Text
Binhing pangarap
Sa tinubuang lupa
Buhay ang ipinunla
Ngunit dugo ang inani.
1 note
·
View note
Text
Noon, Ngayon at Bukas
Yakapin ang nakaraan nang buong puso.
Huwag mabagabag!
Bahagi ng pagkatao ang tagumpay at pagkabigo.
Ito ang tanda na ikaw ay natututo.
Tanggapin ang kasalukuyan nang buo ang loob.
Huwag magpabaya!
Bawat sandali’y pagkakataong makapagdulot ng pagbabago.
Ito ang tanda na ikaw ay naninindigan.
Harapin ang darating nang buong tapang.
Huwag matakot!
Ang tao ay isinisilang at yayaong nakikipagsapalaran.
Ito ang tanda na ikaw ay nabubuhay.
1 note
·
View note
Text
Isang Bangkang Papel
Isang bangkang papel
Banayag na pumalaot
Tangan ang aking mga pangarap, mga pangako
Ang mga damdaming hindi nasambit
Ang poot at hinagpis, at pag-iisa
Ang pangungulila sa kaloobang payapa
Patungo sa malayang kamalayan
Na doon sa pampang ay nakatanaw at naghihintay
Sa mga bangkang papel na marahang naglalakbay
Lulan ang aking mga huling salita.
0 notes
Text
Murder in Manila
It reads like noir fiction, but it’s real. It’s happening. It has been happening for as long as I remember, only with different faces, different pawns, and different kings.
An investigative report on the war on drugs in Tondo, Manila.
0 notes
Text
“Sa Mga Ipapanganak sa Hinaharap”
Stumbling upon Pete Lacaba’s blogspot is the best thing that happened to me today! :) Here’s an excerpt of his translation of Bertolt Brecht’s “An die Nachgeborenen”, parts of which were famously used in the trailer for Erik Matti’s Buy Bust.
II.
Dumating ako sa lunsod sa panahon ng kaguluhan Nang laganap ang gutom. Naratnan ko ang mga tao sa panahon ng himagsikan At naghimagsik akong kasama nila. Sa gayon lumipas ang panahong Kaloob sa akin sa daigdig. Kumain ako sa pagitan ng mga labanan. Natulog ako sa pagitan ng mga mamamatay-tao. Ang pag-ibig ay binale-wala ko At ang kalikasan ay hindi ko pinagtiyagaan. Sa gayon lumipas ang panahong Kaloob sa akin sa daigdig. Mga kalye’y patungong kumunoy noong aking panahon. Isinuplong ako sa berdugo ng aking pananalita. Wala akong gaanong magawa. Pero kung wala ako, Napapanatag ang mga naghahari: umasa ako diyan. Sa gayon lumipas ang panahong Kaloob sa akin sa daigdig. Kulang ang lakas. Ang patutunguhan Ay malayong-malayo, Malinaw na natatanaw pero malamang Na hindi ko mararating. Sa gayon lumipas ang panahong Kaloob sa akin sa daigdig.
1 note
·
View note
Text
Post-script: Manila.
1.
Manila is a narrow corridor, dimly lit by a spluttering light bulb that dangles from the ceiling. It smells of smoke, sweat and piss. Rats scurry past. Bodies jostle each other. It is warm, tight, sticky, polluted, convoluted. A drunk man almost burns you with his cigarette; you push him away, but he only laughs and squeezes your buttocks, his dank breath all over your face. Disgusted, you look around for space, when something on the grimy wall catches your eye. A vandal. The scribble is slightly faded with age and beer stains. You could just make out the words in the swaying light. It read:
We'll take you in
We’ll rob you blind
We'll keep you up all day, all night
Then someone spins you around, kisses you hard. In the aftermath you will never remember who or what it was. You fuck against the wall, possibly twice.
You don't know when, but you pass out.
When you wake up, you are alone. Your trousers are pulled down to your knees, your buttocks wet with spilt beer and come--you know it’s not yours. Dazed, you leave, try your best to avoid the gaze of those left behind. You throw the door open. Outside, dawn has broken, the sun halfway to its roost.
You vomit on the sidewalk.
You run back to your hotel, past the curious gaze of the receptionist. You take a long shower.
An hour later, the hotel service takes you to the airport. You return to your quiet city with primly-cut flowers and polite old ladies on bicycles. You sit on a bench with a cup of coffee in hand and your dog's leash on the other. You look up at the grey sky, God's promise of rain in the afternoon. In that moment of serenity, your mind splutters at a memory like a dying light--
2.
Manila is not a beautiful city, has not been for a while. She is old and bloated with gin, Coke and McDonald’s. Her make-up is thick and gaudy, almost comical, but it fails to cover her bloodshot eyes. She is spent, wasted and past it. She smells of liniments and moth balls. She has plenty of stories, which she uses to entertain, often herself. The prima diva is still in there, she promises, bursting at the seams of her blue satin dress. She tells you that she was once the envy of the Orient, nay, of the West. She was an exotic secret. Back in the day, men grovelled at her feet. They still would, if only.
'They still do, in hunger,' you point out.
'And you will too, in your own blood,' she smiles, ugly and sincere.
3.
Occasionally, Manila is a story of fortune: of regal galas and fine wine, Guccis and Louis Vuittons, gratuitous los dichos, couples legally in pretension, politely suspicious chatter. But this, too, has a a tragic end.
4.
Manila is an empty theatre. Thin, rotten planks of wood guard its doors. Grafitti and piss adorn its walls. Only the morning sunlight is able to pass through its crown of glass and into the musty gallery, where it leaves a dusty litter of colours in its wake. It knows first loves and first sorrows, laughter and tears, fear, surprise, lust, fury, longing, struggle, survival. Stories are its life-blood, emotion it's prey. But it declaims to an audience long-lost to reality’s riveting drama. For who wants to watch art imitate life? To see fact pretend to be fiction?
5.
Manila is a wicked child. He has been called many names--salot, tanga, tarantado, gago--but his infantile mind struggles to remember all of them. The welts and bruises on his arms and buttocks are his battle scars of rebellion. He learns to work for what he eats at a young age. His unwashed hands are his tools of the trade. He scours the streets for affection and pity, knocking on car windows, palms open and outstretched as if in prayer. He often competes with a man who pretends he has just one. It is work that pays little dividends, and eventually they learn to share spoils, soldiers of the streets united in the camaraderie of need. Sometimes, when opportunity presents itself, he takes.
Most days he whiles away with other wicked children. The world is their playground, a land of fantastic possibilities. They dodge cars, chase jeepneys, and pester people for a free meal. They wipe windshields with muddy rags to force an earning. When it rains, they seek shelter in waiting sheds and watch sour-faced pedestrians skip clumsily across the puddles, seeking shelter themselves. He’s as numb and cold as a corpse, but in the comfort of friends and strangers, he relishes these moments of living.
0 notes
Text
Jovente: A Proposal.
Habang nagliligpit si Joven ng kanyang mga gamit pang-retrato:
Vicente: Joven, puwede ba kitang kunin sa kasal ko?
Joven: *nasindak, nangingilid na ang luha* A-ah, sige ho Koronel. Kailan ho ba--
Vicente: Hindi bilang isang potograpo... *lumuhod at kinuha ang kamay ni Joven* ngunit bilang katuwang ko habambuhay.
*wedding march*
(Shet, laglag na laglag ako sa ship na ito. Joven, matinik kang bata ka.)
109 notes
·
View notes
Link
Friendship goals.
0 notes
Link
Now, where to find a time-traveling DeLorean...
0 notes
Text
Pacoven Basketball!AU
Alam niyo ‘yung ideya na parang sirang plakang paulit-ulit sa utak? Ito ‘yun. Natigil na ang iba kong isinusulat dahil sa kanya. Halos mabaliw ako sa kakaisip. Ewan ko ba at ang lakas ng tama ko sa mga buwisit na baeyanis na ito.
Kaya heto, ilalabas ko na. Magkasala na kung magkasala. Sorry sa mga ninuno ko. Sorry talaga. *hikbi*
(Pinoproblema ko pa 'yung lintik na pamagat nito: He’s Dating A Bolero? Isang Bola Ka Lang? ODK IDK!)
Sa wakas.
Sa wakas, pinagbigyan na rin siya ng pagkakataon, sa katauhan ng Punong Patnugot ng La Independencia. Simula't-sapul nang pagpasok niya sa Universidad de la Libertad ay pangarap na niyang magsulat para sa sikat at tanyag na school paper nito. Hindi niya inaakalang papasa siya sa unang round ng screening. May saysay din pala ang nakakainis na pangungulit ni Jose sa kanya.
"Ang huli at ang pinaka-importanteng bahagi ng aming screening ay yung pag-sumite ng sample article," wika ng Features Editor na si Clemente Zulueta. "Kailangan mong magsulat ng isang artikulo ayon doon sa paksa na ia-assign namin. Kung makursunadahan ni SVR, pasok ka na. Minsan 'yung mga talagang mahusay na audition piece ay nailalathala na rin, tulad nu'ng kay Guerrero. Kung hindi ka naman pumasa, puwede ka pa rin namang collaborator." Yumukod nang bahagya ang nakatatandang estudyante. "Sa atin-atin lang ito, ha, pero manghang-mangha si SVR doon sa sample mong sanaysay. Hindi makapaniwalang sulat ng first year. May ibubuga ka, bata." Tinapik nito si Joven sa likod at kinindatan pa.
Ang pangyayaring iyon ay lalo lang nagpakaba kay Joven. Madali lang ang sumulat tungkol sa isang paksang gamay na gamay na niya, tulad ng usapang pulitika. Pero ibang kuwento 'yung sumulat tungkol sa isang paksa na walang siyang kaalam-alam--tulad na lang ng basketball.
Ang huli pa niyang kilalang mga manlalaro ay sina Bal David, Jaworski at Patrimonio. Diyos ko, eh kailan pa 'yun? At kung sa NBA o PBA pa lang eh bokya niya, papaano pa kaya ang college basketball? Buti na lang at bahagi ang kuya ni Jose sa basketball team, kung hindi ay baka hindi pa siya napahintulutan ng interview. Balitang-balita kasi ang terror nitong coach na si Luna. "Nanamapal na raw ng taga-Inquirer 'yun," tsismis pa ni Jose.
Pero wala na siyang magagawa. Iyon ang paksang ibinigay sa kanya. Isinaisip na lang ni Joven ang isang kataga mula sa paborito niyang artikulo na katha ng isang di-kilalang collaborator sa Indi: “Sa isang tunay na manunulat, ang lahat ng bagay ay may kuwento. At sa isang tunay na mamamahayag, ang bawat kuwento ay may ipinaglalabang saysay.”
'Eto na, Joven, bulong niya sa sarili. One shot lang 'to. Hindi puwedeng mumintis.
Bumuntong-hininga si Joven. Nag-krus. At dahan-dahang binuksan ang pintuan papasok ng basketball gym.
Isang ligaw na bola ang bumungad sa kanya.
"Lupit talaga ng mga pasa mo, Manny. Sapul 'yung bata sa mukha, o! Daig mo pa si Pacman maka-knock-out!"
"Ina mo, Rusca! Ikaw 'tong nanundot ng pwet ko, eh! Tinamaan tuloy ako kay Heneral!"
"Manahimik nga kayo! Kung mag-aaway lang kayo, doon na lang sa labas! Huwag sa loob ng clinic!"
"Ay sus, pumaparaan ka lang eh! Aminin mo, cute ito. Baby face. Type na type mo 'yan, Paco!"
"Rusca..."
"Oy, Paco, nakapila tayo dito ha. Akong una sa gunggong na 'to!"
"Grabe, haba nanaman ng hair ko. One at a time, mga boys..."
Dumilat si Joven. Sinubok intindihin ang malabo niyang paningin. Napapaligiran siya ng puti--puting kisame, puting kumot, puting kurtina. Sabi nung boses na narinig niya, nasa clinic daw siya. Bakit nga ba?
Biglang naalala ni Joven ang matulin na bolang tumama sa mukha niya. Ah.
"Uy, gising ka na pala!" Nginitian siya ng isang pilyong mukha. "Kamusta pakiramdam mo?"
"Okay lang po," mahinang sagot ni Joven. Sa katotohanan, dama niyang mainit at tila namamaga ang mukha niya, lalo na sa may bandang noo at ilong.
"Pasensya na brad. Hindi ko talaga sinasadya," wika ng katabi nito. "Nabasag ko pa 'yung salamin mo. Hayaan mo, pinatakbo ko na si Pepe sa SM, pinabili ng bagong pares."
Kumurap si Joven. "Kuya Manuel?"
Ngumiti si Manuel. "Kamusta na, Joven?" Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang balikat. "Mantakin mong college na kayong dalawa ni Pepe? Ang bilis talaga ng panahon."
"Tumatanda ka lang, kamo!" Humalakhak muli ang katabi nito.
Inirapan ni Manuel ang katabi. "Pakilala ko na rin sa'yo ang mga kasama ko, miyembro din sila ng Guards. Itong mokong sa kaliwa ko, si Ed Rusca. Maniwala ka't sa hindi, siya ang bise-kapitan namin."
"Anong maniwala ka't sa hindi?" protesta ng katabi.
"Ito naman si Kapitan Paco Roman." Tinawag ni Manuel ang lalaking kalikod niya. "Lumapit ka dito, Paco! Medyo malabo ang mata nitong si Joven, hindi ka niya makikita d'yan!"
"Oo nga, Kap! Huwag kang pa-shy!"
"'Di ka talaga titigil ah!" Binatukan ng Kapitan si Rusca. Unang napansin ni Joven ang matipunong mga braso ng Kapitan, pati na rin ang pagkakahawig nito sa isang sikat na artista. Narinig ni Joven ang matinis na kantyaw ni Jose sa isip niya: "Ayyyy Jovenito, Papaaaa!"
Malabo lang ang mga mata ko, giit ni Joven sa sarili.
"Pasensya ka na sa abalang idinulot ng dalawang 'to, ha," wika ng Kapitan. Malalim, mahinahon. Halos malambing. "Ikaw 'yung taga-Indi, hindi ba?"
"Ah, aplikante pa lang po," tuwid ni Joven.
"Patay. Pang-aplikante na lang tayo!" sumbat ni Ed.
"Ang importante, may publicity," wika ni Paco. Nginitian niya si Joven. "Ikaw na ang bahala sa 'min, ha?"
Lumunok si Joven. Diyos ko. Ibang kuwento na talaga ito.
Halos hindi pa rin makahinga sa tawa si Jose, isang araw matapos ang mga pangyayari.
"Hindi pa rin ako maka-move-on na tinamaan ka ng bola sa mukha." Pinahiran ni Jose ang nangingilid na luha. "Iba ka talaga, Jovs!"
"Tigilan mo nga 'ko," payamot na sagot ni Joven. Una nang nagalit ito sa kaibigan nang malaman niyang neon green na may polka dots ang frame ng binili nitong salamin. Pero dahil sa bayad ito ng basketball team, hindi na niya ito matanggihan.
"Bakit ka nga ba nandito?" Hamon ni Joven. "May klase ka ng alas-kuwatro, 'di ba?"
"Tange, try-outs sa Guards ngayon! Mas importante 'to 'no! Isa 'to sa mga sinabi kong una kong gagawin pagkapasok ko sa Libertad." Itinaas ni Jose ang kanyang mga balikat, at umastang titira ng bola. "Imagine, pare. Jose Bernal steps outside, shoots--BERNAL FOR THREEEEEE!" Ngumisi ang kaibigan. "Ito ang step one."
Umiling-iling si Joven. "Baka hindi ka na mamansin kapag sumikat ka na, ah."
"Sus!" Inakabayan ni Jose si Joven. "Paano kitang hindi papansinin, eh ikaw ang mag-i-interview sa akin?"
Napatawa si Joven. "Sira. Huwag mong batiin."
Nagkibit-balikat ang kaibigan. "Libre lang naman mangarap, 'di ba?"
Kaunti lang ang mga mag-aaral na dinatnan ni Joven at Jose sa loob ng gym. Bakas sa mga mukha nito ang takot at kaba, marahil sa mala-demonyong reputasyon ng coach ng Libertad Black Guards. Namukhaan ni Joven ang mga freshman na tulad nila--isa na dito si Jose Bugallon, isang kapwa niyang Pol Sci major. Masaya niya itong kinawayan.
"Kow. Paunti na nang paunti ang mga aplikante natin, ah," wika ni Rusca.
"Mabuti nang masala nang maaga ang mga duwag," matalim na sagot ni Garcia.
"Defensive ka nanaman, tsip." Tiningnan ni Rusca ang mga aplikante at pumalakpak. "Siya, siya. Linya na, mga bagito! Magsisimula na ang try-outs natin."
"Good luck, tsong," bati ni Joven sa kaibigan. Tumango lang si Jose at nakipag-apir. Aba, kinakabahan din pala ang loko, natatawang inisip ni Joven. Pero aaminin niya, kinakabahan din siya para sa kaibigan. At sa iba pang dahilan...
Lumakad na si Joven papunta sa mga bleachers nang biglang may humarang sa kanya. "Nandito ka rin pala," wika nito.
Napatingala si Joven sa mukha ng humarang. Napatigil. "Kapitan!"
"Joven," bati nito nang may magiliw na ngiti. "Sasali ka ba sa try-outs?"
"Hindi po!" Malakas na tanggi ni Joven, nagugulantang sa kaba. Huminga siyang malalim. Easy lang. Wala ka na sa high school. "Moral support lang ako ni Jose. At gusto ko na rin ho sanang makilala si Coach Luna."
"Ganu'n ba? Hayaan mo, ipakikilala kita kay Heneral mamaya."
Napakunot-noo si Joven. "Bakit ho Heneral ang tawag niyo sa kanya?"
Lumaki pa lalo ang ngiti ng Kapitan. "Makikita mo."
Biglang bumalagbag ang pintuan ng gym. Masigasig na pumasok ang isang lalaking naka-sombrero-militar. Kapansin-pansin ang bigote nito, na may kamangha-manghang tikas at kapal.
"MGA TONTO!" Bulyaw nito, na siyang ikinanginig ng mga aplikante. "AYUSIN NINYO ANG MGA TINDIG NINYO! PARA KAYONG MGA BASANG KANGKONG!"
Hinablot ng lalaki ang listahan mula kay Rusca. Mabilis itong binasa.
"Bernal, Jose!"
Pumaharap si Jose nang may tapang at determinasyon sa mukha, ngunit pansin ni Joven ang pangingining ng tuhod nito.
"Kapatid mo si Manuel, hindi ba?" Matigas na tanong ng lalaki.
"Opo!"
"Pwes, ipakita mo sa mga mangmang na ito kung anong kailangan upang makapasok sa Black Guards." Pumadyak ang lalaki. "Adelante! Singkuwentang ikot!"
Balisang sumulyap ang nakababatang Bernal sa kanyang Kuya. Taimtim lamang na tumango si Manuel bilang suporta. Naglinaw ang mukha ni Jose. "Singkuwentang ikot!" hudyat niya, at sinimulan na ang mahabang takbo paikot ng court.
Ngumiti muli si Paco. Kita sa kanyang banayag na mukha na pangkaraniwan na ang ganitong mga eksena. "Joven, si Heneral Luna," simpleng pakilala niya.
Nagtagal ng humiigit-kumulang dalawang oras ang try-outs. Hindi na halos makausap si Jose pagkatapos nito.
"Malalaglag na yatang kusa ang mga braso at binti ko," ungol niya.
"Masasanay ka din, 'tol," wika ng kuya nang may pagmamalaki.
"Ang galing mo!" Bati ni Joven. "Lalo na noong game--akala ko malulusutan mo na si Rusca nu'ng huli! Sayang!"
"Hah! Madami ka pang ensaymadang kakainin, bata," mayabang na bulalas ng manlalaro.
"Joven."
Lumapit si Paco sa kanya. Pawis sa laro, nagpunas ito ng mukha gamit ang nakasabit na tuwalya sa kanyang balikat. "Halika na. Ipakikilala kita kay Heneral."
Nagtinginan si Rusca at ang magkapatid. "Handa ka na ba, tsong?" Seryosong tanong ni Jose.
Naalala muli ni Joven ang paborito niyang artikulo sa Indi, at ang isa pang kataga mula rito: Ang mamamahayag, walang pinipiling kuwento. At ang kuwento, walang pinipiling oras.
"Oo." Iniayos niya ang bag sa balikat at tumingin kay Paco. "Handa na ho ako, Kapitan."
Inayos ni Joven ang kanyang pagkakaupo sa kahoy na silya. Makakaharap na niya si Coach "Heneral" Antonio Luna, ang mukha ng Batas Militar sa Libertad, at pati na rin ng Athletics Association of Philippine Colleges and Universities (AAPCU). One-on-one pa ang kanilang paghaharap. Halos hindi na marinig ni Joven ang sarili sa tindi ng yabag ng kanyang dibdib.
Nagmasid si Joven sa kuwarto upang mabawasan ang kaba. Unang nasipat ni Joven ang tawag-pansin na poster na nakapaskil sa itaas ng mga nakahanay na aklat. Isang kataga lang ang nakasulat dito:
ARTIKULO UNO. Ang hindi sumunod sa utos ng Punong Entrenador ay tatanggalan ng oras at ibabangko nang walang paglilitis sa korte.
Lalong lumalim ang pangambang naramdaman ni Joven.
"Kinakabahan ka ba?" pabirong tanong ni Paco. Tangan niya ang isang clipboard na may nakapatong na mga tasa at isang platito ng ensaymada. Umalingasaw ang tamis-pait na amoy ng mainit na kape sa buong kuwarto.
"Um, paano niyo po nasabi?"
"Hindi ka na gumalaw simula nu'ng iniwan kita, eh." Inilapag nito ang mga dalahin sa mesa, at itinabi ang ensaymada sa kape ni Joven. "Relax lang, hindi naman nangangagat 'yun. At huwag mo na rin akong i-po. Tatlong taon lang ang tanda ko sa'yo."
Kinagat ni Joven ang labi sa hiya. "Sorry, Kapitan. Nasanay lang."
"Paco," pagtutuwid pa nito. "Tawagin mo na lang akong Paco."
"Kuya Paco?" Subok ni Joven.
Natawa si Paco. "Naku, huwag ‘yan! Nakakapanibago. At walang humpay na kantyaw ang aabutin natin kay Rusca!"
Umupo si Paco sa harap niya. Nagmasid sa paligid na tila malalim ang iniisip.
"Alam mo, sikat ang Black Guards dati," wika ni Paco. "Iyong batch nina Bonifacio, Jacinto, Sakay, Ricarte, Alvarez. Magdiwang pa ang pangalan ng team nila noon. 'Yun ang unang pagkakataon na nanalo tayo sa AAPCU."
"Naka-back-to-back pa ang Magdiwang sa inter-collegiate. First runner-up naman sa regionals. Mahusay talaga ang grupong iyon. Hanggang sa..." Nagdilim ang mukha ni Paco.
"Hanggang sa?"
Natauhan si Paco sa nag-aalala at nagtatakang mukha ni Joven. Umiling. "Hayaan mo na. Nakalipas na 'yon."
Mag-uusisa pa sana si Joven nang bumukas na ang pinto. Dumungaw ang striktong mukha ng Heneral. "Paco? Nandito na ba ang bata?"
Tumango si Paco. "Opo, Coach." Maluay nitong iniligay ang kanyang kamay sa likod ni Joven at inalalayan ito papalapit sa Heneral. "Ito po si Joven Hernando."
"Magandang hapon po, Coach Luna." Mabilis na bati ni Joven. Mapanuri ang mga mata ni Luna habang kinakamayan niya ito.
"Aplikante siya sa Indi," paliwanag ni Paco. "Tayo ang napili niya sa audition article niya. Puwede daw masama sa Features ng susunod na edisyon."
Tiningnan siyang muli ni Luna mula ulo hanggang paa. "Matagal ba ito, hijo? May Faculty Assembly pa akong dadaluhan."
"Wala pa ho sigurong labinlimang minuto, Coach." Lalong humigpit ang hawak ni Joven sa bag. "Gusto ko lang ho sanang malaman ang plano ninyo para sa Black Guards sa darating na season."
"Mmm." Tumingin si Luna kay Paco. "Sige, Paco. Iwan mo muna kami."
Lumuwag ang mukha ni Paco. Nginitian nito si Joven, at tila bumulusok ang lakas ng loob ni Joven sa ipinapakitang suporta ng Kapitan.
Nasira lang ang sandaling iyon nang biglang bumulyaw si Luna: "KAPITAN! NASAAN ANG ENSAYMADA KO?"
Biglang namula ang pisngi ng Kapitan. Umiwas na ito ng tingin kay Joven.
Bakit ka ganyan? Angal ng isip ni Joven. Hitsurang oso pero asal teddy bear! Nakakainis! Kung nakatabi niya si Paco sa mga sandaling iyon, tiyak si Joven na hindi na niya mapipigilang kurutin ang mga pisngi nito.
Wala. Suko na siya. Hindi na niya maipagkakaila pa.
Ang kuwento, wala nga talagang pinipiling oras. Lalo pala ang kuwentong pag-ibig.
Sinindihan ng Heneral ang binunot nitong tabako. Bumuga ng ilang beses bago marahang naupo sa silya.
"O, maupo ka rin," anyaya niya.
Naupong muli si Joven. Wala na sa asta ni Luna ang mabangis na basketball coach na kanina lamang ay nagpahirap at nagpasakit sa mga kaawa-awang aplikante, pero naunahan na si Joven ng hiya.
"Alam mo, hindi talaga dito ang opisina ko,” wika ni Luna. “Mayroon pa akong isang opisina sa Pavillion. Mas maluwang, maaliwalas. Ngunit kahit magulo at maliit ang opisinang ito ay dito lang ako nakakapag-isip ng gameplay, ng formation, ng istratehiya. Basta't usapang basketball, dito ko ginagawa. Burado ang lahat ng iyon pagbalik ko sa Pavillion." Natawa si Luna. "Ang misteryo nga naman ng utak ng tao.”
"Narinig ko nga ho na nagtuturo po pala kayo ng Chemistry."
Ngumiti ang Heneral. "At ano pa ang narinig mo tungkol sa akin, Joven?"
Nagdalawang-isip si Joven sa sasabihin. "Sabi po nila, ang hanap niyo raw po ay digmaan, hindi basketball," marahan nitong sinambit. "Na pang-ROTC daw po ang paraan ng pag-coach ninyo."
"ROTC?" Ulit ni Luna. "Aanhin ko ang mga sunud-sunurang kadete sa korte? Pera! Pera ang napapatakbo sa laro ngayon. At pagbalig-baligtarin ko man ang unibersidad na ito, wala tayong mapagkukunan niyan. Tao lang ang maipanglalaban natin. Kung kaya’t lalong mahalaga ang disiplina.”
Kinabog ni Luna ang lamesa. Bahagyang napatalon si Joven sa kinauupuan.
"Disiplina, tiyaga, at maayos na pagkalinga ng talento,” giit ng Heneral. “Iyan na lang ang natitira kong pamato, Joven. At nakita mo naman kung gaano kahirap humanap ng mga pamato dito. Para kang nanghuhuli ng hangin."
Kitang-kita sa mga linya ng mukha ni Luna ang pagod at pagkabigo nito sa adhikain. Ito ang pagod at pagkabigong nauunawaan at nadarama lamang ng isang tunay na guro.
“Isa lang ang hiling ko sa’yo, Joven, at iyan ay ang pagbutihin mo ang Feature mo sa mga bata ko.” Malata ang ngiti ng Heneral. “Simple lang naman ang kaligyahan ng mga tontong iyon.”
Uminit ang dibdib ni Joven sa pagkamangha at paggalang sa guro. “Sisikapin ko ho,” madiin at buong-pasyang sagot niya.
Napatigil si Joven nang masulyapang muli ang katagang nakapaskil sa pader. “Sir? Isa pa hong katanungnan?”
“Talaga bang isa na lang ‘yan?” Pabirong pasaring ng guro.
“Ah, opo. Nakita ko ho kasi ‘yung poster ninyo, iyong Artikulo Uno. Ano ho ba ang pinagmulan nu’n?”
Nagulat ang binata nang biglang humalakhak si Luna. “Mahaba-habang kuwento ‘yan, hijo. Siya, kapag naipasa mo ‘yang Independencia eh ibabahagi ko sa iyo.”
Tumingin na si Luna sa oras. Biglang sumimangot. “Puñeta, ang ensaymada ko! Saan na ba nakarating ‘yang si Paco? Naharang nanaman ng mga haliparot na tindera ang cabrón!”
Dali-daling lumabas ang Heneral at galit na ipinahanap ang Kapitan. Wala nang nagawa si Joven kundi ang pumikit at ipagpasa-Diyos na lamang ang kinagigiliwan.
#heneral moon#pacoven#gratuitous use of#ensaymada#university au#paco roman#joven hernando#heneral luna
21 notes
·
View notes