Tumgik
Text
Unemployment
Tumblr media
Panimula:
Patungkol ito sa unemployment o kawalan ng trabaho, marami sa ating mga Pilipino na hirap makahanap ng permanenteng mapapasukan, isa sa mga dahilan ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Isa ito sa pinaka dahilan ng marami sa atin walang kakayahang makahanap ng maayos na trabaho dahil na rin sa hirap ng buhay.
Suliranin Pang-ekonomiya:
Isa sa mga suliraning panlipunan ngayon ay ang lumalalang isyu ng unemployment sa bansa. Karamihan sa mga Pilipino ay walang mapasukang trabaho. Kahit payuloy na umuusbong ang ekonomiya ng Pilipinas, tumaas pa rin ang bilang ng mga walang trabaho.
Karamihan sa mga walang trabaho ay mga nakapagtapos lamang ng high school, mga hindi natapos ang kolehiyo at pati rin ang mga nagtapos ng kolehiyo.
Isa sa mga dahilan kung bakit maraming walang trabaho sa Pilipinas ay sa hindi pagtatapos ng pag-aaral. Dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas,nahihirapan ang mga pamilyang Pilipino na mapagaral ang kanilang anak.
Sinusukat ang kawalang-trabaho ng antas ng kawalang-trabaho, na bilang ng mga tao na walang trabaho bilang bahagdan ng lakas-paggawa, idinagdag ang kabuuang bilang ng tao na may trabaho sa mga walang trabaho.
Marami ang posibleng sanhi ng kawalang-trabaho, tulad ng;
- bagong teknolohiya at imbensyon
- ang kalagayan ng ekonomiya, na maaaring maimpluwensiyahan ng resesyon.
- pakikitagis sa dahil sa globalisasyon at pandaigdigang kalakalan.
- mga patakaran ng pamahalaan
- regulasyon at pamilihan
Karagdagan sa mga teorya ng kawalang-trabaho, ginagamit ang ilang pagkakategorya nito parasa mas tumpak na pagmomodelo sa mga epekto nito sa loob ng sistemang pang-ekonomiya. Kabilang sa mga pangunahing uri ng kawalang-trabaho ang istruktural ( structural), pakiskis ( frictional), siklikal (  cyclical), di-boluntaryo ( involuntary) at klasikal ( classical). Nakatuon ang istruktural sa mga problema sa pundasyon ng ekonomiya at pagkawalang-liksi sa mga merkado ng paggawa, kabilang ang hindi pagtutugma ng pagpupuno at pangangailangan ng mga manggagawa na may kinakailangang mga kasanayan. Nagbibigay-diin ang mga argumentong istruktural sa mga sanhi at solusyon na may kaugnayan sa mga teknolohiyang nakakagambala at globalisasyon.
Nakatuon naman ang mga talakayan sa pakiskis sa mga boluntaryong pagpapasya na magtrabaho ayon sa pagpapahalaga ng indibidwal sa kanyang sariling trabaho at kung paano ito maihahambing sa kasalukuyang antas ng sahod pati sa oras at pagsisikap na kinakailangan para maghanap ng trabaho.
Nagaganap ang siklikal o keynesianong kawalang-trabaho kapag hindi sapat ang pangangailangan ng ekonomiya para mapaglaan ng trabaho para sa lahat na gustong magtrabaho. 
Frictional minsan ay tinatawag na search unemployment. Ito ay nagaganap kapag ang indibidwal ay lumilipat sa ibang trabaho mula sa dating trabaho.
Nagaganap ang klasikal na kawalang-trabaho kapag nakatanda sa itaas ng lebel ng ekilibrito ang totoong sahod para sa isang trabaho, kaya nakarami ang bilang ng mga naghahanap ng trabaho kasya sa bilang ng mga pagkabakante.
Boluntaryo at Di-boluntaryo sa panitikan sa ekonomiya, madalas na inilalapat ang isang simpleng kaibhan.Tumutukoy ang boluntaryong uri sa mga desisyon ng indibidwal, ngunit umiiral ang di-boluntaryong uri dahil sa kapaligirang sosyo-ekonomiko.
Paglalahad at Pagsusuri ng datos:
Tumblr media
‘’ Ten percent o 4.6 milyong Pilipino na nasa labor force ay walang trabaho o negosyo noong nakaraang July 2020. Ang 10 percent unemployment rate ay mas mataas ng 2.2 million kaysa bilang ng July 2019 na nasa 2.4 million, ‘‘sabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa sa isang virtual press briefing.
Nasa 10 persiyento ang unemployment rate ng bansa nitong Hulyo, bumuti kumpara nuong Abril dahil sa pagluwag ng quarantine protocols, Noong Abril, nasa 17.7 porsiyento ang unemployment rate ang bansa o katumbas ng nasa 7.3 milyong Pilipino na walang trabaho.
Konklusyon:
Sa aking palagay kahit man hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay dapat pantay-pantay lamang ang pagtrato ng bawat isa, dahil ang pinagkaiba lamang ay may natapos. Kahit lamang mabigyan ng pwedeng trabaho pero sa magandang paraan kahit maliit lamang ang sweldo, upang sa gayon maiiwasan ang paggawa ng di kanais-nais na gawain o krimen dahil na rin sa hirap ng makahanap ng trabaho.
Solusyon:
Maraming maaaring gawing solusyon ang pamahalaan para mabawasan ang pagdami ng mga walang trabaho sa Pilipinas.
Una, bigyang pansin ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas upang sila ay makalinang ng mga matatalino at magagaling na mga manggagawa. Sa paraang ito, maraming mga institusyon ang maaaring tumanggap sa mga nakapagtapos ng pag-aaral.
Pangalawa, paunlarin ang ekonomiya ng Pilipinas at magbukas ng mga kumpanya upang maraming mapasukan ang mga manggagawa,
Ikatlo, ang pamahalaan sa tulong ng pribadong sektor, ay dapat ipagpatuloy ang pagsasagawa ng job fare upang mabilis na makahanap ng trabaho ang mga manggagawa ayon sa kanilang kalakasan o kakayahan.
Ang isyu ng kawalan ng trabaho ay repleksyon ng kalagayan ng ating bansa. Maraming mga tao ang maghihirap kung wala silang trabaho. Makatutulong ng malaki ang mga solusyon na aking inilatag, hindi man ito lubusang matigil ang isyu ng kawalan ng trabaho, malaki ang magiging epekto nito sa pagbabawas ng bilang ng mga walang trabaho o mapasukang trabaho sa bansang Pilipinas.
1 note · View note