Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Nag-iisang anak lamang si Binoy nina Tito Norman at Tita Alice. Isang makulit na bata na mahilig maglaro at may malawak na imahinasyon. Mahilig ring magbasa ng libro at kumanta kung kaya't binilan ng mag asawa ng sarili niyang videoke upang kahit nasa trabaho ang mga ito ay may magagawa ang bata. Anim na taong gulang palamang ang batang si Binoy, Naaalala ko noon, gustong gusto niyang basahin ang mga kwentong pambata at mga alamat. Gustong gusto niya ang mga kwento tungkol sa mga nagsasalitang hayop. Isang araw ng makadalaw ako sa kanilang tahanan, sinalubong ako ni Binoy ng may sobrang laking ngiti sa kaniyang labi, nakatira sila sa mataas na gusali sa isang high-end na condo sa Makati. Habang kumakain, kinuwento ni Binoy ang kaniyang kaibigan na nakikilala raw niya sa palaruan, meron raw itong alagang nagsasalitang pusa. Sa tuwing magkikita raw sila, pinapahiram sa kaniya ito at doon ay nililibot sila kung saan saan. Dagdag pa niya, dinala raw sila ng pusa sa isang lumulutang na isla na matatagpuan sa hangin. Nung una ay hindi ito pinapansin ng magasawa sapagkat inaakala nilang baka dala lamang ito ng malawak at malikot na imahinasyon ni Binoy. Ngunit, nagsimula ng mabagabag ang mag asawa ng minsang nakita nila itong tumatawa mag isa sa palaruan at ng lapitan nila ay tinuturo ang isang puno na tila baga nagsasalita. Sa kalagitnaang ng gabi, habang mahimbing na natutulog ang lahat, nagising ang magasawa sa lakas ng iyak na dulot ni Binoy. Sabi niya nakakita raw siya ng isang gagambang panget ang itsura at inaaya raw siya netong sumama sa kaniya. Ang gabing iyon ay nasundan pa ng maraming kababalaghan at katatakutan. Lumulutang na aso, malalaking bote, mikropono at kung ano ano pa. Takot na takot ang mag asawa sa nangyayari kay Binoy. Kung hindi bangkay na bumangon mula sa hukay ay nagsasalitang pusa naman ang kinukwento nito. Kinaumagahan ay dinala nila si Binoy sa isang hospital malapit sa kanilang tirahanan, doon, nalaman nilang may sakit ang bata at nakararanas ito ng hallucination. Isang uri ng sakit na maaaring lumala kung hindi mabibigyan ng agarang lunas kung kaya ay pinayuhan silang ipagamot ang bata at isagawa ang treatment bago lumala. Maliban rito, pinayuhan rin ang mag-asawa na maglaan ng extra oras para sa aking pamangking si Binoy. Ngayon, ginagamot na si Binoy, dahil sa treatment na kaniyang pinagdaanan ay malimit nalamang siyang mag kwento ng mga bagay na malayo sa realisasyon.
0 notes
Text
Kapos
Nasanay ako sa mga pelikula at seryeng kapos ang istorya. Binibigyan ako ng excitement at nakapagbibigay udyok rin ito sa akin na mag isip ng possibleng kasunod o katapusan ng isang kwento. Madalas, lagi kong pinipiling maging happy ending ang bawat programa at pelikulang pinapanood ko. Sa akda ni Mr. Jun Cruz Reyes na Ang Utos ng Hari at iba pang kwento, minulat ako sa makabagong pananaw na ibang iba sa mga libro at pelikulang nabasa at napanood ko. Masyadong realistic, totoo naman kasi, kung paano niya isalaysay ang unang kwento ay ganoon ko rin nakikita ang set-up na meron ang Pilipinas ngayon. Sa paaralan hindi pwedeng mawala ang mga teacher's pet, mga paboritong magaaral kasi teacher ang nanay o di kaya naman ay kamag anak ng ka-faculty members. Laging kawawa ang nasa lowest section, madalas pagtuunan ng pansinin ang mga estudyanteng nasa section 1. Sila raw kasi ang panlaban, mapa MTAP, QUIZ BEE, DAMATH, SCIEDAMA at Iba pa. Pag bobo ka tapos lowest section ka, asahan mo na special project or stick-o na binebenta ni maam ang magiging dahilan ng pagkapasa mo. Depende nalang yon kung masipag ka at malinis kang tignan. Iba kasi ang nakakaawa sa nakakadiri. Ganoon rin sa mundo ng pagtratrabaho. Hindi ako sigurado, pero ang dating kasi sa akin ay gustong sabihin ng akda na mapanghusga ang mga tao. Tama rin naman kasi, pinapakita lang ng akda kung anong meron ang Pilipinas, maliban sa corruption at kahirapan, meron rin tayo Padrino System at Face Value. Pag di kaaya aya ang itsura mo, di rin katiwa tiwala ang muka mo. Sa ikalawang maikling kwento ay tinalakay ang mga hindi makatarungang nagaganap sa totoong mundo, sa mundo ng pag tratrabaho. May isa lamang akong di maintindihan sa kwento, bakit lagi nalamang mga babae nag halimbawa ng maarte at mapanghusgang workmates, bakit pag walang kwentang boss ay lagi nalamang bundat , mataba at walanv ginawa kundi mambabae. Bakit masyado tayong nakukulong sa paggegeneralize ng mga bagay bagay. Baka tama nga si Sir Jun, hindi rin tayo sigurado gaya ng hindi niya pagiging sigurado sa kung ano ang gusto niya. Kung ano ang iniibig niyang makuha. Dito ko namalayan na hindi lamang ang kaniyang pangatlong istorya ang kinapos ngunit maging ang buong buhay ng mga tauhan ay nasa pagitan ng kahirapan at lubos na kahiripan, nasa gitna ng lubusan at kakapusan. Nasirang pangarap, naputol na koneksyon, maling interpretasyon at malabong pananaw. Ang mga tauhan sa ikatlomgnkwento ay hindi lamang sa kwento hindi naging makatarungan ang katapusan dahil maging sa totoong buhay ay nakararanas rin ng kakapusan. Kakapudan sa pera, kakapusan sa pangarap, kakapusan para ayusin ang sarili at kakapusan sa oras para magsimula muli.
0 notes
Text
Pangarap na Sandali - maiksing pagtatalakay sa akdang "Lohika ng mga bula ni Luna Sicat
Hindi laging tamang sumabay sa agos na meron ang lipunan. Hindi laging pwedeng magpadikta sa sinasabing ng karamihan. Sa bawat pagkakataong hinahaayaan natin ang ating sarili na magpatulak sa kung anong standards meron ang iba, mas nilalayo natin ang kalayaang minimithi na tanging pagtakas lamang ang natitirang lunas. Ang sabi nga nila, ang buhay ay umiikot lamang sa isang napakalaking kahon. Malaki man ang mundo, nagiging masikip ito dahil sa mga standards at expectations ng mga tao. Napipikitan tayong kumilos na napakaliit. Natatakot sa sasabihin ng iba, nangangambang baka may masabi sila. Kaya ang napakalaking kahon ay nagmimistulang maliit dahil dito. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang bawat isa sa mundo ay may pinapangarap na sandali. Ang sandali ay maaring tumugon sa ninanasam na pangyayari na gustong makamit o maranasan ng isang tao sa kaniyang buhay. Sa akdang Ang lohika ng mga bula ni Luna Sicat, ang sandali ay tumatalakay sa pagtaliwas sa agos na meron ang lipunan. Isa itong kwento ng isang babaeng naghahangad na makalaya sa mga ekspektasyon meron ang mga taong nasa paligid niya. Sa aking pagkaunawa, hindi paraiso ang pagkakaroon ng mabuting asawa, may magandang anak , isang bahay na malinis at tahimik na lugar. Hindi fulfillment o sucess kung matatawag ang pagkakaroon ng boyfriend, o magkaroon ng amoy na "baby powder" o pabangong "kulay luya". Ang tagumpay ay nakakamit sa panahong nagiging malaya ang isang indibidwal mamuhay sa paraang gusto niya, walang lipunang mapanghusga, walang kamag-anak o kaibigang nagdidikta. Ang kasiyahan ng buhay ay hindi makukuha sa pagsunod sa depinisyon ng kasiyahan ng iba, ito ay sa paraang pagiging tapat at piliing makipagsiping sa pangarap na sandali. Sa sandaling nakapagdudulot ng kasiyahan, sa sandaling nakapagbibigay lunas kung paano kumawala sa mga apat na sulok ng kahon at maging malaya panandalian. Ang akda ay nagbibigay pakuhulugan din na hindi masamang mabuhay magisa, walang mali sa pagiging biyuda. Ang kasiyahan ay hindi dinedepende sa mga materyal na bagay o tao, ang kasiyahan ay nakadepende kung gaano kalaya ang isang tao. Ang kalayaang ng tao ang nagdidikta ganao kalayo nag posibleng martaing neto. Mas malaya ang tao, mas malayo nag mararating nito. Hindi kailangan magpatali sa standards na meron ang lipunan, hindi kailangang bigyan hangganan ang pagpapalago ng bawat isa. Walang mali sa hindi pagsunod sa ginagawa ng iba.
0 notes
Text
TINTA - REAKSYON SA KWENTONG KUBETA NI NANCY KIMUELL GABRIEL
Ayon kay Sigmund Freud, "A man is the father of all men. May malaking impluwensiya ang mga pangyayari noong tayo'y mga bata pa sa paghubog ng ating mga paniniwala't pananaw sa buhay. Tila ba isang tinta ng ballpen na sa oras na madikit sa ating puting uniporme ay napaka impossible na nating maalis kahit anong mahal o bisa pa ng detergent o cleaning agents na gamit. Ang mga tintang ito ay mga pangyayari na nakapagbigay sa atin ng malaking impluwensiya sa kung paano natin suungin ang hamon ng bukas. Sa akdang Kubeta, ang kubeta at mga kaganapang may koneksyon sa kubeta ang nakapaghubog ng pananaw meron ang nagsulat. Iminulat ako ng akda sa mga bagay na madalas hindi mapansin ng nakakarami. Sa problemang Cr, bakit lagi na lamang mas malinis ang mga CR ng mga guro at faculty members kaysa sa mga estudyanteng nagbabayad rito? Sa opisina, mas sosyal at pribelehiyo ang Cr ng CEO kumpara sa mga employees nito. Bakit walang malinis at maayos na paihian ang ibang lugar sa ating bansa? Hindi natin namamalayan na sa maliit na problema ay nakaugat pa ang mas malaking issue na kinahaharap ng bansa. Kahirapan, corruption, di pagkapantay pantay at iba pa. Hindi man deretsahang o hayag na sinabi sa akda, may malalim na usapin itong nais ipakita.
Sa unang linya pa lamang na “Sensitibo ako sa usaping kubeta” ay maeenganyo ka ng basahin ang buong akda.. Batay sa aming propesor, isa sa pinakamahirap na gawin ng isang manunulat ang makapag-isip ng unang linya o talata na magbibigay ng magandang impact sa mambabasa upang ipagpatuloy nilang basahin ang akda. At nagawa ito ni Nancy Kimuell-Gabriel, sa unang linya pa lamang ay nagbigay na agad ng curiosity sa utak ko bilang mambabasa. Sa unang tingin ay aakalain mo lamang na isa itong personal na kwento, kwento ng buhay ni Nancy na nakatira sa Tondo kung saan walang maayos na palikuran. Ngunit hindi, sa paraan ng pagkukwento niya ng kanyang mga karanasan sa lahat ng kubetang nagamit niya ay may kasamang mga pasaring sa gobyerno kung gaano kahirap ang buhay ng ibang Pilipino. Kung tutuusin napakaliit lamang na problema ng kubeta, ngunit lumalaki at lumala dahil hindi kaagad nasosolusyonan. Sabi nga ng iba, ang lahat ng bagay ay nagsisimula sa maliit mapapositibo man ito hindi. Binigyan ni Nancy ng bagong mukha ang kahirapan.
Ayon ng sa ating pambansang bayani na si Rizal, ang reporma ay nagsisimula sa itaas hindi sa ibaba. Gobyerno ang dapat manguna upang matugunan ang problema ng lipunan.
Si Nancy ay naging aktibista noong siya ay nag-aaral pa lamang. Ipinakita rin sa akda ang buhay ng isang aktibista, kung papaano sila tignan ng lipunan. Iba ang tingin ng tao sa kanila, mga di makuntento sa mga bagay na ibinibigay sa kanila, mga wala lang magawa sa buhay ganyan sila tignan ng ibang tao. Ngunit ang hindi alam ng iba ang kanilang mga sakrispisyo na mag-ubos boses at oras upang maging bibig nating lahat. Hindi sila nagrarally dahil trip lang nila, nagrarally sila dahil may hindi tamang nangyayari. Nagrarally sila dahil mayroon dapat mabago, mayroon dapat itama.
Sa pagbabasa ng akdang ito ay mamumulat ka sa reyalidad ng buhay.
0 notes
Text
Ang paghihikahos- Reaksyon sa kwentong Dangal ni Norman Wilwayco
Ang mundo ay pawang isang malaking entablado at ang lahat ng tao ay isa lamang aktor na may kaniya kaniyang imaheng pinoprotektahan. Ngunit, paano kung isang araw bigla nalamang mawala ang dangal at pangalang iyong pinahahalagahan? May nabasa akong isang kwento, Kwento ito ng isang batikang manunulat na si Norman Wilwayco, sabi rito, alam niya kung paano sirain ang dangal ng isang tao sa makabagong paaran. Sa unang basa, matapos ang isang akda, maaaring sabihing tanging pera lamang ang nakasisira sa dangal ng isang tao. Pero ang totoo, kung sisiyasating mabuti, di lamang pera ang tanging dahilan o ang nakapaguudyok sa isang tao bakit nawawala ang dangal niya. Kahirapan, naniniwala akong isa ito sa mga may malaking dulot bakit nagagawang sirain ng isang indibidwal ang imaheng kaniyang pinangangalagaan. Ang akda ay isang halimbawa ng taong naghahanap ng kasagutan sa Gobyerno. Sa kabila ng mga pangakong binibitawan at balitang sinasabi ng pamahalaan na gumanda ang ating ekonomiya at nahihigitan pa ang mga kalapit bansa, marami ang hindi naniniwala. Paano naman kasi, hindi maramdaman ang sinasabing pag-unlad ng ekonomiya. Marahil isa si Marissa sa nakakaranas ng gantong sistwasyon, patuloy na naghihikahos sapagkat walang maihandang pagkain sa hapag. Ang sinasabing pag-unlad ng ekonomiya ay nananatiling drawing lamang at nananatiling nasa pangarap lamang. Si Chris ay isang malaking halimbawa kung paano kumilos ang Gobyerno, puro pangako at puro pagbibigay ng mga suhol. Kumbaga sa uri ng tao, ito yung tao na puro hangin o yabang lang ang mayroon. Si Marissa naman ang halimbawa ng mamamayan. Pinipilit buhayin ang sarili at hangga't maaari ay wag papabilog sa mga mabubulaklak na pangako ng gobyerno. Hindi ko maintindihan kung bakit lagi nalamang ang mga may pera ang may karapatan at ang mga mahihirap ang laging kawawa. Hindi ba't sa umpisa pa lamang ay sira na ang dangal ng bawat isa sapagkat sa araw araw ay kailangan mong ibaba ang iyong pagkatao upang gumawa ng mga bagay na bubuhay sayo.
0 notes
Text
Baul — reaksyon sa akdang Kasal ni Eli Guieb III
Minsan isang araw nakapasok ako sa isa sa mga lumang kwartong matagal ng hindi nagagamit dito sa aming bahay .Doon natagpuan ko ang baul ni lola . Nakita ko ang mga lawaran, mga sulat at landian ng kahapon nila ni lolo. Kung paano magsumbong si lolo kung gaano kahirap ang mag trabaho sa abroad at kung paano mag kwento si lola kung gaano kakulit at katigas ang ulo ni papa. Habang nakaupo sa maliit na bilog na kahoy naalala ko ang kwentong pinabasa sa amin ng aming guro noong isang araw. Kwento ni Pareng Eli, isang award winning writer na nagkapagkamit ng Palangca award, big time diba ang akda ay pinamagatang Kasal. Doon ko napagtanto, hindi lahat kasing swerte ng lolo at lola ko .Hindi lahat tumatagal ang pagsasama hanggang kamatayan. Pero sa kabilang banda, binigyan ako ni Pareng Eli ng makabong depinisyon ng pagibig. Ang pagibig base sa kwento ay hindi naman ganon ka makapangyarihan. Hindi ako naniniwala na ang pagibig lamang ang tanging makapag bubuklod sa dalawang indibidwal. Hindi sa lahat ng oras ay kailangang pagibig ang pinapairal. Ang hirap kasi satin ngayon, mahilig nating pairalin ang puso .Sa lahat ng bagay puso ang sinusunod natin. Sabi pa nga, kung anong tinitibok ng puso mo sundin mo. E kaso yun ang problema. pabago bago ang puso ng tao. Ganto kasi yon, hindi sapat na parati nalang emosyon ang pinapagana. Sa pagmamahalan kailangan ng commitment na kahit sawa ka na sa muka niya tuwing bagong gising, at kahit nakakaasiwa na ang baho ng bunganga niya at nakakabagot na sa tuwing makikinig ka samga rants niya sa buhay, committed ka na siya at siya lang ang pipiliin mo araw araw .Maliban rito, tinulungan ako ng may akda na makita ang isang muka ng break up. Masyado kasi tayong nabilog ng mga telenobela na kapag may naghiwalay ay puro iyakan, gantihan at sumbatan nalang lagi ang mapapanood. Yun na kasi ang norm. Pag naghiwalay dapat masakit, dapat nakakaiyak. Dapat tumagos sa mga manonood. Natutunan ko na ang break up hindi laging nagtatapos sa iyakan. Pwede kang manghinayang pero hindi dapat magtatapos don. Tama nga naman, baka kasi naghihiwalay ang magkasintahan dahil una palang ay pilit nalang yung pagsasama. Kala mo mahal mo na. Yun pala yun lang yung convenient. Kala mo siya, kaso may iniintay ka pa pala. Muli kong binaling ang aking atensyon sa baul. Isang larawan ang pumukaw sa aking atensyon. Nung una ay inakala kong si lolo yun. Diko na masyadong maaninag ang muka sapagkat halos mabura na ng panahon at tanging kaunting bakas nalamang ng katawan ang nakapagpatunay na lalaki ang nasa larawan. Sa likod neto ay nakasulat ang katagang Para sa pinakamamahal kong Carmen nagmamahal, Ruben. Doon ko nalang napagisip isip na hindi yun si lolo. Malamang isa sa mga manliligaw ni Lola o di kaya'y past lovers niya. Naaalala ko noon nakwento ni Papa na andami raw muna naging jowa ni lola bago mapunta kay lolo. Baka isa si Ruben, Natawa ko, sa kwento kasi ni Eli, may ex din na sumabit. Kaso ang pinagkaiba lang. Hindi na binalikan ni lola ang ex niya, pero si Lizette, binalikan niya. Ang swerte ni Michael, kasi kahit anong tagal na ng relasyon ng magkasintahan sa kwento, nagawa niya paring bawiin si Lizette. Isa pa ang issue sa mga kabit, Mahilig tayong mag generalized. Pag manloloko, lalaki agad. Pag bungangera, babae agad. E paano na, sa kwento ni Eli hindi naman nabanggit na nagloko yung lalaki. Sa Akda ay napahapyawan ang pagloloko ni Lizette gamit si Michael. Nakapagbukas nanaman ang akda ng makabong muka na sa lipunan, lahat pwedeng magloko mapababae man o lalaki. Lahat pwedeng magsawa. Lahat pwedeng magbago, kasi nga hindi naman ang kasarian ang nagdidikta kung magloloko ka o hindi, hindi kasarian ang tumitibok. Ang puso. Puso ang nagbabago, babalik nanaman ako sa una kong punta. Puso ang naaakit sa mga ngiti at tawa ng isang tao. Puso ang gumagana kapag kinikilig ang isang babae. Puso ang napapalambot sa tuwing lulutuan ang lalaki. Sa kabuuan, natutunan ko na hindi sapat ang pag ibig para magawa mong mapag stay ang isang tao. Kailangan mong makasiguro kung committed ba siya sayo. Tanggapin nalang natin na araw araw hindi tayo kayang mahalin ng ating minamahal sa buhay, pero araw araw kaya nilang maging committed.
0 notes