Text
haha and its part of my thing talaga kapag ka nadaan sa GAS sorry na but i liked it!!
ito nga pala yung wristband para makapasok sa mismong exhibitions.
meron kaming dalawa ni jes nito hehe kilig ako
i love you,jes
-v

0 notes
Text

yan nga pala si jes, di ko alam kung masaya ba siya dyan o hinde hahwhahha charot yess he’s happy!
bumisita kami sa GAS dito malapit sa mother ignacia tapat ng fishermall. actually matagal ko na ito pinupuntahan at talagang suki na ako kada opening at mga bagong exhibition nila. naalala ko before, trip trip lang ganon, nag caption ako sa isang photo tapos ang nakalagay dun is
“bisita ulit kapag ka may jowa na”
yung mga ganyan di ko na tanda yung sinabi ko non pero ganyan na ganyan din un. thennnn syempre madaming nag react nun at talagang yung iba ay nag msg pa sa akin nun na di sila makapag antay na makabalik ulit ako ng GAS pero kasi nung panahon na yun ay walang wala na talaga ako kumbaga iniwan na at nakuha ko lang magbiro para naman hindi ako ganon ka lungkot. biro biro lang naman talaga yun at wala akong intensyon na totohanin yun dahil nga sa pag aakala na titigil na ako sa pagmamahal.
madaming plot twist yung nangyari after that. i met this guy and si jes yun. madaming ups and downs sa pag uusap o communication namin nung una kasi nga nagkaka ilangan pa that time perooo ito na nga syempre nagkaka kilala na and may samahan na that time..
pumunta kami ng mga kaibigan ko sa GAS last yr pero hindi ko na naalala yung trip ko na babalik ako kapag ka may jowa na, naalala ko lang nung nasa biyahe at pauwi na. sabi ko;
“shocks! na manifest ko ba? kinilig ako wait lang hahaha nakakaloka”
at yun na nga tinapangan ko na ang aking kaloob looban, after how many months, nakabalik ako ng GAS at doon mismo sa puwesto na kung saan ako nakaupo ay doon ulit ako nagpakuha ng litrato.. pero hindi ako aware na nandon ako ulit kaya talagang gulat na gulat ako! kung alam lang ni jes kung gaano ako ka excited na ipakita sa iba na nakabalik ako ng GAS hays…
madaming natuwa at kinilig nung nag story ako na nakabalik na ako ng GAS dahil alam nila na meron na. gusto ko si jes at hindi ko yun itatanggi kahit sino pa ang magtanong.
madaming pagkakataon ang nasayang nung una pero ngayon hanggat mayroong pagkakataon ay susulitin ko lalo na kapag ikaw ang kasama sa kung saan ko nasabi sa sarili ko na hindi na ako magmamahal muli. gusto kong iparamdam sa sarili ko na sa una lang pala talaga nasasabi yung mga ganong klaseng bagay. at gusto ko ipakita sayo kung saan ko mas gustong kasama ka at maramdaman ko na hindi na ulit ako nag iisa, kasama na kita. palagi.
mahal kita, jes
-v
3 notes
·
View notes
Text
so mej ano lang hahaha puro si jes lahat ng kuha ko sa exhibit na pinuntahan namin kasi la lng gusto ko lang talaga kunan siya ng litrato.. dapat nga video charot hahahaha lahat nalang
love you
-v
0 notes
Text
bago siguro ako mag compose ng alis namin, gusto ko lang ito iwan para na din hindi ko na kalimutan.
kapag siguro pinagawa ako ng sulat sa isang buong papel, ay kukulangin ito lalo na kapag ang magiging paksa ko dito ay yung aking magiging kabiyak. hindi ko naman talaga hilig isipin yung mga ganyang bagay kasi alam ko sa sarili ko na masyado pa akong bata. may mga pagkakataon na hindi ko alam kung saan ba ako magsisimula kapag ka naiisip ko ito mula nung nakilala ko si clark. minsan din naiisip ko na hindi pa naman ganon kalalim yung pagsasama namin para isipin ko ang mga bagay na ito. doon ko napagtanto at naisip na kapag siguro alam mong malapit ka na sa isang tao kahit na hindi pa umaabot ng taon ay gusto mo na agad isipin kung ano pa ang mangyayari sa hinaharap. malapit ako kay clark, kilala niya ako sa mga bagay na binanggit ko at sa mga bagay na hindi ko pa nababanggit. kilala niya ako.
sa lahat ng mga kasalan na aking nadadaluhan hindi ko naman talaga iniisip na paano kapag nandoon na ako sa sitwasyon na iyon. mula nung nakilala ko si clark, buwan ng abril ika- siyam ng araw, dumalo ako sa kasal ng aking kuya. habang nasa loob ng bahay sambahan at sumasaksi sa kasal ay bigla akong napaisip na ganito kami ni clark. ganito kami sa hinaharap at para bang natutunaw ang aking puso at isip sa tuwing naglalaro lahat ng mga plano sa aking isip. mabilis ang tibok sa bawat letrang nabubuo sa aking isip.
“gusto kong ikasal sa taong nasa isip ko ngayon” at walang iba kundi si clark. buong seremonya at maging sa reception ay wala akong ibang inisip kundi si clark. at hindi rin mapigil ang pagiging sabik ko sa lahat ng mga plano na aking nabubuo sa aking isip.
“gusto ko kapag si clark na yung sasalubong sakin ayaw kong umiiyak siya kasi talagang iiyak din ako, naka make up ako nun..”
mga salitang bigla kong nabubuo kahit na may mga pangyayari sa aking paligid.
hindi lang naman diyan nagtatapos lahat ng mga plano, kundi sa lahat na ng mga kasalan na aking dinadaluhan ay tila walang ibang iniisip kundi si clark. si clark nalng palagi. kapag naiisip ko siya sa mga kasal ay bigla akong napapangiti ngunit patago lamang ito dahil baka iba ang isipin ng taong nasa paligid ko. hindi nila alam na naglalaro ang isip ko sa mga bagay at pagpaplano sa hinaharap namin ni clark.
maging sa gusto kong tugtog sa aming kasal ay gusto ko ang paborito niyang awit sa pagsamba at ang paborito kong awit dahil alam ko na gustong gusto namin itong dalawa. lahat ng mga bagay na nangyayari sa kasal ay naiisip ko din yung para sa aming dalawa ni clark. lagi nalang si clark.
kapag siguro pinasulat ako ng isang liham para sa aking kabiyak, kukulangin ang isang buong papel.
mahal kita, clark.
-v
0 notes
Text
hi again there haha dito ulit kasi umalis kami nung nakaraang araw
0 notes
Text
hmm hbu i turn this to journal.. lol imma turn this to journal..

0 notes
Text

nag iwan ako ng maliit na papel na kung saan magpapa alala sa akin at kay jes na binisita namin ang ohb. hindi lang sa pang display o ano pa man, gusto ko mag iwan kasi matagal ko nang gusto dalhin dito si jes kasi alam ko magugustuhan niya, hindi ako nagkamali. palatandaan na din na ito yung unang punta at date namin. how sweet right. gusto ko ulit bumisita at maipakilala siya kay ate lian kapag ka nagkataon na nandon sa cafe si ate.
sa uulitin!
i love you jessie ko.
-v
0 notes
Text


eto nga pala yung kuha kong litrato ni jes nung lumabas kami nitong huwebes. pumunta kami sa annex para makita niya yung extension ng cafe hehe nagustuhan niya at masaya ako dun. ☺️
i love youuu, jes
-v
0 notes
Text


before toh mag katapusan eh hahaha la lang gusto ko lang kulayan kuko niya 😅✌🏻 same kami ng kulay hahahaha
i love you twinnyyy
-v
0 notes
Text


us after tumingin sa kids section hahwhaha kiddddddinggg!!!!! huhu ganap na ganap lakas maka asawa 😝✌🏻
i love you!
-v
0 notes
Text


lol sa wakas may nakita kaming photobooth hehehehehehe
i love u
-v
0 notes
Text


yess may entry na ako sa wakas hindi na solo 😮💨
i love you, jessie
-v
0 notes
Text

hehehehehehhe yayyy our first photobooth picture! can u believe it? we’re so sweet 🫶🏻
matching nail color pa hahahaha i love you!
-v
0 notes