Tumgik
ingseongluv · 3 years
Text
AATY. 096: The first tragic.
long narrations ahead!
George
Pagmulat ko saking mata nandito na naman ako, inside a black hole.
Fuck, Ayoko na.
And in one snap, i heard a loud switch. The setting was changed from a dark room into a abandoded warehouse. I noticed that I was wearing a black fitted suit. A spy suit. Holding a gun on my right hand, standing infront of a dead body.
Why am I here again?! Napaginipan ko na to bakit nandito na naman ako?!
And when I heard the door clicked my body moved faster than i thought. Kinasa ko ang baril at dahang dahang lumingon. Pakiramdam ko hindi ako ang gumagalaw sa sarili kong katawan.
"Marie.."
"You killed my brother... The only person that I have!"
It's him. Renato Lyn.
"You... traitor!!"
Flashbacks from the days I went undercover as an assistant of their drug company right before my wedding. I left Jaeyoon because of this.
"I'm just doing my job." nagulat ako dahil pati sa pagsasalita ay hindi ko rin kontrolado. This is the exact same thing happened 7 years ago.
Para akong nanonood ng sarili kong memorya.
"Doing your job- fuck that! We treated you like family here! Like family, Marie-No! George nga pala ang pangalan mo."
"Akalain mo yon? Nauto kaming lahat! Kaming lahat, sa mga palaro mo... Lurking around the company, getting each and everyone's trust just for you to gave it all to your stupid fucking chief!"
"Tinuring kitang kapatid! You know what happened with my little sister and I found her in you! Tanginang, halimaw ka.."
Tumulo ang luha ko habang nakatingin sakaniya. Ramdam ko ang pait at dakit ng boses niya. He was right. I'm a monster.
Everyone was so nice to me. They welcomed me with warmth and it felt like home. But I accepted this mission, it's my job to betray them. It's my job to turn them in.
"I'm not the only one who did wrong here, kuya... You did wrong too... You killed. Tons of people... You drugged them. You poisoined them. You asked someone to kill. You're a monster too!" mariin kong sabi habang umiiiyak at tinitignan siya ng matalim.
"I did that to protect us! Pero isa karin pala sakanila..."
"You killed kuya marco's family... You killed your own sister! That's the reason why he turned you in!"
"Stop talking bullshit, Marie!"
"Before, I forgot... Little sister has a fiancé too. Lee Jaeyoon."
Kaagad akong naalarma at tipong hindi maalis sa tenga ko ang mga salitang iyon kaya't hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa baril ko.
"Don't you.. Dare.. Touch him. Baka wala pang ilang sigundo may bala na diyan sa utak mo.." pang babanta ko pero naglabas siya ng sarkastitong tawa.
"Talaga? You're fiancé dont even know where you are. Why you're here. You didnt told him..."
"Why don't we call the love of your life, Lee Jaeyoon. Para kung sa ganoon? Alam niya kung nasaan ka ng tatlong buwan?"
I watched him dialed a phone number. Nangingnig ako sa galit at gustong gusto ko ng barilin itong lalaking nasa harapan ko.
If jaeyoon knew where I was. It would be dangerous for him...
Baka siya ang maging target nila. Imbis na ako ang nag p-protekta sakaniya ay siya pa ang madamay at mag hirap.
"Hello?"
Halos manlambot ako dahil ngayon ko lang uli narinig ng boses ng taong mahal ko.
"Hello, sino to?"
Kuya ren, gaved me a questioned look. Telling me to say something. Fucking asshole...
"Hello???"
"J-Jaeyoon..." marahan kong sabi dahil hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko
Tatlong buwan ko na siyang hindi nakikita mula sa gabing sinabi kong itigil na namin ang kasalang magaganap.
"George? George is that you?" kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili sa pag salita. Delikado na.
"George, asan ka? Baby, please... Can you just tell me where you are? Are you okay? Are you fine? Are you somewhere safe? George-"
"Kawawang fiancé, hindi alam kung nasaan ang bride to be? You know... I can go to him and do the same thing you did to my brother... I can kill sa isang bala lang... And that would be such a great first meeting!"
"I swear to god. Don't touch him!"
"Sabi mo nga halimaw ako... I kill. I can do th-
"Go.. to... hell!" I raised my hand and fired him a bullet. But in just a swift, he pulled trigger first.
Napaawang ako at dahan dahang yumuko. I saw blood all over me. I pressed my tummy at ramdam na ramdam ko ang sakit. Kaagad akong napaluhod at gulat ng napaubo ako ng dugo.
"You want your fiancé to be safe... Then suffer for it.."
Unti-unting lumabo ang panginin ko pero rinig na rinig ko ang palagid ko.
“SERGEANT SUNG!”
Napabalikwas ako sa kinahihigaan at habol na habol and hininga. My hands were shaking, tears falling down to my face as Jaeyoon woke up and kept asking me what's wrong.
"Hey.. George?"
Jaeyoon
I woke up as soon as I heard George catching her breath. I asked her what's wrong but she only looked at me. She was crying in agony at paulit ulit niyang hinahampas ang dibdib niya.
"George..."
"Jaeyoon, I'm sorry" napahagulgol na siya sa iyak and I noticed her hands were shaking and cold. Kaagad ko siyang niyakap at pinapatahan.
"Hey, Shh.. It's okay."
"I'm sorry... I just... I had to it.." Do what?
"George, it's okay. Tahan na..." I'm not going to ask her anything for tonight. Oo, gulong gulo na ako at the moment but to analyze everything. I know she suffered a lot. She's taking antidepressants.
"It's alright... I'm here.."
"Jaeyoon..." patuloy parin ang pag iyak niya pero yakap yakap ko parin siya at marahas na hinihimas ang buhok nito.
"I'm here, okay? I'm not going to leave you..." as i kissed her forehead and stayed by her side the whole night. Wala ng ibang pumasok sa utak ko kundi ang mga what ifs na nangyare sakaniya sa loob ng pitong taon.
George, I know you suffered during those 7 years. But please, can you tell me everything...
0 notes
ingseongluv · 3 years
Text
AATY. 093: Clues of her side
long narrations ahead!
George
Nakapikit ako habang pinapakinggan ang tunog ng dagat at dinadama ang malamig na simoy ng hangin.
"Anong ginagawa mo rito? Malamig na." napamulat ako kaagad ng marinig ko ang boses ni Jaeyoon. Sinuot niya rin sa amin ang jacket niya.
"Wala. I can't sleep."
Tumabi siya sa akin at matagal ang bumalot na katahimikan saming dalawa. Natutuwa na ako sa sarili kong company e?!
"let's play a game!" ano raw game?!
"Game? Ano tayo... bata?" tanong ko at natawa siya ng bahagya roon.
"No?? Pero game? Two truths and a lie."
Ugh. I hate games like this. Maraming nabubulgar. Baka iba pa mangyare sa dulo.
"Yoko."
"Wala kana magagawa. I'll start." Hindi ko siya pinansin pero patuloy siyang nagsalita.
"Una, I broke my right arm from my last assignment. Siguro mga 5-6 months akong naka-cast. Grabe!" he explained kaya agad ako nag alala.
"You broke your arm?? When?? Saan?? Masakit??" Napatikom ako ng bibig at bumalik sa puwesto dahil tinawanan niya ako. Anong nakakatawa don?!
"George, two truths and a lie nga diba?" ah, oo nga pala. Masyado worried, Georgina!
"Second, I still join lotteries every sunday" nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.
"Ikaw? Tumataya ng lotto? Sus! Ako lang ako tumataya ng lotto satin. You dont even know what numbers to pick!" ayan na naman naalala ko na naman ang past namin.
"Well, siguro nasanay ako sa gawain natin..."
Right... Awkward
"Pangatlo! I..." hinintay ko ang susunod sa sinabi niya.
"I waited for you."
Mga ilang segundo akong tahimik at hindi makasagot. Paniguradong lie ang huling sinabi niya because he never did...
"Three." simpleng sagot ko.
"Teng! Mali ka!" nakangiti nitong sabi susundan ko sana ito ng tanong pero kaagad niya akong sinapawan.
"oh! Ikaw na dali!!" huminga ako ng malalim at inirapan siya. pag bigyan na nga natin.
"I had a boyfriend." I never had.
"I was in a coma."
"I killed someone."
Kaagad naman siyang nag react sa huli kong sinabi. Napansin ko pang pinipigilan niya ang tawa niya.
"You don't do that."
"You don't kill."
Napatingin ako sakaniya, i feel ashamed... The idea of a woman he thinks about me, isn't the same anymore.
7 years. Marami nangyare.
"Yeah.. I wish i didnt.."
Hinayaan kong mag proseso siya mula sa huling sinabi ko sakaniya. Tumayo ako at pinagpag ang damit para tanggalin ang mga buhangin kumapit rito.
"What..."
"Balik na tayo sa room. It's late."
"George? You what..."
Hindi ko siya pinansin at naglakad pero hinabol niya ako at hinarangan ang dadaanan ko.
"What are you- can you just tell me what happened?!"
"George, seven years..."
"You were gone for seven years! I never had a contact with you. I was looking for you! Hindi kita mahanap. I didnt know who to call! Who to ask?! Even the chief didnt even told me! George, naman!"
"Dont you think, I deserve an explanation? Kahit simpleng pagpapaliwang lang kung nasaan ka? kung anong nangyare sayo?"
i clenched my fist and bit my lips to stop myself from crying.
"Nothing... happened..." Patuloy akong naglakad pero kaagad akong napatigil dahil sa sinabi niya.
"Then, why are you taking antidepressants?"
"George, what happened in those seven years?"
Lumingon ako sakaniya, his eyes were full of confusion and pain.
"Saan mo nakita yon...." mariin kong tanong
"You left it at the table- Fuck! that doesnt matter. Anong nangyare, george! Please!"
"Nothing happened!" sigaw ko sakaniya. buti na lang walang tao rito.
"Why do keep doing this..."
"Why do you keep leaving me clueless.."
"Why do you keep ignoring it.."
"Why do I feel like the person I knew... changed a lot..."
"Because she is... Im sorry.." matipid kong sagot at inabot ang jacket na pinahiram niya kanina.
Jaeyoon, i wanted to tell you everything. but now its not the right time. And if, I would...
Hindi na mababalik ang tayo.
0 notes
ingseongluv · 3 years
Text
AATY. 086: The glimpse of the past.
Jaeyoon
Pinapanood ko si George na naglalaro sa tabing dagat. She even squealed when the waves are coming at her. Parang first time makapunta ng beach... She was wearing her hair up and kitang kita ko ang collarbones niyang bahagyang kumikintab. Agad akong napalunok at lumingon sa ibang direksyon.
Damnit, Jaeyoon! Focus!
Napansin kong napatigil siya at nabalin ang atensyon niya sa dalawang batang tumitili at nagtatawanan malapit samin.
They were playing and laughing at each other. I saw how George smiled at them. George loves kids..
She wanted to have one.
"I can't believe we're getting married in three weeks!!!" George excitedly said habang nakaangat ang kaliweteng kamay nito at pinagmamasdan ang singsing na naisuot ko sakaniya noong nag propose ako.
"Are you that excited?" i asked her as I lay next to her. We went picnic today.
"Oo! Soooobra!" she looked at me with those lovely eyes that made me fall for her.
I couldn't fanthom loving no one else, than george. It's impossible.
I looked at her hazel eyes deeply and communitcating with it with words saying 'i love you'
"I cant wait to spend the rest of my life with you, george..." bulong ko mula sa kawalan.
"I can't wait to be mrs, lee jaeyoon." simple nitong sabi sa akin habang nakatingin kami sa isat isa, nakahiga sa ilalim ng puno na ito.
I slowly reached for her face and gave her a peck of kiss and in between them i felt her smiles.
"Ilang anak gusto mo?" i asked randomly at kaagad naman itong napaupo.
"Anak?!" nagulat ko ba siya?
"Ahm, ano lang... in the future?"
"Well.. you know, i love kids diba? I'd like a twin! a girl and a boy." nakangiti nitong sagot saakin.
A twin. That would be nice.
Napangiti ako ng mapaisip ang future namin na may dalawang anak.
"Sige. Kaya mo ba?" pabiro kong tanong. "Ano gawin naba natin para kapag kasal hintayin na lang natin yung baby, tapos bili narin tayo kaagad ng gamit- ARAY!" kaagad kong hinimas ang brasong pinalo ni George sakin pero tinawanan niya lang ako.
"Wag kang ganyan! Baka pumayag ako. Charot!" sabay kaming nagtawanan dahil sa sinabi niya.
"Jaeyoon."
"Jaeyoon!"
"Jaeng!"
Kaagad akong bumalik sa realidad ng nasa harapan ko na pala si George. Muntik nakong malunod sa sarili kong flashback.
"Are you okay?" pag aalala nitong tanong.
"Should we head back in our room?"
Tumingin akong muli sa dalawang bata at sinusundo na ito ng magulang niya.
Siguro ganito kami ni George ngayon kung hindi siya umalis...
May pamilya. Masayang pamilya.
"Yeah..." matipid kong sagot sabay tango. Wala rin sa sariling kinuha ang kamay niya at nag lakad na papabalik.
0 notes
ingseongluv · 3 years
Text
AATY. 077: Mission in progress.
George
Kaagad kong nilock ang pinto ng banyo rito. at tinignan ang ceiling. Napangisi ako ng makita ako ng malaking ventilation na panigurado ay kakasya ako.
"Ba-bakit mo nilock? George anong.. anog balak mo...?" tanong ni jaeyoon pero kaagad akong pumasok sa isang cubicle at tinesting kung kakayanin pa ako ng toilet bowl pero kulang ang taas nito para makaabot ako sa ventilation.
"Dito ka nga" tawag ko sakaniya agad naman siyang sumunod.
"George, a-anong gagawin natin.." nagtataka akong tumingin sakaniya dahil may pag kanerbyos ang boses niya. Ano bang pinagiisip nito?!
"Ha? If I can't go to the kitchen. edi sisilipin ko mula rito?! Saka, ayos ka lang? Mukha kang nauubusan ng dugo sa putla?" napansin kong nakahinga siya ng maayos at pinupunasan ang pawis sa magkabila niyang pisngi
"Akala ko pa naman kung ano..." bulong nito pero rinig na rinig ko dahil sobrang lapit niya sakin since masikip lang ang cubicle na ito.
"Teka... Sa tingin mo mamanyakin kita rito?! My god! Never sumagi sa isip ko yan." inirapan mo siya kaagad at patuloy na ina -unscrew ang ventilation gamit ang pocket knife ko.
"Hello? Sino ba satin yung kaagad na lang gumagawa ng plano ng walang pasabi? Nilock pa talaga yung pinto-"
"Tanga! Kapag di nakalock edi nahuli tayo?! Tumahimik kana diyan at tulungan mokong makaakyat!"
As Jaeyoon helped me climb the ventilation ay dahan dahang akong gumagapang at pinapakinggan ang mga sulok sulok nito. I need to find the kitchen.
"Kamusta? Is it ready?" that familiar voice... Renato Lim..
"Yes sir, nag re restock narin kami for the other clients from luzon."
I followed the voice at tamang tama, sa kitchen nga sila nag ooperate. Nakita ko pang nag lalagay sila ng morphine under the plates.
"Kamusta naman yang bagong recruit? Ethan Lyn?"
Mas lalo pa akong lumapit sa butas ng ventilation na ito para marinig ang pinaguusapan nila.
"He's doing fine sir. Mukhang kakailanganin natin siya. He knows a lot about drugs... Mga dealers from Japan too."
"Well, then that's great. Let's keep him."
Mga uto uto talagang gunggong...
"But his wife... She seems familiar... Nag background check ka na ba?"
"Yes, sir. Sabrina Lyn, a chef. She closed her restaurant dahil sa pag lipat nila sa hometown ninyo. Him and Ethan are newly weds. Ethan was a regular customer sa restaurant niya."
"What a cute story. But keep an eye on her..."
"Yes, sir. Already checked their rooms." napaawang ako ng bibig. Muntik na kaming dumiretso ni Jaeyoon sa kwarto kanina...
For sure they did something there habang papunta kami...
"Matagal ka pa ba?!" sigaw ni Jaeyoon mula sa baba kaya agad akong napaatras sa pagkakadungaw. Fuck! Did they saw me?!
Tangina naman jaeng!
Dali dali akong gumagapang pababa at naabutan ko siya roong nakasimangot.
"Tagal mo!"
"Ang ingay mo mukhang narinig nila tayo!" naiinis kong sigaw sakaniya habang binabalik ang mga screws ng ventilation.
Pakshet!
Nagkatitigan kami bigla nang may kumatok sa pinto.
"Fuck"
"Tangina"
Think george! Baka mahuli kayong dalawa rito!
Habang sunod sunod ang kabog ng pinto ay kaagad naman ako nakaisip ng paraan. This is the only way...
Ginulo ko ang buhok ko at tinanggal sa pagkakabutones ang cardigan ko para makita ang bra ko.
"The fuck, george?! what are you doing?!" napatingin ako kay jaeyoon na nagtatakip ng mukha. Takte, parang di niya nakita to noon?!
"Unbutton your shirt" simpleng sabi ko. we need to make them think na were doing "it" inside the bathroom
"Ha?!"
"Just do as I say!" wala paring ginawa si jaeyoon kaya ako na ang nag insist na mabilisang tinanggal ang pag kabutones ng damit niya at pati narin ang zipper ng pantalon nito.
"Jesus! Georgina!" kasabay ng sigaw ni Jaeng ang mabigat na pagbukas ng pinto rito.
Fuck! They're here! Hinawakan ko kaagad ang dibdib ni jaeyoon at nilagay ang kamay niya sa bewang ko. Magkalapit na magkalapit ang mga katawan namin at ramdam ko ang mainit hininga niya sa balikat ko.
Nang buksan nila ang pinto ng cubicle namin ay nag panggap akong gulat na gulat.
"OH MY GOD?!"
"SHIT!"
Sabay kaming napasigaw at gulat na gulat ang mga security guards saka ibang kasamahan ng assistant ni Renato.
"OMG! Sabrina! Susmaryosep! Why are you barging the bathroom?! Lumabas nga kayo rito!" lumitaw si clarita mula sa pintuan at pinapalabas ang mga tao rito.
"P-pasensya na po kayo..." Renato's assistant found the scene very awkward dahil ang akala nila ay nag s-sex kami sa banyo.
Nang makalabas na silang lahat at kaming dalawa ang natira rito. Putek, that was close...
"Bitawan mo nga ako!" Tinulak ko si Jaeyoon papalayo sakin at inaayos ang damit ko. Kitang kita pa bra ko.
Di ko maiwasang bumalin ang atensyon sa kaharap kong lalaking namumula habang inaayos ang damit. Kaagad naman akong napatingin sa baba.
Anak ng...
Nagkatitigan kaming dalawa dahil doon.
"Seriously, Jaeyoon? Sinong manyak satin ngayon?" i teased him at tuluyang lumabas ng cubicle.
"H-hey! I didn't mean to! I swear!"
Nakangisi akong lumabas ng banyo.
Tsk tsk... Lee Jaeyoon...
0 notes
ingseongluv · 3 years
Text
AATY. 051: The Anxiety and him.
George
Gulat ako nang makita ko rito si Inseong. He was chatting with Jaeyoon at tahimik lang akong nakatingin sa mga pinamili ko. Pero mas nagulat pa ako sa babaeng tumawag sa pangalan ni Jaeyoon.
Megan.
Nakaramdaman ako ng kaba at parang may nakabalot saking leeg kaya hirap na hirap ako huminga. Napahawak ako ng mahigpit sa push cart ko. I feel suffocated.
"Hi, George. It's been a long time."
Hindi ko alam pero hindi ko siya magawang tignan sa mukha. Nakaduko lamang ako at pilit na humihinga ng maayos.
"Meg... I didn't know you'll be here.." I felt the tension on Jaeyoon's voice. I saw Megan wrapped her arms around Jaeyoon's and that triggered me.
Hindi ko maiwasang isipin at maibalik ang mga alala ko noong nakaraang pitong taon. Kaagad akong tumalikod at pinapakalma ang sarili dahil nagsisimula ko ng marinig ang mga boses sa mga panaginip ko.
Naramdaman ko ang maiinit na palad ni Jaeyoon sa braso ko.
"George, are you okay?" nakaramdam ako ng pag aalala sa boses ni Jaeyoon.
"I-I'm fine.." Lalabas na sana ako pero pakiramdam ko matutumba ako anytime. Bago pa ako matumba ay nasalo kaagad ako ni Inseong.
"You don't look fine. Alalayan na kita.." malumanay niyang sabi at wala narin akong nagawa dahil nanghihina ako.
"George-"
"I'll take care of her." mariin nitong sabi kay Jaeyoon at tuluyan na kaming lumabas.
Habang dumuduwal ako sa sulok ay hinahawakn ni Inseong ang buhok ko para hindi ito sagabal at madumihan.
That was too much... Hindi ko nakayanan yon.
"Are you done?" He lended me a tissue para ipangpunas sa bibig ko at ipinangbukas niya rin ako ng bottled water.
"Thank you." Nanghihina kong sabi.
"Have you visited your doctor?" He asked pero tumingin lang ako sakaniya.
Ilang buwan na akong hindi bumibisita roon.
Ayoko na kasi.
"You're ignoring her calls aren't you? Come on', George. Paano ka gagaling?"
"Do you still take your prescriptions? Tulad kanina hindi mo nakayanan. Megan's presence triggers you, right?"
"I don't know... Kasali siya sa panaginip ko. You know? The one with the voices? God... Stressful...Ulit ulit kasi.." matipid kong sagot at sabay kaming pumasok sa loob ng kotse niya. Ihahatid niya raw ako.
"You should visit your doctor this week. Tell her about the episodes. George, naman... I only care about your health." I saw sincerety in his eyes. Napaka bait talagang kaibigan ni Inseong.
Inangat niya ang kanang kamay niya at inilagay ito sa sandalan ko habang ang kaliwa naman ay nasa manibela. He was looking at the back checking kung may tao man o wala.
Habang pinapanood kong siyang pinapaikot ang manibela ay napalunok ako ng di oras.
Hindi naman sa nanghihina ako sa ganoon pero parang oo? Gurl, umayos ka! Inseong is a friend!
"Pahinga ka muna. I'll drive you home." ngumiti siya sa akin at nilakasan ang aircon sabay tutok sakin. Napansin ko ring inayos niya ang level ng sandalan ko para makahiga ako ng maayos.
He's the only friend who stayed with me for the last 7 years. Hindi sila ganoon kaclose ni Jaeyoon dati pero friends of friends sila.
Malaki rin ang utang na loob ko sakaniya. He helped me a lot at tinago niya ang sikreto ko ng ganito katagal.
0 notes
ingseongluv · 3 years
Text
AATY. 041: The past.
George
Dahil kanina pa kami nag-aagawan sa kumot ay sumuko narin siya kaya sa akin parin ito napunta. Pwede naman siyang kumuha ng bago diba?!
"Tulog ka na ba?" napamulat ako kaagad ng mata dahil sakaniya.
"Nag sasalita ba ang tulog?" masungit kong tanong sakaniya. Mag aalas kwatro na dinadaldalan niya parin ako?
"K-kumusta ka?"
Ano ba yan? Ano ito? Podcast? Madaling araw na daldalan?
"I'm fine. Obvious naman hindi ba?"
Hindi ko alam bakit hindi mawala sa boses ko ang kasungitan na dala dala ko. Siguro dahil kanina niya pa ako pinipikon.
"you we're gone for 7 years.. George... Gusto ko lang malaman kung.. Anong nangyare sayo..."
"Kinasal ka na ba? Nagka-boyfriend ka ba? Mga ganap mo sa bu-"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko para sapawan siya kaya nakapagsalita na ako.
"Gone? Oh, baka kinalimutan mo lang ako kaya naisip mo yan?"
"George" malumanay niyang tawag at ramdam ko ring nakatingin siya sakin kahit na nakatalikod ako.
"Matulog ka na." malamig kong sabi at tuluyan ng pumikit.
0 notes
ingseongluv · 3 years
Text
AATY. 037: The war begins.
George
Lumabas ako ng kwarto at sinilip siya. Nakita kong pilit niyang ipinagkakasya ang sarili niya sa maliit na sofa. Aba! Kasalanan ko bang mahaba ang biyas niya at hindi kasya ang paa niya rito?!
"Hoy." bungad ko na ikinagulat niya at nahulog pa siya. Tanga.
"Takte! Gumawa ka naman ng ingay sa susunod... Para kang multo."
Tinignan ko ang sarili ko sa reflection ng salamin. Ay potek, oo nga. Sabog na sabog pa naman ako.
"Doon ka na humiga. Ako na diyan."
"Hindi na, ayos lang ako." Tinignan ko siya ng matalim. Nakakairita na talaga siya ano? Pinapairal pa yung pride?
"Kaartehan! Bahala ka, tabi ka na lang kung gusto mo." naiinis kong sabi sabay balik sa kwarto.
Di parin talaga nag babago ugali niya. Maarte parin! Sabagay anak mayaman, spoiled brat! Sarap supalpalin.
0 notes
ingseongluv · 3 years
Text
AATY. 031: The first heart beat.
George
Habang nililipat ko ang mga damit ko sa dresser ng kwarto na to ay may narinig akong katok sa pinto.
"George, uhm... I ordered us some food. Kung gusto mo sumabay. Labas ka na lang."
Ang calming parin ng boses niya...
And the way he calls my name? nakakapanghina na parang nawawalan ako ng buto...
GEORGINA UMAYOS KA! Galit ka sakaniya, dahil sinaktan ka niya! okay?
Pag ka labas ko ay nakapahag na ang pagkain sa lamesa. Of course he ordered his all time favorite adobo.
I used to cook adobo for him...
Habang kumakain kami ay busy akong nag babasa about sa case namin pero napatigil ako ng magsalita siya.
"May dumi ka sa pisngi." agad ko namang naikapa ang mukha ko para tanggalin iyon. Dugyot ko naman! Kahiya!
"San? dito ba? Sorry, ang kalat ko kumain." pilit kong tinatanggal kung saan man yung duming sinasabi niya kaso wala naman? jinojoke time bako nito?!
"Not there.. Sa ano.. Dito." ginaya ko ang kamay niya pero wala talaga.
"Ako na nga. Dito oh" as he reached his hand on my face, i did something embarrassing... Naibuga ko sakaniya ang kanin at manok na nainguya ko.
TANGINA
"Oh my god! Sorry!!! I'm sorry!!" agad akong kumuha ng paper towel at pinupunasan ang mukha niya pero kinuha niya iyon sa kamay ko at walang sabing nililinis ang sarili.
GALIT BA SIYA?
Edi go! Magalit ka! Dito ko na lang ibubuhos galit ko sayo. After what happened 7 years ago...
I will never forget what I saw...
0 notes
ingseongluv · 3 years
Text
AATY. 024: The mission.
George
Nilapitan ko kaagad ang tito ko at saka ito binulungan.
"Tito naman? Kababalik ko lang? Alam mo namang hindi pa ako ganun ka-okay? Tapos isasabak niyo'ko agad ng may partner?! Saka, kakayanin ko naman mag isa!"
"Mag isa? Sure ka? George, nakailang palpak ka sa crimes?"
Napatikom ako ng bibig sabay yuko dahil maraming beses akong napalpak ngayong taon. Ilang taon akong nagpahinga sa mga missions na ganito.
"Ano ka ba? Hindi porket ex mo yan ay hindi kana mag papakaprofessional. Umayos ka nga!" sinimangutan ko siya sabay irap. Naiirita ako, kakayanin ko naman kahit mag isa e!
"George, nak. Gusto mo ba talagang mabalik sa narcs or sa corporal kana lang?"
Wala na akong nasabi dahil propesyon ko naman ang mga cases sa Narcotics. Bumalik ako sa kinauupuan ko, katabi ni Jaeyoon na kanina pang nagdudutdot sa cellphone niya.
Seryoso ba siya?
"Oh, kayong dalawa. Makinig kayo." the chief flipped the evidence board at doon lumitaw ang patong patong na papers, pictures at ang red strings na naka-pin rito.
They've been running this case for years...
Nakuha kaagad ng atensyon ko ang isang litrato ng kalalakihan at may X marks ang mga iilan rito. Isa na roon ang leader...
Bago pa ako malunod sa sarili kong mga alaala ay agad ko inalis ang tingin rito pero lumapit naman roon si Jaeyoon.
"Marco... Gang leader?" tanong niya sa hepa.
"Ah, oo. One of our serge got him."
"Sino?" dahil sa tanong ni Jaeyoon ay nag katinginan kami ni Chief.
"Ah, nalimutan ko na... Wala na siya ngayon sa team. Oh siya! Eto!" Sabay kaming napatingin ni Jaeyoon sa mga papels na ibinagsak ng Hepa sa lamesa.
kinuha ko ang isang document roon na nakapangalan sa akin.
"Sabrina Lyn?" tanong ko ng mabasa ko ang fake id nito at ibang documents. Halos lahat nandidito na pati narin ang biography at ang 2x2 picture ko.
"Mula ngayon, ikaw muna si Sabrina Lyn, ang asawa ni?"
"Ethan Lyn?" tumango naman ang hepa sa sagot ni Jaeyoon. Grabe... big word 'asawa'.
"Kayo ang magiging bagong kapit bahay ng kanang kamay ng dating gang leader."
"Kapit bahay?" tanong ko.
"Oo, si Renato at ang asawa nitong si Clarita." napakunot na lang ako ng noo sa mga sinasabi niyang pangalan. Tito showed us the picture of our targets.
That man... Hinding hindi ko malilimutan ang mukha ng lalaking iyan...
Habang binabasa ko ang document at ang description ng assignment namin. Nakasulat rito at ang gagawin ko ay alamin kung saan nila minamanifacture ang mga bagong drugs na ginagawa ng mag asawang Renato at Clarita.
"So, I have to.. befriend this Clarita??" i asked at tumango naman siya roon. napatingin ako kay jaeyoon na seryosong seryoso sa pag babasa at halos mag dikit ng ang kilay nito. napansin ko ring naka tupi na ang long sleeve niya into 3/4 at saka naman ito uminom ng kape niyang nasa lamesa.
Nang mapansin niyang kanina ko pa siya tinitignan kaya umiwas ako kaagad ng tingin.
Takte, bakit ba kasi nakakapanghina yung get up niya ngayon?! Dahil ba matagal na kaming di nag kita?
Umayos ka george! galit ka sa kaniya, remember?!
"Then, I have to join his gang to know more? Get Renato's trust and once it's already settled..."
"Invade their secret manufacturing drug company." sabay naming sabi ni Jaeyoon na ikinatuwa ng hepe.
"Ayan na nga sinasabi ko! Kaya ko nga kayo napili dahil ang galing talaga ng utak ninyo e! Parang iisa lang!"
Nag labas ako ng malalim na buntong hininga at ibinalik ang mga papeles sa lamesa.
"Kelan mag sisimula to?" tanong ko.
"Bukas."
"HA?!"
"ANO?!"
Oh, minamalas nga naman...
0 notes
ingseongluv · 3 years
Text
AATY. 010: The first meet.
George
"Oy, Wag kang magulo! Alam mo, ang drugs nakakasira ng buhay yan! Pogi pogi mo pa naman-" naputol ang mga salita ko nang sigawan ako ng batang to. At sa wakas nahuli na namin ang isang drug dealer na si Vanilla. 177 cm height, black and white hoode and a white mask. Pero grabe? Attitude?!
"Ano bang pinagsasabi mo?! Drugs? Anong drugs?! Hoy, im clean!" napaatras ako nang bahagya dahil sakaniya.
"Hoy, vanilla! Ilang beses ka ng hinanap pero ang galing galing mo mag tago-" once again, sinapawan na naman niya ako.
"Anong vanilla, vanilla?! Di ako flavor! Please lang pakitagal tong posas na'to! Umiinom lang kami kasama ng tropa ko!" wala akong reaction sa bawat sinasabi niya dahil baka isa na naman ito sa patibong niya. Sinilip ko ang mga tinatawag niyang tropa na nakataas ang kamay at nakaduko ang mga mukha and the other guy was quite familiar to me. The long haired one.
"Huli na, vanilla. You're under arrest-"
"CHANI???"
"KUYA!"
"KUYA!!"
That voice. The voice that I have never heard for years. A man wearing a black bumper jacket with a police badge on it, stood infront of me. Nag iba ang stilo ng buhok nito at lumaki ang kaniyang katawan kumpara sa noon but his eyes are still the same. just as i remember.
Napalunok ako at napansin kong gumaan ang pagkahawak ko sa inaaresto ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, matagal narin ang huli naming pagkikita.
"Anong ginagawa mo dito?" malamig pero iritado niyang tanong sa akin.
"Ikaw, anong ginagawa mo rito?" binalik ko sakaniya ang tanong.
Jaeyoon and I had a history.
"Jaeng!" sabay kaming napatingin sa pinto ng VIP room na ito. Akala ko iyon ang partner kong si Dawon. Turns out it was someone else. Rowoon at mukhang hindi niya ata ako nakilala.
"Bakit?"
"Nakatakas na si Vanilla! Tara na!"
"ANO?!"
"WHAT?!"
Sabay pa kaming napasigaw at parehas pa ang target namin. Bumalik uli ang tingin niya sa akin pero may halo na itong pag kainis.
"Tanggalin mo yung posas niya." malamig nitong utos at saka ko naman ito sinunod dahil maling tao ang inaaresto ko. Sinunod ko lang naman ang sinabi ah?!
"Corporal Sung George. Next time greet your seniors with respect. Hindi yung itatanong mo ako bakit nandito ako. At sa susunod mag iingat ka ng mga inaaresto mo hindi yung agad agad ka na lang susugod ng walang ganong background."
"Sabagay you"re always making rational decisions that you'll regret at the end..."
"Oh kayo?! Umuwi na nga kayo! Lalo ka ng ka. Sumbong kita sa kuya mo e." I watched him escorted the three guys outside at naiwan ako roon mag isa.
Jaeyoons words left a sting. Halatang may kasamang pait at sakit ang sinabi niya. 7 years na mula noong huli kong sabak as a sergeant, ngayon ay ibinalik ako sa pagiging corporal. Isang taon na ako rito pero wala akong naigawa kundi kapalpakan.
For 7 years. I was lost.
but he didn't know that.
0 notes
ingseongluv · 3 years
Text
AATY. 002: The Blackhole
George
“I shot him. Sung, over. I repeat- I shot the leader!  Sung, over!” Kanina pa ako ulit-ulit nagsasalita sa walkie-talkie, and somehow, I can’t reach my team.
“Punyeta! Kung kailan oras na, doon naman nawalan ng signal.” Bulong ko sa sarili ko.
“G...G...Geo-rge...” Halos wala na akong maintindihan sa kabila dahil mahina ang signal. Takte, ngayon pa talaga?!
Habang inuusisa ko ang katawan ng leader nila ay narinig ko kaagad ang pagbukas ng pintuan at doon ako naalarma. Agad kong kinuha ang baril ko at kinasa iyon. Fuck!
Wala pang isang segundo ay may narinig na akong malakas na putok ng baril at para akong nabingi dahil doon.
“SERGEANT SUNG!” Ang pagtawag ng pangalan ko ay paulit-ulit sa tainga ko na parang alarm na hindi pinapatay.
Tinignan ko ang tiyan ko. Punung-puno ito ng dugo pero nagtataka ako bakit wala akong maramdaman na sakit.
Totoo ba ‘to?
Hinawakan ko ang akin tiyan at diniinan ito. Ang mga kamay ko ay pulang-pula na dahil sa dugo. Agad akong nakaramdam ng takot at kaba.
Pagdilat ko ng aking mga mata ay naiba ang lugar. Madilim. Tahimik. At para bang nababalutan ng kalungkutan at galit.
I noticed that I'm wearing a hospital gown at walang tsinelas ngunit madaming sugat aking mga binti at paa.
“Miss! Hindi ka pa po pwede lumabas!” Nagulat ako sa lakas ng bosesng tumawag.
Sino ‘yon?
Hinahanap ko kung saan iyon nanggagaling pero may nagsalita nanaman.
“You left him!” Tila may diin sa pagkakasabi.
“Sino ka?!” Sigaw ko.
“George!”
Jaeyoon?
“Sandali! I need to find Jaeyoon!” boses ko iyon...
Bakit ko hinahanap si Jaeyoon?! Kanina pa ako palingon-lingon rito pero wala akong mahanap. Tila ako’y naliligaw at nalulunod sa mga boses na naririnig ko.
I heard voices. Different tones. Lots of emotions.
One's screaming for help. Others are wailing. These voices are in deep pain.
��Aaaaaahhhhh!!!” Napaupo ako at pilit na tinakpan ang mga tainga para hindi marinig ang mga boses na sabay-sabay humihingi ng tulong.
“Stop, stop, stop.” Aking sinasabi habang nakapikit at pilit inaalis sa isipan ang tunog ng mga boses na naghihinagpis.
“STOP!!!” Pilit kong isinigaw.
Ako’y napabangon at hinahabol ang paghinga dahil sa bangungot. Kanina pa tunog nang tunog ang cellphone ko dahil sa alarm.
Tangina, eto na naman.
1 note · View note