Tumgik
inorandherthoughts · 4 years
Text
i never thought na ngayon lang ako magsasalita about what exactly happened to me 7 months ago. Grabe yung trauma na dinulot sakin ng pag-ibig. Napakasakit and napakahirap magmahal ng taong hindi mabibigay sayo pabalik yung pagmamahal mo. Akala ko sobrang kilala ko padin siya kahit naging magkarelasyon kami ng tatlong taon, pero pag nagumpisa pala talagang magbago ang isang tao hndi mo na mapipigilan yun eh no. i think main reason bakit nangyari yung nangyari kasi sadyang marupok lang ako hahahaha pilit kong pinapaniwalaan lahat ng mga sinasabi niya kahit nangyari na dati yun, dahil mahal ko siya. Pilit akong naniwala na unti unti nyang papatunayan ulit yung sarili niya sa mga kaibigan ko lalo na sa pamilya ko. Ewan ko ba kung naduwag siya o ano puta hahaha masyado ako nabulag ng pagmamahal ko sakaniya kaya di ko nakita lahat ng red flags na nasa harap ko na. Imagine, nagddrama sya sakin dahil nagaway sila and knekwento niya pa na naghug and kiss sila pero ako cinocomfort ko siya.
Tumblr media
Wala akong naramdamang galit non dahil inintindi kong kailangan niya ng kausap ng mga oras na yun. Grabe talaga nagagawa ng pagmamahal hahahah i believed na ako talaga yung mahal mo simula pa nung una pero in the end hindi padin ako yung pinili. Idk if its because of your conviency sakaniya na wala sakin or what. Kasi kung siya talaga mahal mo tangina bakit ginulo mo nanaman ako. Syempre tanga nagpagulo naman ako. 
What happened was very traumatic. After nung gabi na pinili nya si anne over me for the 2nd time, nagangkas ako pauwi ng lasing at sabog at pinasundo ako nila mama at papa sa ate ko ng 3am dahil ayaw tumigil ng iyak ko. Patuloy akong umiyak hanggang sa nakatulog ako ng bandang 6 am. Nag socmed detox ako for atleast 1 month dahil paulit-ulit ko sila nakikita sa mutual friends namin. Halos dalawang buwan ako gabi gabi binabangungot ng experience tangina. 
I continued to focus on myself hanggang ngayon pero tbh, madalas ko padin siyang naiisip gabi gabi bago matulog kung ano na nangyari sakaniya kamusta na sya and shit. kaya ko nga nasulat to kasi naisip ko nanaman siya hahahahaha pero i know for a fact na hindi ko na talaga siya pwedeng balikan kahit gustuhin pa ng puso ko. Grabe yung sakit na dinulot nya sa buong pagkatao ko, pero ang wish ko padin para sakaniya is maging masaya siya. At sana maging masaya na din ako at hindi na sya maging parte ng sad nights ko. 
I really want to move on and forget about everything. Sana hindi ko na siya or sila makita pa or makasalamuha dahil ayoko na ulit bumalik yung mga alalaang pilit ko nang binubura para makaranas ng totoong saya.
1 note · View note
inorandherthoughts · 5 years
Text
hay isolation is the key hahahah fuck everything
0 notes
inorandherthoughts · 5 years
Text
if you guys only knew what ive been through ALONE, tangina kahit kayo matatakot para sakin
0 notes
inorandherthoughts · 5 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
lapag ko lang dito to to serve as a constant reminder na hindi na dapat ako bumalik dito at magmahal ng katulad nito. galit na galit ako sa taong to nung time na yan kitang kita naman. kitang kita din kung gaano ako nasasaktan based sa lahat ng sinasabi ko. pero wala akong natanggap na isang maayos, sincere at matinong sorry.
Etong taong to nagbigay sakin ng fucking trust issues. Kung bakit ngayon manhid ako. Kung bakit ngayon takot na kong magtiwala, magtake ng risk at magmahal pa ulit. Don’t know how long this will last, basta alam kong hindi pa ngayon at matatagalan pa..
0 notes
inorandherthoughts · 5 years
Text
isa nanamang malungkot na gabi
0 notes
inorandherthoughts · 5 years
Text
wooohh ayoko nang umasa. kahit asang-asa padin ako, kahit nadadala padin ako sa mga “what ifs” pinipilit ko sarili ko na hindi na umasa at maghope na magkakabalikan tayo. ayoko nang masaktan ulit ng todo ng dahil sayo padin. Sobrang natatakot nako sa kung anong pwedeng mangyari. Sobrang natatakot ako na baka mamaya namiss mo lang yung alaala pero hindi na ko. Baka mamaya namimiss mo lang yung “feeling” pero ako hindi. Nakakasawa umasa, nakakapagod, nakakabaliw. Nakakagago na bago ako matulog umaasa akong ichachat mo ko o tatawagan mo ko tapos pag gising ko sa umaga ikaw pa din agad naiisip ko. Mag dadalawang taon na, pero ikaw pa din. Kelangan ka ba hindi magmamatter sakin? Kelan ka ba mawawalan ng halaga para sakin? Masaya ako tuwing nagkakausap tayo na para bang walang sakit na naranasan pero nandun padin yung takot na mamaya baka wala lang to. baka mamaya kelangan nya lang ng kausap. Sobrang hirap pigilan yung sarili kong umasa sayo. sobrang hirap hindi magexpect pero kinakaya ko. Mas kinakaya ko na. Pls wag mo sanang paglaruan nararamdaman ko baka hndi ko na tlga kayanin baka tuluyan nakong bumigay sa pag-ibig.
0 notes
inorandherthoughts · 5 years
Text
June 11
if it wasnt for instagram’s story archive, hindi ko malalaman na 1 year na pala since nung na brokenhearted ako with K. Grabe lang ang bilis ng panahon haha pero truth be told, hindi padin talaga ako totally nakakamove on. There are still some days na maaalala ko nalng bigla yung mga nangyare and how that affected my whole self now, o kaya mapapastalk nalang ako sa profile niya in all socmed pati sa gf niya. This is really one hell of a journey. I dont know how long pa, pero Im thankful I was able to carry and handle it for 1 year now. Lahat ng pinagdaanan ko, lahat ng mga gabi na I spent crying, and mga araw na I felt empty nagfflashback. Napapaisip din ako ng mga what-ifs like “pano kung di ko sya hinabol?” “pano kung di ko sya kinulit?” o kaya “pano kung nagkita kami ulit?”
Kyle was the bittersweet part of my life.
Since then, I became a little cold-hearted. I chose not to invest a lot to someone who shows me nothing but love and care. I chose to settle myself with what I think is “enough” for me even though I also know I deserve more. I chose not to be “all-out” with my partner and I’d rather choose to not be hurt anymore than love someone fully.
0 notes
inorandherthoughts · 5 years
Text
afternoon rants
hi di ko alam pero bakit ganon ang lungkot ng life :((((( like i have so many reasons to be happy pero hindi ko padin makuhang maging masaya ng buong buo. i have nico, friends, and family. pero may hinahanap padin ako. or baka hindi ko palang talaga fully love ng buong buo ung sarili ko???? baka i still believe there’s so much more in life kaya hindi ko pa magawang maging kuntento sa kung anong meron ako ngayon??? Ang hirap huhu palungkot nang lungkot when another day passes. wala na bang bago? lagi nalang bang ganto?
0 notes
inorandherthoughts · 6 years
Text
LATE YEAR-ENDER POST
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
SINCE I ALREADY POSTED THIS IN MY DUMP ACCOUNT ON IG, MIGHT AS WELL POST IT HERE ALSO! year ender post!!! This year has made me experience a lot. idek how I was able to reach the end HAHAH My whole year is basically full of sleepless nights, bucket full of tears, inom everyday, and everything someone would do just to forget and aminado ako, hinayaan kong mawala ako sa sarili ko this year. Thats why sobrang thankful ako sa mga friends ko who never left me :((((( HUHU shoutout sainyo chie sibs lei and to everyone na malapit sa puso ko u know who u are!!!! Every single one of u stayed by my side during my worst self, and eventually all of u are witnesses on how I was able to heal and paunti-unting maging masaya!! sobrang natreasure ko ung memories ko with my friends and sobrang happy ko if theyre happy!! Super saya na makita mong masya yung friends mo sa lovelife nila swear HAHAHA Love u all!!! I WAS (AND STILL) SUCH A MESS But if there is anything I learned during the past years, yun is wag na wag kong hahayaan yung lungkot ko to change me. Behind all the sadness that this year left me, im also thankful bcos it gave me a lot of lessons. (need pa ng progress to but) VERY IMPORTANT!!!!! I somehow learned to love myself and not depend my happiness on anyone else besides me. tbh, one of the reasons din why eventually nagiging masaya ako kasi ang sarap din pala sa feeling na ure doing certain things hndi na para sa ibang tao but for urself. AND ALSOOOO sometimes there are just some things that are not meant to be. hehe and all there is left to do is to accept it. Medj recently ko lang to narealize, but im thankful I was able to realize it since I was too dumb to spend the rest of my 2018 waiting for someone na committed sa iba HAHAHAAHHA pero now, I wish that person genuine happiness, lagi naman eh. Happiness lang!!! for myself also syempre, since day 1 happiness lang hiling ko sau Lord bigay mo naman na dis 2019!!!! hahahahahha sooooooo #luvurself2019  GO MEEE
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
inorandherthoughts · 6 years
Text
im so fucking messed up. Every day just feels worse. Tangina kailan ba ko magiging okay. I want this pain to stop, hindi ko na kaya. Ano bang ginawa kong sobrang sama para maramdaman ko tong sakit na nararamdaman ko? Everyday I pray for happiness, pero parang araw araw ding bumibigat tong puso ko. Tangina kaya ko pa ba? Gusto ko nang sumuko.
0 notes
inorandherthoughts · 6 years
Text
dear kyle,
I dont know how to start this shit, pero siguro sabihin ko nalang lahat ng gusto kong sabihin sayo dito eversince nangyari yung nangyari haha.
You were the best thing I ever had. Iba padin yung saya na naramdaman ko all throughout our relationship. Planado na natin lahat eh, ang saya nga ng ganon no? Nandyan tayo para suportahan yung isat isa sa mga pangarap natin. Kaso kapag naiisip ko yun, naiisip ko din na wala na ding mapupuntahan yung mga plano natin together. We were SO HAPPY. We did everything together, never ako nagsawang makasama ka. Kahit sobrang dami nating pagkukulang dalawa. I was there for you from the very beginning, and ganon ka din sakin. Minahal kita unconditionally, tinanggap ko lahat ng flaws mo, pinakinggan ko lahat at sabay nating hinarap mga problema mo, and sinuportahan kita sa lahat ng bagay kung san ka masaya. All out ako sayo. Naalala mo ba yung sinabi ko sayo non nung tinataboy mo ko sa chat hahahahaa, na alam mo ba kung bakit kita minahal ng sobra and hindi kita kayang igive up? Sabi ko sayo what I see from you is someone worth keeping for a lifetime. Through happiness and kahit ngayon, in sadness. Alam ko if you love me enough, tanggap mo lahat ng flaws ko. And any problem kaya natin gawan ng paraan. Alam mo hanggang ngayon, yun padin yung nakikita ko sayo. Kahit alam kong sobrang laki na ng pinagbago mo, ayun padin yung nakikita ko sayo.
Sobra mo akong nasaktan. Sobra pa sa sobra, hindi mo maiimagine. I became sure of you kasi alam ko kung gano mo ko katagal hinintay, at minahal simula non eh. Haha nakakatawa lang na I ended up as the one who loved you more. I did everything for our relationship Kyle. Lalo na sa part na maging legal tayo sa magulang ko. Nung nalaman ko na ayun yung isa sa rason mo kung bakit ka umayaw, di ko matanggap. Di ko alam non kung dapat ba akong magalit sa magulang ko or sayo. Kasi I did everything para sayo, para maging legal tayo kasi alam kong nahihirapan ka. Nung araw ng debut ko, sobrang saya ko na finally hindi lang sila papa, pero buong angkan ko alam na boyfriend kita. Pero yung naisip mo non, napilitan lang silang tanggapin ka kasi andyan na eh. Imbis na yung thought na naging madali na para satin gawin yung mga bagay na gusto nating gawin, mas naging hadlang pa yun. You don’t know how much I waited for that moment, kasi aykong nakikitang nahihirapan ka. Pero sobra akong nasaktan na you thought of it, that way. Hinabol kita. Hinabol kita kasi hindi ko matanggap yung mga rason mo non. I told you I chose to make sacrifices, habang hinihintay ko nalang mapagod yung sarili ko. Chinat ko pa non si Tito Jess and Tita, sabi ko sakanila na mahal na mahal kita and hihintayin kita. Ang tanga lang kasi ang tagal kong mapagod kahit pinaasa mo ko ng tatlong linggo. Sa totoo lang kyle, hindi naman ako magtatanong sayo ng kung ano ano non kung hindi mo ko pinakitaan ng iba nung mga naunang week eh. Na tinatawag mo kong baby, luv, beb then bigla mo nalang ako iseseen or iiinbox haha. Sabi mo pa non, “oh ano naman nakakaiyak ba yon?” hahahahaha pero okay lang yun.
Dumating si Anne. Sana kyle, naisip mo yung pinagdaanan ko bago naging tayo. Alam mo naman yun diba? Na pinagpalit din ako. Sabi ko naman sayo dati diba yun lang yung kinatatakutan kooo hahaha. Kahit hanggang ngayon naiisip ko, naiiyak ako. Tangina ng mga thoughts na iniwan mo sakin. Like shit, ganon ba ko kadaling kalimutan and palitan. Sobrang sakit mapalitan Kyle. After all ng ginawa ko, all the sacrifices I made, ganon lang ako kadali mapalitan. Lahat na ng insecurities na pwede kong maramdaman, naramdaman ko. Sana naman hinintay mo naman akong makausad ng onti.. Tangina lang na snasabi sakin ng ibang tao “pinagpalit ka nanaman” hindi mo alam yung feeling haha. Sobrang nagselos ako, sobrang nainggit ako. Kasi sinasabi nila ang saya mo na tanggap ka agad ng pamilya ni Anne, nakakainuman mo pamilya niya, tsaka alam ko yun na kahit wala pang isang week kayo naguusap nakapunta ka na sakanila. Diba nga lagi ko pa sinasabi sayo non, na di ka na talaga dapat maghanap ng iba kasi mahihirapan ka lang magpakilala ulit and everything haha. Snasabi mo pa non, hindi talaga mangyayari yun. Naiisip ko na sobrang comfortable natin sa relasyon wala na tayong pake kahit makita mo yung pinakapangit kong wacky, magsendan tayo ng pic ng tae and etc. ganon ka na din kaya kay Anne? Haha kahit yung thought lang na yun pains me.
You left me hanging.
Iniwan mo akong magisa. Hindi mo alam kung gano kadami yung ginawa ko para makalimot ako, para mabawasan yung sakit na naramdaman ko. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko nang mag isa. I was miserable. Ni isang rason wala akong sinabi sa pamilya ko. Pero dumating yung point na sila na mismo, sila papa, nakakita sayo kela Anne, since kapitbahay nila si Kuya Kevin. Nung birthday ni Macinas, akala ko kaya ko na eh. Basta di ko lang kayo papansinin, magiging okay ako. Pero tangina, pagdating nyo kahit di ko kayo tiningnan and pinansin na kahit sulyap lang, bumigay padin ako. Sabi ko kay Rem non “Tangina rem di ko na kaya, samahan mo ako sa labas.” Tangina bumalik lahat ng sakit. Hinug ako ni harvey sabi ko “Di ko kaya. Hindi ko pa kaya” Tapos sakto pa non, lumabas kayong dalawa haha. Nakailang balik ako sa labas para lang iiyak yung nararamdaman ko at nakailan din akong balik sa loob na nakangiti na parang walang nangyari dahil ayokong magmukhang kawawa. Gagong gago ako non Kyle. Lahat ng tao dun alam na magex tayo, tapos makikita nila akong magisa tapos ikaw may kasamang iba. Kahit ako awang awa ako sa sarili ko non. Pero alam mo nakatulong din yun sakin. Kasi tangina, narealize ko di ko na talaga deserve yung sakit eh. Pero ineendure ko lang, kasi ayokong madaliin.
After ng lahat ng yan, wala akong pinagsisihan kyle. I did everything kaya wala akong pinagsisisihan. Tbh, sobrang namimiss kita minsan and gusto kitang bumalik. Pero pumapasok din agad yung thought na “hindi na may pinalit na sayo, pag bumalik, option ka lang.” Sanaaaaaaa pasayahin ka ni Anne, sana alagaan ka niya. Yun lang yung pnapray ko lagi, alam mo naman yun diba? Na sana gawin nya tayong masaya lagi. Pero this time, magkahiwalay na na happiness. Mapunan nya sana lahat ng pagkukulang ko sayo.
Thank you for everythingggg, sa loob ng mag fofour years napasaya mo ako. Im also sorry for all the things I’ve done that made you fell out of love from me. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Siguro nga lesson lang tayo sa isa’t isa? or this isn’t the right time? Parang gago yung tadhana eh no, hahahahaha. Magiingat ka lagi!!!!!!!!!! 
0 notes
inorandherthoughts · 6 years
Text
i mean the love and care u give is never too much and wala sa lugar sa taong talagang gusto yun and nakakaappreciate nun.
0 notes
inorandherthoughts · 6 years
Text
the little things
u want some things, specifically the little things, where u’ll appreciate his sweetness. But u cant tell him u want that cos he’ll just tell u “love cant be measured in those”, “masyado mo binibigdeal” and etc. Little things hurt too you know? It hurts din kahit konti. But who cares anyway? Maliit na bagay lang naman yun.
0 notes
inorandherthoughts · 6 years
Text
Lord grant me patience please. A lot of patience..
0 notes
inorandherthoughts · 6 years
Text
kelan kaya yung ako naman? Ako naman yung mamahalin ng higit pa sa pagmamahal ko? Ako naman yung papahalagahan? This relationship wouldn’t turn out like this if he didnt let it. Its because of his ways, how he give importance sa akin and kung ano yung pinapakita niya sakin. Sabi niya he’s doing everything for this relationship to work, pero bakit mas pinili niyang magpahinga?
He knows he doesn’t give me that much attention, he knows na nagkukulang sya ng time sa akin. Pero bakit hindi niya muna bawasan yung pagkukulang na yon bago niya dagdagan? Bakit hindi muna sya bumawi bago niya gawin ulit. Alam naming dalawa na kaya niya, and alam din naming dalawa na ayaw niya lang.
Everytime we fight, hindi ko kayang hindi kami naguusap ng matagal. I’ve done everything para lang pigilan yung sarili ko, para lang marealize niya. Pero in the end, ako nanaman ang talo. Ako nanaman tong basta pupunta nalang sakanila, dahil ayoko ng ganon kami. Ako nanaman tong panay sorry, na okay na sakin na di niya narerealize yung mali niya basta maging okay kami. Kasi I guess ganon talaga if you really love someone eh. Sad nga lang na hindi nya ko mahal tulad ng pagmamahal ko sakanya.
Im hurt. Sobra. Sobra nakong nasasaktan. Pero I cant leave him. Dahil mahal na mahal ko siya. I cant leave him, hindi ko kaya. Alam ko din sa sarili ko na sya lang makakapagpasaya ulit sakin. Kahit siya ung nagbibigay ng lungkot, ng galit, at lahat na ng miserableng pwede kong maramdaman, siya lang din nakakapagpawala non. And somehow a part of me wishes na sana hindi na. Sana mawala na tong pagmamahal na to dahil ang sakit at ang hirap na. Sana hindi ko nalang hinayaan yung sarili kong maattach sakaniya ng ganito. Sana hindi ko na siya mahal..
0 notes
inorandherthoughts · 6 years
Text
you said i was the best thing that ever happened to you, but sadly i was the worst too.
0 notes
inorandherthoughts · 6 years
Text
grant me emotional stability. UTANG NA LOOB.
0 notes