas ng iba ang pakikutungo mo sa akin. Madalas mo na ring sagutin ang mga tanong na kung bagay ba o hindi...”
Oo na gusto na natin ang isa't isa.

0 notes
Text
Sapagkat, sa'yo ay nagiging kalmado ako.
“Kinakabahan ako." nagugulumihanan kong saad habang hawak ang mikropono, nasa stage na at nasa harap na ng maraming tao. Naghihintay pa na magsidatingan ang kalahati ng bilang nito.
“Huwag kang kabahan, alalahanin mo nagawa mo na 'to nung SayAwit.” pampalubag loob ng lalaking katabi ko ngayon, hawak din ang mikropono na kulay kahel ang pinaka ulo habang nakatingin sa dumarating na tao.
Napatingin ako sa kaniya at napabuntong hininga lang.
“Ang daming tao, tangi-na may stage fright yata talaga ko, eh.” nasabi ko matapos kong saglit na ilapag ang aking mikropono sa podium na nasa harap naming dalawa at niyukom-yukom ang kamay na para bang nag c-close openg bata.
Napansin kong napatingin siya sa akin pero saglit lang iyon at napatingin lang sa mikroponong hawak niya.
“uh... ano..” unti-unti akong lumingon sa kaniya at saktong pag lingon ko ay napalingon din siya.
“Bakit? May sasabihin ka ba?” nakatingin siya sakin, hawak pa rin ang mikropono.
“Pwede bang—” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may magsalita sa likuran namin.
“Guys, magsisimula na tayo ha in just 1 minute.” Paalala ni Ate Rye at agad na bumaba ng stage para may ayusin pa.
“Pwede bang ano?” pag ulit ni Charles sa naudlot kong tanong kanina
“Pwede mo bang hawakan yung kamay ko hanggang sa matapos ang opening natin?” nakayuko at mahina kong tanong
kinabahan ako sa hindi niya pagsagot kaya inisip kong bawiin
“Wag na, Joke lan—” hahawakan ko na sana ang aking mikropono ng hinawakan niya ang kanang kamay ko...
Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin, at napatingin sa kaniyang nakatingin sa tao sa ibaba ng stage. Bahagya akong napangiti at tinatago ang kilig
“Guys, start na daw.”
Nagkatinginan kami at bago magsalita ay...pinisil niya muna ang kamay ko.
“Good morning, Scouts!”

0 notes
Text
KAILAN NIYO KAMI MAKIKILALA — Kailan niyo kaya kami maaalala?

I am already at my last year in Junior High School. Some of my batch, would probably enroll themselves to other prestigious school for Senior High, such as College of Immaculate Concepcion, Our Lady of Fatima, PHINMA-Araullo University (Senior High) in San Jose, or even in University of Santo Tomas in Manila or stay in our dear School, Zaragoza National High School.
2024-2025 is already my last year, yet I've decided to stay here — to stay in my Pambansang Mataas na Paaralan ng Zaragoza. I will stay not because I'm financially unstable and wouldn't be able to afford other school's tuition fee, not because I love this school — but because I still have many things to prove...as a Boy Scout of The Philippines registered member, bilang isang nagsusumikap na maging agila na ang ZNHS ang pugad. Para patunayan, na karapat-dapat din kaming maalala, karapat-dapat din kaming makilala, na karapat-dapat din kaming pahalagahan ng bawat isa.
Ika-apat na taon ko na, ika-2 pa lang sa iskawting pero sa 4 na taong paninirahan sa ZNHS, sa dalawang taong pagturing dito bilang pugad, madalang kung ang mga pangalan namin ay kanilang maalala at pahalagahan.
Hindi nila kami kilala sa normal na araw ng buhay, hindi nila kami pinapansin kung di nila kami kailangan, organisasyon namin ay hindi pinagtutuunan ng pansin. Napakahirap niyo namang mahalin...
Kilala niyo lang kami pag kailangan naming mag bantay, kilala niyo lang kami kapag kailangan niyo ng tulong sa paglilinis, kung may mag e-entrance of color sa bawat recognition, moving up at completion, kung magtataas ng Philippine Flag tuwing monday sa flag ceremony, kilala niyo lang naman kami kapag may mga natatanggap na award.
Kilala niyo lang kami — pero hindi pinapahalagahan.
Kailan kaya namin matatanggap ang pagmamahal at pagpapahalaga ninyo sa ibang organisasyon; Sa SSLG, sa BKD at YES-O? Kailan niyo rin kaya babanggitin ang pangalan ng organisasyon? Kailan niyo rin kaya kami pasasalamatan sa pagtulong namin sa event ng hindi na kailangang ipinapaalala pa? Kailan niyo rin kaya kami bibigyan ng Special Awards sa bawat recognition? Kailan kaya, mahal kong Pambansang Mataas na Paaralan ng Zaragoza?
Ilang beses pa ba namin kailangang ipakita na gumagalaw kami magkaroon lang din ng Outstanding SSLG Leadership Awardee, Outstanding BKD Officer, Outstanding YES-O Officer?
Ilang pangungulit pa kaya ang kailangan naming gawin kay Sir Bala para lang makuha ang Boy Scout of the Year Award namin?
KAILAN NIYO KAMI MAKIKILALA — Kailan niyo kaya kami maaalala, Iniibig kong Pambansang Mataas na Paaralan ng Zaragoza?
kaya naman, ZNHS, hindi muna ako aalis.
Ikaw pa rin ang magiging pugad sa dalawang taon pang natitira sa (Senior) High School, hindi dahil sa mahal kita, hindi dahil gusto kong manatili pa.
Kundi nais kong pang patunayan na karapat-dapat mo rin kaming ibigin, makilala at maalala.
Para hindi na rin kailangan mapatanong at mapaisip pa ng mga susunod na AGILA ng Outfit no. 1019, kung ano pa ba ang kailangang gawin para maging pantay ang pagtingin.
Para hindi nila maisip na maduga ka, Pambansang Mataas na Paaralan ng Zaragoza...

0 notes
Text
"Nandito ba ang pangarap?"
Everybody knew especially those people around me that Scouting is my passion, my life—my indentity. They also knew that I would surely got burnout, drained and tired by everything but not here because it's a home; where happy land can be found, surely. At alam ko sa sarili ko na I would never get tired, kasi mahal ko ang scouting, mahal ko ang ginagawa ko dito, kasi may dahilan ako.
Back then,the only reason for me to join was because of First aid, I want to learn bandaging.
But as the time goes by, that reason vanished. I found another and much better reason to go on "to pass on a better Philippines to the next generation." Pinaka paborito ko 'yan, ang last line ng Senior Scout Code.
Pero sa bawat araw at oras din na lumilipas, mawawalan rin pala ako ng gana at mapapagod din pala—at hindi ko yon inakala.
Kasi mahal ko 'to. Mahal ko ang magserbisyo sa bawat Pilipino.
Ngayon, napapatanong nalang ako
Nandito ba talaga ang malalim na pangarap? Itutuloy ko pa ba ang buhay ko rito? Ayos lang naman siguro kung umalis na at mayroon naman ng susunod sa yapak.
1 note
·
View note